Chapter 1

Chapter 1

"Auri, punta ka na sa bahay, please."

I can't help but groan in annoyance. "Ayaw ko nga, Rhance. Ang kulit mo naman, e."

Nakipagkita siya sa likod ng building namin para pilitin akong sumama mamaya sa bahay nila dahil may meeting ang mga teacher kaya maaga ang uwian.

"Sige na," pilit niya pa at lumapit sa akin. Mahina ko siyang tinulak papalayo.

"Ayaw ko nga, baka pagalitan pa ako ni Mama."

"Tss, ganiyan ka naman lagi. Ako bahala sa 'yo, huwag ka na magpaalam sa mama mo para hindi ka mapagalitan."

Kung hindi ko lang siya crush ay baka nabatukan ko na siya. Tinuturuan pa akong sumuway, ah!

"Ang kulit mo, ah!" iritable kong tugon.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha at mas lumapit pa sa akin.

"Ano ba, Rhance!" reklamo ko kaya bumuntonghininga siya at lumayo na ulit.

"Ang unfair mo naman. Hindi mo pa nga ako sinasagot kahit ang tagal ko nang nanliligaw sa 'yo tapos pati ito ay ayaw mo pa rin pumayag?" boses pagtatampo niyang sabi.

Nalaglag ang aking balikat at sinulyapan siya, magsasalita na sana nang may idugtong pa siya.

"Sabihin mo na lang kung ayaw mo na akong manligaw, titigilan na kita."

Napakurap ako sa sinabi niya. Ano... titigil siya? I don't know but I suddenly felt nervous. Napalunok ako.

"Pero..." Nangapa ako. "Hindi naman tayo kaya bakit mo ako dadalhin sa bahay ninyo? Ano na lang iisipin ng mga taong makakakita sa akin?"

"Bakit, sino ba ang may sabi na kapag hindi kayo ay bawal dalhin sa bahay? At bakit mo iisipin ang sasabihin ng ibang tao e wala naman tayong ginagawang masama?"

I gritted my teeth. Oo nga! May punto siya pero hindi niya kasi ako maintindihan!

"Hindi naman sa gano'n!"

Huminga siya nang malalim at tila pagod na yumuko. "Birthday ko ngayon, Auri, kahit ito na lang ang iregalo mo sa 'kin..."

Namilog ang mata ko. Birthday... niya ngayon? At nakalimutan ko!

"Hindi ko naman talaga alam kailan birthday mo kaya tama lang na hindi ka magtampo," pasaring ko.

Marahas siyang bumuntonghininga. "Hindi na kita mapipilit. Sige, ayos lang. Ano nga ba tayo?"

"Huwag ka nang mag-inarte. Oo na, sasama na ako," putol ko, medyo na-guilty dahil birthday niya pala ngayon tapos hindi ko alam.

Lumiwanag ang kaniyang mukha at ang kaninang busangot ay napalitan ng malaking ngiti. Ang bilis din magbago ng mood ng isang 'to!

Kaya naman magaan ang kalooban niyang niyaya akong kumain sa canteen. Pumayag na rin ako dahil alam kong nandoon na rin si Nicole at paniguradong naghihintay sa akin.

"Libre kita ngayon kasi birthday ko," natutuwang wika niya at hinigit ako patungo sa counter. Doon kami lumapit sa stall ng mga burger na medyo siksikan.

Sasabihin ko na sanang mayamaya na lang kami bumili at pahupain muna ang umpukan ng mga tao ngunit nakipagsiksikan na siya.

"Rhance," suway ko.

May narinig pa akong nagreklamo dahil nabangga niya pero tinawanan niya lang 'yon. "Sorry, gutom na si gf."

Napailing na lang ako.

Nang umalis ang babaeng bumili sa gilid ko ay umurong ako para lumuwag ang puwesto ngunit sa halip ay may nakabungguan ako.

I shifted my gaze and immediately saw his amused expression. Tumaas ang isang kilay ni Bench.

"Hi, Aui," kaswal niyang bati.

