Challenge # 17

Nang gabing iyon

Adriano Kaligayahan's

"Pre, palagay mo, galit ba sa akin si Annie? Mulan ang magising siya at umalis siya rito sa bahay ko, wala na siyang ginawa kundi murahin ako."

Hindi ko mapigilang tumawa nang tumawa pagbalik ko sa bahay ni Jestoni. Alas una nang madaling araw na. Nagtagal ako sa bahay ng mga Apelyido dahil nagkwentuhan kaming dalawa ni Anne. I missed her a lot. Ang tagal – tagal kong hinintay na makausap ulit siya nang matagal. Akala ko talaga saglit lang ang lahat ng ito pero inabot ng isang buwan.

Saide cracked, I think that is a good sign. Ibinalik siya nila Toni sa bahay, kung sakali mang magsabi siya kay General, handa naman kami, pero may posibilidad pa ring hindi siya paniwalaan ng sarili niyang ama. May mental health issues si Saide, matagal na ito ngunit siniguro ni General Dominguez na hindi ito lalabas sa publiko para sa kaligtasan ni Saide at sa reputasyon ng kanilang pamilya.

"Hindi iyon galit. Ganoon lang talaga siya magsalita." Sabi ko kay Toni. "Kamusta si Tomas?"

"Pinainom ko nang gamot kanina pagkakain, tulog yata. Sinasabi ko sa kanyang kailangan na niyang magsalita o kundiman, tungo tayo sa Plan B. mas gusto ko ang plan B kaysa rito sa Plan A mo, pero ikaw ang masusunod."

Plan B is releasing the evidences to the press. May kausap na kaming tv reporter at willing siyang tumulong sa amin, tulad ko ay naghahanap siya ng baho ni General Domiguez. Matagal na raw niyang minamanmanan ang mga Domiguez, matagal na raw siyang siguradong may ginagawang kabalbalan ito.

Tinapik ko ang balikat ni Toni at nagtungo ako sa silid kung nasaan si Tomas. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tila nag-iisip. Ako naman ay naupo sa monobloc chari sa tapat niya. He looked at me. Namumugto ang mga mata niya. Mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Anong ibibigay mong kasiguraduhan sa akin, Adriano na pagkatapos nito, safe si Saide?" He asked me.

"Andres will make sure of that. May nakalatag kaming plano. Kung gusto mo talagang tulungan ang kapatid mo, gagawin mo ang tama. Tomas, alam mong mali ang ginagawa ni General, ilang buhay nang nasira dahil sa kanya, ilang inosenteng tao ang napatay dahil sa kanya, isa si Daddy roon. You know that my father is a good man, he deserves this justice." I am trying to convince him. "Wala na ako sa serbisyo, Tomas, ikaw at sila Toni ang inaasahan ko sa ganito. Alam mong may mali sa pamamalakad niya, sana mag-isip – isip ka." Sabi ko sa kanya. Tomas sighed.

"Saide fired the first shot, Adi." Wika ni Tomas. Napatitig ako sa kanya. "She was with Dad that day. Nasa kotse silang dalawa, and Saide saw Axel Apelyido. She knew him, the bullet was intended for him, not for your father. Pero inagaw ni Dad sa kanya ang baril, ibinigay sa gunman and that told him to shoot again, and make sure that your father is dead. Huli na akong nakarating, Adi. Kung maaga ako, sana napigilan ko silang dalawa." Umiiyak si Tomas. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon ko.

"Saide wanted to kill Axel Apelyido because of Anne. Gusto niyang masaktan si Anne. I'm so sorry, Adi."

Nakuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko alam iyon at napakasakit malaman noon. Lalo kong kailangan mahuli si General Dominguez.

"I just want to keep Saide safe." Sabi ni Tomas. "All my life, I wanted to seclude her. Hindi siya masama, Adi. Kaya lang imbes na tulungan siya, ayaw ni Dad na ilabas ang sakit ni Saide, ayaw niyang ikulong si Saide sa mental institute kung saan mabibigyan siya ng maayos na tulong, atensyon at gamot. Patawarin moa ko, Adi."

