TU 9 🔧 - Cheese Sticks
"GOLDA..."
Napamulagat siya nang marinig ang kanyang pangalan. Pambihira! Ang akala niya ay mag-isa lang siyang magmumuni-muni ng gabing iyon, pero hindi pala. Ngumiti siya sa kilalang taong papunta sa kanyang kinaroroonan.
"Yan, bakit ka narito? Akala ko, diretso lang ang uwi mo ngayon?"
"Impakta! Ikaw ang dapat tatanungin ko niyan? Akala ko ba ayaw mo sa mga ganitong lugar? Bakit ngayon ay napadpad ka ditong mag-isa?" sunod-sunod na tanong ng kasamang si Lilian.
Dahil sa mga tanong nito ay hindi siya direktang makatingin nito nang magkatapat na silang nakaupo. Nagpabuga na lamang siya ng malalim na hininga.
Napangiwi si Lilian. "Uy, Golda, hindi ako mind-reader na maiintindihan kung anong ibig sabihin ng pagbuntong-hinga mo. May bibig ka. Speak!" puno ng sarkasmong turan nito.
Ilang segundo rin na natahimik siya kaya't pinandilatan siya ng bahagyang lumuluwang mga mata ni Lilian.
"Ayokong umuwi kasi sa amin muna, 'Yan."
"At bakit naman?"
"Basta. Gusto ko munang mapag-isa."
"Hmmm. Usapang lovelife ba ito?"
Natumbok nga ng kasama ang totoong dahilan. Pero paano nga ba niya ipapaliwanag dito? Hindi pa siyang handang i-share ang dahilan ng pagkawasak ng kanyang puso.
"Oh, Golda. Come on!" dagdag pa nito nang hindi niya makuhang sumagot.
"Oo. Tungkol sa amin ni Marble...Wala na kami," mahinang wika niya ngunit tila megaphone iyon sa pandinig ni Lilian.
Pinaikot pa nito ang mga mata. "Eh, ano naman ngayon? Hayaan mo na siya! At least ngayon, you're—"
"Hi, Ma'am Golda, Ma'am Lilian, excuse me po. Here's your order. Enjoy your meal," sabad ni Rolly na malawak na nakangiti.
Awtomatikong napatingin ang kaibigan sa waiter. "Anong enjoy your meal? Wala pa akong food. Kaya pahiram ng menu."
Napahalakhak si Rolly. "Yes sure, Ma'am Lilian. Just for awhile."
Napahagikgik na rin si Golda dahil sa dalawa. "Ang cute n'yo talagang dalawa."
"Huwag kang mag-cute-cute diyan at hindi pa tayo tapos mag-usap."
Sa tinuran ng kaibigan ay kaagad namang naitikom ang kanyang bibig at saka sinimulan nang manalangin at kumain.
Pagkatapos nilang kumain ay tahimik pa ang paligid. Wala pang bandang nagpe-perform kung kaya't may pagkakataon pang interbyuhin siya ni Lilian.
"Golda..." Pinahid nito ng tissue ang bibig pagkatapos uminom ng tubig. "Seriously, I'm happy for you."
Mapakla siyang ngumiti.
"Alam mo, ang mga lalaki, wala naman kasing mga kwenta 'yan. Sa simula lang 'yan mabait. Selfish sila! Mga walang iniisip kundi ang mga sarili lang! May iba pang hindi makuntento sa isa! Mga hangal!" paghihimutok nito.
Bakit naman kaya nasabi niya ang mga ito? NBSB naman? "Wait, Yan! Saan ka ba nakakakuha ng ganyang mga idea? Hindi mo pa nga sinubukang makipagrelasyon?"
"Hay naku! Alam ko naman iyan, eh. Sa mga nasa paligid ko... sa mga friends ko... sa iyo." Itinaas nito ang isang kamay para tumawag ng waitress. Nang may lumapit ay saka idinikta ang o-order-ing inumin. Nagpatuloy ito nang makaalis na ang waitress. "Hindi ba, nakuwento mo pa nga dati iyong cheater mong ex?"
Tango at buntong-hininga ang sagot niya rito.
