Epilogue
Batas
Adriano Kaligayahan's
Adriano Dimaunahan raw iyong pangalan ng complainant na kausap ni Toni. Kanina pa ako ngingiti – ngiti kasi magkapangalan kaming dalawa. Mula sa mesa ko ay tinitingnan ko siya, magkapangalan lang kaming dalawa pero mas gwapo ako.
The man is tall, napakaputi, matangos ang ilong tapos itim na itim iyong buhok. Hindi ko alam kung anong reklamo niya pero natatawa talaga ako. Sinitsitan ako ni Andres Birada. Nakaupo siya sa table sa tapat ko, tinanguan ko lang siya.
Isang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang lahat ng kagulugan sa buhay ko. Nabigay ko kay Daddy ang hustisyang para sa kanya. Nakakulong na ngayon si General Dominguez – reclusion perpetua ang parusa sa kanya, kung ako ang tatanungin, kulang pa iyon, he needed to pay for the life they took, nabigay ko man ang hustisya para sa kanya, kahit kailan hindi ko na siya maibabalik, hanggang ngayon ay masama ang loob ko, but people I love always tell me that I have to accept it and move on – and I am trying so hard, ang pamilya ko at si Annie, pinadadali niya ang lahat ng ito – I am always thankful that they are around.
Si Saide naman ay nakakulong sa isang mental institute. Wala akong pakilam sa kanya, kahit ilang beses siyang magmakaawa sa akin, hindi ko siya pinakinggan, I can never forgive her for what she did to my father. Hindi niya lang ako ang inalisan niya ng ama, pati na rin ang mga kapatid kong babae. I never knew I could hate someone like this. The mere thought of Saide makes me mad.
Nakaalis na ang lalaking kausap ni Toni. Tumayo siya at may kinausap lang na ilang kasamahan namin saka siya bumalik sa table niya at nagsimula na kaming magkwentuhan.
Bumalik ako sa trabaho dahil iyon ang pinakamagandang dapat kong gawin – ayon kay Mommy at sa mga kapatid ko. Kailangan kong itaguyod ang naiwang pangalan ni Daddy sa serbisyo, he was never a corrupt official, and I am always proud of that.
Naging madali ang lahat ng ito, salamat kay Chief Reyes, kahit siya kasi ay ayaw niyang umalis ako sa serbisyo. Isa pa, ilang beses sinasabi sa akin ni Annie na gusto niyang makapag-asawa ng pulis, kung hindi na ako pulis, hindi na raw niya ako aasawahin. Napakasiraulo talaga.
"Anong reklamo noon?" Tanong ko. "Kapangalan ko pa eh kaya lang di ko mauunahan iyon."
"Tado! Walang reklamo, may pinahahanap lang na kaso, pero matagal na, noong 1980's pa. Ibinigay ko na sa records. Sabi niya babalik siya bukas kasi bukas ng gabi, uuwi na siya ng Pangasinan." Tumwa si Toni. Napansin kong kanina pa siya tingin nang tingin sa orasan niya.
"May date ka?" I asked.
"Oo puta, Pre! Pumayag na si Barang na makipag-milk tea sa akin! Sa susunod, teatea na! Charot lang!" Binato ko siya ng binilot na papel. Si Andres ay tawa nang tawa. "Tarantado! Kapatid iyon ng jowa ko, umayos ka, Toni!"
"Oo, aayos na." Sabi niya pa. "Excited ako, bibilhan ko ng flowers si Barang. Isang taon ko rin siyang sinusuyong makipag-date sa akin. Kung alam ko lang na gusto niya ng sisig, binili ko na lahat ng sisig sa Pampanga! O kaya man, papaluto ako ng isang malaking banyera kay Tita Rosanna at Tita Priscilla." Tawang – tawa na naman ako.
"Kamusta naman iyong boss ni Annie? Nililigawan ba?"
"Sabi ko nga, tingnan – tingnan niya, baka mamaya, gawan siya ng masama noon, mahirap na. Kita mo ba iyong jowa ko? Napakaganda!"
"Mas maganda si Avery." Sabi ni Toni.