Maikli lang akong tumango sa kaniya dahil kaagad ko naramdaman ang paghila sa aking braso. Bumalik ang tingin ko kay Rhance na mukhang 'di yata napansin ang kaibigan niya sa tabi ko.

"Burger with cheese," pahayag niya sa tindera.

Poprotesta na sana ako at sasabihing hindi ako kumakain ng cheese ngunit naibigay na ng tindera sa kaniya iyon. Tinanggap niya iyon at ibinigay sa akin.

"Thank you."

Kapuwa kaming napalingon nang hablutin ni Bench ang burger sa kamay ko at pinalitan iyon ng bago.

"Tracy, epal ka naman, 'tol," pagmamaktol ni Rhance sa tabi ko.

Bench pursed his lips and looked at me then Rhance. "What?" mahinahong aniya at kumagat doon sa burger na kinuha sa akin.

"I just saved her health. Ano ang masama roon?" patuloy niya at pinagpagan ang kuwelyo gamit ang panyo kahit wala namang dumi roon.

"What do you mean?" Hinila ako ni Rhance palapit kay Bench para bigyang-daan iyong iba pang bumibili.

Umatras si Bench at tinaas pa ang isang kamay, indikasyon na hintayin namin siyang malunok muna ang kinakain bago siya pagsalitain.

"Allergic si Aui sa cheese tapos bibilhan mo siya nito?" Sabay kagat niya ulit.

I unwrapped the one he gave me and checked it. Walang cheese pero may halong gulay ang burger na binigay niya.

"Hindi ko alam," guilty na sabi ni Rhance.

Umirap sa amin si Bench at naglakad. Sa dami ng daanan ay sa maliit na pagitan pa talaga namin ni Rhance siya dumaan. Napaatras tuloy ako nang kaunti dahil ipinilit niyang padaanin ang sarili. Papansin din minsan ang isang iyon, e.

Binigyan ako ng nalilitong itsura ni Rhance. "How... I didn't know about it, pasensya na."

Umiling ako at ngumiti. "It's okay." Ni hindi ko rin alam paano naman iyon ni Bench. Stalker ba 'yon?

Dinala ako ni Rhance sa kabilang stall kung saan ang tindahan ng hotdog. Bumili siya ng dalawa, tig-isa kami tapos palamig bago kami naghanap ng mapupuwestuhan.

"Do'n na lang tayo," yaya ko sa kaniya nang makita ko si Nicole sa isang mesa at kumakaway sa direksyon ko.

Tumango si Rhance at sinabayan na ako sa paglalakad. Magkatabi kaming naupo ni Rhance sa harap ni Nicole na mukhang gutom yata dahil may dalawang supot ng pagkain sa mesa.

Nginitian niya ako nang makahulugan bago itinulak patungo sa akin ang supot. Napatango ako sa sarili. So, para sa akin ang isa? Ano naman kayang nakain ng isang 'to at mukhang nilibre ako?

Kinuha ko sa loob ang maliit na container ng kanin at supot ng tortang talong na may ketchup. Kumislap ang aking mata. Wow, Nicole really knows my favorite, huh?

"Thank you," sambit ko sa kaniya.

Umiling siya sa akin at bahagyang natawa nang masulyapan si Rhance.

"Tuwing nakikita ko talaga ang mukha mo, Rhance, may naaalala ako," sabi ng kaibigan ko sa kaniya.

Nagsimula na akong kumain habang pinapakinggan silang dalawa.

"Ano?"

"Naaalala ko 'yong unggoy sa zoo."

Halos mabilaukan ako sa narinig galing sa kaniya. Ah, annoying Nicolai! Lagi niya talagang trip na asarin itong si Rhance. Buti na lang at hindi pa nababadtrip sa kaniya ang isa at sinasabayan lang siya.

"Ako, Nicole, may naalala naman ako tungkol sa 'yo," si Rhance.

Tinaasan siya ng kilay ni Nicole, hinihintay ang kaniyang sagot.

"Ikaw 'yong babaeng walang magiging boyfriend hanggang sa magunaw ang mundo."

