B2: Chapter 34: Home Visit
3 days After the Kampo Trexo Escapade....
Diones Residence..
Josh POV
3 days na pala since nagcamping kaming apat sa Kampo Trexo sa Tagaytay..Medyo marami rami na rin ang naaalala ko pero di pa lahat.. Ng..
"Josh! " sigaw ni Bambi sa baba..BTW dito pa rin sya tumutuloy, eversince bumalik si ate ng states..
"Pababa na! " daig pa nanay ko kung makasigaw tong babaeng to
Ng makababa na ako.. Aba! May buysita este bisita pala kami.. Sino pa ang dakilang magjowa, si Chris at Aya..
"Oh Josh! Good morning bro! " bati sakin ni Chris na nasa hapag kainan na
"Tara na Josh kumain ka na! " yaya sa akin ni Aya
"Teka Chris..Akala ko ba may work ka na? " sabi ko
"Well, alam mo naman extended ng another day ang Team building ng company namin kaya eto.. " ibang klase rin tong si Chris
"Hoy! Joswe! Abay kumain na at may pupuntahan pa tayo.. " speaking of daig pa nanay ko.. Si Bambi
"Teka saan naman ang punta ngayon? " tanong ko
"Abay syempre! Sa amin! " si Bambi
"Dadalawin natin Bro ang soon to be mother-in-law mo! " masayang sabi ni Chris at binatukan namam sya ni Bambi na ikinatuwa pa ni Aya
"Aray naman! Bambi! Totoo naman ah! Bebe girl bat ka natawa? " malungkot na sabi ni Chris
"Tumigil tigil ka dyan Soriano ah"si Bambi after batukan ni Bambi
"Daldal mo kasi bebe boy eh! " ngiting sabi ni Aya
At nagsikain na muna kami...
Fortez Resindence... (Philippines)
Nandito na kami ngayon sa bahay nila Bambi...
"Oh anak! Napadalaw ka! " sabay yakap ni Bambi sa Mommy nya
"Hi po tita! " bati nila Chris at Aya
"Oh Chris, Aya nandito rin pala kayo.. " masayang bati ni Tita kila Chris
"May nalulungkot dyan isa? " tukso sakin ni Chris
"Syempre naman, makakalimutan ko ba ang lalaking talagang kinunsinti ng anak ko dahil sobrang mahal nya to.. " sabay yakap sakin ni tita.. Ganun ba ako kaloko..
"Mommy naman! " nahihiyang sabi ni Bambi
"Sya! Pasok muna kayo ng makapagmiryenda.. " sabi ni tita
Habang nasa sala...
"Josh! " si Chris
"Oh? " sabi ko
"Tulala ka dyan? " tanong ni Chris
"Wala to! " simple sabi ko
"Weh! Iniisip mo no yung sinabi ni tita kanina.. " actually kanina ko pa talaga iniisip yun
"Naku Josh! Kunsinti kunsinti ka dyan kay Bambi, naging kayo nga noon ng patago eh! " sabi ni Aya.. Naging kami noon?
"Hah? Talaga? " sabi ko
"Tsk..Oo nga bro! Tinago nyo nga rin samin non eh.. " say ni Chris
"Wala talagang nakaalam? " tanong ko
"Actually meron, si Ian lang.. " say ni Chris
"Si Ian? " tanong ko.. Sorry na may amnesia
"Oo bro..si Ian dating karibal ko kay Aya at katokayo ni Aya sa environment things.. " sabi ni Chris
"Karibal talaga bebe boy ah.. " sabi ni Aya.. Actually kami tatlo lang nasa sala si Bambi nasa kusina kasama mommy nya
"Noon yun..hehe" say ni Chris
"Pano nyo naman nalaman?" tanong ko
"Syempre, kami pa ba! Barkada nyo kami since high school bro! At take note bro, humingi ka daw ng kiss sa kanya, ar sa library pa talaga ah! " nagulat ako sa kinuwento ni Chris yun
"Ano!? Ginawa ko talaga yun? " di makapaniwala diba
"Note exactly kiss sa lips eh, dalagang filipina ang girlfriend mo, kaya sa cheeks lang pero sapul na sana kaso, dun kayo nahuli ni Ian na mag on na kayo ng patago.. " daming alam Chris pati love life ko alam
"Naku bebe boy daming alam eh! Hayaan mo ngang si Josh mismo makaalala non" sabi ni Aya well..