"Ah... mas maganda si Aelise." Sabi naman ni Andres. Nagtawanan na naman kami saka kami bumalik sa trabaho. Maagang nag – out si Toni, ako naman ay hinihintay pa ang text ni Annie bago ako magpunta sa office niya. Ayaw niya raw kasi akong naghihintay. Saktong 5:30, tumawag na siya para sabihing sunduin ko siya at susunod raw kami kina Avery sa Gong cha. Agad naman akong lumabas para kunin ang sasakyan ko, pero natigil ako sa paglalakad nang matanawan ko si Tomas sa may entrance ng main office.
Nag-resign na siya sa trabaho namin. Marami raw siyang kailangan gawin at alamin tungkol sa sarili niya. Wala nang pamilya si Tomas at kung mayroon man, inayawan na rin siya ng mga ito dahil sa ginawa niya sa tatay at kapatid niya.
"Pre." Binati ko siya. Malaki ang pasasalamat ko dahil pinili niya kaming tulungan kahit alam ko kung gaano iyon kasakit para sa kanya.
"Kamusta?" He asked. "Magpapaalam lang ako, Adi. Aalis na ako. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta pero kasi hindi na ako para rito." Napatango na lang ako.
"Kung anuman ang kailangan mo at kung makakatulong ako, tawag ka lang." Nagyakapan pa kaming dalawa. Alam ko kung gaano kabigat ang loob ni Tomas ngayon, hindi ko siya masisisi kung gusto niyang umalis, he deserves to have his peace after this mess.
Sumakay na ako sa kotse para sunduin si Annie. Medyo malapit lang naman ang office niya sa ahensya. Nasa may entrance pa lang ako ay nakita ko na siyang nakatayo sa may guard house. Napangiti ako, she's just so beautiful and so well for the luck of better term, siraulo talaga siya. Nang makita niya ako ay tumakbo pa siya papunta sa akin, palagi niyang ginagawa iyon, she's always very excited to see me. Pagsakay niya sa kotse ay may kiss agada ko sa labi.
"Hello, Mahal. Na-miss kita." Sinabayan niya pa iyon ng ngiti. Tumawa ako. I kissed her again.
"I missed you, too, Mahal. Punta na tayo kina Barang?"
Tumango siya. She was telling me about her day, nabanggit niya rin ang boss niya. Matagal na akong nangigigil sa boss ni Annie. Palagi raw nakatingin sa kanya, kung ano – ano raw ang tinatanong. Minsan gusto kong puntahan si Anne sa office niya para lang ipakita sa boss niya na may boyfriend iyong tao. Medyo makapal kasi ang mukha noong taong iyon.
Nakarating na kami sa mall. We were holding each other's hand. Napakasaya ko tuwing kasama siya. Pakiramdam ko walang makakatalo sa akin kapag nandito si Annie. She is everything to me. Wala na akong nakikitang ibang babae para sa akin. Hindi nga rin ako makapaniwala na iyong babaeng madalas makipag – break sa akin noon dahil ginawa niya akong negosyo ay ang babaeng mamahalin ko nang ganito.
Maayos naman ang milk tea date sana naming lahat pero dumating ang boss ni Anne – handa na nga akong mambugbog noon pero nalaman naming lahat na hindi pala si Anne ang puntirya niya kundi si Avery, umalis silang dalawa, naiwan si Toni na nakanganga, si Annie rin na tila hindi makapaniwala.
"Anyare?" Nalilitong tanong ni Toni. "Anne, sino iyon? Bakit kinuha niya si Barang?"
"Boss ko iyon. Grabe! Tang ina, hindi ko inaasahan ito.
"Ate least we all know now na hindi ka niya crush. Safe pala." I smiled at her. Inirapan niya ako. Sakto namang tumawag si Mommy sa amin para sabihin na sa bahay na kami maghapunang lahat, isinama ko na si Toni, naaawa naman ako sa kanyang iniwanan siya ni Avery nang ganoon.
Halata sa kaibigan kong nalungkot siya, sa totoo lang naman kasi, gusto niya talaga si Avery, matagal na niyang sinasabi iyon sa akin kaya lang hindi niya mapormahan kasi hindi palalabas ng bahay iyong isa.
Buong gabi siyang wala sa mood, nauna na siyang magpaalam, gusto yata muna kasi niyang mag-isa. Ako naman ay inihatid si Anne sa bahay nila.
