B2: Chapter 22: Halik ng Lasing?
Kara POV
BANG!!
Napalingon kami lahat sa putok na iyon..
Laking gulat namin na nakabulakta na ang baliw na humahabol samin..
"Okay lang kayo? " lapit samin ng pulis na kabaril sa baliw
"O.. Okay lang po kami.. " say ni Leslie.
"Mabuti kung ganon mag iingat kayo.." sabi ng pulis at umalis na ito kasama ng mga kabaro nya at binuhat na ang walang buhay na bangkay ng baliw kasama ng iba nyang napatay..
8:00pm..
Josh's Rest House
"What a day!? " hirit ni Rick sabay upo sa couch
"Kaya nga! Grabe talaga nangyari " react ni Leslie
"Biruin mo yun! Nightmare become reality yung nangyari" sabi ni Luisa..
"Iba rin talaga managinip si Bambi! Nagkakatotoo" sabi ni Bel na may mostra pa..
"Eh Bambs? Napanaginipan mo na ba na naglalakad ka sa altar? " sabat ni Josh
"Hindi pa! " simple sagot ni Bambi na ikinalungkot ni Josh
"Awww! Lungkot si Josh oh! " banat ng mga boys kay Josh
"Shut up! " sigaw ni Josh
"Galit agad? " banat ulit ng boys
"Hindi! Ewan sa inyo! " sabay walk out si Josh
"Anyari don? " tanong ni Max
"Bambi mabuti pa sundan mo na yun " sabi ni Bel
"Mabuti pa nga! Dyan muna kayo ah! " sabi ni Bambi sabay sunod kay Joshwe emotero..
"Imba talaga yung si Josh noh! Bilis mapikon " sabi ni Diego
"Ganun talaga yun! Sanay na kami dyan! " sabi ni Jacob
"Kaya pinasundan namin kay Bambi yang si Josh, alam nyo na si Bambi lang ang gamot nong mokong na yun para mawala ang ka emohan! " say ni Bel
"Ang layo pala ni Josh kay Robin, kasi eto si Bino the second, mahilig lang magpaka ermitanyo, nasa loob lang ng room nya nagcocomputer games" say ni Christian
"Grabeh naman! Bro! Mangbuking ba.. " si Robin
"Baka mag walk out ka rin? " tanong ni Kara
"Di noh! Sanay na ako! " pacute na sabi ni Robin kay Kara
"Asus!! Bino the second hah? Pacute pa? " si Diego at Christian
"Hahahahaha!!" tawa nilang lahat
Sa Garden...
JoshBi side
Nasa may garden ng resthouse nila si Josh..take note nainom ng light beer..
"Josh? " tawag ni Bambi
"Bambs, bat mo pa ako sinundan? " say ni Josh na patuloy sa pag inom.
"Bakit ba napikon ka na naman? " tanong ni Bambi
"Nakakaasar na kasi eh! Lagi na lang tayo inaasar nila!! " medyo tumataas boses ni Josh
"Josh! Akala ko ba sanay ka na sa asar nila! Ako nga sinasanay ko na eh! " say ni Bambi
"Kaasar lang kasi eh! Lagi na lang tayo headlines! " patuloy sa pag inom ni Josh
"Ayaw mo yun! Tayo lagi napapansin kaysa binabalewala" say ni Bambi na kalmado pa rin
"Eh minsan kasi below the belt na rin eh! " sabay harap kay Bambi
"Alam ko yun Josh! Di ba sabi mo masanay na tayo! Barkada natin yun! " sabay hawak sa dalawang pisngi ni Josh si Bambi at tinitigan ito
"Alam ko Bambs! Pero.. " si Josh
"Ano? Napipikon ka pa rin? " sabi ni Bambi
"Oo nga! Di ko maalis na mapikon pa rin ako " iwas ng tingin kay Bambi
"Lasing ka na eh! " say ni Bambi habang kinukuha yung light beer na iniinom ni Josh
"Hindi.. Ako.. Lashing! " ayan lasing na talaga ang Bino
"Ayan oh! Lasing ka na eh! Josh! Akin na yan! Tama na! " pilit na kinukuha ni Bambi ang iniinom ni Josh
"Hindi nga.. Bambi.. di pa ako..lasing! " sabi ni Josh habang nilalayo ang iniinom nya
"Josh! Isa! Akin na! Dalawa! " pilit parin sa pag abot si Bambi sa iniinom beer ni Josh hanggang sa..