"Mukhang ang dami nyo nang napagkwentuhan ah, share naman dyan! " si Bambi pala dala ang tray with sandwich and juice sabay upo sa tabi ko
"Marami rami na naman, about sa secret relationship nyo nung high school, na talagang humingi pa sayo si Josh ng kiss sa library pa talaga gusto.. " bida na naman si Chris at nakita kong nagblush na naman si Bambi sa sinabi ni Chris
Marami pa kaming napagkwentuhan ng..
"Oh kayo dyan dito na kayo maglunch okay.. Tara na.. " aya samin ni Tita at nagsipuntahan na kami sa hapag
Sitting arrangement:
Sa center si Tita, sa right side niya si Bambi then Aya then sa left ako at si Chris, bali makatapat ang partners
"Mukhang nag eenjoy kayo sa kwentuhan nyo kanina no! " simula ni Tita
"Opo tita, pinaka alaskado si Josh eh, hiyang hiya naman po tong anak nyo.. " naku Chris kung di lang nasa harap tayo ng pagkain nabatukan na kita
"Josh iho, kumusta naman ang pagrerecollect ng memories mo? " tanong sakin ni tita
"Medyo may naalala na po ako, kaso mukhang marami pa akong dapat maalala eh" sabi ko
"Oh ikaw Bambi anak, inaalagaan mo ba tong si Josh ng maigi? Kung hindi papabalikin na kita dito sa bahay.. " tanong ni Tita sa kanya bunso
"Opo naman mommy, diba Josh? " wow nagtanong
"Opo naman tita, inaalagaan at tinutulungan nya talaga akong maalala ang lahat eh, kahit nahihirapan na po sya, kinakaya pa rin po nya.. " kwento ko
"Sweet naman! " si Tita naman
"Hindi matiis ang Josh nya.. " si Chris humirit na naman
"Tse! Manahimik ka nga dyan.. " si Bambi
"So, back to the topic, tungkol saan naman napagkwentuhan nyo kanina? " si Tita
"Tungkol sa Secret and Forbidden Relationship ni Bambi at Josh nung high school.. " humirit na si Aya
"Ah..naalala ko na, yan yung kasasagsagan ng problema sa pamilya noon, about kay Bel, dahil nakafocus kaming mag asawa non sa kalagayan ni Bel after that incident sa Cellphone shop eh itong bunso pala namin ay lihim ng sinagot ang manliligaw nya at naging sila.." alam rin pala ni tita yun
"At eto pa tita, diba nung nalaman nyong mag on sila, eh sinabihan nyo si Bambi na makipag break na agad dahil mga bata pa, ayun nakipag break nga ang dalagang filipina, eh di matanggap ni pareng Josh..At dahil din sa break up na yun, bumaba ang grades non ni Bambi, eh nung sila pa, eh matataas, lalo na tong si Josh, na himala matataas ang grades noon sa exam, eh nag break, lagapak na naman si bro, nung malaman ng parents ni Josh yun eh nagdecide sila na ipadala si Josh sa States, eh dahil love na love nya ang baby girl ng barkada at kahit break na sila, aba! Nag over the bakod sa may bahay ng may bahay, para ipaalam sa kanyang sinisinta na ipapadala na sya sa States, eh etong kanyang irog na binigo sya sa kanyan pag-ibig dito ay nagulat din sa mga kaganapang nangyari, dahil sa mahal na mahal nila ang isa't isa ay itong si bro, *matching akbay sakin ni Chris* , nagyaya sumama sa kanya si Bambi at lumayo, in short niyayang magtanan, aba imba to! Nagdalawang isip noon si Bambi, pero binigyan siya ni Josh ng isang araw para mag isip, kaya ayun, gulong gulo si bunso noon, ano ba ang gagawin nya? Kasi nung sinabi nyang mali yung gagawin nilang pagtatanan iyon aba! Nagbanta ang mokong kay Bambi, na kapag hindi daw ito sumipot sa usapan nila ay hindi na talaga sya mahal nito, gulong gulo si Bambi, hindi nya alam kung susunod ba sya kay Josh o hindi, ng makalipas ang oras na binigay sa kanya, dahil nga sa pagmamahal, eh pumayag sya, ayun ngiting tagumpay si pare nun..ng kinagabihan ayun nag iba ang ihip ng hangin, si iniirog inindyan si Bro kaya ayun lalong nabroken hearted ang pare ko umuwing luhaan pero napadoble dahil napatrobol pa at nasaksak.. " nobela Chris ang kwento mo winner pang famas
"Alam mo Chris.. " nagsalita si Bambi
"Bakit? " sagot ni Chris
"Pwede kang magsulat ng mga novel books, kasi buong story ng love life ko alam mo! " pang asar ni Bambi
"Pwede naman! At kayo ang bida don! Actually kulang pa nga yan eh! May part 2 pa yan! Dagdag info yan pareng Josh okay? " tapik sakin ni Chris at tumango nalang ako dahil nagulat rin ako na alam nya ang story ng love life ko
"Ano naman ang itatitle mo dyan Mr. Who knows everything about love life.. " taray ni Bambi
"Syempre, “The Secret and Forbidden Love Story: JoshBi edition" oh diba? Meron pang isang title akong naisip! “Ang mga hadlang sa ating pagmamahalan" " daming alam Chris tsk!