We stayed in the car for a while, making out – make out lang, may mens raw siya ngayon. Natatawa ako kapag sinasabi niya iyon sa akin. After that make – out session, bumaba ako ng kotse para ihatid siya sa gate. She even kissed me. Pinanood ko siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Maaga kami bukas dahil napag-usapan na sa bahay ng mga Apelyido mag-aalmusal. Siyempre gusto kong magpalakas kay Popsi – este kay Senyor Axel pala.
Kinabukasan ay nahuli naman ako sa pagdating, paalis na si Avery nang dumating ako. Nagtataka nga ako kung bakit siya umalis, bago iyon.
Nag-text na kasi ako kay Anne na hindi ako makakapunta pero sinubukan ko talaga. Binigay ko kay Senyor Axel ang Braso de Mercedes na gawa ni Mama.
Hindi naman na ako nagtagal, inihatid ko lang si Anne sa office niya at saka babalik na rin ako sa ahensya pero sa parking lot ng building, habang naglalakad ako ay ngingiti – ngiti akong naglakad pabalik sa kotse ko pero natigilan ako dahil may nakita akong apat na lalaking naka-kulay itim at may bonet sa mukha ang nakatayo sa may kotse ko.
Naglabas ng baril ang isa at saka sinigawan ako.
"Sakay!"
Hindi ako basta sasakay. Kinaisip – isip ko kung ano iton o kung sino ang may pakana nito Wala naman akong kaaway, kundi ang mga Dominguez lang. Hindi kaya nakatakas si General o baka naman sa huling sandali ay nagbago ang isipan ni Tomas? Baka siya na ngayon ang bumubuo ng sindikato ng tatay niya.
Nanlaban ako. Inilabas ko ang baril ko ngunit bago ko iyon mapaputok ay may humampas na sa may batok ko na naging dahilan ng kawalan ko ng malay.
xxxx
Nagising ako sa isang madilim na silid. Noong una ay hindi ko alam kung anong nangyari pero nang maalala ko ang mga lalaki sa may kotse ko nang gabing iyon ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Malaya ang mga kamay ko pero ang kaliwang paa ko ay nakaposas sa dulo ng kama.
"Putang ina." Bulong ko. Napakadilim ng silid na iyon. Napakatahimik rin ngunit dinig na dinig sa labas ang paghampas ng alon. Malapit ako sa dagat, pero sanag dagat? Kailangan kong makatakas rito. Kailangan kong makabalik sa pamilya ko. Ang buong akala ko ay tapos na ang gulo sa buhay ko pero heto na naman. Hindi ako maaaring mawala nang matagal, iiyak na naman si Mommy, malulungkot na naman si Annie. Kailangan kong makaalis rito!
Sinubukan ko baliin ang paa ko para maalis ko sa pagkakaposas nito pero tinigilan ko na rin dahil naisip ko kung paano ako makakatakbo palayo kung bali ang paa ko. I need to think of another way. I need to get out of here.
Bumukas ang pinto. May dumating na dalawang lalaki. Ang isa ay lumapit sa akin para itali at iposas ang mga kamay ko.
"Nasaan ako? Sinong nagpakuha sa akin?" I tried to sound calm. Siyempre may kaba sa puso ko pero kailangan kong maging mahinahon. Alam kong makakauwi ako, makakabalik ako kay Annie. "Saan ninyo ako dadalhin?" Tanong ko pa habang nilalagyan ng piring ang mga mata ko. Nagpupumiglas ako pero iyong isa sinuntok ako sa sikmura, ayos lang sana pero kinantuhan ako sa tuhod, para akong tinakasan ng lakas.
Nakiramdam ako. Malayo ang nilalakad namin, parang may hagdan pa pababa. Hindi ko alam at wala akong ideya sa direksyon dahil may piring ako sa mata. May apat na pinto kaming pinasukan at sa pinakahuli, naramdaman kong parang hindi na lang ako ang naroon, parang marami na kami. May ibang tao na sa loob ng silid na iyon.
"Toni? Andres?" Sinusubukan ko lang kung kasama ba sila sa nangyaring ito. Kung oo, tama ang hinala ko, pakana ito ng mga Dominguez. Ang buong akala ko ay tumigil na sila pero hindi pa pala kami natatapos.
