Truth

Truth (One-shot)

They said LIES can ruin everything.

But for me it's not, TRUTH does.

-----------------------------

"Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya pero parang hindi nya narinig. Nakatulala sya at mukhang malalim ang iniisip. Nagbabadya na ang mga luha ko pero pinipigilan ko silang tumulo. Ayokong makita nya akong umiiyak. Ayoko.

"Ha? ano? May tinatanong ka ba?" mukhang nakabalik na ang diwa nya mula kung saan man iyon nanggaling. Tumulo ang luha ko sa kaliwang mata. Hindi ba sabi nila kapag umiiyak ka at unang tumulo ay ang sa kaliwang mata ibig sabihin nun ay

Pain

Siguro nga tama yun kasi nasasaktan ako ngayon.

Nakita niya ang pagtulo ng luha ko kaya nataranta sya.

"Bakit ka umiiyak? may masakit ba sayo? ano?" sunod-sunod na tanong nya sa akin at lumapit para punasan ang mga luha ko.

Ngumiti ako ng mapait.

Bakit kahit nasasaktan mo na ako mahal pa rin kita?

"Ok lang ako" sagot ko sa kanya at inalis ang pagkakahawak nya sa pisngi ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya ulit. Ganito ka ba talaga?

"Naalala ko lang yung napanood ko kagabi, nakakaawa kasi yung babae" sagot ko sa kanya. 'Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya' gusto kong idagdag pero hindi ko kaya.

"Ganun ba? ano bang nakaka-awa sa kanya?" tanong nya ulit. Tinignan ko sya at hinawakan yung kamay nya.

 

"Basta nakakaawa sya. Tara uwi na tayo." sagot ko at hinila sya patayo pero hinila nya rin ako pabalik kaya bumagsak ako sa kanya. Nasa ibabaw nya ako at nakatingin lang kami sa isat-isa.  Nakikita ko sa mata nyang malungkot sya. Bakit?

Tatayo na sana ako ng halikan nya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Ito kasi ang unang beses ba ginawa niya sa akin yun.

"I Love You Jana" bulong nya matapos akong halikan. Napatulala ako sa sinabi nya. Totoo ba na sinabi nyang MAHAL nya ako?

"Oh bat natulala ka? hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?" tanong nya sa akin.

"Ha? hindi, nakakapanibago lang kasi hinalikan mo ko tapos sinabihan mo pa ako ng I love you" sagot ko tapos nakita kong kumunot ang noo nya.

" Bakit normal naman yun di ba?" tanong nya ulit. Oo normal yun pero sa ating dalawa hindi.

"Oo, tara na uwi na tayo" pag-iiba ko ng usapan. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. Tumayo na rin sya at naramdaman kong yinakap niya ako mula sa likod.

"Basta lahat ng sinasabi ko sayo ay totoo" bulong nya sa akin. Ramdam ko ang sinsiredad sa boses nya kaya napangiti ako.

Umuwi kami pagkatapos ng pangyayaring yon. Naging maayos naman kami. Nagsimula syang maging sweet na hindi niya ginagawa dati. Nung una naninibago ako pero ngayon nasasanay na. Masaya ako dahil ngayon MEDYO nararamdaman ko na mahal na nya ako.

Nung nakaraan nagkasakit ako at hindi sya pumasok sa trabaho para alagaan ako. Siya lagi ang nagluluto ng almusal namin at lagi nya akong hinahatid at sinusundo sa trabaho ko. Akala ko OK na talaga pero hindi pa rin pala.

Madaling araw na at hindi pa rin nauwi si Kyung Soo. Tinatawagan ko ang cellphone nya pero nakapatay ito kaya nag-aalala na ako. Malakas ang ulan at tamad magdala ng payong yon. Isa pa pinagpaalam saya ng katrabaho nyang si Chanyeol na mag-iinuman daw sila ngayon dahil birthday ng anak nito at inaanak ni Kyung Soo yung bata kaya pumayag ako. Isa pa minsan lang uminom si Kyung Soo at alam kong kaya niya ang sarili nya kapag nakakainom sya pero iba talaga ang nararamdaman ko.

Tinignan ko ang orasan dito sa salas at nakita kong 2:30 na ng madaling araw. Hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala sa kanya. Patuloy ko paring tinatawagan ang cellphone nya pero wala pa rin.