"Sinong hadlang? " tanong ko, clueless ang kuya nyo.
"Isa isahin ko bro hah! Una muna ang mga naging karibal mo kay Bambi is the following: 1. Uno 2. Mac 3. Kevin, kay Bambi naman, ang mga naging karibal ni Bambi sa puso mo ay sina: 1. Bel 2. Angel 3. Alexa.. " say ni Chris
"Si Bel? As in si Ate mo Bambi? " tanong ni Tita kay Bambi at tumango lang si Bambi
"Yes po tita, actually yan yun recollection namin, kasi noon po may gusto si Bel kay Josh pero etong si Josh ay may gusto na pala kay Bambi, eh etong si Bambi, dahil sa pagmamahal sa ate nya, eh nagparaya at hinayaang ienjoy ni Josh at Bel ang company nila sa isat isa, kaya etong si Bambi, ay selos na selos ng palihim kahit hindi nya sabihin halata naman sa kanya na may gusto na rin sya kay Josh eh nung kinagabihan pagkatapos ng isang group activity namin, inamin ni Bel na gusto nya si Josh eh si Josh inaming iba ang gusto nya, nasaktan non si Bel then ayun kinabukasan si little sister pinuntahan si Ate nya, eh ayaw kumain ni Bel, sinabi niya kay Bambi ang lahat na nahurt sya at gusto nya malaman ang karibal nya kay Josh, eto namang si Bambi, ayun sinugod si Josh kinausap ng masinsinan, parang parrot si Bambi walang preno, samantalang ang kausap nya ay tahimik lang na nagpapcute sa kanya *nagbablush na naman si Bambi sa kwento ni Aya* at ng sabihin ni Bambi ang linyang ito "Ang tindi mo rin noh! Nasa bundok na nga tayo nakakita ka pa rin ng girl! At sino naman tong babaeng to? Na sinaktan ang feelings ng kapatid ko!? Sino? " Ikaw..*sagot ni Josh* Ako na naman palagi nalang ako! *napatigil si Bambi* Ikaw ang babaeng gusto ko Bambi, di lang kita gusto, gustong gusto kita.. " Nagawang itago ni nila Bambi ang sikretong iyon hanggang sa na narealize ni Bambi na dapat piliin nya ang sister nya over Josh kaya ayun iwasan portion ang dalawa then dumating ang final activity, bt partners yun eh sa kamalas malasan ang nag iiwasan sila pa ang naging mag partner.. Ayun, talagang nagkatigas si ate girl, hindi nakikinig sa instruction ni kuyang singkit hanggang sa napikon si kuyang singkit at nagwalk out iniwan sa ere nakagoggles si ate girl.. Eh si ate girl di nakatiis sinundan, nakita nyang pinagsusuntok ni kuyang singkit ang puno grabeh kung nakita ko yun binatukan ko na si Josh, continue ayun nga ng makita ni Ate girl ang pangyayari pinipigilan nya si kuyang singkit sa pangbubugbog sa puno nang magsorry si ate girl, tumigil rin sa wakas si kuya sa pag susuntok, nagkatitigan silang dalawa and then..Kiniss ni Kuya si Ate girl sa forehead.. Wow sweet! Nabigla rin si kuyang singkit non ganun din si ate girl, ang di nila alam may nakakita sa kanila and sadly ang Ate ni Ate girl ang nakakita sa moment na yun at dun nag umpisa ang sibling rivalry! " kwento ni Aya
"Grabeh talaga kayo noh! Magjowa nga talaga kayo! " sabi ni Bambi kay Aya
"Kaya nga! No secrets allowed sa barkada kaya buong story ng love life ng lahat alam namin..lalo na sa inyo kasi ang complicated ng inyo eh daming hindrance.. " say ni Aya
Ngayon si Bambi ang alaskado ngayon kasi di ko alam pa sa ngayon ang mga pinagkekwento, heheh sorry na tagakinig lang me...
