TU 4 🔧 - Avocado Shake
"FASTEN YOUR SEATBELT, hon."
Nilingon ni Golda si Marble bago tumugon, "Alright, let's go!"
Saka pinaarangkada ng nobyo ang kotse. Hindi napigilan ni Golda na mapapa-sway ang kanyang ulo sa country songs na pumailanlang sa car stereo. Sa unang kalahating oras ay abala ang mga mata niya sa mga tanawin na madadaanan: naggigitgitang mga sasakyan, mga klase-klaseng kabahayan, at nagtataasang gusali. Hanggang sa dahan-dahang napalitan ang mga iyon ng mga palayan, nagtataasang mga niyog, halinhinang mga maliliit hanggang sa katamtamang mga tulay na may mga sapa sa ilalim. May ibang puno ng tubig sa magkabilang gilid, ang iba naman ay nasa bandang gitna lang ang daloy ng tubig niyon ang natanaw niya. Napapangiti siya sa ganda ng kalikasan na likha ng Maykapal.
"Hon, ang cute may kalabaw na naliligo sa sapa," masayang pagbabalita niya sa nobyo nang hindi nakatingin nito, sa halip ay sa nadaraanan nakatuon.
Pasimpleng lumingon naman si Marble at ngumiti. "Hon, how about those two on the other side?" Binagalan nito nang kaunti ang pagmamaheho. "Ang saya kaya ng mga iyon, oh, habang nagsi-swimming sa putik." Itinuro nito sa kaliwang bahagi ang dalawang kalabaw na nagtampisaw sa putik na paliguan sa ilalim ng tirik na araw.
"Mas cute nga hon." At sabay silang naghalakhakan.
"Gusto mo rin bang mag-swimming diyan, hon?"
"Eww! No way, hon!" mabilis niyang sagot.
Muling nagtawanan silang dalawa ng nobyo. Nang tumila ang kanilang kasiyahan ay saka muling bumuwelo si Marble sa pagmaniobra ng sasakyan.
Makalipas ang beinte minuto ay nasilayan na ni Golda ang pawang kulay-berdeng paligid sa magkabilang gilid ng kalsada. Binusog niya ang kanyang mga mata sa nagtataasang mga puno sa malawak na bulubundukin. Ilang minuto pa ang lumipas ay makikita sa kanang bahagi ng daan ang mataas at malalim na kurbada. Mataas ang pampang na iyon at sa pinakailalim nito ay may maliit at dalisay na ilog.
Sa halip na punuin ng dibdib ng takot, mas lalo pa siyang natutuwa sa pag-indayog ng katawan sa paliko-likong bahagi ng daan. "Woohoo!" Para siyang batang nakipagkarera sa mga kaibigan sakay ng bisekleta o de-bateryang trak-trak.
"Hon, hindi ka ba talaga takot sa ganitong klase ng daan?" untag ni Marble.
"May tiwala naman ako, hon. Ikaw ang driver, eh."
"Naks!" Nilingon siya nito kasabay ng malawak na ngiti, at pinisil ang kanyang matambok na pisngi.
"Hon, watch out! May paparating na van!" Maagap na binigyan ng warning ang nobyo sa humahagibis na puting van na kaengkwentro nila.
"Jesus!" Mabilis pa sa alas kuwatrong kinabig ni Marble ang manibela papuntang kanan at malapit itong sumadsad sa brandilya nang huminto. Abot-abot ang kanilang paghinga, lalo na siya na matanaw ang mataas na bahagi ng pampang sa kanyang kanan.
Umusok ang ilong ng nobyo sa galit. "What a reckless driver! Alam namang blind curve, hindi pa nag-slow down sa pagmamaneho!" Nasapak nito ang manibela, saka nanginginig na napayuko at hinilot ang sentido.
Hinagod niya likod nito upang makikisimpatiya. "Hon, calm down. Thank God at iniligtas Niya tayo."
"I don't understand such drivers! Wala ba silang pamilyang uuwian? Bakit gano'n-gano'n na lang kung magmaneho. Parang mga hari ng daan... hindi takot mamatay!" nagngitngit sa galit pa rin ito. Namumuo ang malalaking butil ng pawis sa noo nito.
"Honey, it's fine. At least mabilis kang nakaiwas." Pinahid niya ang pinagpawisang noo ng nobyo gamit ang kanyang dilaw na bulaklaking panyo.
"What if next time ay hindi na tayo makaiwas?"
"That's why prayer is important, hon. That God will protect and guide us safely in all our rides, sa biyahe ng bawat miyembro ng pamilya natin. He is our mighty protector and our shield."
Dahan-dahan itong tumingala sa kanya. At ang nag-abot nitong kilay, ngayo'y may espasyo na ulit. Maaliwalas na ang mukha nitong ngumiti. "Thank you very much, hon!"
"Always here for you, hon." Ginagap niya ang kamay nito.
Muling binuhay ni Marble ang makina at dahan-dahang pinausad ang sasakyan sa lilim ng mapuno at liko-likong daan.
Ilang minuto pa'y wala na sa kanyang paningin ang malalim na pampang. Napalitan na ito ng malawak na kapatagan na puno ng tanim na pinya. Napakalawak niyon at hindi niya makalkula kung ilang ektarya kaya iyon. Sa pinakadulo nito ay nasilayan niya ang mataas na mga bundok na tila nakapalibot sa lugar.
How marvelous God is creating these magnificent nature! pagmumuni-muni niya.
