36
RED
"Hey, shitface! Gumising ka na diyan kung gusto mo pang maabutan yung alis ni Lucas!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Code. Naman! Uso kasi kumatok tsaka buksan, hindi yung kakalabog sa pinto tapos sisigaw pa.
Kay bastos na nilalang!
Pero wait, tama ba yung rinig kong sigaw niya? Alis ni Lucas? Oh, shit! Oo nga pala, ngayon na yun.
Nagayos lang ako kaunti, binilisan ko kasi tulad nga ng sabi ni Code kasi kung hindi, baka hindi ko na maabutan si Lucas.
Tumakbo na ako pababa ng hagdan. Naabutan ko pa naman si Lucas, nandun siya sa may pinto. Ako ba hinihintay nito o si Zeus? Mukhang ayaw pa umalis eh.
"Hoy." Pagkuha ko sa atensiyon niya nung nakababa ako kaagad. "Ingat ka ah?" Bigla ko siyang niyakap as a sign that I truly care. Ganun ako sa lahat, may mannerism ako na niyayakap ko sila kapag aalis.
"Oo naman, para sa iyo." And he winked. Jusko, Arellano! Paano ko ba ihahandle yang mga bagay na yan eh sa iyo pa mismo nanggagaling?
We just stayed there, waiting for his car. Maya maya, may bumisina na ng malakas. Lumabas na kami, ako na nagpresinta na samahan siya.
Pagkasara niya ng trunk, humarap siya kaagad sa akin while his arm was resting at the car's hood. Alam niyo yung sa mga movies? Ganun na ganun.
"Red, pwede ba kitang ligawan?"
R to the E to the D, ikaw na ang pinakamagandang babae sa buong mundo para ligawan ng isang Lucas Arellano.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top