"Help us." Wika ko. "Tomas, kung gusto mong itama ang pagkakamaling ito, tulungan mo kami." Tumayo na ako para umalis, masyado nang mabigat ang damdamin ko. Kailangan ko munang magpahangin. But then, he called me again.

"Sa bahay... sa silid ko, sa loob ng walk – in closet, may vault sa loob ng cabinet sa bandang kaliwa. Naroon lahat ng listahan ng kasabwat ni Papa sa sindikato. The combination is 7678."

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?"

"Hindi ako makakauwi sa bahay, Adi. Itinakwil na ako ng Papa. Ikaw at ang mga kasama mo ang tanging makakapasok sa bahay namin. Wala ang Papa bukas ng gabi, lilipad siya pa-Cebu kasama si Mama. Si Saide lang ang maiiwan sa bahay. Ikaw nang bahalang mag-plano. Lalabas ako, at magsasalita sa oras na masisiguro ninyo sa akin ang kaligtasan ni Saide."

"Paano maliligtas si Saide kung siya ang unang bumaril sa tatay ko?" Sinumbat ko iyon sa kanya.

"Wala sa katinuan si Saide!"

"Korte ang magpapatunay noon, Tomas." Wika ko. Wala na akong pakialam sa Plan A. Plan B kami, pero kukunin ko muna ang sinasabi niyang listahan sa vault na iyon. I am taking that man down!

"Adi! Please spare, Saide!" Sumisigaw siya. Wala naman akong pakialam. Lumabas ako ng silid na iyon. I made sure that it is locked. Nagtatakang nakatingin sa akin si Jose Andres at Jestoni. Alam kong namumula ang mukha ko sa galit pero putang ina! Putang ina talaga!

"Adi?"

"Kailangan natin iyong blueprint ng bahay ng mga Dominguez. Papasok tayo sa loob. Kailangan kong makuha ang mga listahang iyon at saka tayo magpo-proceed sa Plan B."

"So, ayaw ni Tomas iladlad ang pamilya niya." Komento ni Andres. I looked at him.

"Si Saide ang unang bumaril sa tatay ko. I will make sure she rots in jail. That crazy bitch! I will never let her get away with this?!" Galit na galit ako.

Buong magdamag naming ginagawan ng plano ang pagpasok sa bahay ng mga Dominguez, madali para kay Toni ang lahat, in an hour, nakuha niya ang blueprint ng bahay ng mga Dominguez, pinag-aralan niya iyon at nakabuo siya ng konkretong plano kung paano ako makakapasok sa loob.

Si Jose Andres ay matagal nang nagmamatyag sa bahay ng mga Dominguez, alam niya ang galaw ng mga kasama sa bahay. Bukas, Biyernes ay garbage day, alas siyete nang gabi, inalalabas ng isang maid ang basura, sa back door ito, dumaraan, doon ako papasok, sisiguruhin kong walang makakakita sa akin.

Buong magdamag kong naririnig ang pakiusap ni Tomas sa akin, ilang beses rin akong tinanong nina Andres kung desidido na raw ako, ilang beses na rin akong sumagot ng OO. Kung noon gusto kong tulungan si Saide, ngayon, wala na akong balak. Mabulok silang dalawa ng tatay niya sa kulungan, wala na akong pakialam.

The time came. Ako, si Toni at si Andres ay naka-park sa labas ng bahay ng mga Domiguez, we were three blocks away. Nag-aabang kami ng oras. Kotse ko ang dala namin. Pinaghandaan ko talaga ito. May dala akong tazer gun, totoong baril at may balisong pa akong dala. Hindi ako papatalo kay Saide, hindi ako maaawa sa kanya.

Nakita naming bumukas ang gate ng mga Dominguez, naglabas ng basura ang maid pero nagtagal iyong nakabukas dahil nakipagkwentuhan pa siya sa maid ng kapitbahay. Bumaba ako ng kotse at mabilis na tumakbo. Masyadong abala ang maid, at ang kausap niya, hindi nila ako napansin. Nakapasok ako nang walang aberya.