"Alam mo, Rhance, mas mabuting umalis ka na lang bago pa tuluyang mandilim ang paningin ko sa 'yo."

Tumawa ako at hindi na sumabat pa. Umalis na si Rhance pagkatapos kumain dahil tinawag na siya ng barkada kaya naman sabay na rin kaming lumabas ng canteen ni Nicole para sa magiging huling subject ngayong araw.

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang tumili sa gilid ko habang patungo kami sa aming silid.

"Sure na ba na kayo ni Rhance ang may something o talagang kayo ni Tracy? Grabe ka, isa lang ang puso kaya bakit dalawa ang tinitibok ng sa 'yo!"

Hinampas niya na naman ako kaya kinakailangan kong lumayo sa kaniya bago pa mahamog ang braso ko sa hampas niya.

"Nahihibang ka na. Ano na naman ba 'to?"

"Hello? Hinatid lang naman ni Tracy sa mesa ko 'yong kinain mo kanina!"

Napangiwi ako pero kumunot din ang noo. Si Bench ang bumili no'ng pagkain na ibinigay sa akin ni Nicole sa akin kanina? Why would he do that? Shet, this is so alarming!

"Bakit niya ako binigyan?"

Humalakhak siya. "Huwag ka ma-offend, ha, pero really okay lang din valid naman feelings mo lalo na't nakaka-offend naman talaga 'yong sinabi ng bangko na iyon."

"So, ano nga?"

"Puwede ka na raw pamalo."

"Ha?"

"Mukha ka na raw patpat."

That jerk. Humanda talaga sa akin ang lalaking 'yon kapag nakita ko. Wala ba siyang ibang makita at ako yata ang target para asarin?

Nang mag-uwian ay nauna nang umalis si Nicole samantalang ako naman ay sumabay sa tricycle na sinasakyan lagi ni Rhance patungo sa kanilang bahay. I've never been there, and I hope it goes well since this is my first time.

I expect a cheerful atmosphere with decorations everywhere, a banquet to be exact but it was all the opposite. Pumasok ako sa bahay nilang may nakakabinging katahimikan bakas na walang tao, malinis at madilim kung hindi niya pa binuksan ang ilaw.

Saan ang handaan dito?

"Akala ko ba birthday mo?" takang tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang unang palapag. Not small, not big, but neat. May couch sa gilid kung saan may malaking salamin sa dingding at flatscreen naman sa harap.

"Umalis sina Mama ngayon at pinayagan niya akong magdala ng mga tao rito sa bahay. Huwag ka mag-alala maraming pagkain sa fridge na inihanda nina Mama bago umalis. Upo ka muna, ihahanda ko." At umalis.

Dahan-dahan akong naupo sa couch habang nakatunganga. Is he being serious? He should've told me earlier! This wasn't what I expected it to be, he made it uncomfortable for me.

Napabaling ako sa pintuan nang may narinig na mga yapak at ingay galing doon. Pumasok ang iilang lalaking nakasuot ng uniporme ang iba naman ay naka-jersey. I recognized them as Rhance's circle.

And this is way too uncomfortable. Wala akong ka-close sa mga kaibigan niya maliban sa pinsan ko na wala naman ngayon dito at kay Bench na minsan ko nakakausap at naging kaibigan na rin siguro dahil sa pang-aasar niya sa akin.

But he's nowhere to be found.

"Uy, Auri! Hindi nagsabi si Rhance na dadalhin niya siyota niya rito, ah!" wika ni Deon.

"Hindi niya ako girlfriend," sabat ko. Umurong ako sa pinakadulo ng couch dahil walang hiyang naupo itong iba nilang kasamahan sa tabi ko.

Dumating si Rhance bitbit ang limang box ng pizza. Inutusan niya na rin ang isa sa mga kaibigan na kunin ang ibang pagkain sa kusina at naupo sa tabi ko.

Sinipat ko siya. "Alam mong hindi ako malapit sa mga barkada mo kaya bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta pala sila rito?" bulong ko.

