Tugma
Tugma
One Shot
"Alam mong tag-ulan, tapos hindi ka nag dadala ng payong?" sabi ng lalaking nasa likod ko habang hawak hawak ang dark blue foldable umbrella kung saan kami naka-silong dalawa.
He's a bit tall, around 5'10 ang height. At dahil hindi ako katangkaran, halos balikat niya lang ako. He's leaning a bit forward while looking at me, habang ako naman ay bahagyang nakatingala to meet his gaze,
There's a playful look on his face. The kind of expression na madalas niyang ipakita sa akin everytime na inaasar niya ako.
I rolled my eyes at him, "ang yabang mo, porket hindi mo nakalimutang mag dala ngayon?"
He chuckles as he scratches his nose.
"Deh, sa ate ko yung payong. Naiwan niya sa bag ko."
Napatawa ako at napailing, "o 'di ba? Pareho lang tayong tamad mag dala ng payong, eh!"
Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Pero pasalamat ka pa rin meron akong dalang payong ngayon, kundi basang sisiw ka na. Ang haba pa naman ng pila dito sa sakayan ng UV."
Tinabing ko ang kamay niya at muli siyang tinignan. There's a wide smile plastered on his face. I look away immediately.
That smile is so warm, and I know I will melt in front of him if I don't look away.
"O edi thank you. Ba't ka nga pala nandito? 'Di ba may company dinner?"
"Sabi ko may emergency ako," he said with a shrug. "Eh ikaw? Ba't wala ka sa company dinner?"
Nag kibit-balikat din ako, "sabi ko may emergency ako."
Muli siyang napatawa ng malakas. "Korni naman nito, gaya gaya ng palusot. Mamaya ma chismis tayo na nag date tayo."
I rolled my eyes again, "ano 'to? Lasunan?"
He laughs again, as if agreeing from what I said.
Napahinga ako nang malalim at tinignan ko siya. I studied his face. I love how his eyes turned rainbow shape everytime he laughs. I also notice how he bends his back a little pag tawang tawa siya sa sinabi ko.
And I can't help but let out a proud smile everytime I make him laugh. Sabi kasi ng mga ka-officemate ko na ang hirap patawanin ng taong 'to. Pag nasa work kami, masyado siyang tahimik at seryoso. And I feel lucky to see this side of him---his carefree and light demeanor na sa piling tao niya lang pinapakita.
Kaya naman ang sarap din sa pakiramdam pag nakikipag tawanan siya sa akin.
Sometimes it made me wonder if he's aware what his laugh is doing to me? Alam ba niya na kahit gaano kasama ang araw ko, pag narinig ko na siyang tumawa, um-o-okay na agad ako?
Posible palang mabuo ang araw mo dahil napatawa mo ang isang tao.
"Pero totoo bang may emergency ka?" tanong niya sa akin.
"Secret, walang clue," sagot ko sa kanya.
"Uwing uwi ka lang kasi gusto mong manood ng anime, eh," pang-aasar niya.
"Eh ikaw? Anong emergency mo?"
He grinned, "One Piece."
This time, ako naman ang napatawa. "Inaasar mo 'ko, eh ikaw rin pala?!"
"Nasa Impel Down na ako. Maglalaban na si Luffy at Magellan, I think enough reason na 'yon para hindi sumama sa dinner."
"Wait 'til you reach Marineford."
"Huy, walang spoiler!"
I laugh, "pero sige labasan tayo ng feels pag natapos mo na ang Marineford."
"Game, dating gawi, kape tayo tapos pag usapan natin 'yan."
Tumango ako while trying my best not to let him notice how excited I am sa thought na mag kakape kaming dalawa.
Hindi na unang beses nangyari ito. May mga pagkakataong nagkakayayaan kaming mag kape para pag usapan ang mga anime na napanood namin.
Magka-tugma kami sa ganyang bagay kaya naman sakay na sakay namin ang trip ng isa't isa.
