・‥...━━━☆ download font

Dito po muna tayo. Madami na din po akong naeencounter na hindi pa alam yung pag do-download ng fonts sa picsart. Kaya eto tuturuan ko kayo..

Pumunta kayo sa dafont.com at don madami don na fonts at kapag na-search niyo na siya sa google may lalabas po agad don na mga fonts.

Pwera sa dafont meron ka pang pedeng mapagkuhanan ng mga fonts nakalimutan ko na nga lang kung saan haha basta mag focus na muna tayo dito sa dafont.

So ganyan agad yung bubungad sa inyo. Tapos may makikita naman kayo sa taas nan na choices may mga calligraphy, san serif etc. Basta madami pa tapos pumili ka na lang ng fonts na gusto mong idownload nakikita niyo naman yung button sa taas na download diba? Kapag pinindot mo yon automatic na mag do-download na siya.

Tapos naman punta ka sa my files mo. Pindutin mo yung device storage.

Ayan na ha may picture na para mas maintindihan niyo hahaha!

So ayun na nga! Napindot mo na yung device storage diba? Tapos ang lalabas diyan ganito na.

At nakikita niyo yung may bilog? Ayun naman ang pipindutin niyo yung "download" tapos non ay lalabas na don yung mga dinownload mong fonts at pindutin mo yung ganito ang itsura yung color gray ha.

Kapag pinindot mo na siya ang lalabas non ganito na.

Pede namang wag mo ng baguhin yung name ng font ako kase hindi ko na binabago tapos ay pindutin mo yung extract.

Kapag na-extract mo na siya ganan na yung magiging itsura magiging dilaw na siya na parang folder na siya.

Tapos..pipindutin mo yung mga fonts na mga dinownload mo at kapag napindot mo na siya may lalabas ulit don..hay okay ang hirap i-explain hahaha sige screenshot ko na lang ulit.

Ganan yung lalabas tapos i-long press mo siya at nakikita niyo naman yung "more" pindutin niyo yon at may makikita kayo don na "copy" at pipindutin mo yon.

Tapos ang lalabas na non ay ganito ang gawin mo ay hanapin mo yung picsart na folder.

Pindutin mo yung picsart na folder at hanapin mo naman yung folder na fonts

Tapos ganito naman yung lalabas nan kung wala ka pang fonts na nada-download empty lang yung lalabas eh ako kase madami na akong fonts na nadownload so ayun nga nakikita niyo naman yung paste here sa taas diba? pipindutin mo yon tapos ayun na.


Punta ka na ngayon sa picsart and tap text then may makikita ka naman don na parang plus sign diba?


Yung color pink sa baba na may plus na sign pipindutin niyo yon then ganito ang lalabas at pipindutin niyo naman ngayon yung my fonts at check niyo yung fonts niyo at don mo na makikita yung mga dinownload mo.

・‥...━━━━━━━☆☆━━━━━━━...‥・

if u have questions
just comment down
below, and i'll try to
answer it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top