"I'm in." I told Toni. May mic at earpiece na nakakabit sa akin. Ang sabi ni Toni, sa bandang east wing ng bahay naroon ang silid ni Tomas, pang-apat na bintana sa kanan. Gumilid ako. Tumingala at nagbiglang, hindi naman ako nahirapang hanapin iyon. Dahan-dahan akong umakyat sa pader. May dala akong lubid. Matataas ang pader ng mga Dominguez, hindi mahirap akyatin.

"Bukas ba ang bintana, Adi?" Toni asked me.

"Check ko, tang ina, nakakangawit." I said. Buong araw kong hindi nakakausap si Anne kaya wala akong lakas, mamaya, pagkatapos ng lahat ng ito, pupunta ako kina Anne, hahalikan ko siya nang matagal tapos aayain ko siyang mag-check in sa hotel. Miss na miss ko na siya. "Oo, bukas. Papasok na ako."

Nakapasok nga ako. Tama si Toni, silid ni Tomas iyon. It was neat and clean. Maayos na maayos ang lahat sa paligid ng silid niya. Agad akong pumasok sa walk – in closet at hinanap ang cabinet niya. Nakita ko ang vault, kinuha ko ang lahat ng laman noon, marami – raming papeles iyon, may mga larawan rin. Binasa ko ang iba – as it turns out, matagal nang gumagawa si Tomas ng sariling imbestigasyon tungkol sa ama niya, nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya pero hindi pa rin magbabago ang isipan ko.

Nilagay kong lahat iyon sa loob ng damit ko. Doble – doble ang suot ko. Hindi iyon malalaglag.

Okay na. Makakaalis na ako, kaya lang pakiramdam ko may mangyayari dahil sobrang bilis ng pangyayari at sobrang dali nito. Lumabas ako ng walk – in closet at didiretso sa bintana nang makita kong nakatayo si Saide sa may kama ni Tomas. Napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Akala ko si Kuya, pero ikaw pala, Adi." She said. "Bumalik ka para sa akin." Wika niya sabay yakap sa akin nang sobrang higpit. "Alam ko namang babalik ka, alam kong ako ang mahal mo. Mahal na mahal kita, Adi." Pinaghahalikan niya ako sa labi at leeg. Pilit ko siyang tinulak. She killed my father. I hate her.

"Kumain ka na ba, Adi? Halika, nagluto ako. Akala ko mag-isa lang akong kakain, mabuti at dumating ka na." Hinatak niya ako. Nagpatianod ako. Gagawa ako ng paraan para makatakas sa kanya. Lumabas kami ng silid ni Tomas at bumaba sa dining area. "Lani, pakidagdagan ng platom, nandito ang boyfriend ko. Magpapakasal na kami. Halika na, Adi. I love you, Darling."

Nagtatangis ang mga bagang ko. Saide sat. Napilitan rin akong maupo. Nagdagdag nga ng kanin sa hapag. Pinagsilbihan niya ako.

"Adi, nilaga ang ulam, gusto mo ng patis at kalamansi ano?"

"Adi, nasaan ka na? Ang tagal mong lumabas?" Narinig ko si Toni sa linya. Hindi ako sumagot. Nakatingin kasi si Saide.

"Kain na, Darling..." She was all smiles. Hindi naman ako gumagalaw. Hindi ako kakain, nag-iingat lang baka may nilagay siya sa pagkaing ito. She started eating, magana siya. Nagkukwento siya sa akin, at nabanggit niyang ilang linggo nang hindi umuuwi si Tomas.

"Bakit mo gustong barilin si Anne?" Walang abog na wika ko.

"Pota, pre, kasama mo si Saide?!" Sigaw ni Toni sa linya. Hindi ako sumagot. Ibinaba ni Saide ang kubyertos niya.

"Inagaw ka niya sa akin. Dapat lang siyang maparusahan."

"Bakit mo binaril ang tatay ko, Saide?" Tanong kong muli. Napanganga siya tapos ay nalungkot, biglang tila ay nag-aapuhap ng sasabihin.

"Hindi iyan totoo?!" Sigaw niya sa akin. Tumayo siya at parang di mapakaling nagpapalakad – lakad sa buong dining area. "HINDI IYAN TOTO!" Napahawak pa siya sa ulo niya, mayamaya ay umiiyak na siya.

"Tang ina nabuang na!" Narinig ko si Andres ang nagsasalita sa tainga ko. I stood up.