Mag aalas-tres na ng madaling araw ng makarinig ako ng busina ng sasakyan kaya lumabas ako para pagbuksan ng gate si Kyung Soo. Pagkapark nya ng kotse ay agad kong binuksan at pinto ng kotse nya at nakita kong lasing na lasing sya at basang-basa.

"Kyung halika na pumasok na tayo sa loob para makapagpalit ka" sabi ko sa kanya habang tinatapik ng mahina ang pisngi nya para magising sya.

"Uhhmm" yan lang ang sinagot nya at pumikit ulit. Kahit nahihirapan ay inakay ko sya papasok sa loob ng bahay. Inihiga ko muna sya sa sofa para mapunasan dahil basang-basa sya. Siguro sumugod siya sa ulan kanina.

Matapos ko syang mapunasan ay inakay ko sya papasok sa loob ng kwarto para mapalitan ng damit.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at towel para punasan ulit sya at ng mahimasmasan sya.

Habang pinupunasan ko ang braso nya ay nagsalita sya.

"Jane, Mahal na mahal kita" bulong nya. Napatigil ako sa pagpupunas sa kanya.

 

"Jane sorry bumalik ka na please" dagdag nya. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido mula sa mata ko sa mga pisngi ko.

"Jane!" sigaw nya. May tumutulo na ring luha sa mga mata nya. Siya pa rin?

"Jane baby bumalik ka na please" pahina na ng pahina ang boses nya at patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha nya kagaya ng sa akin.

"Jane I Love You" yan ang huling sinabi nya bago sya tuluyang makatulog. Salitang mas nagpadurog sa puso ko.

Akala ko ako na?

Di ba sabi nya Mahal nya ako o umasa lang ulit ako?

Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanya at pinalitan sya ng damit bago lumabas ng kwarto.

Umupo ako sa hagdanan. Naalala ko yung oras na sinabihan nya ako na mahal nya ako. Masakit. Sobra.

Akala ko talaga ako na hindi pa rin pala.

"Ahhhh!!!" sigaw ko. Alam kong di magigising si Kyung Soo dahil lasing sya. Ang bigat ng dibdib ko. Gusto kong magwala pero hindi ko kaya. Nanghihina ako.

Iyak lang ako ng iyak. Umasa ako eh. Umasa akong nakalimutan na nya ang babaeng yon.

Yung babaeng iniwan sya at sinaktan.

Jane was his ex-girlfriend. Almost perfect ang relasyon nila. Maraming naiinggit sa kanila sa campus noon. Nagging sila highschool pa lang kami at hanggang college sila pa rin.

Pero nagbago ang lahat ng biglang umalis si Jane ng Pilipinas at hindi daw ito nagpaalam kay Kyung Soo.

Jane was my cousin. She got pregnant by someone we didn't know that's why she left the country. Ayokong sabihin kay Kyung Soo yun, alam kong mas masasaktan sya kapag nalaman nya yon. At natatakot din akong maging dahilan yon ng pag-iwan nya sa akin.

I love him. I secretly love him since I met him when we were kids. Si Jane, galing sya ng America dati at umuwi sa Pilipinas for a vacation, pero nagustuhan nya dito kaya dito sa nag-aral. Dun nya nakilala si Kyung Soo at doon din nag simula ang almost perfect na lovestory nila. Hindi ko sila ginulo kahit nasasaktan ako nun kasi nakikita kong masaya si Kyung Soo sa pinsan ko kaya sobra akong nagalit ng marinig kong buntis sya at hindi si Kyung Soo ang ama. Alam mo yun baka maging masaya pa ako kung si Kyung Soo ang tatay kaso hindi eh. HINDI.

And you know what's funny? Magkahawig kami. Para kaming kambal pero may nunal ako sa noo. Lagi kaming napagkakamalang kambal ng mga taong nakakakita sa amin. Kaya lagi rin kaming napagkukumpara.

Siguro kaya din sya pumayag na magpakasal sa akin dahil nakikita nya ako as Jane. Arrange Marriage ang nagtali sa amin. Cliché right? Yeah very cliché.

Sa kakaiyak hindi ko namalayan na umaga na pala. Wala ng nalabas na luha sa mga mata ko. Ubos na siguro. Tumayo ako at ramdam ko ang panghihina ng katawan ko dahil sa pag-iyak at kawalan ng tulog. Sinilip ko si Kyung Soo sa kwarto at nakita kong tulog pa rin sya. Lumapit ako at pinagmasdan ang mukha nya.