Ayun..Na out of balance silang pareho, nahawakan agad ni Josh si Bambi, ngunit di na kinaya sa kalasingan kaya ayun..Nakapatong tuloy ang lasing na si Josh kay Bambi..
"Josh! Tignan mo ginawa mo oh! " reklamo ni Bambi habang nakapatong pa rin si Josh sa kanya
"Bambi..hic..sorry.." si Josh na nakasubsob ang mukha sa damuhan opposite side ni Bambi.. Alam nyo na yun
"Okay na Josh! Kaya pwede? Tumayo ka na? Ang bigat mo kaya! " say ni Bambi still in the same position
"Di ka na.. Galit..hic.. " biglang angat ni Josh na mukha nya at iniharap kay Bambi
"Hindi..na.. " nauutal na sabi ni Bambi dahil ang awkward ng position nilang dalawa
"Totoo.. ?hic..kung..ganun.." pagsisimula ni Josh
"Ano..? " kabado na si Bambi
"Kiss..mo..hic..muna..ako? " ngiting lasing ni Josh
"Josh..ano..ba..lasing..ka..na..talaga! " utal pa rin si Bambi dahil makalapit ang mukha nila sa isa't isa
Nakacute face pa ang lasing..
Hindi alam ng dalawa nakasilip sila Aya at Chris..
"Please! " pagmamakaawa na lasing
"Josh! Ano ba? Ang kulit mo dinagdagan pa ng kalasingan mo " reklamo ni Bambi
"Bahala..hic..ganto tayo..magdamag..hic" ngiting lasing ni Josh
"Sinabi ng -- " di na natuloy ni Bambi ang sasabihin dahil sinakop na ng lasing na si Josh ang kanyang mga labi
Pilit na pumapalag si Bambi pero in the end she kiss back..
Tumagal lang naman ng first kiss ng 10second kumalas na rin sila dalawa..
"Our.. First.. Kiss.. " huling sabi ni Josh at sumubsob ulit ito sa damuhan..still di ganon pa rin ang position nilang dalawa
Biglang lumabas nalang sila Aya ar Chris, na di alam ni Bambi na nasaksihan nila Chris ang nangyari..
"Anong nangyari? " kunwaring tanong ni Aya
"Chris, Aya! Tulungan nyo naman ako, kanina pa to ganto eh! " say ni Bambi at tumulong nila Chris na itayo at akayin si Josh
"Nasobrahan ata si Bino ng beer! " kunwari sabi ni Chris habang inaakay si Josh papasok ng rest house
Habang papasok na sila nakita ng barkada ang status ni Josh..
"Anong nangyari dyan?" tanong ni Bel
"Nasobrahan sa pag inom ate eh! " paliwanag ni Bambi
"Eh ikaw Bambi? Bat ang dumi mo? San ka gumulong" daming tanong ni Bel
"Na out of Balance ako eh " paliwanag ni Bambi
"Nang nakapatong si Josh sa kanya" pagtatapos ni Chris
"ANO!!!?? " gulat na sabi ng Barkada
=====================================
Bitin muna.. Next chapter na explanation ni Ms. Barbara "Bambi" Fortez..
Maamin kaya nya ang nangyari bukod sa so called patong position..?
Bambi: Ms. Author naman! I-hot sit baga ako! (A/N: Asus! Pakipot ka pa!) Grabeh sya! *sabay blush* (A/N: who's blushing!? ) Ms. Author naman eh! 😳
Oh well abangan nalang natin sa susunod..
=Zel_25=
June 22, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top