"Adi...Adi..." Umiiling siya. "Hindi ko sinasadya iyon..." Sabi niya pa sa akin. "Adi, iyong tatay ni Anne ang dapat mamamatay, inagaw ka niya sa akin, dapat masaktan siya! Hindi si Tito! Hindi ako makalapit sa Mama ni Anne, marami siyang kasama pero dapat siya na lang, dapat sasabuyan ko siya ng asido." Humawak siya sa akin. "Adi, hindi ko iyon sinasadya. Sorry, Adi. Sorry, mahal na mahal kita."

Tinabig ko siya. "Ipakukulong kita, Saide." Wika ko sa kanya. Sinabayan ko iyon ng pag-alis. Sa front door na ako dadanan. Wala naman nang problema kung may makakita sa akin.

"Toni, ikot kayo. Sa front door na ako lalabas."

"Anong nangyari?"

"Mamaya." Wika ko. Lumabas na ako, Napalingon ako dahil naririnig ko si Saide. Umiiyak na hinahabol niya ako. Nakarating kaming dalawa sa daan sa harapan ng bahay nila. Niyakap ako ni Saide mula sa likuran.

"Adi, I'm so sorry! Diba pwede naman nating kalimutan ang lahat nang iyon?! Adi, mahal na mahal kita, Adi!" She was crying frantically. Niyaka na naman niya ako at hinalikan. Tinutulak ko siya but she just won't budge.

May kotse pumarada sa likuran ko. Sina Toni na iyon. Tinulak ko si Saide para pumasok sa loob ng sasakyan pero laking gulat ko nang makita kong si Anne ang bumaba sa kotse. Napaawang ang mga labi ko.

"Aba't putang ina." Sabi niyang gigil na gigil. Nanlalaki ang mga mata ko.

"Anne.... Anne this isn't what you think."

"Oh, diba lahat naman this isn't what you think?! Tang ina galing ako sa bahay ng Tita Badet ko makikita kong nakikipaghalikan at nakikipagyakapan ka sa babaeng iyan?! Tang ina mo Kaligayahan, masyado akong maganda para lokohin mo putang ina mo, magsama kayong dalawa!" Tumalikod si Anne pero hinablot ko ang braso niya.

"Anne, please!" I said. "Hindi ito tulad ng iniisip mo!"

"Adi, bitawan mo na siya. Akin ka na lang!"

"PUTANG INA MO!" Sigaw ni Anne kay Saide. "ISA KA PANG MALANDI KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO! HINDI KA TALAGA TUMIGIL HANGGA'T HINDI MO NAKUKUHA SA AKIN ANO?! PWES MAGSAMA KAYONG DALAWA!" Sinampal pa ni Anne si Saide.

Noong una ay natigilan lang si Saide pero bigla siyang sumigaw nang napakalakas tapos sinabunutan niya si Anne. Pinipigilan ko sila. Tang ina! Hindi ko mahablot ang girlfriend ko. Nagppambuno talaga sila, napahiga pa sila sa kalsada. Pinaimbabawan ni Anne si Saide at pinagsasampal.

"PUTANG INA MO! AHAS! PUTANG INA KA! MAMATAY KA NA!" Ang lakas ng sampal niya.

"MAS PUTANG INA KA! DAPAT TATAY MO ANG NAMATAY AT HINDI KAY ADI! H'WAG NA H'WAG KONG MAKIKITANG MAG-ISA ANG NANAY MO! SASABUYAN KO TALAGA SIYA NG ASIDO SA MUKHA!"

"ANONG SABI NIYA?!" Nagulat ako nang biglang may isa pang boses na nagmula sa loob ng kotse kung saan galing si Anne. Napanganga ako nang makita ko ang panganay na kapatid ni Anne. Si Gabrielle Reese Demitri. "PUTANG INA, ANNE ANONG SABI NIYA?!"

"PAPATAYIN KO ANG NANAY MO, ANNE?!"

"PUTANG INA MO!" Sabi ni Reese. Lumapit siya at pinulot si Saide sa buhok at itinayo. Nagulat ako nang ingudngod ni Reese si Saide sa kalsada., tipong kindiin – diin niya. Napapasinghap ako. Dumating na rin sila Toni.

