Chapter 2

This chapter is dedicated to these three lovely readers, @JCathlyn, @vaiachen & @melophony who bombarded my notifications with their comments hahaha. Thank you, guys. I appreciate it a lot! <3

-

Chapter 2

"Dude, baka hindi mo alam na nakakahalata na ako," deklara ni Rhance nang mayamaya ay dumating din dito sa kusina si Bench.

Kunot-noo akong bumaling kay Bench na nagtaas lamang ng kilay habang umiinom ng tubig sa baso.

"Dinala ko si Aurora rito para sa akin, at hindi para sa 'yo. Baka nakakalimutan mo?" may hamon sa boses na ani Rhance.

Ano ba ang problema niya? Nag-uusap lang naman kami ni Bench kanina, tapos bigla na lang niya akong hahatakin para sabihan ng kung anu-ano.

Naningkit ang mata ni Bench ngunit hindi na siya umimik.

"Happy birthday. Nasa mesa ang regalo ko sa 'yo," bilin niya, inayos ang damit at tinalikuran kami para lumabas na.

Umawang ang labi ko. Uuwi na ba siya?

Nilingon ko si Rhance na napako ang tingin doon sa pintong nilabasan ni Bench. I cleared my throat and poked him. "Lalabas ako," paalam ko.

"Hindi puwede, dito ka lang. Sino ba siya para sundan mo? Mas pipiliin mo ba 'yon kaysa sa akin?"

"Hindi, ah!" agap ko. Bakit ba ang praning ng isang 'to!

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa sala kasama siya. Nasa tabi ko na si Rhance at nilalagyan na ng spaghetti ang plato bago iyon inilahad sa akin. "Kumain ka na," sabi niya at tumayo para maupo roon sa sahig para makipagsalamuha naman sa barkada niya.

Wala mang gana ay nagsimula ko nang kainin ang spaghetti at mayamaya rin ang baling sa pintuan. Talaga bang hindi ako babalikan ni Bench? Well, puwede naman akong umuwi mag-isa pero mas maganda kung may kasama akong umalis dito.

Nahinto ako sa pagsubo nang mapansing may mga bagong panauhin ang dumating. Mga bata na mukhang kapit-bahay yata nila Rhance.

"Kuya Rhance, birthday mo raw sabi ni Kuya Bench kaya pumunta kami para makikain!" pahayag no'ng pinakamatangkad sa kanila.

"Takte talaga 'tong si Tracy," rinig kong reklamo ni Rhance sa gilid.

Pinanoood ko siyang tumayo at naghanda ng mga plato sa mesa.

"Oh, hali na kayo't kumain, umuwi kaagad kayo, ha," wika ni Rhance at iginiya ang mga bata sa couch.

"Salamat, Kuya! Uy, wala pong chicken?"

Binatukan niya iyong bata. "Kumain ka na lang diyan, naghahanap ka pa nang wala, e."

Bumungisngis ang bata.

Lumingon na si Rhance sa akin at lumapit. "Tapos ka na kumain?"

Tumango ako. "Thank you, Rhance. Happy birthday. Sorry kung nakalimutan ko."

Umiling siya at ngumisi. "Wala 'yon. Bawing-bawi ka naman."

"Uuwi na rin pala ako mayamaya baka hanapin na ako ni Mama, eh."

Ngumisi siya at sumiksik sa akin sa couch. "Okay. Thank you, Auri, napasaya mo talaga ako."

Nag-usap kami ni Rhance tungkol sa mga nakaraang birthday niya, mga paboritong handa at regalo na natatanggap hanggang sa naalala ko na dapat umuwi na ako.

"Tara na, Rhance. Hatid mo muna ako sa labas."

"Sige," sang-ayon niya at kinuha ang bag ko sa couch. Pumihit siya para magpaalam sa mga kaibigan. "Saglit lang, hatid ko lang girlfriend ko!"

Siniko ko siya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Anong girlfriend pinagsasasabi mo? Ni hindi pa nga tayo!"

Ngumisi siya. "Pakipot ka pa riyan din naman tayo patungo."

"Rhance!"

"Oo na, Aurora, hindi na. Pagbigyan mo na lang akong tawagin kang girlfriend ngayon."

"Bahala ka nga," simangot ko

Once outside, my eyes automatically roamed around—as if searching for someone in particular. Wala. Nakauwi na yata. I shrugged it off.

"Kuya, pahatid ng girlfriend ko sa bahay nila," sabi niya roon sa tricycle driver at iginiya ako para pumasok sa loob ng tricycle. Pairap kong inagaw sa kaniya ang bag.

"Sungit ni girlfriend," hirit niya pa.

"Buwisit ka," bulong ko at umayos na ng upo. "Kuya, hindi po totoo 'yon, ah," depensa ko sa driver na tumawa lang.

Umandar na ang tricycle papalabas ng village at doon na ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Okay lang naman si Rhance sa school talagang naiilang lang ako kapag nasa ibang lugar kami dahil baka makita ako ng pinsan o ng kapatid at isumbong ako! Getting caught would be the death of me kahit wala naman akong itinatago. Nakakainis kasi itong si Rhance minsan, e.

"Oh, pogi, sa'n ka?" tanong ng driver at huminto sa kalagitnaan ng biyahe.

"Kung saan po ang destinasyon ng babaeng iyan."