Mula sa malalaking mata na gustong-gusto ko.

Sa ilong nya.

Sa mga pisngi nyang natural na maputi.

At sa labi nyang nagiging hugis puso kapag natawa.

Hinaplos ko ang pisngi nya. Muling tumulo ang mga luha ko.

"Sabi nila kapag nagmahal ka masaya, bakit ako hindi?."

Pinadaan ko naman ang daliri ko sa ilong nya.

"Pero alam mo kahit ganito, nagpapasalamat ako kasi nandito ka sa harapan ko, nahahawakan at nakakausap."

Hinawakan ko naman ang kamay nya at inilagay yun sa pisngi ko.

"Alam kong imposible mo akong mahalin kasi sya pa rin diba? pero kasi umasa ako, umasa ako na mamahalin mo din ako. Sorry"

Naramdaman kong gumalaw yung kamay nya hawak ko kasabay ng pagmulat ng mga mata nya. Nagulat sya ng makita ako. Napabalikwas sya ng bangon.

"Bakit namamaga yang mga mata mo? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong nya. Umiling ako. Lagi mong tinatanong kung bakit ako naiyak eh ikaw lang naman ang laging dahilan non.

Lagi mo akong tinatanong kung bakit ako naiyak pero never mo akong tinanong kung anong nararandaman ko Emotionally.

"Wala ang cute mo kasing matulog kaya napuyat ako kakatingin sayo" nakuha ko pang magjoke para lang pasayahin ang sarili ko kahit alam kong durog na durog na ako.

"Bakit ka nga umiiyak?" tanong nya ulit. Ngumiti ako.

"Bakit kapag sinabi ko ba sayo kung anong dahilan ng pag-iyak ko gagawin mo ang lahat para di na ako umiyak?" balik na tanong ko sa kanya. Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.

"Sabihin mo na kasi" pangungulit nya.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?, teka igagawa kita ng soup para mawala yang hang-over mo" pag-iiba ko ng usapan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pupunta na sana sa kusina ng pigilan nya ako.

 

"Ako ba ang dahilan ng pag-iyak mo?" tanong nya. Natumbok mo pre. Nanalo ka ng Two Million pesos.

"Pagsinabi ko bang OO anong gagawin mo?" tanong ko. Nilakasan ko ang loob ko. Siguro tama na to. Tama na ang kabaliwan na to.

Napayuko sya sa sagot ko pero hawak-hawak nya ang kamay ko.

"Sorry" mahinang sabi nya.

"Ok lang sanay na ako, sanay na akong laging nasa anino nya". pagkasabi ko nun ay napatingin sya sa akin. Kita mo sa mata nya na hindi nya nagustuhan ang narinig.

"Wag mo syang idamay dito!" galit na sabi nya at binitawan ang braso ko.

"Bakit totoo naman di ba? lagi akong nasa likod ng taong gusto nyo. Lagi akong pangalawa! Lagi nyong sinasabi mas maganda sya, mas magaling sya sa ganto sa ganyan. Laging ako ang masama, laging ako ang mali, kahit ako lagi ang nawawalan." giit ko sa kanya. Napaluhod ako sa galit na nararamdaman ko. Lahat ng kinimkim ko sumabog na.

 

"Minsan ba natanong nyo kung anong nararamandaman ko? hindi di ba? kaya wala kayong alam sa nararamdaman ko! Wala!" sigaw ko.

"Sawang-sawa na ako sa ganito, sawang sawa na ayoko na, ayoko na" naramdaman kong niyakap nya ako pero inalis ko yun.

“Sorry Jana Sorry” sawa na rin akong marinig ang mga salitang yan.

"Sabi mo lahat ng sinasabi mo sa akin totoo, ngayon sabihin mo alin doon ang hindi?". tanong ko sa kanya.

"Lahat ng sinabi ko sayo totoo, pero yung ipinaparamdam ko hindi"

The LIE he said was he LOVES me when the TRUTH is hes NOT.

----------------------------

One Shot.

 

Hello Hello!!! 

I was just scrolling in my phone's inbox then I saw a quote then this story came up. The quote is in the story description.

Mhehehe

#BOOMSABOG Engrish pa more!!!..

Click EXTERNAL LINK for Part TWO..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top