B2: Chapter 36: First Night Together!!!

Bambi's POV

  Hay ibang klase talaga yung babaeng yun, sya na nga yung may ganang makipagbreak kay Josh nung high school, tapos ngayon babalik sya kung kailan kami na ulit..grabeh..

"Bambi? Okay ka lang?" si Josh habang nasa biyahe kami pauwi

"Okay lang ako.." sabi ko

"Sure ka? Mukhang umusok na nga ilong mo sa pula?" imba rin tong lalaking to sabi ko okay na ako, napansin pa rin ang ilong kong puputok na sa galit dahil sa babaeng yun

"Josh, I said okay lang ako, wag mo ng pansinin ang ilong kong umuusok na sa galit pwede?" pagtataray ko

"Si Alexa yan noh?" ay sinabi ng wag babanggitin ang pangalan nung echoserang girl na yun

"OO na! Dahil sa echoserang babaeng yun kaya uumusok ang ilong ko ngayon sa galit, panira na araw talaga ang babaeng yun." wala nasabi ko na, ang kulit kasi ng isang to eh, di ko naman matiis

"Ah..bakit ka nagagalit sa kanya? " ay sira Josh naman alam na diba

"Panira kasi ng araw!!!" liar Bambi

"Panira ng araw o nagseselos ka dahil sinabi nyang mahal nya pa rin ako, kahit ako di ko parin maalala ang bagay na yun.." ay sinusubukan ako ng singkit na to

"PAREHO!!! TAPOS!!!" sabay tingin ko sa bintana ng kotse

"Oh...Si Bambi selos kay Alexa.." aba nagawa pang mang asar

"Josh! Pwede wag mo nang banggitin ang pangalan ng echoserang girl na yun!!!" naaasar na ako

"Okay..kung yan gusto mo!! Sorry na!!" naglalambing na naman sya, weakness ko to eh pagdating sa kanya, isa!

"Josh ano ba!!?" pakipot si ako

"Sorry na kasi please!!" naku naman Joswe, tigilan mo yan, lalo akong nahuhulog eh

"Oo na!! Sige na!! Please lang!! wag na wag mong babagitin sakin ang pangalan ng echoserang babaeng yun okay!" mando ko sa kanya

"Okay!! Promise!!" taas nya ng kanang kamay

Fastforward...

Sa bahay namin..

"Oh buti naman nakauwi kayo ng maayos anak.." bungad samin ni Mommy na nasa sala

"Buti nga po mommy nakauwi kami ng maayos ng walang aberyang nangyari.." paliwanag ko

"Bakit meron ba?" takang tanong ni mommy

"Konti lang po tita, pero okay naman.." aba sumabat na si Josh

"Anong konti yun iho?" tanong ni Mommy kay Josh

"Ahm..may unexpected na person kaming nakita sa mall, sabi nya po sya po si Alexa, yun ex ko?" bungad ni Josh

"Ah..Bambi yun ba yung girl na talagang pinagselosan mo noon kay Josh, nung naging sila dahil hindi nagwork relationship nyo noon, naglayas ka pa nga noon diba?" Mommy naman past is past ang sakit kaya ng mga memories na yun

"Mommy naman!! ipagduldulan ba na sya ang naging matinding karibal ko kay Josh.." sabi ko 

"Bakit masama ba? Eh kita mo naman na mas pinili ka ni Josh over that girl na pinagseselosan mo..diba iho?" sabi ni Mommy

"Opo, tsaka kahit di ko man maalala na naging ex ko po yung Alexa yun, eh nararamdaman ko pong si Bambi po talaga ang pinakamahalaga po sakin.." aba aba humihirit ang lalaking to kay mommy

"See anak! No doubt, coming from Josh na.." sabi ni Mommy

"Oh pano? gabi na..nakakain na ba kayo?" tanong ni Mommy

"Katatapos lang mo mommy dumaan po kami sa isang restaurant to eat dinner.." sabi ko

"O sige! sya! Una na ako sa taas para makapagpahinga,kayo dalawa akyat na rin kayo okay?" say ni sabay akyat sa taas

"Sure mommy sunod na rin po kami.." sabi ko

Nabalot ng katahimikan ang sala ng..

