Challenge # 15
Tagay - tagay
Annie's
Nagising ako. Nagising akong umiiyak pa rin. Nagising ako sa gitna ng kadiliman sa aking silid. Nagising ako pero hindi noon mababago na wala na si Adi. Niyakap ko ang unang katabi ko. It's been two weeks and my heart feel so out of place.
Pitong – araw siyang ibinurol. Tulad ng Daddy niya, ni-cremate siya. It was a long, agonizing and painful thing for me. I was there when they were burning him. Iyak ako nang iyak – wala yatang araw na hindi ako umiiyak. Napakasakit nito para sa akin pero alam kong mas masakit ito para kay Tita Alyana at sa mga kapatid ni Adi. Hindi man lang raw niya nakausap sio Adi nang araw na iyon. Inaayan na raw niyang umuwi si Adi pagkatapos ng trial but Adi insisted that he'll talk to Popsi...
I sobbed. Nakalaya na si Popsi. Tulad ng inaasahan ni Ate Tel, hindi matibay ang ebidensya sa kanya. Lahat ng nakalap ay nagtuturo ng iba – hindi talaga si Popsi ang bumaril sa Daddy niya, pero wala na. Wala nang mangyayari roon, wala na si Adi, wala...
"Soy..." It was Popsi's voice. Anim na araw na ang lumipas mula nang makauwi siya. Masaya naman ako kaya lang hindi talaga mawala ang bigat ng kalooban ko. Hindi ako gumalaw, nanatili akong nakahiga roon, nakatagilid ako kay Popsi, yakap ko ang unan habang tahimik akong umiiyak. Naramdaman kong lumundo ang kama. Humawak si Popsi sa braso ko. "Kain na. May swift might hotdog akong binili para sa'yo..."
I slowly faced him. Siya na lang ang niyakap ko. Umayos naman siya nang higa para mayakap rin ako. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak roon. Hindi naman niya ako pinipigilan sa paghagulgol ko. Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. Gusto ko si Adi, gusto ko siyang makausap. Hinahaplos – haplos ni Popsi ang likod ko.
"Soy, times like this, I wish I really did shoot Adi's Dad. Mas gusto ko nang makulong kaysa makita kang ganito."
"Hindi naman eh." Wika ko habang humahagulgol. "Siyempre , tatay kita, sa kahit ano pa man, ikaw at ikaw ang una para sa akin. Kaya lang..." I sobbed again. "Bakit ganito? Bakit po ang sakit – sakit? Kailan ako magiging okay?"
"Hindi ko alam, anak. Pero nandito lagi si Popsi at si Momsi saka ang mga ate mo para sa'yo." Lalo akong napaiyak.
"Popsi, sana mahanap na iyong pumatay kay Adi at sa Papa niya." I was sobbing like a little girl who lost her candy. Hinalikan ako ni Popsi sa ulo.
"Is that what you want, Soy?"
"O-opo." Sagot kong umiiyak pa rin. "Hindi... hindi niya nakuha iyong para sa Daddy niya, sana ngayon, makuha iyon para sa kanilang dalawa." Humigpit ang yakap ni Popsi sa akin.
"Anything for my, Bunsoy. Pero kumain ka muna, please?" I slowly nodded. Tumayo si Popsi, inabot niya sa akin ang kanyang kamay, sabay kaming lumabas ng kwarto, nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa dining area. Naroon si Leina at Kuya Jorge, si Momsi, si Avery, naka-Indian sit siya sa silya tulad ng palagi niyang pwesto.
"Bunsoy, gising ka na pala." Sabi ni Momsi sa akin. "Good morning." I just nodded. Napatingin si Momsi kay Popsi.
"Kakain si Bunsoy, Momsi. Ilang hotdog ng gusto mo?"
"Ako na lang." Kinuha ko kay Popsi ang hotdog na may plato. Naglagay ako ng isa sa plate ko, si Leina ay nilagyan ako ng toasted bread, si Kuya Jorge ay inabutan ako ng coffee. Si Avery ay binigay sa akin ang glass of water niya. Sumubo ako. Noong gawin ko iyon ay para bang naligayahan ang mga magulang ko. Si Avery ay ngiti nang ngiti sa akin.
