Prologue

Prologue

"Morning, Aui. Late ka ulit, ah."

Kumunot ang noo ko sa pamilyar na boses sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang lalaking may nakasabit na earphone sa kabilang tainga; nakatanaw sa akin.

"Parang ikaw hindi, ah," sabi ko lang at tumingin ulit sa harap.

I heard him laugh a little. Napalingon ulit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

His eyes widened, feigning innocence. "Oh, wala akong ginagawa, ah? Bakit ka ganiyan tumingin?"

"Ha? Paano ba ako tumingin sa 'yo?"

Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ulit ako sa pagmamasid sa guard na taimtim na sinusuri ang mga estudyanteng pumapasok.

Nagsimula na ang flag ceremony at ito ako, naghihintay na malingat ang guard para makapasok ako.

Paano kasi ay naiwan ko ang ID ko sa pagmamadali!

Naramdaman ko na lang na nasa gilid ko na pala si Bench. Tumingala ako dahil tangkad niya. "Ano na naman?"

"Look. Sorry, okay? Hindi ko naman sinadyang matapon iyong pagkain na ibibigay mo sa kaibigan ko."

I gave him a duh look. "Akala mo ba ganiyan ako kababaw? Hindi 'yon dahil doon! Basta! Naiinis ako sa 'yo! Shoo!"

"Hmm. Time of the month, eh?"

Whatever!

Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang tingin sa harap. Para na akong aatakihin sa nerbiyos kung hindi pa ako makapasok pagkatapos ng flag ceremony.

"Late ka na lalo. Hinihintay mo pa si Rhance?"

Since when did he become so nosy?

"Hindi. Pumasok ka na kaya at iwan mo na ako rito?"

Imbes na sumeryoso siya ay napangisi pa siya. "Sabay na tayo."

Napabuntonghininga ako at sumuko na lang. Arguing with Bench is pointless at this time.

"Naiwan ko ang ID ko sa bahay. Alam mo namang hindi agad ako papapasukin ng guard kung wala iyon, 'di ba?"

Lalong lumawak ang ngisi niya. "Puwede ka namang magmakaawa, ah?"

"Seriously? Asa ka."

Kumibot ang labi niya. Umirap ako.

"Late ka na nga, taas pa ng pride mo. Oh, isuot mo 'to tapos pumasok ka na." Sabay abot niya sa kaniyang ID lace.

"Huh?" manghang wika ko.

Suplado niya akong sinipat at isinuot sa akin ang lace ng ID niya. Inayos niya pa iyon sa kuwelyo ko bago ako hinawakan sa magkabilang balikat at marahang tinulak patungo sa gate.

"Hoy, hala, teka muna!" protesta ko at huminto para tanggalin ang kamay niya na nasa balikat ko at hinarap siya.

"Paano ka?"

Maloko siyang ngumisi at kumindat. "Akong bahala. Sige na, shoo." Tinulak niya pa ako na parang tutang binubugaw!

Nagdadalawang isip pa ako, pero sign yata ito ng nasa taas kaya hindi na ako tumanggi at pumasok na ng gate.

Saglit na dumapo ang tingin sa akin ng guard hanggang sa malagpasan ko siya. Saka lang ako nakahinga nang maluwag, pero naalala ko si Bench kaya naman huminto ako at lumingon sa labas ng gate kaso hindi ko siya nakita roon.

Dumapo ang tingin ko sa kausap ng guard.

Si Bench!

Nangunot ang noo ko habang pinanonood silang mag-usap. Tumatawa pa sila, at itong si Bench naman ay may pa-akbay pa sa guard sabay fist bump dito. Habang pinanonood ko sila ay napaigtad ako nang magsalubong ang mata namin ni Bench.

He smirked at me.

Gusto ko nang umatras dahil nagsimula na siyang maglakad patungo sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang slacks.

"See?" panimula niya.

"Ha?"

He frowned. "Nevermind," aniya at nagpatiuna nang maglakad.

Saglit pa akong natunganga hanggang sa mapansin ko na lang na wala na pala siya sa paningin ko.

Ang ending ay late na nga ako sa pag-attend sa flag ceremony, late pa ako sa klase. Great! Just great.