Pinaupo ako. Hindi tinanggal ang piring at posas ko. Kasabay noon ay may narinig akong dalawa pang silya na hinatak.
"Aray!" Sigaw noong isang lalaki. "Who the fuck are you and why the fuck are you doing this to me? Magkano ba ang kailangan ninyo?!" Napakunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang boses ng lalaking sumigaw na iyon pero hindi ko lang sigurado kung saan ko iyon narinig. There is something familiar here.
"Aray naman, sabi nang h'wag mo akong hawakan?!" May muling sumigaw pero napakalamyos naman ng tinig na iyon, hindi babae ang nagmamay-ari, sigurado akong lalaki iyon pero tila ba nagpapakababae siya.
"Sino kayo? Anong nangyayari?" Ako naman ang nagsalita.
"Sino ka rin? Bakit moa ko pina-kidnap?!" Matapang na matapang iyong isang boses.
"Hindi kita pina-kidnap! Na-kidnap rin ako?!" I insisted.
"Teka..." Wika noong kausap ko. "Adriano?! Boyfriend ni Annie?!"
"Sabello?" Naguguluhang wika ko. "Asawa ni Aelise?"
"Oo! Fuck then the other guy is – JORGE?!"
"Ronnie nga! Ronnie! Pakawalan ninyo na ako rito! Hahanapin ko pa si Baby Red!"
Napanganga ako. Ako, si Sabello at Jorge ang na-kidnap, anong kinalaman nito sa mga Apelyido?
"TAHIMIK. ANG INGAY! Sige, tanggalin ninyo na piring niyang mga iyan."
Bigla na lang lumiwanag ang paningin ko nang matanggal ang piring. Nasa isang mahabang mesa kami, tama ang hinala ko, si Sabello ay nasa kaliwa, si Jorge ay nasa kanan at sa harapan ng mesa ay nakatayo roon si Gabrielle Reese Demitri. Nakangisi siya sa aming tatlo.
"Reese!" Sigaw ni Sabello. "Anong nangyayari?!"
"Ang ingay ninyo naman. Natutulig ako." Parang napipikon na siya. Sa kanilang magkakapatid, kay Reese ako pinakailag, ang pinakamahaba yata naming usap ay noong sinabi ko sa kanya na nanghihingi ng tubig si Miss Bernice at ang sagot niya sa akin may araw ka rin, Kaligayahan.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin roon but being here now makes me realize what the hell is that about.
Nakatingin lang siya sa amin. Nakangisi siya habang naninigarilyo. Mukhang hindi maganda ang araw niya kasi tinitingnan niya kaming lahat mula ulo hanggang paa. Tinuro niya si Jorge.
"Hoy, ikaw, ilabas mo si Jorge kundi sasapakin kita." Kalmado iyon pero mariin at madilim ang tono ng pananalita niya.
"Pakawalan mo ako!" Wika ni Jorge.
"Bibilang ako. Isa." She puffed. "Dalawa." She puffed again... Nagtaka ako nang biglang natigilan si Jorge tapos noong tumingin siya kay Reese ay tila nagtataka na naman siya. "Takot ka pa lang masapak, Baks." Tumawa siya pero sumeryoso agad.
"What happened, why am I here?" Tanong ni Jorger. Naupos na ang sigarilyo ni Reese. Nagsindi na naman siya ng isa pa. Tumayo siya nang tuwid at saka tumingin sa amin at kinausap kami isa – isa.
"Di por que, okay kayong lahat kay Ernesto, okay rin kayong lahat sa akin. Ako ang batas dito. Ipinatawag ko kayong lahat para makita ninyo kung anong gagawin ko sa oras na masaktan ang mga kapatid ko. Kung kay Uncle Jude may liwanag, sa akin, brown out. The moment any of you made my Aelise, Leina especially Annie cry, I will fucking hunt you down and castrate your balls."
May nilapag siyang bolo sa mesa. Napalunok ako.
