Ika-sampung Tula-Lan

Pangarap ko na ikaw ay makasama
Makita mga ngiti at ganda sa umaga
Sabay nating pagmamasdan ang pagsikat ng araw
Ibubuhos ang pagmamahal na hindi magmamayaw

Tayo'y maglalakbay hanggang sa mangalay
Ating papawiin ang bawat lumbay
Buong oras ay sa iyo lang ibibigay
Sapagkat ikaw lamang sa habangbuhay

Kung darating man ang araw na ikaw ay lalayo
Huwag ka nang magpaalam at agad na maglaho
Sisikapin kong tanggapin iyon nang buong puso
Kahit masakit mang nasira ang iyong mga pangako

- pluviophile

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top