"Naks, dalawa na silang mabagal kumain ngayon." Sabi ni Ate Leina. Si Avery kasi talagang mabagal kumain, noong bata kami nakatulugan niyang kumain, bumagsak ung mukha niya sa plato ang ulam pa naman namin noon adobong pusit. Naalala ko iyon kasi si kinuhanan ng picture ni Popsi ang moment na iyon.
"Nak, papasok ka na ba sa work? Your Kuya Heath is asking, kung hindi mo pa raw kaya, kakausapin niya iyong boss mo sa trabaho."
"Papasok na po ako bukas. Sobra naman na baka po sabihin noong mga katrabaho ko masyado na akong napapaboran, si Kuya Heath ang kamag-anak natin hindi naman si Sir Uriel." Mahinang wika ko.
"Soy, gusto mo mag-resign ka. Magtravel na lang kayo ni Avery abroad. Akong bahala." Nakangiti si Popsi noon. Alam ko namang pinasasaya niya lang ako.
"Sama kami!" Sabi ni Ate Leina.
"Bawal magbyahe, Leina, ang buntis." Wika ni Momsi. "Matatagtag ka, baka hindi mabuo iyang apo ko."
"After kong manganak, Popsi, mag-travel ako ha!"
"Oo. Iwanan ninyo iyang bata tapos h'wag na kayong bumalik ni Jorge." Tumawa si Momsi at Popsi, ako naman ay nakayuko lang. Ang saya nila, alam kong pinakikita nila sa aking masaya sila para mahawa ako, pero hindi ko pa kaya. Napakalungkot ng buhay ko.
"Barang! Kumain ka nang kumain! Baka abutan mo pa iyong steak na iluluto ko sa lunch mamaya!"
"Meduim rare sa akin ha." Sagot pa ni Avery. "Soy, oh, gusto mo pa ng hotdog?"
"Okay na ako... Ayoko na po." Tumayo akong muli at lumabas ng bahay. Ayoko rin namang bumalik sa silid ko. Nagpunta ako ng garahe at kinuha ang Hilux ko. Umalis ako. Kailangan ko rin siguro ng sariwang hangin, pero, ayun, napadpad ako sa Eternal Park kung nasaan si Adi. Naupo ako sa harapan ng puntod niya. Wala na namang humpay ang mga luha ko. Hinahaplos – haplos ko iyong pangalan niya.
"Sorry, Mahal..." Iyon lang una kong nasambit. "Totoo pala iyong nasa huli iyong pagsisisi. Sana pala noong mga araw na niyayakag mo akong kausapin ka pumayag ako. If I had only known that was the last time, dapat niyakap kita at saka hinalikan, dapat sinabi ko nang paulit – ulit kung gaano kita kamahal, kasi mahal kita, mahal kita kahit nagalit ako, naiintindihan kita at mahal kita kahit nangyari iyon sa atin nila Popsi. I know you're just doing your duty as the General's son... Ang sakit – sakit, Adi... Sorry... Sorry..."
I stayed in there for the whole day. Iyak lang ako nang iyak. Miss na miss ko na siya. Paulit – ulit kong sinasabi iyon sa kanya. Nahinto lang ako sa pag-iyak nang bumukas iyong gate ng museleyo at pumasok si Popsi kasama si Uncle Jude, at Uncle Ido.
Hindi ko alam kung paano nila ako nahanap. Uncle Jude sat beside me. Ngumiti pa siya.
"Soy, h'wag ka nang umiyak." Sabi ni Popsi sa akin.
"Annie, I know it hurts." Uncle Jude said. Hindi pa rin naman ako tumitigil sa pagluha. "I've been there and it's too dark." Hinawakan niya pa ang kamay ko. "Hindi ko sasabihing umalis ka agad diyan, kasi alam kong mahirap, but whatever it is, Anne, don't stay there for too long. Adi wouldn't want you to be sad for a long time. He would want you to move on and be happy."
"Napakagwapo ni Adi, Annie." Sabi ni Uncle Ido. "Sayang at hindi nadagdagan ang lahi niyang gwapo – pero ams gwapo pa rin ako. He saved my life, sobrang gwapo niya."
"Hayaan mo iyang si Uncle Ido mo." Sabi ni Uncle Jude. "Sa akin ka makinig. Don't stay there for too long, Annie. He's not here, but he will always be with you... he's your angel now."
