Prologue

Siguro, ako ang reincarnation ni kupido? Ha! Kung hindi ba naman ako, e sino? Ang tukmol na nakikipagtukaan sa block president namin? Ang gwaping na kumukuha ng video camera sa dalawang tila kakalabas lang mula sa porn site? O, ang mga nakikiusyoso at nakikihiyaw sa hallway? Naku! Kung hindi lang talaga ang tukmol na mukhang thumbtacks ang kliyente ko, nuncang makikihiyaw ako rito na para bang tumama ako sa lotto. E hindi naman, may live porn nga lamang sa harap ng faculty office ng College of Engineering.

 Inilibot ko ang aking paningin at agad na napasimangot. "Sayang. Istupida rin ako e kaya hanggang ngayon ay dukha pa rin." Isa-isa kong tinuro ang mga nakinuod sa live porn. "Twenty...Twenty-five...Twenty-eight! Kung sinabihan sana ako ni tukmol na may live show palang magaganap edi sana nag-pay-per-view ako."

Kahit hindi nakita ni tukmol dahil nakaharap sa gawi ko ang kanyang bilugang likod, binigyan ko pa rin siya ng isang malutong na irap kasabay nang pag-taas ko ng aking hinlalato na wala ring epekto sapagkat nakuha na ni tukmol ang gusto niya mula sa akin – ang makatuluyan ang matagal nang gusto ni tukmol na block president namin.

Palakpakan. Hiyawan. Walang humpay na pagtunog ng mga kamera kasabay ang mga ilaw na hatid nito ang bumalot sa padilim nang palibot sa hallway na kanilang kinatatayuan. Ang sikat ng araw na kanina ay nagbibigay ng ilaw sa loob ng hallway ay unti-unti nang bumababa. Kasabay nito ang pag-ilaw ng mga naglalakihang chandelier sa loob ng hallway ng Trifecta Academy.

Sa pangalawang libot ng aking paningin ay napatigil ako, siguro pati paghinga ko ay nabitin din nang ilang segundo.

Nang makita ko ang pulang takong ni Miss Michen este Miss Machete pala, agad kong binaba ang hood ng aking jacket sabay talikod. Natatabunan nito ang kalahati ng aking mukha habang bitbit ko naman ang mga props na ginamit ko upang makuha ni tukmol ang serbisyong binayaran niya sa akin.

Nahagip pa ng aking mga mata ang umuusok na ilong ng adviser ng batch nila, si Miss Machete.

Nakapameywang na huminto sa gitna ng gulo si Miss Machete. Iniayos muna niya ang kanyang cat-eye-framed eyeglasses bago niya ibinuka ang kanyang pulang-pulang labi. "At ano ang kaguluhang ito? Por favor, stop this malicious act!"

Umalingawngaw ang boses ni Miss Machete dahilan upang magsipulasan ang mga mag-aaral na kanina lamang ay tuwang-tuwa sa pinapanood. Tanging natira sa hallway ay ang dalawa habang ako naman ay umatras na sa dilim na hindi abot ng liwanag. Walang lingun-lingon na iniwan ko sila. Tutal ay nagawa ko na rin naman ang aking pakay.

Kahit na nakababa ang hood ng aking suot at tila natatakpan nito ang aking mga mata, kabisado ko naman ang tahimik na daan ng fire exit. Kipkip ang isang malaking karton na kahon, bumaba ako mula sa fifth floor papuntang second floor kung saan nandoon ang shortcut ko papunta sa dormitories ng Trifecta Academy.

"Ikaw ang may gawa kung bakit napasagot ni Travis si Shanica, hindi ba?" Ang boses na biglang bumasag sa katahimikan ng aking paglalakad ay dahilan kung bakit muntik ko nang mabitawan ang aking dala-dalang kahon.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses upang makita lamang ang nakapameywang na si Chachi, ang muse ng aming block. Nakataas ang mga kilay ni Chachi na tila ba nanghahamon ng away. Buti na lamang talaga't good mood ako ngayon kaya ibinaba ko ang dala-dala kong karton. Tinanggal ko ang hood na nakatabing sa aking mukha upang maayos kong matingnan ang mukha ng kaharap ko na nakatayo lamang ilang dipa ang layo sa akin.

"Tinatanong pa ba 'yan, Chachi? Ako lang naman ang matchmaker sa Trifecta ah." Idinaan ko sa hambog ang aking sagot sa kanya. "Bakit? May balak ka bang maging client number forty-seven ko, ha, Chachi babes?" Itinaas-baba ko ang aking mga kilay.

