Prologue
Prologue
Sinalubong ko ng takbo si daddy nang makitang papasok na ito sa bahay. I plastered my biggest smile on him as I run towards him.
"Dad, look, gumawa ako ng paper vase for our project. I got a 98 grade for this!" Nilahad ko ang vase na pina-check ko sa teacher namin kanina.
Hindi niya ako pinansin at tinawag si yaya habang patuloy na naglalakad. "Yaya?"
"Yes po, sir?" Dali-daling lumabas sa kusina si yaya at lumapit kay daddy.
"Daddy, ang galing ko raw sabi ni teacher. Ako 'yong outstanding sa class!" sabi ko pa pero hindi ako nakatanggap ng sagot.
"Dalhin mo muna si Athisa sa taas. I'm tired."
"Dad, look, oh!" Kinaway ko ang paper vase sa ere to catch his attention but it didn't worked.
Naglakad na siya papunta sa taas, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napabaling ang tingin ko sa ginawang vase na ilang araw ang ginugol ko para rito.
Dad can't even look at me with this awesome project I had. Biglang nangilingid ang luha ko sa isiping 'yon at napayuko.
Palagi namang ganito. He will always ignore me whenever I did great in school. He will always compare me to those kids na mas mataas ang grado sa 'kin, na mas maraming achievements ang nakamit kumpara sa 'kin.
"Iha, mukhang pagod lang ang daddy mo. Shhh. Huwag ka ng malungkot. Alam mo, napakaganda ng ginawa mong 'yan. Alam kong magiging proud ang daddy mo," pagpapalubag loob na aniya habang hinahagod ang likuran ko.
Palagi ba siyang pagod kaya hindi niya ako pinansin? Kailan ba naging proud si dad sa mga ginagawa ko? Kulang ba ang ginawa ko?
"I will go to my room muna, 'ya," pilit na ngiting usal ko at tumalikod na.
"Athisa, iha," tawag pa ni yaya. Hindi ko 'yon pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad papalyo sa kaniya dala ang mabigat na damdamin.
I run to my room and locked the door. Yaya was knocking but I ignored her. Mabilis akong tumakbo sa closet at nagtago. Doon ako umiyak at tinapon sa sahig ang paper vase.
Hindi ba ako magaling? Pangit ba kay dad ang ginawa ko?
Ilang ulit kong inisip 'yon at nang tumahan ay kinuha ko ulit ang vase saka lumabas ng closet. Nilagay ko 'yon sa may bedside table kung saan naroon ang mga trophy at ibang certificates na napalanunan ko sa pagsali sa iba't ibang paligsahan sa school.
Lahat ng 'to ay hindi man lang nagawang tingnan ni dad o i-congratulate ako. Bakit sa iba kong kaklase ay tuwang-tuwa naman ang mga daddy nila? Bakit sa 'kin hindi? Hindi niya ba ako mahal?
Hanggang dumating ang pinakaaasam-asam kong graduation sa elementary. I thought dad will attend pero umaasa lang pala ulit ako. Si yaya ang umakyat sa stage sa bawat medal na nakukuha ko. I do all my best for dad to come in my graduation, naging outstanding ako sa klase, naging valedictorian, pero bakit hindi pa rin siya pumunta?
I'm jealous for my classmates' family. Bakit sila kumpleto sa araw ng graduation namin? Bakit ako lang ang bukod tanging walang magulang sa graduation?
That day, I learned to do the opposite. Nang tumapak sa high school hindi na ako ang dating Athisa na pala-aral, achiever at kung ano-ano pa. I stop doing my best and stop chasing my dad's shadow.
"Athisa! What's this?!" galit na saad ni dad patungo sa 'kin habang may hawak na papel. "Bakit ganito ang mga grado mo? Your school send me notice for your records! And some of your teachers are reporting that you skipped classes!"
I want to say that it was because of him but I keep my silence.
"Hindi ka man lang ba magsasalita?" inis na aniya.