Habang nagkaklase ay naalala ko palang suot ko ang ID ni Bench kaya naman hinubad ko iyon at tiningnan muna.

Natawa ako nang mahina nang makitang kahit sa picture ay ang sungit niyang tingnan. Nilagay ko iyon sa bag ko dahil baka mang-usisa ang kaibigan ko kung makita iyon.

Nang matapos ang oras ng isang subject namin ay naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko sa bulsa ng palda. Kinuha ko iyon at nakita ang mensahe ni Rhance.

From: Rhance

Hello, Aurora. Thank you pala sa palabok kahapon.

Napangisi ako.

Magre-reply na sana ako nang may biglang bumatok sa akin. I looked behind and glared at Nicolai.

"Sino na naman 'yang nginingitian mo?"

I ignored her question and stared at my phone for a few seconds before composing a reply.

To: Rhance

Oy, hi! Welcome! Sayang nga at hindi mo nakain dahil natabig ni Bench. 😅

From: Rhance

It's fine. Sabay tayo lunch?

To: Rhance

Sure 🥰

I sighed.

"Auri, samahan mo 'ko mamaya bumili ng ballpen doon sa may Annex building."

"May ballpen naman sa canteen. Bakit doon ka pa sa malayo?" sabi ko sabay lagay ng cellphone sa bulsa at nilingon ang kaibigan.

Sumimangot siya. "Nando'n iyong favorite brand ko, bakit ba?"

"Fine."

Tumahimik na ulit kami nang dumating ang teacher sa next subject namin. Science bores me so much. Antok na antok ako habang nakikinig hanggang sa hindi ko namalayang tapos na pala ang klase.

I was pulled out from my reverie when Nicole snapped at me. "May something kayo ni Tracy Bench, 'no?!"

Halos mabuwal ako sa kinauupuan sa narinig. Nag-inat ako saglit at tiningnan si Nicolai.

"Wala? Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

She gave me a suspicious look. Lalo akong umiling. Bakit niya ba naisip iyon?  Inaantok pa 'yong tao, e! Kapupuyat ko siguro ito kaya kung anu-ano na ang naririnig ko.

"Wala nga, baliw ka ba?" naiinis na sabi ko. Paanong may something kami ni Bench, e kami ni Rhance ang mayroon?

Ngumuso siya roon sa direksyon ng pintuan kaya sinundan naman iyon ng mata ko. Nangunot ang noo ko nang magtama ang paningin namin ni Bench.

Bakit iyan narito?

Nakasandal siya sa pinto ng silid namin at nakahalukipkip habang tinatapik ang paa sa sahig, diretsong nakatingin sa akin.

"Ikaw yata ang sadya niya, kanina pa iyan nakatingin sa 'yo habang tulala ka, e," sabi ni Nicole.

"Ha? Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang siya at kinindatan ako. Inirapan ko siya dahil halatang nang-aasar na naman. Ang malisyosa talaga.

Tumayo ako sa kinauupuan at nilapitan si Bench sa puwesto niya.

Magkasalubong ang kilay ko nang tingnan siya sa mata. "Bakit ka narito? May kailangan ka?"

"Oo, ikaw," ngisi niya.

Handa na sana akong bugahan siya ng apoy dahil sa inis na may kasamang suntok kaso ay humagalpak siya sa tawa dahilan para hindi ko matuloy.

"Biro lang, naniwala ka naman. Asa." May nalalaman pa siyang pag-irap. Arte. Akala niya naman din siguro papatulan ko siya, 'no. Eww.

"Ang arte mo. FYI, kung magkagusto ka man sa akin, asa ka ring magugustuhan kita," sabat ko.

Marahan siyang tumawa at napakagat sa kaniyang kamao bago umiling-iling. "Ang hangin, Aui."

Umirap ako. "Bakit ka ba narito?"

"ID ko."

Hinampas ko siya sa braso. "Iyon lang naman pala. Teka—" Babalik na sana ako para kunin ang ID niya nang magsalita ulit siya.

"Huwag na pala. Bukas mo na nga lang isauli sa akin ang ID. And, Aui?"

Kumunot ang noo ko.

"You look so cute today."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top