"Tingnan mo, ginawa mo na nga ang lahat, nakuha ka pang ipagpalit sa malapit? Kaya't hindi mo talaga sila mapagkakatiwalaan. Alam mo, kung kaya nilang gawin iyon, kaya rin nating gawin 'yang mga babae. Leche sila!"
Bigla niyang na-realize ang inusal ng kaibigan. Tama nga si Lilian.
"Kaya't kung ako sa 'yo, wag mo nang damdamin ang paghihiwalay ninyo. Maganda ka. Mabait pa. Malamang hindi lang kayo para sa isa't isa," payo pa nito. "Move on, Golda! Shot na nga." Ibinigay nito sa kanya ang basong may beer.
Marahan niya itong inabot at pagkuwa'y diretsong nilagok nang walang salita.
"Lintik lang ang walang ganti sa mga lalaking ganyan. Mga hindi marunong umintindi! Useless!" Napatiim-bagang ito bago nilagok ang beer.
Nagpatuloy ang kanilang usapan ni Lilian nang may nagsalita sa microphone sa stage. Biglang nanindig ang kanyang balahibo nang narinig na niya ang tinig na iyon. Nagpalakpakan ang mga tao at pinakamalakas no'n na may kasamang pagtili ay nagmula sa kasama. Tama nga siya. Tinig iyon ni Adrian. Ang banda ng Glide ang unang magpe-perform ng gabing iyon.
Hindi mawari ang isip kung bakit para sa kanya ay napaka-soothing ng mga kanta na kinanta ng banda. Habang nakikipag-usap kay Lilian at nakikinig sa tinig ni Adrian, tila ba unti-unti nitong natapalan ang malaking hiwa ng kanyang puso. Hanggang sa hindi mamalayang sumabay ang kanyang ulo dahil sa tiyempo ng alternative rock songs na tinutugtog ng banda.
"'Yan! Ang ganda mo kayang tingnan pag nakangiti? Sus, lalaki lang ang mga iyan. Huwag mong sayangin ang luha para sa kanila. Save your tears & get up, girl! We should be over them," puno ng pagmamalaking usal ng kasama bago tinungga na tila tubig ang lagpas-kalahating laman ng baso ng beer.
"Thank you, Yan!"
"Anong thank you? Gawin mo."
Mahihinang tango ang itinugon niya rito.
Kahit sa ilang sandali ay nakalimutan niya ang mabigat na dinadala niya dahil sa pakikinig sa mga musikang hatid ng Glide Band at ang walang prenong bibig ng kasamang si Lilian. Pakiramdam niya ay ginising siya nito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan habang nag-eenjoy sa pakikinig mula sa live performance ng banda. Ngunit hindi maiwasang magawi ang maaliwalas na mukha ni Marble sa kanyang balintataw — sanhi ng awtomatikong pagdaloy ng luha sa kanyang matambok na pisngi.
"Hoy!"
"H-ha?!"
"Umiiyak ka na naman. Golda, utang na loob. Malamang marami rin ang umiiyak dito ngayon dahil nakainom na, dadagdag ka pa ba?
"I'm sorry, Yan! I love him. I really do."
"Naintindihan ko. Pero iyon na nga. May mga bagay na hindi kayo nagkakaintindihan. At iyon na ang sign na you are not for each other talaga."
Napahagulgol na lamang siya at yumuko sa ibabaw ng malamig na kahoy na lamesa. Animo'y nadagdagan ang panlalamig ng kanyang dibdib dahil sa lamig na dulot niyon at ang mga cold drinks na nasa ibabaw nito. Naramdaman na lamang niyang may malambot na kamay na humagod sa kanyang likod.
"Golda, sometimes we need to be hurt to be stronger," medyo malumanay na ang tinig nito.
"Ang sakit lang kasi, Yan. I didn't see it coming."
Patuloy siyang pinakalma nito at saka siya tinagayang muli.
"Shit!" angal ni Lilian.
Tumuwid siyang muli sa pagkakaupo. Nakita niyang napahawak ito sa tiyan at nalukot ang mukha sa sakit.
"Ang sakit ng sikmura ko!"
"Baka hindi ka natunawan. Wala pa naman akong dalang gamot dito," simpatiya niya rito.
