Ika-Labing-anim na Tula-Lan

Nasaan ka na ba?
Babalik ka pa ba?
O, patuloy lang na aasa?
Kahit alam kong wala ka na

Bakit ka ba lumisan?
Bakit mo ako iniwan?
Akala ko ba rito ka lang?
Sana nga ako na lang

Tila nakalimot sa pangako
Lahat ng sinabi ay napako
Kailan ka ba rito dadako?
Hanggang ngayo'y 'di sumusuko

Noong lumisan ka
Ako'y nalugmok sa pagkawala
Lagi na lang tulala
Tila puso'y may tanikala

Sa iyo lang nakagapos
Ang puso kong nauubos
Pag-asa'y hindi nauupos
Nagtitiwala pa ring lubos

Mali ba ang umasa pa?
Mali bang hintayin ka pa?
Kahit alam kong wala ka na
Tuluyang nilisan mo na

- pluviophile

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top