Napakurap ako nang marinig ang boses ni Bench. Lumingon ako sa kaliwa kung saan ang puwesto ng driver at doon nakita si Bench na nakapamulsa. Nakaturo siya sa akin.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay umikot na siya para pumasok at sumakay sa tabi ko. Napaurong ako nang wala sa katinuan.

"Bench?" mangha ko pang banggit.

"Bench it is," tipid niyang sagot at umurong papalayo sa akin para bigyan ng space sa pagitan namin.

I twisted my lips. "Kung makalayo ka, ah! May nakakahawa ba akong sakit?"

Inosente niya akong sinipat. "What? I'm just maintaining a safe distance between us to make you feel comfortable."

Nginiwian ko lang siya.

Marahan siyang tumawa at tumingin na lang sa labas. Himala yata't walang nakapasak na earphone sa tainga niya ngayon. Madalas ko kasi siyang makita sa ganoon, eh.

Tahimik lang kami habang nasa gitna ng biyahe nang may naalala ako kaya naman kinalkal ko ang laman ng bag at nang makita ang ID niya ay kinalabit ko siya.

"ID mo baka makalimutan ko pa." Sabay lahad ko roon, tiningnan niya lang 'yon na para bang nakakita siya ng boring na bagay.

"Keep it."

"Huh?"

Halos umirap siya sa hangin saka inagaw sa akin ang ID. "Maglinis ka nga ng tainga mo, Aurora."

"Excuse me?" mataray kong sabi, nang hindi niya ako pinansin ay siniko ko siya. "FYI, naglilinis ako ng tainga at wala akong tutuli!" dagdag ko.

He glanced at me. "I didn't say that."

"E, you're indirectly saying na bingi ako!"

"How clever our Aurora is," he mocked.

"Tse!"

Hindi na ulit ako umimik hanggang sa makarating ang sasakyan sa gate ng bahay namin. Tinulak ko pa si Bench para lumabas at inirapan niya ako.

"Tusukin ko 'yang mata mo, e!" banta ko pa.

Ginaya niya ang galaw ng labi ko kaya bago pa ako mabuwisit sa kaniya ay umikot na ako sa kabila para mag-drive. Nang akma akong iaabot sa driver ang bayad ay may 20 pesos nang inilahad si Bench galing sa loob.

"Bench, huwag mo na akong bayaran-"

"Asa ka naman. Akin kaya 'tong pamasahe, akala mo libre? Hindi na uso 'yan."

Biglang namula ang buong mukha ko sa pagkapahiya. Padabog akong umikot para makaganti kay Bench. Hinila ko ang kuwelyo niya papalabas dahil sa inis.

Tatawa-tawa siyang lumabas at nakataas ang dalawang kamay, sumusuko.

"Biro lang, libre ko 'yon," bawi niya at nilingon ang driver habang hawak-hawak ko pa rin ang kuwelyo ng damit niya.

"Kuya, dalawa po 'yan. Salamat."

Tumango ang driver at umalis na.

Pagkaalis niya ay sabay naming nilingon ni Bench ang isa't isa. Nginitian ko siya nang sarkastiko.

Napakurap siya nang bumaba ang tingin sa ngiti ko. Naubo siya at bumaling sa ibang direksyon bago tinapik ang kamay ko na nasa kuwelyo niya. "Nasasakal ako, Aurora," aniya nang hindi ako tinitingnan.

Umirap ako at tinanggal ang kamay pero bago ko pa man ibaba iyon ay sinapak ko siya sa braso. "Para iyan sa pagpapahiya sa akin!"

Napanguso siya at natatawang umiling. "Sa pula ng mukha mo, iisipin ko na lang talagang umakyat lahat ng dugo mo sa mukha."

"Shut up, umuwi ka na sa inyo! Bakit mo pa kasi ako hinatid?"

Itinagilid niya ang ulo, tila wiling-wili sa pinagsasasabi ko. "If I were you, Aui, kikilabutan talaga ako sa pagiging assuming ko."

Pinandilatan ko siya ng mata at dinuro. "Bakit, hindi ba? Hindi ako nag-a-assume dahil totoo naman talagang hinatid mo ako!"

Ginaya niya naman ang kibot ng labi ko.

Bubulyawan ko na sana siya nang may biglang umakbay sa akin. Sisikuhin ko na sana kung sino man 'yon nang makita ang pinsan ko.

Oh, nandito na 'tong mokong? Tatlong araw kasi silang wala dahil may trip sa Baguio sina Tita.

"Tracy, bro!" bati ni Trevor at kinalas ang pagkakaakbay sa akin para tapikin si Bench sa braso at siya naman ang akbayan ngunit hindi pa man nagtatagal ang braso niya sa leeg ni Bench ay tinanggal na iyon ng huli.

"Pawis ka, Trevor," saway ni Bench sa pinsan ko. Oo nga pala, magkaibigan nga pala sila. How foolish of me to think na hinatid ako! May sadya naman pala talaga!

"Dude, naligo ako ng alcohol para sa 'yo! Tara na, punta na tayo sa bahay may strawberry akong pasalubong sa 'yo," aya ng pinsan ko at binalingan muli ako.

"Oh, Auri namin, na-starstruck ka yata kay Tracy?" puna ni Trevor nang mapansin ang tingin ko sa kaharap.

Umiwas ako ng tingin at sinipa siya sa paa sabay kalas sa kamay niya na nakaakbay na naman sa akin. "Eww, no way."

Nagsimula na kaming maglakad nang marinig ko ang tawa ni Bench sa gilid ko at pabiro akong siniko. "Eww, no way," panggagaya niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top