B2: Chapter 40: Death Threat?

Kara's POV

Nice! Nagbalik na rin ang tweenny namin ni Colossus ko!

Nasa mini stage ngayon ang dalawa, syempre..sila bida ngayong gabi..

"So, Engr. Josh Diones, how was it feel to have your memories back? " umienglish si Rick Montano

"Syempre, masaya and thankful.. " simple nyang sabi sabay pasimpleng hawak sa kamay ni Bambi na katabi nya

"Bat may paghawak? " sita ni Bel

"Bakit masama ba hawakan ang kamay ng soon to be wifey ko? " hirit ni singkit, nagblush si tweeny

"WIFEY!!? Nagpropose ka na? " react ng lahat

"Grabeh kayo! Hindi pa kaya..May nakikita ba kayong singsing? " taas kamay na sabi ni Bambi

"Wala! " hirit namin ulit

"Makareact kayo eh! Practice lang" si Josh

"Well, sino ba mauuna sa altar? " si Maximo

"Malamang sila ate! Engaged na kaya sila.. " si Bambi

"Sinong susunod? " tanong ni Christian

"Gusto mo sundan nyo na ni Jess! " hirit ni Diego

"Sira! Mag iipon pa kami! " sabay batok ni Christian kay Diego

"Aray! Mangbatok ba!? " sad tone ni Diego

"Hahahahahaha! " nagsitawanan kami nabalot ng kasiyahan ang muling pagbabalik ng JoshBi couple

End POV

2 weeks later....

Bambi's POV

Ang bilis ah! 2 weeks ng nakakalipas ng makabalik na kami ni Josh dito sa California..Ang saya lang na patuloy na nagiging maayos ang lahat at ang relationship namin ni Josh..

"Sis! Mukhang tulala ka na naman dyan? " nagbalik ako sa realidad ng pumasok si ate  sa opisina ko

"Ate? Ikaw pala..may kailangan ka? " sabi ko

"Wala naman..nag office visit lang..eh mukhang malalim ang inisip mo.. " say ni Ate sabay upo sa harap ko

"Wala, iniisip ko lang na ang bilis ng araw biruin mo 2 weeks na pala nakakalipas ng makabalik kami dito sa California..at patuloy na nagiging maayos lahat ang barkada,tayo..kami ni Josh.." salaysay ko

"Ah! Kaya pala..Lapad ng ngiti mo ng banggitin mo si Josh.. " humirit na si Ate

"Ate talaga!" deny ko

"Oh bakit? Totoo naman.." ay ate hah..

"Bakit ikaw..diba ngiting ngiti ka dyan kapag binabanggit mo si Jacob.. " papatalo ba ako sa asaran

"Grabeh sya! Bakit masama? Eh Fianće ko naman sya! " aba inamin din

"Asus! Kilig ka naman! Na Fianće mo na ang Jacob mo! " sabi ko

"Inggit ka lang sis..Gusto mo sabihin ko na kay Josh na ayain ka na magpakasal? " ay Ate don't me! Si Josh na bahala don kung kailan nya gusto

"Kami ba pinag uusapan nyo? " ay palaka sino ba yun? Ah ang dalawang echoserong frog este ang dalawang prinsipe namin ni ate

"Oh Jacob? Napadaan kayo? " sabay beso ni ate kay Jacob

"Masama? " si Jacob sabay lungkot tone

"Di naman! Tsaka bat nagsama ka pa ng sabit? " ay ate hindi sabit ang hubby ko, praktis lang! Hehe

"Grabeh Bel, hindi ako sabit, masama bang bisitahin ang prinsesa ko? " ay kilig si ako, Joswa hah!

"Hindi naman! Bakit nga kayo andito dalawa? Wala ka bang recording Jacob? Ikaw Josh? Wala ka bang trabaho hah? " wow deretsahang tanong ni Ate

"Wala po akong recording, tsaka tong si Josh nakasalubong ko lang yan sa baba.. " paliwanag ni Jacob

"Eh ikaw naman Joswe! Anong nakain mo at napadpad ka dito? " nagsalita na si ako

"Syempre para bisitahin ka at yayain ka mag lunch.. " kindat sakin ni singkit, ang cute nya hah

"Sabagay! Maglalunch na nga, so tara? " sabay hila ko kay singkit palabas ng office ko

"Wow hah! Bambi kayo lang maglalunch? " humirit si ate

"Syempre! Tsaka kasama mo naman ang Fianće mo! Bye! " sabay tuluyang lumabas ng office ko kasama si Josh

JaBel side

"So ano..tara?" aya ni Jacob kay Bel

"Saan naman?" pagtatakang tanong ni Bel

"Syempre maglalunch date, ayaw ko naman magutom ang prinsesa ko" pacute na sabi ni Jacob

"Asus! Nambola pa si Mr. Vergara.." sabay kurot sa ilong ni Jacob

"Aray..sakit non ha.." say ni Jacob

"Sorry naman! Tara na nga.." sabi   ni Bel

"Wala pang kiss sa nose..ang sakit eh.." hirit ni Jacob

"Neknek mo..di ako katulad ni Bambi noh..bumibigay agad sa charms ni Josh.." say ni Bel

"Sabi ko nga! Tara na nga!" sabay akbay ni Jacob kay Bel 

JoshBi Side

Restaurant near the Office

While eating lunch together...