"Golda, mauna na siguro ako. Sinumpong na naman ako ng hyperacidity. Naubusan din ako ng gamot na palagi ko namang dala-dala sa bag ko."
"Okay sige. Tara na. Ihatid na kita sa labas."
Pagkatapos niyang maibili ng gamot sa pinakamalapit na pharmacy at mapasakay ng taxi ang kaibigan, naramdaman na lang niya ang malalaking butil ng ulan na dumapo sa kanyang balat. Hinagilap ang payong na dala ngunit sa kasamaang palad ay naiwan pala niya iyon sa upuan sa restobar. Shocks! Kailangan kong bumalik.
Tumakbo siya pabalik sa restobar upang kunin ang naiwang gamit. Tamang pagdating niya doon ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi niya kayang lusubin ang tila nagngangalit na panahon. Kailangan niya munang patilahin nito o kahit man lang humupa nang kaunti. Pinapak niya ang ilang mainit-init pang piraso ng cheese sticks na hindi pa naubos kanina. Masarap iyon lalo pa at sinawsaw niya sa ranch dressing. Hiling niyang sana'y dumaloy rin sa kanyang nanlalamig na puso ang taglay na init nito.
Ang mga mata niya'y nakatuon kay Adrian ngunit ang puso niya'y si Marble ang ipinagsigawan. Diretso niyang tinungga ang bote at humugot ng ngiti. Ngunit ang puso ay hindi naturuang magsinungaling, kung kaya't inilabas sa mga mga mata kung anong saloobin ng damdamin. Hindi namalayang nasaid na pala niya ang laman ng kahuli-hulihang bote ng beer.
"Thank you as always, guys, for your warm welcome! Every night with you is indeed a pleasure on our part," huling wika ni Adrian, saka bumaba sa stage. Sumabay na rin siya sa masigabong palakpakan ng madla.
Nang muling tiningnan sa labas ay napakalakas pa rin ng ulan. May kasama pa itong katamtamang pagbulusok ng hangin. Napayakap siya sa sarili. Mayamaya pa'y napalingon siya sa kanyang harap nang may naulinigan siyang tumikhim. Akma siyang tumayo nang pigilan siya nito.
"Golda, are you avoiding me?"
"A-Ah hindi, Adrian. I need to go."
"Uuwi ka na? Ang lakas pa ng ulan ah. Here's my jacket. Have a seat first. I am sure na ayaw mong unuwing parang basang sisiw." Nakangisi pa ito.
Wala siyang nagawa kundi ang dahan-dahang umupong muli.
"Are you alright?" usisa ng bokalista.
"Yes, I am. Bakit naman hindi?"
Muli itong napangisi. "I saw you a while ago while we performed on stage. Yumuko ka pa nga sa lamesang ito."
Tiningnan niya ito sa mga mata at maagap ding binawi. "Hmm ah iyon pala. M-medyo sumakit lang ang tiyan ko noon."
"But then you were laughing and the next moment you were crying."
Napaawang ang kanyang labi. Hindi niya inaasahang napansin pala iyon ni Adrian ang mga kilos niya kanina habang tumutugtog ito sa stage.
"A-ah iyon pala? Just don't mind it."
"Is there something bothering you? Come on, you can share it to me. I'm harmless."
Sinalubong niya ang mga titig nito at pinag-aaralan kung ito ba'y totoo sa mga sinasabi nito.
"Golda, the rain still pours hard. Let's have some chitchat while waiting for it to stop."
Mapagkakatiwalaan ko kaya ang lalaking 'to?
"Wait, let's order—"
"No, no! Busog pa ako."
"Baka mamaya pa 'to titigil ang ulan. I'll better order some foods ahead."
"Okay sige. Ikaw ang bahala." Hindi na siya nagpupumilit pa. Pera naman niya ang ipambabayad.
Ilang sandali rin ang namayani na katahimikan sa kanilang pagitan. Binasag iyon ng bokalista sa pamamagitan ng pag-alis ng bumarang laway sa lalamunan.
"Golda, I hope you don't mind if I ask you this. Is this about you and your boyfriend?"
Hindi niya napaghandaan ang tanong na iyon mula sa lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top