Ika-anim na Tula-Lan
Hawakan mo ang aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
Ako ay magiging kaakbay
Papawiin ang iyong lumbay
Sabihin mong mahal mo rin
Kahit matagal ay hihintayin
Huwag mo lamang paaasahin
Huwag sasaktan yaring damdamin
Samahan mo ako aking giliw
Kung hindi ay mababaliw
Ikaw lamang ang umaaliw
Sabay tayong magliwaliw
- pluviophile
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top