"Hindi gumagalaw ang pila ah? Sobrang traffic siguro," sabi niya habang sinisilip ang harap. Halos isang oras na kaming nakatayo rito at wala pa ring bumabalik na UV Express kaya naman hindi gumagalaw ang pila.
"Sana naman hindi pa bumabaha," sabi ko as I leaned sideways to check the line.
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko and he gently pulled me near him.
"Umusog ka rito, baka mabasa ka ng ulan."
For a moment, my heart skipped a beat.
I am hyper-aware of how close he is with me. His arm slightly brushing on mine. Mas lumakas ang ulan kaya naman mas napadikit siya sa akin.
Muli ulit akong napaiwas ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya sa mata, mamaya bigla niyang mahalata kung gaanong nag lulumundag ang puso ko ngayon.
"Kuya, tagal pa yung UV?" tanong niya sa konduktor na dumaan.
"Naku sobrang traffic, mamaya pa 'yan. Kung ako sa inyo, magpatila muna kayo ng ulan," sabi nito.
Napakamot siya sa likod ng tenga niya, "badtrip, walang kwenta pag takas natin sa company dinner. 'Di rin tayo makauwi para mag anime," sabi nito sa akin.
"Oo nga, eh," sagot ko naman.
No, I actually don't mind getting stuck in the rain with you.
"Parang gusto kong magpatila muna sa coffee shop," duktong niya.
Hindi ako umimik. Sa totoo lang, gusto kong sumama. But I don't want to be imposing. Mamaya gusto niyang mapag isa. Ayoko namang makaabala sa kanya.
"Go, keri lang ako dito," sabi ko at itinaas ko ang hood ng jacket na suot ko. "Baka sumilong na lang din muna ako."
"Papaiwan ka rito?" he asked. There's confusion on his face. "Tara na! Samahan mo na ako sa coffee shop."
I bit my tongue to stop myself from smiling widely. Ayokong mahalata niya na masyado akong masaya dahil niyaya niya ako.
"Pwede rin naman. Tara?"
Nauna akong maglakad. Agad naman siyang humabol sa akin.
"Gusto mo bang magkasakit? Bakit layo ka nang layo sa payong?" natatawa-tawa nitong tanong habang itinatapat niya ang payong niya sa akin. "O ayaw mo akong katabi?" he asked, one eyebrow raised in curiosity.
Muli akong napaiwas ng tingin, "oo, baho mo kasi," sagot ko.
"Huy! Epal!" sabi naman nito at inamoy ang itim na hoodie na suot niya. "Ang bango ko nga o!"
Natawa ako ng bahagya.
Hindi sa ayaw kitang katabi. It's just that... I feel like I'm about to burst into tiny particles everytime I'm with you.
~*~
"Hot oat milk chai tea latte with hazelnut syrup for JM and MJ," the barista calls.
"Ayan na yung drink natin," sabi niya at tumayo siya para kuhanin ang order namin from the counter.
After a while, he came back with our drinks. At nakita kong nag add pa siya ng isang slice ng chocolate cake.
"Oat milk chai tea latte with hazelnut syrup po, Ms. MJ?" pabirong sabi niya sa akin habang inilalapag ang drink sa harapan ko. "Bakit gaya gaya ka ng drink sa akin?" tanong niya.
"Ulol, mas nauna ako diyan!" natatawa ko namang sabi. "Ikaw ang gaya gaya. Drink ko na 'to bago pa kita nakilala."
"Drink ko na 'to bago ka pa ipanganak!" rebut ko naman sa kanya.
He laughs, "teka, mas matanda ako sa'yo!"
Napatawa rin ako. Madalas naming asaran dalawa kung sino ang mas nauna sa customized drink na 'to. Naalala ko, ito rin ang dahilan kung bakit kami naging close---dahil parehong pareho kami ng inoorder na customized drink sa coffee shop na 'to at muntikan kaming mag agawan nun ng order. We both cannot drink our chai tea latte kung hindi ito oatmilk based at walang hazelnut syrup.