Para saan? Hindi mo ako pinapakinggan. You can't even recognize my achievements when I was doing my best. And now, here you are, yelling, getting mad at me because I didn't do my best. Funny!
"I'm sorry, dad," labas sa ilong na paumanhin ko habang nakayuko.
"Sorry? Can your sorry changed anything, Athisa? Isa kang kahihiyan! Mabuti pa noon ay hindi na kita kinuha sa ina mong manloloko!"
I balled my fist for what I heard. Hindi ako nasaktan sa sinabi niyang manloloko ang ina ko, totoo naman, pero mas masakit pakinggang isa akong kahihiyan para sa kaniya.
Kailan ba siya naging proud sa ginawa ko noon? Kailan ba siya pumalakpak sa mga paligsahang sinalihan ko noon? Kailan niya ako tiningnan ng paghanga?
I'm seeking for his attention but he always ignored me and saying that he was tired. Ngayon, sinasabi niyang isa akong kahihiyan?
Gusto kong sumabog pero pilit kong pinipigilan, he was my father who raised me after all, may natitira pa akong respeto sa kaniya.
Lahat ng masasakit na salita ay binato niya sa 'kin, on how useles I can be, at kung ano-ano pa. Tumahinik lang ako at nakayuko, ni hindi sinasalubong ang tingin ni dad. Nang magsawa siya ay nilamukos niya ang papel at tinapon sa harapan ko saka umalis.
Dinaluhan ako ni yaya nang makaalis si dad at hinagod ang likod ko. "Athisa, intindihin mo na lang ang daddy mo. Ako na ang humihingi sa kaniya ng pasensya sa mga sinabi niya. Huwag mo ng isipin 'yon, hmm?" Yaya smiled. "Ito na 'yong mga gamit mo, mali-late ka na sa school."
Wala gana kong inabot ang bag at umalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Pumasok na ako sa kotse at sinabihan ang driver na umalis. Habang papunta sa paaralan ay nakadungaw lang ako sa labas ng bintana at inisa-isang inirapan ang mga kababaihang nahuhuli kong tinititigan ako.
Natigil lang 'yon nang napansin ang isang lalaki na kapareho ng uniform ko sa may labas ng 7/11 store nakatayo. Inaayos niya ang buhok at nananalamin sa glass wall no'n.
Nakatalikod palang pero ang guwapo na! Nawala na lang tuloy ang masama kong mood dahil sa kaniya.
"Kuya, ihinto mo 'yong kotse," utos ko.
"Po?"
"Ihinto mo muna ang kotse," ulit ko pa.
"Ma'am pero—"
"Mabilis lang 'to."
Nang huminto ay mabilis akong lumabas ng kotse at naglakad patungo sa lalaking 'yon. Napansin kong naglalakad na siya patungo sa akin kaya nagkunwari akong may kinakalikot sa bag at sadyang binitiwan iyon nang baggain ko siya.
"I'm so sorry!" histeryang saad ko at pinulot ang bag na nalaglag.
Una kong napansin ang kaputian ng kutis nito sa kamay nang abutin niya ang bag. Bakit kamay palang ang gwapo na?
Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang salubungin nito ang tingin ko. Gusto kong himatayin sa kilig matapos makumpiramang guwapo nga ito.
"Sorry, miss. Okay ka lang ba?" aniya.
Ilang ulit akong napatango at hindi makapagsalita sa sinabi niya. May sinasabi ito pero hindi ko maintidihan dahil titig na titig ako sa mukha niya.
Napansin ko na lang na wala na pala siya sa harap ko nang magsalita ang driver ko, "Ma'am? Tara na po, kanina ka pa tulala riyan. May nangyari po ba?"
Nagpalinga-linga ako para hanapin ang lalaking 'yon. Bakit hindi ko napansin na wala na pala siya? Hindi ko man lang nalaman ang pangalan! Tanginang buhay naman, oo! Guwapo na, nawala pa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top