Ang aking sinabi na nilangkapan ko ng ngisi ay isang biro lamang. Kilala ko si Chachi, I mean, kilala ng lahat si Chachi. Sino ba naman ang hindi makakakilala kung halos napanalo na niya lahat ng contest sa Trifecta Academy? Alam kong madaling mapikon si Chachi. Sa tagal ba naman ng apat na taong magkasama kami sa college, siguro pati utot niya ay kabisado ko na rin.

Subalit ang aking ngisi ay nauwi sa ngiwi nang makita ko ang pamumula ng mga pisngi nito.

Naloko na!

Nanlalaki ang mga mata na tinawid ko ang distansya sa pagitan namin ni Chachi at hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay na siyang ikinaigking ng huli. "Hindi nga? Magpapabudol ka sa'kin? Ikaw? Si Chachi Gonzales na kilalang beauty queen ng Trifecta Academy ay gustong kunin ang serbisyo ko?"

Nang hindi sumagot si Chachi at nanatiling nakatingin sa ibang direksyon habang nakakagat-labi ay malutong akong napamura. "Anak ng tokwa! Sino? Sino ang kapalmuks na dumedma sa beauty mo?"

Tila natauhan si Chachi sa sigaw ko kaya mabilis niyang hinablot ang nanlalamig na mga kamay mula sa akin at umatras nang ilang beses. Tumikhim muna ito bago nameywang ulit. "S-Sinong may sabing kukunin ko ang pagiging matchmaker mo? Tsaka, I don't need your petty tricks noh. I can do well on my own, thank you very much."

"Thank you very much," gaya ko rito sa mahina at pinaliit na boses na narinig niya pa rin. "So nandito ka nakatayo sa isang sulok ng fire exit para lamang mameywang sa harap ko?" Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy ako. "Hindi ka talaga sasagot nang matino? Okay, payn. Ako ay hahayo na sapagkat maraming atat ngayon lalo na at malapit na ang Valentines Day. One month na lang and two days."

Akmang tatalikod na ako nang magsalita ulit ang pabebe queen. "Wait, Lauren!"

Bago lumingon ay ngumisi muna ako, ngising jackpot. Aba sino ang hindi ngingisi kung isang mayaman na Chachi Gonzales ang magiging client number forty-seven ko? Naks naman! It's my lucky day!

Tila slow motion na lumingon ako. Tumambad sa akin ang maluha-luhang mata ni Chachi.

Aba taray! Ang daling magpalit ng special effects ah.

"O ano na, Chachi? Aabutin tayo ng Mahal na Araw dito e."

"Wait nga muna 'di ba? I am still gathering my courage! Hindi ito madali, alam mo ba 'yon?"

"Taray naman ng courage-courage na iyan. Akala mo naman sa supreme court pinatawag e tinatanong ko lang naman," bulong ko sa aking sarili. Nakatitig lang ako kay Chachi na mas gumanda sa aking paningin. Kung dati ay ang ganda nito tingnan dahil sa hugis puso nitong mukha at magagandang mga mata, ngayon ay ang tingin ko rito ay nakatayong isang libo.

Hay, ang sarap talaga sa eyes ng kulay asul e.

Naputol ang aking pagmumunimuni nang magsalita na si Chachi, sa wakas!

"I met this man – "

"At nagka-one-night-stand kayo tapos buntis ka pala kaya itinago mo ang bata dahil nalaman mong isa palang anak ng mafia boss ang lalaki?" Daig pa ang bala sa bilis ng aking mga salita kaya nang sibatin ako ni Chachi ng tingin ay agad akong natahimik. "Ay sorry naman. Sa iba ko pala nabasa 'yon."

"Shut your stupid mouth, will you?"

Umakto akong nag-zipper ng labi ko kaya huminga nang malalim si Chachi bago nagpatuloy. "As I was saying, I met this man. He is very different from those guys na naghahabol sa'kin. Tama nga ang kasabihan na we desire what we can't have dahil gustong-gusto ko siya, Lauren. But," huminto nang ilang segundo si Chachi, "My advances did not reach him. I like him. Feeling ko nga ay mahal ko na siya e. But what to do, Lauren?"

Feeling mo mahal mo siya? Aba hija, not feeling ka lang. Oh well, sa mga homo sapiens na tulad mo kaya ako rumaraket kaya go lang nang go.