"Akyat na tayo?" si Josh

"Ah..o sige una ka na.." sabi ko

"Tara na, gabi na oh, pahinga na tayo.." sabay hila sakin ni Josh papunta sa kwarto ko

Bambi's Room

"Oh damit mo.." sabi ko sabay abot ng damit kay Josh

"Bakit?" tanong nya

"Mag shower ka muna noh! kanina pa yang umaga yang damit mo.." reklamo ko

"Grabeh sya! eh ikaw? kanina pa yang damit mo diba? dapat ikaw muna mag shower noh.." protesta nya

"Ikaw muna!" sabii ko

"Ikaw!" sabi nya

"Kung ayaw mo..edi sabay nalang tayo?" taas kilay pa ang mokong, shems! nagblush na naman ako sa sinabi nya

"Sige na..nga.." utal kong sabi

"Sabay na tayo?" sabi nya

"Sira! sabi ko, sige na nga ako na mauuna!" sabi ko sabay kuha ng damit ko sa closet then deretso sa shower room

After 20 minutes..

"Finish! ikaw naman.." sabi ko pagpasok ko na room

"Tagal mo naman! Dapat sabay nalang tayo para mabilis!" kamot ulo nyang sabi habang papalabas para pumunta ng shower room

"Alam mo! Ang dumi ng isip mo! may amnesia ka na nga! ang naughty pa rin ng utak mo.." depensa ko habang sinusuklay ang buhok ko

"Ganun talaga! Isip man nakakalimot,pero ang puso hindi.." sabi nya sabay deretso shower room

"Ah ganun!" titirahin ko na sana sya ng unan pero nakapasok na bigla ang mokong ng shower room

After 15 minutes..

"I'm done!" wow ang bilis ng mokong

"Naks! bilis ah! parang ng buhos lang ng tubig.." kantsaw ko

"Di noh! kabango bango ko na nga!" sabi nya habang inaamoy amoy ang sarili

"Weh!" asar ko sa kanya

"Totoo nga!" depensa nya

"Sige na nga! Good night na!" sabi ko kasi nakahiga na ako sa kama ko, syempre binilower ko na buhok ko para tuyo agad habang naliligo si mokong

"Tulog na rin ako!" sabay lundag ni Josh sa kama then higa sa tabi ko

"Hoy!! Ano to!?" pagtataray ko

"Matutulog na ako!" sabi nya nakaharap sakin

"Sa tabi ko?" say ko

"Syempre! san pa ba? edi sa tabi ng Mahal ko!" nagulat ako sa sinabi nyang yun

"Wait..anong sabi mo?pakiulit?" Bambi naman!

"Sabi ko! sa tabi mo.." ay ay di yun sinabi nito eh

"Di yan sinabi mo Josh..ulitin mo.." demand ko

"Ang alin?" denial pa

"Yung kanina.." sabi ko

"Ah..Sa tabi ng Mahal ko.." yan ang sinasabi ko sa lalaking to eh..kilig na naman si ako

"Ikaw hah!" ay kinikilig na naman si Barbara

"Bakit? may masama ba akong nasabi?" tanong nya

"Wala noh!..syempre yun ang sasabihin kasi yun ang nararamdaman ko.." wow mas lalo tuloy akong nafafall sa ganyan eh..Josh kasi eh..(Author: kilig ka na naman!)Syempre Miss Author! Ako pa! (Author: Asus! Bida bida!) Walang basagan na trip (Author: okay fine! As you wish) Good!

"Talaga!" ay Bambi nasisiraan ka na sa kilig

"Matulog na tayo!" sabi nya sabay pikit

"Daya! Sige na nga! Goodnight Josh!" sabi sabay pikit na rin para makatulog ng magkaharap kami,syempre share ng kumot malaki namana ito kama ko

"Goodnight! Sweet dreams! Sweetheart!" teka Sweetheart? ano ibig sabihin non? naaalala na nya? Imposible naman..

Josh POV

Sweetheart! baka narinig nya sana naman hindi makatulog na nga..teka di ako makatulog, pano yan? eh tong katabi ko tulog na! Mayakap nga to para makatulog na si ako

At tuluyan na akong sinakop ng antok at nakatulog na rin habang kapiling ang babaeng MAHAL KO!!

  == ====================================================== 

Hmmm....something fishy going on here eh..

Stay tune! mahaba haba pa ito..Tweeners!

=Zel_25=

September 10, 2018  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top