"Bakit dito mo naman napiling maglunch date tayo?" tanong ni Bambi kay Josh

"Syempre, eto lang naman ang pinakamalapit na resto dito sa office natin.." taas kilay na sabi ni Josh

"Natin ka dyan?" say ni Bambi

"Bakit? Eh halos two blocks away lang naman extension company namin sa company nyo.." hirit ni singkit

"So..saan ka ngayon tumutuloy singkit?" tanong ni Bambi

"Edi dyan sa condo ko, mga 4 blocks away sa extension company namin.." paliwanag ni Josh

"Eh akala ko ba sa New York ka lang may condo?" si Bambi

"Abay! Bumili na ko ng sarili kong condo dito, kakahiya naman kung dun pa ako makikituloy sa inyo.." sabi ni Josh sabay lagok ng juice

"Bakit ka naman mahihiya samin eh di ka naman iba sa amin ni ate.." banak ni Bambi

"Basta, nakakahiya kasi baka sabihin ng ate mo sabit na naman ako.." lungkot tone ni Josh

"Asus! Naglungkutan ka na naman! Ganun lang yun si Ate, parang may period yun kahit wala.." say ni Bambi

Ring*

"Oh phone mo baka importante yan?" say ni Josh

"Si ate natawag.." sabi ni Bambi

"Sagutin mo na.." at sinagot ni Bambi

Phone Conversation

"Ate? Bakit?" si Bambi

"Bambs! Wag ka nang pumasok, maghalfday ka na lang.." si Bel

"Eh bakit naman?" sagot ni Bambi

"Ako ng bahala dito, alam kong nag eenjoy kayo ng jowa mo dyan.." masayang sabi ni Bel

"Ate bakit nga? naglalunch lang naman kami ni Josh.." paliwanag ni Bambi

"Basta, may sopresa daw sayo ang mokong na yan so enjoy.." sabi ni Bel sabay off ng tawag

"Ate--" tooot 

"Ano daw sabi?" tanong ni Josh

"Sabi daw maghalfday nalang ako.." say ni Bambi

"And?" taas kilay sabi ni Josh

"Sabi daw may sorpresa ka daw sakin?" sabi ni Bambi

"Well, ang totoo nyan nakiusap ako kay Bel kanina na i-halfday ka nalang kasi may pupuntahan tayo.." sabi ni Josh

"Saan?" tanong ni Bambi

"Surprise nga!" sabi ni Josh

After lunch..

" Lets go?" aya ni Josh kay Bambi

"Teka san ba?" sabi ni Bambi

"Basta.." sabay hila ni Josh kay Bambi palabas ng restaurant

"Eh pano naman tayo aalis eh wala naman tayong sasakyan.." reklamo ni Bambi

"Ayan oh!" sabay turo ni Josh ni sa sasakyan nyang Ferrari

"Wow! Yaman! naka Ferrari.." nanlaki ang mata ni Bambi

"Syempre , two seater yan para syempre sa loves ko.." kindat ni Josh kay Bambi

"Tigilan mo nga ako! Kinikilig na naman ako.." nagblush si Bambi

"Tara na nga baka lalo pang uminit yang mukha mo sa kilig.." biro ni Josh

"Kapal mo!" banat ni Bambi

"After you my Princess!" sabay bukas ng pinto ng kotse si Josh

"Wow hah! Gentleman?Kailan pa.." pang asar ni Bambi

"Nung niligawan kita.." hirit ni Josh

"Imba!" asar Bambi

After 1 hour of driving..

"Wow! Winter  Fun land!!!!" excited na sabi ni Bambi

"Lets go!!" sabay hatak ni Josh kay Bambi papasok ng Winter Fun land

"Mam, Sir, here's your winter suite and enjoy the below 17 degree snow here at Winter Fun land.." say ng entrance lady

Meanwhile...

"Nakuha pang mag date sa Fun land..hmmm..let's see kung magugustuhan nyo ang laro gagawin ko sa inyo.." boses ng babaeng palihim na pinagmamasdan ang date ng JoshBi

Robin's POV

"Bel? bat mo naman pina halfday si Bambi?" pinaghalfday ba naman si Barbara, ayan full  loads na naman ako

"Eh kasi may surpresa daw ang katokayo mo kay Bambi.." simpleng sabi ni Bel habang busy sa mga paperworks nya

"Oh! Yun lang.." reklamo ko

"Bakit? Eh diba kapag nagpapaalam kang may date kayo ni Kara, diba pinapayagan kita.." tirada ni Bel

"Grabe naman..Quick date lang naman yun.." paliwanag ko

"Kaya nga..wag kang magreklamo dyan at tapusin mo na ang dapat tapusin para mapirmahan ko na.." say ni Boss Bel

"Yes, boss.." wala surrender ang kuya nyo..

