Ika-labing-isang Tula-Lan
Para Sa Aking Kaibigan Mamu_Nulat
Ikaw ba ay nalulumbay?
Puno ng lungkot sa buhay
Hawakan mong aking kamay
Tayo'y maglalakbay
Huwag alalahanin ang problema
Lalo na at wala kang magagawa
Dahil pagsubok iyan ng may Likha
Kaya tayo na lang ay gumala
Ilibot mo ang paningin
Sa akin ka lang tumingin
Ako'y iyong kaibigan
Puwede mo akong sandalan
- pluviophile
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top