"Nagtawag na kami ng back up. Considered at confession ang sinabi niya, Pre. Recorded iyon sa CCTV at Audio ng bahay nila. Tang ina."

Binitiwan ni Reese si Saide pag-angat ng mukha nito ay may mga sugat kaya may dugo.

"PUTANG INA MO. LUMAPIT KA SA NANAY KO, MAPAPATAY KITA." Wika ni Reese. Tumayo siya at hinarap si Anne. "Uuwi na tayo."

Tiningnan lang ako ni Anne. "Break na tayo."

"Anne!" Wika ko.

"AHHHH!" Natigilan kami nang sumigaw si Saide, may dala pala siyang kutsilyo ay nakataas iyon, nakaumang kay Anne at sasaksakin niya dapat. Mabilis akong tumakbo para yakapin siya, nag-aabang ako ng tatarak sa akin pero wala, nang lumingon ako, nakita ko si Toni at Andres na nahawakan agad siya. Kasabay noon ay ang pagdating nga mga pulis, kitang – kita nila ang lahat ng pangyayari.

Dinakip si Saide. Ako ay nakayakap pa rin kay Anne. Nagwawala si Saide. Sigurado akong ngayon gabi ay uuwi si General para sa anak niya. Nang makaalis ang mobile ay tinulak ako ni Anne.

"Tang ina ka!"

"Oo, tang ina ka?!" Sigaw noong ate niya. Napakamot ako ng ulo.

"Anne—"

"Anne, may misyon kasi kami nila Adi. May kinalap kaming ebidensya laban kay General Dominguez. Si Saide ang humalik kay Adi, wala siyang kasalanan." Si Toni ang nagpapaliwanag. Nakatingin sa kanya ang girlfriend ko. Ako naman ay nagdadasal na sana maniwala siya. Nag-aalala ako, ayoko rin kasi ng ayaw. Kanina pa siya laman ng isipan ko.

"Talaga ba?" Lumambot ang boses ni Anne.

"Naniniwala ka naman?" Tanong ni Reese. Napakamot ulit ako ng ulo.

"Oo. Recorded lahat ng nangyari." Sabi ni Toni. He even smiled. "Also, Saide confessed about shooting Adi's Dad."

"Hala! Siya?!" Tumingin sa akin si Annie. "Mahal, okay ka lang?!"

"Jusko, Maria Boborupok." Komento ni Reese sa gilid.

"Nasaktan ako, mahal, dito oh." Tinuro ko iyong pisngi ko. Hinalikan naman ni Anne iyon.

"Maria uto-uto." Sabi ni Reese.

"Tse!" Yumakap sa akin si Anne. "Sorry na, Mahal. Sorry nagalit agada ko. Hindi tayo break, joke lang iyon." Sabi ni Anne. Napangiti ako. I kissed her forehead. Nagpaalam ako sa kanyang pupunta muna kami sa presinto. Kailangan nang malaman ng buong mundo na buhay ako at kailangan na nilang malaman kung anong totoong nangyari sa Tatay ko at ang katiwalian ni General Dominguez, kailangan nang ilabas.

Lahat kami ay nagpunta sa presinto. I surrendered everything to the right people sa pangunguna ni Chief Reyes. Nakita niya ako at agad na niyakap. Nagpasalamat ako sa kanya. Nang gabing iyon, dinakip sa Cebu si General Domiguez.

Nang gabing iyon, alam kong nagawa ko na ang lahat para kay Daddy. Nang gabing iyon, naibigay ko ang nararapat sa tatay ko, at iyon ang simula ng hustisya para sa pagkawala niya.

Nang gabing iyon, masaya akong umuwi sa bahay nila Toni. We also surrendered Tomas to the police at dahil si Toni at Andres ang assigned sa kasong iyon, naiwanan silang dalawa sa opisina, ako lang ang umuwi.

I was happy, I was texting Anne, I was busy while going up stairs, I opened the door of the guest room, I turned the lights on and found the biggest surprise of my life.

"Hi, Mahal."

Si Anne, sa kama ko, suot ang napakalanding lingerie na iyon. Nauhaw ako. Tang ina! Game on na!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top