"Uuwi na tayo, Soy." Hinawakan ni Popsi ang kamay ko at tinayo ako. "Bukas na lang siya babalik, Adi ha. Dalawin mo naman sa panaginip ang bunsoy ko." Malumanay na wika ni Popsi. Nauna na kaming lumabas pero huminto ako kasi nagpaiwan si Uncle Ido. Nakatayo siya sa tapat ng puntod ni Adi. He sighed.
"Salamat, Pre. Kung nandyan ka na, pakihanap iyong panganay ko. Amarah. Pakisabi, miss na miss ko siya." Nag-antanda siya sabay alis.
Makakayanan ko naman ito, hindi naman ako mag-isa. Nandito ang buong pamilya ko. I looked back again.
"I love you, Adi..." I sobbed as I got to my car.
xxxx
Birthday ni Adi ngayon. Ngayon rin dapat ang ikaw 15th monthsary namin. Buong maghapon ay iniisip ko kung anong gagawin ko para sa birthday niya. Kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho ay dumaan muna ako sa puntod niya para bigyan siya ng bulaklak saka iyong paborito niyang wine. Nilapag ko iyon sa sahig, nagdasal ako tapos nakipagkwentuhan ako sa kanya nang saglit lang, kailangan ko kasing maagang pumasok dahil may presentation ang team namin sa mga boss namin.
Aligaga ang lahat ng tao sa office kasi raw darating si Sir Gabriel – ang tatay ni Sir Miguel at Uriel. Sa kanilang tatlo magpre-present ang team namin para sa nagong project namin. Kinakabahan ako, pero alam kong gagabayan ako ng bantay ko, hindi niya ako pababayaan kaya positive akong magiging maayos ang lahat.
Inaayos ko ang mga blueprint sa table ko nang may kumatok sa cubicle ko. I saw Sir Uriel. Tumayo ako. May dala siyang coffee cup. Ang aga niya ngayon, usually ten am siya pumasok.
"Miss...."
"Apelyido po." Pakilala ko.
"Right. Hipag ni Heath." He nodded. "Dumating na ba si Bertha?" He was talking about his secretary.
"Yes, Sir. Nasa conference room na po yata siya."
"Alright." Lumakad na siya paalis pero bumalik siya, napansin kong tinititigan niya ako.
"Bakit po, Sir?" Kinabahan ako, baka may muta pa ako, ang aga ko kasing umalis ng bahay para puntahan ang jowa ko sa sementeryo. Isang buwan na siyang nagbabakasyon sa Switzerland. Switzerland kasi minsang may pinapanood akong K-drama sa kanya, nagustuhan niya iyon at sinabi niyang isang raw sa mga araw na ito, pupunta kaming dalawa roon at susubukin naming mag-paraglide.
"I just can't help notice." He chuckled. Kapansin-pansing gumalaw iyong Adam's apple niya. Napapailing siya. "Wala... may kamukha ka lang kasi. Anyway, be there on time. Ayaw na ayaw ni Gabriel ang late. Goodluck on your team,"
"Thank you, Sir." Pero hindi pa rin siya umalis. Titig na titig siya sa akin, pero halatang nawiwirduhan siya sa sarili niya. Napakamot naman ako ng ulo. Nakahinga ako nang maluwag noong umalis na siya.
Bandang 9:30 nang umaga nagkagulo ang tao sa office. Dumating na raw si Sir Gabriel. Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan, kahit iyong Sir Miguel namin, likod niya pa lang ang nakikita ko. Nakita kong parating na silang dalawa. Iyong mga katrabaho ko nagsitayo lahat. Mukhang mabait naman si Sir Gab. Binabati niya ang mga nakakasalubong niya, iyong Sir Miguel, busy sa cellphone niya.
"Anne, game ka na?" Tanong ng presenter namin. Siya ang magsasalita, ako naman ang naghanda ng lahat ng presentation, blueprint at ng halos lahat, it's okay. Ayaw na ayaw kong nagsasalita sa maraming tao kahit na sinasabi ni Popsi na kayang – kaya ko iyon, alam ko naman, kaya lang hindi pa ngayon.
