B2: Chapter 27: Sino Kayo?
Kara POV
Nandito na kami lahat sa Benguet Hospital, nababalot ng matinding kalungkutan ang lahat dahil ilang oras ng nakakalipas di pa rin lumalabas ang doktor..
Hindi makapagsalita ang lahat, lahat ay tahimik na nag hihintay..
Kitang kita ko ang lungkot at sakit sa mukha ni Bambi dahil sa nangyayari hanggang sa..
"Sino po relatives ng pasyente? " sabi ng doktor at agad lumapit si Bambi
"Ako po ang girlfriend nya..Kumusta po si Josh? " mahinahong sabi ni Bambi ngunit may halong kaba
"I have good news and bad news.. " panimula ng doktor, nanlaki ang mga mata namin ng marinig ang bad news..
"Ano po muna ang good news? " sabat ni Robin
"That good news is ligtas na sya sa kapahamakan.. " narelieve kami ng sabihin yun pero..
"But the bad news is.. " pabitin si dok
"Ano po? " sabi ko
"The bad news is his brain has been injured, that cause a mild traumatic brain injury, and that effect of it is there is a possibility of memory lost " sabi ng doktor
"Ano!? " gulat naming sabi
"Dok! Memory lost! Ibig sabihin makakalimutan nya kaming lahat! " di makapaniwala si Bambi.
"That is the possible case of a traumatic brain injured person.. " say ni dok
"Hanggang kailan dok? " tanong ni Bel
"Yan ang di ko masasagot, milagri kung mapabilis ang pagbalik ng memories nya, sa ganyang case, it consumes half a year or year long " say ni dok.
"Hindi pwede hindi maaari! " iyak ni Bambi
"Pwede na po ba namin makita ang kaibigan namin? " tanong ni Jacob at nag nod ang doktor
Pumasok na kami sa kwarto kung sa nakita namin ang walang malay na si Josh.. Ang ibang barkada ay naupo muna sa sofa para magpahinga pero isang taong talaga di napapagod ang matinding nakakaranas ng lungkot at sakit sa lahat si Bambi, nilapitan nya si Josh, hinayaan na namin sya at nagpahinga muna kami..
Bambi POV
Memory lost? Bakit!? Ibig sabihin kasama na ako don na mawawala sa isipan nya? Di maaari! Please! Wag naman sana!
Nilapitan ko ang walang malay nyang katawan, kita ang mga galos na natamo nya, ang bendang nakabalot sa napuruhan nyang ulo, Hindi ko lubos maisip na mahahatong sa ganto..
Umupo muna ako sa tabi nya at hinawakan ang kanya kamay..
"Josh.. " panimula ko
"Josh..please gumising ka na..sana..Hindi totoo ang amnesia mo please! " naiyak kong sabi ang hirap
"Sabi mo di ba walang susuko? Diba..na di ka susuko, tayo di tayo susuko sa kung anong meron tayo diba sabi mo yun.. " ang hirap pigilin ang luhang pumapatak
"Josh please! Sa panaginip lang to lahat! Please Josh! Please! Wag mo akong iwan please! " patuloy pa rin ang pag agos ng luha sa aking mga mata hanggang sa..
Nakita kong gumalaw ang kamay ni Josh..
"Guys" agad nasilapit ang barkada
"Bakit anong nangyari? " tanong ni Kara
Unti unting minulat ni Josh ang mga mata nya..
"Josh gising ka na! " agad ko syang niyakap ng mahigpit ngunit di nagtagal kumalas sya agad
"Josh bakit? " di ko maintindihan bakit sya kumalas..
"Anong nangyari? Nasan ako? " sunod sunod na tanong ni Josh
"Tol nasa hospital ka, napuruhan ka sa labanan nyo ng kaluluwa ni Alvin " sagot ni Rick
"Hospital? Bakit? " tanong ni Josh na ikinagulat naming lahat
"Josh, natatandaan mo kami? " tanong ni Aya na maayos na
"Sino kayo? Kilala ko ba kayo? Kaibigan ko ba kayo? " ang kinakatakutan naming lahat ay nangyari na..
"Josh kami to! Barkada mo! " sabi ni Ate Bel
"Hindi! Di ko kayo kilala! Ikaw sino ka!? " nagtaas bigla ang boses ni Josh ng harapin ako
"Josh! Di mo ba ako natatandaan!? Ako to! Si Bambi! Bestfriend/ Girlfriend mo! " naiyak kong sabi kay Josh
"Bestfriend? Girlfriend!!? Wala ako girlfriend ano ba?anong kalolokohan to!?" galit na sabi ni Josh na ikinaguho ng mundo ko, ang sakit na tanggihan ka at kalimutan ka ng taong pinakamahalaga sayo
"Josh!! Kami to! Ako to!! Ano ba!? " di ko na talaga kaya..
