Ika-Labing-apat na Tula-Lan

Hanging dulot ng maulang gabi
Hanap-hanap ka't nais makatabi
Maari bang dito ka na lang palagi?
Sulitin natin ang bawat sandali

Bawat tunog ng patak ng ulan
Nais mayakap na parang unan
Mag-uusap lang ng masinsinan
Magkukuwentuhan sa magdamagan

Ikaw lang ang nais wala ng iba
Kahit sandali lang ay makasama
Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Magbibigay ng kasiyahan sa tuwi-tuwina

- pluviophile

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top