Inilingan niya lang ako at kumagat sa slice ng pizza. "Kapag sinabi ko ba, pupunta ka? Saka okay lang 'yan, hindi naman sila manggugulo."

"At dapat ko bang ikatuwa 'yon?" dagdag ko pa.

"Birthday ko ngayon, Auri, kaya huwag ka munang mang-away. Wala namang ginagawang masama ang barkada ko." Tumayo siya at iniwan ako roon para pumasok sa kusina.

Nakagat ko ang labi. Ilang beses sinubukan ng mga kaibigan ni Rhance na kausapin ako ngunit hindi sila nagtatagumpay dahil halata namang hindi ako interesado sa kanila.

We all glanced at the door when someone knock. Tumayo si Jonas at binuksan iyon, revealing Bench with his damped hair wearing a black shirt and pants.

Inikot ng kaniyang mata ang buong paligid at tumigil iyon sa akin. He looked at me with surprise.

Napakurap ako.

"Kaya pala ang tagal, naligo muna bago pumunta rito."

Naputol ang titigan namin nang sipatin niya ang isang kaibigan. "Oo, what would you expect me to, anyway? Come all the way here with germs lingering on my clothe?" halakhak niya.

"Arte, bakla."

"Proper hygiene isn't femininity," sagot ni Bench.

Ako na lang yata ang hindi pa natatauhan nang maramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa gilid ko, there's a safe space between us. He looked at me and arched a brow.

"Himala, ah?"

Tumikhim ako at sinuri muna ang mga taong kasama namin na mukhang may mga sariling mundo naman pati na rin si Rhance na inaayos sa TV nila bago nilingon si Bench na nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot.

"Birthday niya kaya invited ako, duh?"

He chuckled and leaned back on the couch. Nilapag niya ang isang gift bag sa lamesa saka sako nilingon. "Sure."

Napatingin ako roon. "Gift para kay Rhance?" mahinang tanong ko.

"Yeah. Why?"

"Nakalimutan ko birthday niya kaya wala akong regalong dala ngayon..."

"It's fine. Ang importante naman sa kaniya ay narito ka."

Napanguso ako.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago ulit iyon ibinalik sa aking mga mata. He sighed. "You can still give him a gift, hindi pa naman tapos ang araw."

Yumuko ako nang bahagya pero nakatingin pa rin sa kaniya. Nagsalin siya ng tubig sa isang baso at inilahad iyon sa akin.

"Uminom ka na nga muna, ang dry ng labi mo."

Napatikhim ako bago dinilaan ang pang-ibabang labi. Siraulo 'to, ah! Pati lips ko, pinapapansin!

Tinanggap ko ang inabot niyang tubig at ininom iyon. Nang mangalahati iyon ay tumigil ako.

Ibabalik ko na sana sa mesa nang magsalita siya, "Ubusin mo na. You should stay hydrated."

Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko ang lalaking 'to, pero hindi na ako nakipagtalo at ginawa na lang iyon. Sa susunod na araw na lang ako magmamaldita sa kaniya, nakakahiya naman kasi kung bigla ko na lang siyang sungitan, wala naman siyang ginagawang masama.

Nang matapos ay siya na mismo ang naglapag noon sa mesa bago ulit bumalik sa puwesto niya kanina. Lumingon ako sa mga lalaki at ngayon ay busy naman sila sa panonood ng anime. It somehow relieved me.

"Auri, puwede samahan mo muna ako?" biglang sulpot ni Rhance sa harap namin.

Mabilis akong tumayo palayo kay Bench at tumango kay Rhance. Sinulyapan niya muna ang kaibigan bago tumalikod at hinila ako.

Napasandal siya sa pader nang makarating kami sa kusina.

He looked at me tiredly. "Huwag mo sana akong gaguhin."

My lips parted. "May ginawa ba akong mali?"

Tumalim ang tingin niya sa akin. "Wala...wala pa."

"Rhance—"

"Ewan ko, Auri, pero sana respetuhin mo ako kahit ngayong birthday ko lang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top