End POV

Back to JoshBi side..(Fun Land)

"Brrr!!!! ang lamig!!!" say ni Bambi habang naglilibot sila sa Winter Funland

"Gusto mo yakap?" hirit ni Josh

"Neknek mo!!! Habulin mo muna ako!!!" say ni Bambi sabay toink kay Josh at kumaripas ng takbo hinabol naman sya ni Josh, parang bumalik lang sa pagkabata

Kinikilig ang mga taong nanonood sa kanila..

"Ang sweet naman nila.." say ng isang babae

"Ayiieh! Kilig vibes.." kilig na sabi ng grupo ng kababaihan namamasyal sa Winter funland

Hanggang sa..

"Huli ka!!!" nakaback hug si Josh kay Bambi, wala kawala si Bambi dahil mahigpit ang yakap ni Josh 

"Sige na talo na ako!!" tuwang tuwnag sabi ni Bambi

"Anong kapalit?" ngiting nakakaloko siJosh

"Ano ka!!? Sinuswerte!" say ni Bambi, pero na kakiss na si Josh sa cheeks

"Too late!! Nakuha ko na premyo ko!" sabay kalas ni Josh sa yakap sabay layo konti kay Bambi alam na nya gagawin nito

"Huy!!! Nakakarami ka na hah!! Engr. Ralph Joshua DIONES!!!!" hirit ni Bambi

"Peace tayo...My soon to be Mrs. Barbara Fortez-Diones!" humirit pa ng isa si Josh

"Aba!!! dugtungan agad..halika dito!!" ayan na nag umpisa ng tumakbo si Josh dahil hahabulin na sya ni Bambi

"Halika dito!!!" say ni Bambi habang hinahabol si Josh

Naghabulan na lang naghabulan ang dalawa hanggang sa..

"Ayaw ko na! Pagod na ako!!" sabay upo ni Bambi sa may bench

"Bagal mo kasi.." sabay upo ni Josh sa tabi nya

"Humirit ka pa kasi.." reklamo ni Bambi

"Nagpapa cute lang.." say ni Josh

"Teka parang may snowka ata sa may tenga.." sabay linis ni Bambi sa tenga ni Josh

"Salamat ah.." si Josh

"Para san?" natatawang sabi ni Bambi

"For everything.." simpleng sabi ni Josh

"Teka anong oras na ba?" tanong ni Bambi

"Its 2:30 pm.. tara na labas na tayo.." aya ni Josh

"San naman tayo pupunta?" tanong ni Bambi

"Basta..you will know it later.." say ni Josh hila kay Bambi palabas ng WInter Fun Land

Nag enjoy ang dalawa sa kanilang galaan, hanggang sa sumapit na ang 5:00 pm kailangan na nilang uuwi ng..

Rainshower pour down...

"Naulan na!" say ni Bambi habang naghahanap sila ng masisilungan sa park ng..

"Dito na lang tayo.." aya ni Josh habang patuloy silang nababasa sa ulan

"Sira ka ba!! Basang basa na tayo oh!" hayag ni Bambi

"I enjoy na natin to noh!!" walang nagawa si Bambi at sumige na rin sya kasama si Josh na magtampiwas sa buhos ng ulan

Mula sa malayo..

"Game no. 1.." sabay may pinakawalang pana ang isang lalaki papunta kila Bambi

"Diba enjoy!!" say ni Josh

"Para tayong mga bata!! Naglalaro sa ulan.." say ni Bambi ng..

"Bambi..ilag!!" sabay hila ni Josh kay Bambi dahil may tumamang pana sa puno malapit sa kanila na may papel na nakatali, kinuha ito ni Josh at binasa

Message..

"Magpakasaya lang kayo dahil nag uumpisa na ang laro nyo papuntang langit.." -Your Worst enemy

"Anong nakalagay?" tanong ni Bambi, sabay bigay ni Josh ng sulat

"Death Threat! Sino naman ang gagawa nito?" nagtatakang tanong ni Bambi

"Di ko alam.." say ni Josh

"Josh! natatakot ako..bat parang di na natapos ang mga gantong pangyayari.." natatakot na ekspresyon ang nasa mukha ni Bambi

"Wag kang matakot Bambi, nandito lang ako okay!" sabay yakap kay Bambi

===========================================

Unknown Person: Nag-uumpisa na ang laro natin..

  = Zel_25= 

October 4, 2018  



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top