One of those things na magkatugma kaming dalawa.
"O ayan, share tayo sa cake. Di ko mauubos ang isang slice," sabi ni JM sa akin habang inaabutan ako ng tinidor.
"Try mo, hindi masyadong matamis," sabi niya.
I tried the cake. He's right, hind inga masyadong matamis. Buti na lang kasi pareho kaming mahina ni JM sa sweets. Pero pareho rin namang mataas ang tolerance namin sa maanghang.
"Our kind of cake," sabi ko sa kanya.
He grinned, "MJ alam mo, minsan iniisip ko..." he said habang hinihipan ang mug niya may chai tea latte.
"Ano?"
"Idol mo siguro ako," sabi niya.
Napataas ang kilay ko, "the fuck?"
Napatawa naman siya, "kasi lagi mo akong ginagaya."
"Huh?"
"Gaya gaya ka ng drink, pareho nating ayaw sa matamis pero gusto ng maanghang, pareho tayong mahilig sa anime, tapos favorite pa natin ang One Piece---"
"Excuse me, ako ang nag introduce sa'yo ng One Piece!"
"---tapos halos pareho pa tayo ng pangalan," pagpapatuloy niya nang hindi iniintindi ang sinabi ko. "JM ako, MJ ka."
"Ako ba nag decide ng name ko?!"
"Lodi mo talaga 'ko."
"Dami mong alam, JM."
Tumawa siya ng malakas.
"Pero 'de, sa sobrang magkatugma natin," pagpapatuloy niya, "minsan iniisip ko na baka....kakambal kaya kita nung past life ko?"
Halos mabilaukan ako sa cake na kinakain ko.
"Yuck," mabilis kong sabi sa kanya.
"Maka-yuck 'to! Ayaw mo ba akong kapatid?"
Umiling ako at sinabayan ko pa ng pag form ng 'x' mark using both of my arms.
Muli siyang napatawa, "ang sama mo talaga sa'kin kahit kailan."
Bakit kasi kapatid? Iba ang nasa isip ko.
Napatingin ako kay JM habang tumatawa pa rin siya sa tapat ko. Nakita kong may chocolate cake sa gilid ng labi niya. I pointed it out habang inaabutan ko siya ng tissue.
"Ang dungis mong kumain," asar ko sa kanya.
He laughs again, "ay sorry, sorry. Kasalanan nung cake, kumakalat."
Napatawa na lang din ako habang umiiling.
Ang lakas ng ulan sa labas. God knows kung anong oras ito titila o kung may masasakyan ba kami pauwi. May pasok pa naman kinabukasan. In two hours, mag sasara na rin 'tong coffee shop kung saan kami nakatambay ni JM. Kung hindi pa titila by that time ang ulan, mapipilitan kaming humanap ng ibang lugar para pag tambayan.
Napaka hassle. Nakakapagod.
But I feel warm and happy right now. I feel lighthearted. I am enjoying this night.
Sana bumagal ang oras. Gusto ko pang makipagtawanan sa kanya tungkol sa mga mabababaw na bagay.
"Ang swerte ko," I suddenly blurted out.
"Hmm?" tanong ni JM. "Bakit?"
Napailing ako, "wala. Narealize ko lang, ang daldal mo pala. Tapos ang dali mong tumawa."
Bahagyang napataas ng kilay si JM and he looks at me with curiosity.
"Mukha ba akong tahimik?"
I chuckle, "oo, ang tahimik mo kaya sa office tapos wala kang masyadong kinakausap. Nagulat nga yung mga ka-department ko nung isang araw. Yung lumapit ka sa table ko tapos binigay mo sa akin yung manga na hinihiram ko? First time raw nilang narinig ang boses mo," natatawa tawa kong kwento
Napangiti ng bahagya si JM at nag kibit-balikat. "Hindi ko kasi trip ang mga tao sa office kaya wala akong masyadong kinakausap."
Hindi ako nakapag react agad.
So ako ba? Trip mo ba ako?