"Oh sya! Dun nyo nalang yan sa may garden at magliligpit na ako ng pinagkainan natin! Kayo talagang kabataan ngayon! " sabi ni Tita
"Ma! Di na kami bata, Young adult na kami..at tsaka ako na dyan mommy! Ako na magliligpit magpahinga nalang po kayo.. " say ni Bambi sabay ligpit ng mga pinagkainan namin ng sumabat na naman si Chris
"Wow! Bambi kinacareer ang ganyanan moves ah! Gusto na atang mag asawa.. Oh Josh? Pakasalan mo na.. " siko sakin ni Chris..
"Hoy hoy! Soriano, tantanan mo ako sa ganyan kung gusto mo kasal ayan si Aya magpakasal na kayo tagal tagal nyo na ayaw nyo pang humarap sa altar.. " banat ni Bambi, basag si Chris
"Chill ka lang Bambs! Darating rin kami dyan ni Bebe girl ko!" hirit pa more si Chris
"Bambi..tulungan na kita.. " sabi kong bigla at tumayo para tulungan sya magligpit
"Hindi Josh! Kaya ko na to! " pagtanggi nya sa offer
"I insist Bambi, tulungan na kita.. " say ko
"Hayaan mo na anak tulungan ka ng magiging future anak ko na rin" si tita nakikijoin sa alaskahan
"Mommy talaga! Humihirit na rin.. " say ni Bambi
"Abay talaga naman! San naman hahantong yan diba sa altar rin ang punta.. " nginitian aki ni tita
"Kaya nga po! " sang ayon ng nagjowa
"Sige na nga! " surrender ni Bambi
"Magpapakasal na kayo? " sabay pa silang mag jowa
"Mga sira! Sabi ko sige na! Pwede nya ako tulungan magligpit.. " sabi ni Bambi
After namin magligpit nauna ng umuwi sila Chris at Aya dahil mag aayos pa si Chris ng gamit para bumalik ng Pampanga for his work..
"Tita si Bambi po? " tanong ko ng makasalubong ko si Tita pababa galing sa taas
"Ah! Nasa kwarto nya, namiss siguro ang kwarto nya, i check mo na lang.. " sabi ni Tita at umakyat na nga ako
Bambi's Room..
"Bambi? " binuksan ko na ang pinto dahil di naman nakalock nakita ko siyang nakaupo sa kama tinabihan ko sya at mukhang ang lalim ng iniisip
"Huy! " sabi ko at tumingin sya at nagulat
"Ay palaka! " ang gwapong ko namang palaka
"Maka palaka ka naman! Ang gwapo ko naman dun.. " biro ko
"Grabeh sya! Sorry na! Nabigla lang naman ako! " sabi nya
"Apology accepted! Bakit ka tulala dyan? Ang lalim ata ng iniisip mo.." sabi ko
"Wala! Namiss ko lang kasi tong kwarto ko, tsaka tong bahay.. " sabi nya
"Gusto mo dito nalang muna tayo for a couple of days.. " biglang sabi ko at nabigla sya
"Sigurado ka!? " tanong nya
"Oo naman! Kaysa nandon nalang palagi tayo sa bahay namin tapos wala pa tayong kasama don! Tsaka para makabonding mi ulit si Tita.. " sabi ko
"Eh pano yan!? Wala ka namang damit dito eh ako kahit papaano meron ako.. " sabi nya
"Magmall tayo tapos bili mo ako ng damit para sa staying natin dito sa inyo, hustle naman kung babalik pa tayo sa bahay namin medyo malayo yun dito" sabi ko sa kanya
"Ako talaga bibili para sayo.. Ganun? " cross arms nyang sabi
"Syempre sasamahan kita, tsaka sayo naman ipinagkatiwala ni ate ang care ko diba.. " say ko
"Sabi ko nga! Eh pano yan? San ka matutulog? Di na kasi magagamit yung guest room gawa dun na timambak lahat ng gamit namin ni Ate nung bata pa kami..di j" katwiran nya
"Edi dito nalang ako sa tabi mo! " wait what did I just say?
"Ano!!? "
=====================================
Bitin...next chapter 35..medyo marami pa.. Stay tune Tweeners..
Ber months na! Christmas season is right around the corner..
=Zel_25=
September 1, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top