Marahan kong inabot ang kanang kamay ni Chachi at mahinang pinisil ito. Ang aking mga titig ay nasa mukha niya na puno nang pighati, isang anyo na awtomatikong nagdulot sa akin ng ngisi kung hindi ko lang napigilan agad sa pamamagitan ng pagkagat ng aking dila.

Pasimple akong tumikhim bago binigkas ang mga salitang ilang beses ko nang inulit sa harap ng aking mga kliyente. "Handa ka bang gawin ang lahat ng iyong makakaya para sa ngalan ng pag-ibig, katoto? Handa ka bang gumulong, tumalon, mabasa, at maiyak para sa iyong sinta, binibini?"

"What the heck, Lauren?" Nandidiring hinablot niya ang kanyang kamay mula sa akin. Teka, déjà vu 'to ah. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin na para bang miyembro ako ng Star Trek.

"O.A. ha. Oo at hindi lang naman ang sagot ah. In character ako e, pake mo ba." Ako naman ang nameywang ngayon sa harap niya sabay lahad ng kanang kamay ko kay Chachi. "Tutulungan kita pero down payment muna. Fifty percent down and you will receive Cupid's magic, Chachi."

"And how would I know this is not a scam?"

"Dahil nandito ka na bago pa ako dumaan, nagbabasakaling dito rin ako dadaan ngayon tulad nang ginawa ko kahapon at nang mga nagdaang araw tuwing uwian. Alam mo ito dahil matagal mo nang gusto akong lapitan." Tinawid ko ang isang hakbang na nakapagitan sa amin. Dahil magkaparehong taas lamang kami kaya mata sa matang tinitigan ko si Chachi bago bumulong na may ngisi sa aking labi. "Now. Money down, Chachi."

               "I SWEAR WITH my honor, father. I did not touch even the tips of Duchess Louella's hair, for god's sake!" Veins protrude around my neck as I scream the same sentence over and over again ever since I entered my father's office.

Standing in front of my father's carven table, my spine straightens as cold sweat trickle down my nape. I do not fear what he thinks since I know my father trusts me. So does my mother, who is sitting quietly on the love seat inside the office. I dread the noble judgment that my father would give to me as the King of Andorra.

Honor and tradition above all else, the motto for every royal member of Andorra's monarchy.

The wrinkled man in front of me wipes his face off with his palms before he looks beyond me; his gaze softens for a fraction of a good minute. The moment King Ambrose Edward Cambria shifts his attention to me, the knot lodged between his bushy gray brows returns with vengeance.

"I know, son. Trust me, I know." King Ambrose sighs. "But the duchess claims that you ruined her reputation. She demands a marriage between you two. Duchess Louella of Spain wants Crown Prince Chrome Yustaf Cambria of Andorra."

I cannot help but scoff. "I ruined her? Who dares to poison the prince's cup of wine? Who fancies taking lovers half their age? And she says I ruined her?"

Waking up inside an unfamiliar room in the middle of being strip naked by a forty-five-year-old duchess with prosthetic teeth is a bloody nightmare for me. The last thing I remember, I was having fun at the imperial castle's ballroom as the crowd celebrated my parents' wedding anniversary. Yet the next moment I knew, I was sorted to be one of the duchess' playthings.

"As a father, I know you did not do what Duchess Louella of Spain is claiming. But as the king of this nation, I will have to suggest you prepare for your engagement with the duchess. Who knows? This could be beneficial for Andorra."

"Have you forgotten, father? The moment I accepted the role as the crown prince, I swore an oath to protect the freedom of all Andorra citizens and that I will do my best for the interest of my people."

"Of course, son. How can I forget when I swore the same oath a long time ago?"

I point at myself as I lean down towards my father. "I am an Andorra citizen too, father. I deserve the liberty to choose my bride at least."

Before my father and mother can even voice the importance of traditions and honor as a royal family member, I race to the door without a tad intention of looking back.

Perhaps it is time to call a dear friend of mine.

The loud thud of the double doors ricochets within the high-ceilinged halls. Echoes of my footsteps follow as I take my cellular phone from the breast pocket of my suit.

One ring, two rings, and by the third ring, a deep voice answers. "Your highness?"

The hint of wariness and worry overlap with each other, dripping like honeysuckle from my retired bodyguard's voice. "Desmon, I need your help right now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top