I feel like my face's heating up because of that thought kaya napasubo ako bigla ng chocolate cake. Dahil sa biglaan kong pagkain, nabulunan ako at napainom ako ng chai tea---which is mainit pa kaya naman napaso ang dila ko.
"Aw!" sabi ko habang pinapaypayan ang bibig ko using my right hand.
"Okay ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?" he asked with a worried expression.
"Napaso dila ko, wait kukuha lang ako ng tubig---"
"Ako na," sabi nito sa akin at bago pa ako maka-angal, dire-diretso na siya sa counter para kumuha ng tubig.
Pag balik niya, may dala na rin siyang tissue, at isang paper cup na puno ng yelo.
"Ngumuya ka ng yelo kung mahapdi yung dila mo," sabi nito sa akin habang inilalapag sa harap ko ang mga dala niya.
"T-thanks," sabi ko. "Okay na ako. Inuman ko lang ng tubig."
Dire-diretso akong uminom ng tubig. Meanwhile, I heard him chuckled.
"Hinay hinay kasi sa pag inom. Wala naman na tayong hinahabol na oras," sabi nito.
I look up at him. He is smiling at me warmly. Napahinga ako nang malalim dahil pakiramdam ko, parang sasabog na naman ang puso ko.
Is this.... casual? O iba na 'to?
Sabi nila, pag gusto mo ang isang tao, hindi talaga maiiwasan na iisipan mo ng meaning bawat kilos nila.
I told myself before na any signs of delusion, dapat barilin ko agad. Hindi tayo pwedeng umasa, delikado 'yon. Ikakapahamak ko lang 'yon.
Pero ang hirap pala 'no? Ang hirap hindi mag bigay ng meaning sa mga galaw niya. It's as if the reality and delusion merged into one thin line that's why I find it hard to identify which is which.
Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko not to give any meanings sa mga actions niya hangga't hindi pa ito nagiging salita. Hangga't walang confirmation.
Pero paano ko gagawin 'yon nang hindi pinapatay ang hope sa puso ko na this isn't a one-sided thing?
JM.. he's so kind to me. Hindi ito ang unang beses na inabutan kami ng ulan. Dati, pinahiram na niya ako ng jacket niya nung pauwi akong walang payong at medyo inuubo ako noon.
May isang beses na hindi ako makalabas sa meeting natin, pero gustong gusto ko nang bumili ng chai tea latte. He doesn't have to, but he went out of his way para mabilhan ako at dalhin sa meeting room.
May isang beses din na gumising siya ng maaga para tulungan akong maka secure ng ticket sa isang concert na gusto kong puntahan.
At ang paulit ulit kong tanong sa sarili ko... is this casual? Or is this something more?
Hindi ko siya nakikitang makipag interact masyado sa mga tao kaya hindi ko alam kung paano siya sa iba. Ang alam ko lang ay kung paano siya sa akin.
Kada niyayaya niya akong mag coffee shop so we could talk about our favorite anime, yung pag may na-di-discover siya na magandang panoorin, sine-send niya sa akin because he thinks it's something I would love.... is that casual? Or is it something more?
Yung fiesta sa kanila at pinagtabi niya ako ng ube halaya because he remembers na favorite ko 'yon... sweet lang ba talaga siya as a person?
When he rarely smile in the office, pero ang dali niyang ipinapakita ang mga ngiti niya pag magkasama kami---is it because he's comfortable around me? Or is there a deeper meaning to those smiles?
And if he likes me... why is he not saying anything? Why is he not pursuing me?
O baka naman casualan lang talaga ang lahat.
Baka wala lang 'to. Baka tropa lang talaga.
O naghahanap lang din siya ng tyempo?
Ewan. Ang gulo. Panigurado pag uwi ko, mapupuno na naman ng katanungan ang isip ko.
Ang daming bagay na magka-tugma kami.
Dito rin ba, pareho kami?
~*~
"Hindi na umuulan," sabi niya as he stared at the window.
