Unang Tula-Lan
Gusto kong isama ka
Damhin natin ang umaga
Ang lamig na dampi ng hangin
Na siyang yumayakap sa atin
Kulang ang magdamag
Alisin natin ang bagabag
Pagmamahalan ay ihayag
Aking irog sana'y pumayag
Hindi ko na nanaisin
Ako'y iyong lisanin
Pagka't ang aking damdamin
Ikaw lamang ang iibigin
Halina sa tabi ko
May ibubulong lang sa'yo
Bilisan mo irog ko
Tungkol ito sa 'king pangako
- pluviophile
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top