"Hindi ko naman paiiyakin si Aelise---"
"Putang ina ka, Sabello, hindi mo paiiyakin? Buti nga hindi iyon iyakin! Noong bata kami, tinulak ko siya sa putik kasi naiinis ako sa kanya, alam mo kung anong ginawa? Sinunog niya iyong Betsy doll ko. Hindi siya iiyak, nanununog talaga iyon, pero kapag iyon umiyak dahil sa kaputa – putang ina mong kalandian na naman."
Iyong isa sa tatlong goons ay naglakay ng malaking upo sa mesa. Kinuha ni Reese ang bolo at biglang hinataw ang upo. Nahati iyon sa gitna. I swear, kumislot ang pagkalalaki ko, umurong yata sa takot.
"Putol ka sa akin." Napalunok si Sabello. "At ikaw." Sabi na naman niya kay Jorge. "Siguraduhin mong wala nang manghahabol kay Leina na galing diyan sa putang inang mga De Angelo na iyan. De Angelo lang sila, Demonyo ako."
"Nico is my cousin, mabait—"
"Wala akong pakialam." Sabi ni Reese. "Sa dami ng iniyak ni Leina noon dahil sa'yo at sa ginawa ng kakambal mo sa tatay ko, dapat ipinatumba na kita, pasalamat ka, mabait pa ako."
Hindi kumibo si Jorge.
"Tang ina, magpasalamat ka?!" Sigaw ni Reese. Nagulat ako talaga. Bakit parang mas nakakatakot siya kaysa kay Senyor Axel.
"Ahhh.... Ano, salamat..." Reese Demitri smiled so sweetly.
"You're welcome." He eyes met mine. Bumuga muna siya ng usok bago sita nagsalita. "Ano, putang ina, gusto mo totohanin kong patay ka na?"
"Ano, hindi..."
"Narinig mo naman ang ayaw at gusto ko diba?" Sunod – sunod akong tumango. "Sa susunod na mamatay ka, kahit nakalibing ka pa, huhukayin kita at papataying muli. Delikado iyang trabaho mo, pero kahit na gaano pa iyan kabagsik, inaalisan kita ng karapatang mamatay para hindi umiyak ang Bunsoy ko, naiintindihan mo?"
"Oo."
Bigla siyang tumawa na parang kontrabida saka binalingan si Sabello.
"Tingnan mo nga naman, Sabello, bayaw, sa inyong tatlo ikaw ang pinakagagong nambabae muna itong dalawa chill – chill lang eh."
"Papakawalan mo na ba kami?"
"Mamaya. Ipapaalala ko lang, bago ninyo maisip na makipaghiwalay sa mga kapatid ko - kahit na kasal na kayo Sabello, Jorge, Adi – nandito ako. Alam ninyo kung anong kaya kong gawin at alam ninyong hindi ako puro salita lang, nagkakaintindihan tayo?"
Sabay-sabay kaming tumango.
"Okay. Did you record that, Donald?"
"Bakit may record?" Nagtatakang tanong ko. Ayokong makita ni Annie na sobrang natakot ako sa ate niya.
"Para kung sakali man, ipe-play ko ito habang pinapatay ko kayo – charoot lang! Sige Donal, pakawalan mo na iyan. At ikaw ang nagyosi, hindi ako." Binigay niya kay Donald iyong sigarilyo.
Umalis si Reese. Kinalagan kami noong mga tauhan niya tapos sinabihan kaming sumunod sa kanya. Hindi na ako kinakabahan pero na-aamaze naman ako sa nakikita ko ngayon sa bintana, napakaganda ng dagat.
"Isla Verde." Sabi ni Jorge. "Siguro may kakilala iyong mga Demitri rito. This is a private island."
"Baka sa kanila, mayaman ang asawa ni Reese." Wika ni Sabello.
"Sunod kayo." Sabi noong Donald. Umakyat kami sa ikalawang palapag, doon yata ang silid kung saan kami galing kanina. Pumasok ako sa loob, naroon sa kama ang chapa at ang baril ko pero hindi na katulad kanina na napakadilim ng kwarto, bukas na kasi ang blinds nito at nakikita ko na ang dagat.
Sa gilid ng kama ay may nakaayos nang damit, may malinis na pair na rin ng underwear. Naisip kong maligo na rin at magbihis, hindi ko alam kung may plano pa si Reese, pero tatawagan ko si Anne pagkaligo ko.