It's been almost two hours na nandito kami sa coffee shop. Nilapitan na kami ng barista para sabihing malapit na sila mag sara. Ubos na ang drinks na inorder namin. Ubos na rin ang cake.
Ang dami na naming pinag usapan. About sa work, anime, kung gaano kalala ang traffic lately, kung gaano ka fucked up ang gobyerno, pati na rin kung paano nabawasan ang sahog ng pancit bihon na binebenta sa canteen ng office.
"Tara na?" yaya niya. "Baka wala nang pila sa sakayan ng UV."
My heart dropped a little.
Ayoko pang umuwi. I want to stay here for a few minutes. Kahit hanggang sa mag sara lang yung coffee shop.
I forced a smile, "tara. Uwing uwi na rin ako."
The moment we got out of the coffee shop, I immediately felt the cold breeze kaya naman napayakap ako sa jacket ko.
Katatapos lang ng ulan. There's still puddles in the pavement, reflecting the buildings and street signs around us. The air smells like a mixture of earth and asphalt.
JM is walking ahead of me. Hawak hawak niya sa right hand niya ang foldable umbrella niya. Nakatupi na ito dahil hindi na umuulan.
At dahil hindi na rin umuulan, wala na akong excuse para dumikit sa kanya. There's now a safe distance between us.
Habang naglalakad, napatingin ako sa kamay niya na hawak hawak ang payong.
How I wish he's holding my hand instead.
"Marikina-Bayan, isa na lang!" dinig kong tawag ng konduktor habang papalapit kaming dalawa.
"Uy paalis na yung UV na 'yun," sabi ni JM. "Sakay ka na doon."
Ayoko pa. Gusto ko pang pumila kasama mo.
"Yung next na lang para sabay tayo," sabi ko sa kanya.
"Okay lang ako ano ka ba. Makakauwi ako!" natatawa tawa niyang sabi. "Sumakay ka na para makapag pahinga ka na."
"Pero---"
"Ito payong," inabot niya sa akin ang payong na hawak hawak niya. "'Di ba tatawid ka pa sa overpass? Mamaya umulan ulit. Balik mo na lang sa akin bukas."
Hindi ko alam ang ire-react ko habang hawak hawak ko ang payong sa kamay niya.
Sabayan mo na lang kaya ako? Wag mo 'kong paunahin, please. Ayoko pang matapos ang gabi na 'to.
"Miss, sasakay ka ba?" tanong ng konduktor sa akin.
Hindi ako nakasagot. Napatingin ako kay JM. Hindi siya nakatingin sa akin, instead, abala siya sa pagkalkal ng bag niya.
"Ay shit naiwan ko yung jacket ko sa coffee shop," bulong nito. Napatingin ulit siya sa akin at nginitian ako. "Bye MJ. Takits ulit bukas," he said with a wave at mabilis siyang tumalikod at patakbong bumalik sa coffee shop.
"Miss ano?" pangungulit ng konduktor.
Napahinga ako nang malalim. Ayokong sumakay pero hindi ako makapag isip ng matinong excuse. Pag ba nagpaiwan ako, mahahalata niya na ba na gusto ko siyang kasama? Ma-r-realize niya na ba na ayoko pang matapos ang gabi na 'to?
Nagtatalo ang isip ko.
Wala akong maisip na dahilan. Anong sasabihin ko sa kanya? Malamang tatanungin niya ako pag hindi ako sumakay.
I-let go ko na ba ang gabing 'to?
"Miss?" tanong ulit ng konduktor. His voice is starting to get impatient.
Napailing ako, "hindi po ako sasakay."
Without another word, dali dali akong humabol kay JM pabalik sa coffee shop. Parang na blanko na lang ang utak ko. Gusto kong sipain ang sarili ko kasi ano bang kagagahan 'to? Ba't hindi ba ako sumakay? Ba't ko siya hinahabol?
Bakit ako namamalimos palagi ng oras at pagkakataon na kasama ko siya?