Ilang sandali pa'y ihininto ni Marble ang sasakyan, nang malagpasan nila ang sakahang iyon. Nauna na siyang bumaba habang ipinarke pa nito ang kotse. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib nang matanaw ang nakabibighaning tanawin sa paligid. Mainit man ang panahon ngunit malamig at presko ang hangin na humalik sa kanyang balat. Magkahalong berde at dilaw ang makikita sa paligid niyon. May mga puno at damong kinakain ng mga matatabang baka, kalabaw at kambing sa di-kalayuang bahagi. Isang restaurant na malayo sa kabayanan at overviewing iyon ang paborito nilang puntahan ng nobyo.
Inilipad ang kanyang mahabang buhok habang nakahawak sa kahoy na balustre, kasabay ng paglipad ng kanyang isip. Kapagkuwan ay naglakad-lakad siya papunta sa munting hardin ng restaurant at pinanood ang namumulaklak na waling-waling. Hindi niya napigilang mamangha. May kulay violet at ang isa pang kulay ay magkahalong red at pink.
"Ma'am, gusto mo ba?" ang tinig na pumukaw sa kanya buhat sa kanyang gilid.
"Ahm, pwede bang pumitas kahit isa, Manang?" isa pang tinig ang narinig niya. Sa pagkakataong iyon ay galing sa nobyo.
Tango at ngiti ang tugon ng ginang na sapantaha niya ay caretaker ng mga hardin ng naturang restaurant. "Oo naman, sir."
"Yehey! Salamat po!" Si Marble.
Hindi na nag-atubiling pumitas ng nobyo nang may pahintulot ito ng ginang. Sa isang iglap pa ay isinabit ito sa kanyang kaliwang tainga. Ramdam niyang kasingkulay ng pink waling-waling ang kanyang pisngi. "You're my Golda, mi amor!" malawak ang ngiti nito at saka hinugot ang bagay na nasa bulsa. Dalawang bagay ang nalaglag. Mabilis na napulot ni Marble ang mga iyon. Cell phone ang isang nalaglag nito at hindi niya nakitang mabuti ang isa pa dahil maagap na naibalik sa bulsa nito, kung anumang maliit na kuwadradong bagay iyon.
Napalatak siya. "Hon, dahan-dahan naman at baka masira pa ang phone mo."
"Ang tibay kaya nitong Nokia, hon," pagmamalaki pa nito. "Sige, hon, pose ka diyan. I'll take a photo of you."
Nilagay niya ang kanang kamay sa baywang at inabante ang isang paa, saka pinakawalan ang pinakamatamis na ngiti.
"One, two, three, smile..."
Biglang napalis ang kanyang pagngiti nang makita ang kararating lang na pulang Honda Civic. "Thank you, hon! Kain na tayo," wala sa isip niyang sagot sa nobyo.
Magkahawak-kamay silang pumasok sa dining area. Pinili nila sa dulong bahagi kung saan ay malaya nilang natatanaw ang bukid na maraming mga puno. Dinig pa nila ang mga humuhuning mga ibon sa paligid.
"Hon, pumili ka na," paanyaya sa kanya ni Marble, matapos ibigay sa kanila ng waiter ang laminated menu.
Ngunit sa halip na sumagot ay titig ang kanyang itinugon dito.
Napaalik-ik si Marble. "Hayan ka na naman, hon, nakatitig ka sa mukha ko. May dumi ba?"
Mabilis siyang yumuko at ikinubli ang naramdamang pangamba. "A-ah wala." Muli ay nag-angat ng tingin sa binata at hindi napigilang nag-init ang sulok ng mga mata niya. "Maraming salamat, hon!"
"Hey, anong problema? Salamat saan?" Naging seryoso ang mukha ni Marble, saka ginagap ang kanyang mga kamay.
"All this time, ang bait mo kasi, hon, eh. Kaya sobrang thankful lang ako sa iyo."
"Honey, we deserved each other. We compliment each other. And maybe..." Nagkibit-balikat ito. "We're meant for each other... for a lifetime." Malapad ang ngiting ipinukol nito sa kanya.
Hindi niya napigilang makontrol ang luha. Magkahalong emosyon. Dagling pinahid naman niyon ng nobyo gamit ang palad nito. "Sssh, hon. What's really bothering you? Wait, oorder muna tayo, ha."
"Avocado shake sa akin, hon."
"And?"
"And burger at saka French fries cheese flavor," maagap na dagdag niya rito. Dahil tiyak na magagalit naman ito kung drinks lang ang kanyang oorder-in.
Matapos ibigay nito ang order sa waiter ay saka bumalik sila sa masinsinang usapan. "Hon, tell me. Siya pa rin ba ang dahilan ng pagkabagabag mo?"
Hindi man niya sabihin pero tila nababasa ng nobyo ang nasaisip niya. Tinutukoy nito ang dating nobyo niyang si Hemler. Wala sa loob niyang hinilot-hilot ang kanyang namamasang nga palad. "Yes, hon," mahina niyang saad.
"I know."
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang pagitan.
"Noong kumain kasi tayo sa isang refreshment bar, noong pagtapos ng duty natin ay nakita ko siya. Feel ko, hon, sinusundan niya tayo. Tapos kinagabihan noon, napanaginipan ko siya, sila ni Wendielyn. Ngayon naman, nakita ko ang kapareho ng sasakyan nila."
"Hon, relax," maingat na hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "As long as I'm here, I am your guardian angel."
"Kung wala ka, hon. Ewan ko na lang."
Hinaplos-haplos nito ang kanyang mahaba at makintab na buhok. "That's enough, hon." Pagkuwa'y dumating na ang waiter at unang s-in-erve ang kanilang drinks. "Let's take a sip first."
Nag-toss sila sa kanilang shake na in-order. Abokado sa kanya, sa nobyo nama'y mangga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top