Matapos kong maligo at magbihis ay agad kong tinawagan si Anne pero hindi naman siya sumasagot kaya nag-text na lang ako. May kumatok sa silid kaya mabilis kong binuksan ang pinto, nakita ko si Donald.
"Sir, kakain na po. Nasa garden na po si Boss Reese. Sunod kayo sa akin."
Sumunod naman ako. Kasabay namin si Sabello at Jorge sa hagdanan. Humahanga ako sa ganda ng lugar na ito, sobrag tahimik, sobrang ganda – wala akong masabi. Kahit saan ako magpunta ay kitang – kita ko ang dagat.
Nakarating kami sa garden. May mahabang mesa roon na puno ng pagkain. Naroon si Heath, kasama ang mga anak nila ni Reese. Ngumiti naman siya.
"Did you enjoy your stay here at our island? It's my brother's place. Nagulat na lang ako kasi tinawagan ako ni Reese na nandito raw kayo mula kagabi, kaya lumipad ako, kahapon pa sila ng mga bata rito."
Umupo kami. Nagtataka ako, wala kayang alam si Heath?
"Mahal!" Napatayo akong muli nang marinig ko ang boses ni Anne. Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin, kasunod niya si Leina at Aelise na dumiretso kina Jorge at Sabello. "Hindi ka nagsabi na pinasundo ka pala ni Ate. Nagbonding raw kayo!"
"Siyempre naman, Soy. Mga kapatid ko na rin sila kaya gusto ko close kaming lahat at malinaw ang usapan namin."
"Anong ginawa mo?' Tanong ni Aelise. "Walang pasa si Sab, pero anong ginawa mo?"
"Nag-usap nga ang kami, parang tanga itong si Aelise."
"Wala ring pasa si Jorge. Ano ngang ginawa mo sa loob mo ba sinuntok?" Wika naman ni Leina. "Love, nasaktan ka ba? Saan? Saan?"
"Dito." Tinuro ni Jorge ang lips niya, na hinalikan naman ni Leina.
"Ay, Dade nagkiss sila Ninang! Yuck!" Sabi ni ni Cinnamon na anak ni Reese at Heath.
"Oo, yuck iyong kiss anak, si Dade at Mame lang ang pwedeng mag-kiss kay Cinnamon, Ruthie at kay Jellybean, okay?"
"Hah! Takot sa sariling multo!" Sigaw ni Aelise.
"Ang ingay mo, Aeslie, kumain na kayo. Mamayang 10 am uuwi tayo. Thursday ngayon, may family dinner."
Nagsiupo na kaming lahat. Si Annie ay lingon nang lingon.
"Nasaan si Barang?"
"Siyempre nasa bahay."
"Sabagay." Nagsimula ang pagkain. I was just watching Annie as she eats. Wala akong ibang naiisip kundi ang kung gaano ako ka-swerte at nandito siya sa tabi ko ngayon. Kung gaano ako magiging masaya sa mga susunod na panahon ng buhay ko dahil nandito siya ngayon. Mahal na mahal ko siya.
Natapos ang almusal, everyone is getting ready for going back to the city. Sininop ni Reese ang mga anak niya. Si Annie naman ay nakatingin sa kalawakan ng dagat. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. She smiled at me.
I stretched out her arm and opened her palm, sa gitna noon ay may nilagay ako. She looked at me.
It's not an engagement ring. Bibili pa lang ako, but I want to say it now. I gave her my college ring. It is very important to me. Napatingin sa akin si Anne.
"Adi..." I smiled at her.
"I vow to you, Anne Apelyido, my honor, my love, my loyalty. I want you to marry me, will you?"
Nakatingin sa akin si Anne. Naluluha siya, may ngiti sa labi niya tapos bigla siyang nagsalita.
"Sana sa kasal natin, walang darating na makikipag-break sa'yp, charoot! Yes na yes!"
I nooded. Niyakap ko siya nang napakahigpit. Hindi ko maiwasang maalala ang tatay ko habang magkayakap kami ni Anne.
He always asks me if I am happy, and right now, the only answer I have for him is YES, I am happy, so happy that I will be able to spend my whole life with this troublemaker.
Forever... until my last breath.
x x M. C. J. R. x x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top