Hindi naman ako nauubusan non, eh. Pero bakit parang hindi pa rin sapat?
Nakita ko agad si JM na mabilis na naglalakad. Agad akong humabol sa kanya.
"JM!" tawag ko dito.
Pero bago ko pa makita kung narinig niya ako o hindi, bigla na lang akong napatid sa naka-usling daan sa sidewalk. The next thing I knew, nakaluhod na ako sidewalk. I felt a searing pain on my left knee. My vision starts to blur as I feel a lump on my throat.
Tangina.
Bakit naiiyak ako?
"MJ?"
Napaangat ang tingin ko. My eyes met JM's worried expression. Hinawakan niya ako sa balikat at inalalayan ako patayo.
"Okay ka lang? Anong nangyari? Bakit mo ako hinahabol?" sunod sunod na tanong niya habang chinecheck niya ang tuhod ko kung nasugatan ba ako.
My mind went black. Ito na nga, hindi ako nakapag isip ng palusot, humabol na lang ako bigla sa kanya.
Anong sasabihin ko?
May naiwan din ako sa coffee shop? May gusto pa akong bilhin? Tinatamad pa akong umuwi? Ayoko sumakay doon sa paalis na UV kanina dahil ang sungit ng konduktor?
Hindi ko alam. Nauubusan na ako ng palusot.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. He looks confused habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa braso ko bilang suporta.
"MJ?"
"Gusto kita."
The moment I blurted out those words, bigla rin bumagsak ang luha sa mga mata ko na kanina pang nagbabanta lumabas.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni JM. Nakatingin lang siya sa akin, his mouth slightly opened. Habang ako, maya't maya ko pinupunasan ang mata ko, ayokong hayaan na tuloy tuloy tumulo ang mga luha rito. Pero nakakapikon naman, ayaw magpapigil, eh.
Naramdaman ko ang unti-unting pag bitaw ni JM sa pagkakahawak niya sa braso ko.
"I'm sorry..." he muttered after a while. His voice sounded sad yet sincere.
Mas bumagsak ang luha ko.
"Shit, sorry, ayaw tumigil," I said while wiping my eyes using the back of my hand.
Thank god hindi ako mahilig mag lagay ng eye make-up. Ayokong mag mukhang panda in case may ganitong scenario na mangyari.
"MJ I---"
I hold up my hand to stop him from talking.
"One apology is enough," sabi ko. "Gets ko na 'yun. Okay na."
Napa buntong hininga si JM at tumango. A mixture of worry and guilt is written all over his face.
Napakapa siya sa bulsa niya na parang may hinahanap siya. Bigla siyang napakamot sa likod ng ulo niya.
"Sorry, wala akong panyo....o tissue..." he said. "Uhmm... gusto mo ipunas sa manggas ko?"
Napapikit ako.
My heart feels heavy. Pakiramdam ko para akong dinurog sa sakit.
But in this moment, hindi ko maiwasang mapatawa.
Leche, kaya kita nagustuhan eh.
"Ayos lang, may tissue ako," sabi ko and then, I handed him his umbrella. "Isosoli ko lang 'to. Hindi ko na kailangan hiramin," sabi ko sa kanya.
Kita ko ang pagaalangan niya na kuhanin sa akin ang payong niya pero ipinilit ko ito sa kamay niya.
"Salamat," sabi ko sa kanya. "Una na ako."
Without a word, I turned my back at him and start walking away.
"Marikina-Bayan! Isa na lang!" sigaw ng konduktor ng UV Express. Agad akong lumapit sa kanya.
"Kuya sasakay na ako," sabi ko dito.
Dali-dali akong sumakay sa loob ng UV Express. After a while, umandar na rin ito.
Napapikit ako at isinandal ko ang ulo ko sa may bintana.
Ang bigat ng puso ko, pero at least alam ko na ang sagot sa tanong ko.
Sa dinami-rami ng bagay na magkatugma kami, dito kami hindi nagkapareho.
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top