"Pwede ba! Wag nyo ako guluhin! Di ko kayo kilala! " giit ni Josh
"Josh! Ano bang nangyayari sayong bata ka!? " biglang sumulpot si Ate Rose
"Ate! Please! Paalisin mo sila! Hindi ko sila kilala! " nagsisigaw na sabi ni Josh, hirap ng ganto, di lang nakalimutan, tinataboy pa kami palayo
"Josh ano ka ba!? Kaibigan mo sila! Si Bambi, girlfriend mo ano ba!? " sabi ni Ate Rose
"Ate, di ko sya girlfriend! Wala akong girlfriend! Wala akong kaibigan! " bumalik na rin ang pagkamatigas nya, nawala na lahat, alaala at ugali nya nawala na..
"Bambi? Let's go! " hawak sa akin ni Ate Bel
"Ate, ayoko " pagmamatigas ko
"Bambi, Bess tara na! Ayaw na nya kinalimutan na nya tayo " aya ni Kara sakin
"Hindi ako aalis " ang tigas ko noh, pinapalayas na nga ako ayaw ko
"Bambi tara na, wag ng magmatigas! " pilit ni Ate Bel
"Josh!! " nagsalita si Robin
"Oh ano!? Problema mo? At bakit magkamukha tayo? " inis na tanong ni Josh
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Nahagisan lang ng vase yang ulo mo! Naging maangas ka na! " inis na sagot ni Robin
"Alam mo! Dami mong satsat! Umalis na nga kayo dito! Ate paalisin mo na sila! " mandi ni Josh
"Ungas ka rin noh! " nainis na rin si Rick
"Bumalik ka na naman sa dating ikaw Josh! Umangas ka na naman! Nagka amnesia ka lang! " nakisali na rin sa inis si Chris
"Pwede ba! Umalis ka na! Umalis na kayong lahat!! " nagwawala na si Josh
"Dok! Dok! " sigaw ni Ate Rose
"Bambi! Tara na! Please! Wag ng magmatigas! " pilit parin ako hinihila ni Ate Bel palabas
"No! Ate! " pilit kong kumawala pero ang higpit ng hawak sakin hanggang sa tuluyan na akong nailabas ng kwarto
"Ate!! Bakit mo ako nilabas? Kailangan nya ako!? " Bambi talaga oo
"Bambi! Are you out of your mind! Tinaboy na nya tayo diba? Nakalimutan na nya tayo! Ikaw! Bumalik na sya sa dating sya! Di mo ba nakikita? Bumalik na ang basag ulo nyang ugali bago ka nya makilala! Kaya tama na! " natauhan ako ng sabihin sa akin iyon ni Ate
"Pero.. " say ko
"No buts! " say ni Ate
Lumabas bigla si Ate Rose..
"Ate Rose! " lumapit agad ako kay Ate Rose
"Bambi, I'm sorry kung bumalik na naman sa dati si Josh " say ni Ate Rose
"Kasalanan ko to! Sorry Ate Rose" naluluha ko sabi
"No Bambi, it's not your fault, dahil sa pagkawala ng alaala nya sa inyo, ay naging epekto nito ay naalala nya lang ay yung panahon di pa nya kayo nakikilala " turan ni Ate Rose
"Kaya ganon nalang sya umasta Ms. Rose " sabi ni Jacob
"Oo Jacob, kaya sa tingin ko back to zero na naman tayo " sabi ni Ms. Rose
"May pag asa pa po ba bumalik ang alaala nya? " tanong ni Kara
"Matatagalan bago mangyari yun ayon sa doctor.. " sabi ni Ate Rose
"Pano po si Josh? Makakabalik pa po ba sya sa New York? " si Rick
"Siguro mas makakabuti kung dito muna sya, para mas mapabilis ang pag galing nya, ako na muna bahala sa trabaho nya don, mahalaga gumaling sya" ayon kay Ate Rose
"Sino po mag aalaga sa kanya habang nandito sya? " tanong ni Jepoy
"Ako.. " nahihiyang sabi ko
"IKAW!? " nanlaki mata nilang lahat
====================================
Bitin Guys..More to come!
Bambi: Miss Author! Eto na ba ang kinakatakutan ko!! (Miss Author: Eto na naman po tayo *face palm*) Bambi: Bakit!? Kailangan pa nya ako kalimutan! (Miss Author: Hay nako! Basta no spoiler alert ako noh) Bambi: Grabehan hah pahirapan ako ng ganto! (Miss Author: Ganun talaga! Bida eh kailangan muna umiyak ng umiyak at masaktan!) Bambi: Ouch! Natamaan ako dun! Pero kasi..(Miss: Author: Anong pero?) Bambi: Eh!! Sabihin mo na kasi? Naiiyak na ako eh! Ganto na lang ba hahantong ang love story ko! (Miss Author: Secret!! I'm pretty... Sure na abangan mo na lang ang kahahantungan ng love story mo!) Bambi: Andaya talaga!!
=Zel_25=
July 5, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top