The meeting went fine. Na-approve ang proposal design namin, magaling rin kasi talaga ang team namin at talagang matyaga sila. Pinaglamayan namin ito gabi – gabi, isang dahilan kung bakit kahit paano ay nakalimutan kong malungkot ako.
The day went on swiftly. Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayon, may mga gabing nakakatulugan ko ang pag-iyak, kaya ang nangyayari, tinatabihan ako ni Avery sa pagtulog o kaya man, ako mismo ang nagpupunta sa kwarto ni Momsi at Popsi, tatabihan ko silang dalawa.
I still miss him, I miss him every day, every hour, every minute. Palagi kong pinanonood iyong mga videos naming dalawa lalo na kapag pakiramdam ko nakakalimutan ko na ang boses niya. Wala... mahal ko talaga.
Maaga akong nag-out sa work. Ni-text ko pa si Jestoni at Andres, silang dalawa ang kasama kong magse-celebrate ng birthday ni Adi ngayon, nag-text rin ako kay Ate Alona pero sabi niya susubukin raw niya kung makakarating siya. Dumaan muna ako sa bahay ni Tita Alyana, pinapunta niya kasi ako dahil nagluto siya ng spaghetti na paboritong- paborito ni Adriano.
We ate and talked about him. Ramdam na ramdam ko ang pagka-miss niya sa mag-ama niya. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa akin dahil sa nangyari kay Adi at Popsi, ako rin naman ay nagso-sorry. Naikwento niya pa na noong nakaraang araw daw ay dinalaw siya ni Tita Gina at Uncle Ido. Binigyan raw siya ni Tita Gina ang free consultation sa Varess Medical City, habambuhay na raw iyon, pasasalamat para sa pagligtas ni Adi sa buhay ni Uncle Ido.
"Nagulat pa nga ako, anak, sabi noong Uncle mo, bibigyan niya raw ng tig-iisang dyamante ang mga Ate mo." Humagikgik si Tita, ako naman ay hindi na nagsalita. Kung alam niya lang.
Bandang alas sais nang magpaalam na ako sa kanya. Naghihintay na silang dalawa sa isang Korean Chicken restaurant, sabi ni Toni sa aki nagsisimula na silang mag-inom. Kasama pala nila si Ayen. May dala akong cake kaya pagdating ko roon, kumanta pa kami ng happy birthday para sa kanya.
"Ilan taon na ba dapat si Adi?" Tanong ni Andres.
"Thirty -three na yata o thirty – four." Sagot ni Ayen. "Ano na, Andres? Buti nakasama ka rito ngayon, akala ko eepalan ka na naman noong Rafaelle."
"May jowa kang lalaki?" Sinubukan kong makipagbiruan.
"Tang ina hindi! Kapatid ko iyon, si Raffie."
"Arandia ba? Ah, iyong kapatid ni Kuya Sabello." Sabi ko pa. Nag-cheers kaming apat. Si Toni ay kain nang kain ng manok, si Andres ay kinukulit ni Ayen, nakatingin lang ako sa kanila, nakangiti ako, iniisip kong mas masaya ito kung nandito siya.
"Anne..." Biglang nagsalita si Ayen. "Tissue." Inabot niya iyon sa akin. Hindi ko napansing umiiyak na ako.
"Sorry. I didn't want to ruin this, but I just miss him a lot." Sabi ko na lang.
"Noong bata pa kami, sobrang hilig ni Kuya magtanim ng gulay." Wika ni Ayen. "Sa bahay may vegetable garden doon, bago siya lumipat ng bahay, inayos niya iyon tapos si Mommy na ang nag-aalaga pero tuwing Saturday, pupunta siya sa bahay just to check. I miss him too. Walang gumugulo sa buhok ko."
Iyong kanina, masaya kami pero ngayon tahimik kaming nag-iiyakan.
"I just wished I was able to tell him I love him despite of it all."
"He knows that.' Sabi ni Ayen sa akin. "One time, I asked him kung pakakasalan ka niya, um-oo si Kuya. Sayang talaga." Hinawakan ko ang kamay ni Ayen. Masakit pa rin but I need to live.
Nagtagal pa kaming apat. Bandang alas doce nang hatinggabi, nagpasya na kaminh umuwi. Hindi naman kami nagpakalango sa alak. Magsisipag-drive pa kasi kami pauwi, si Jose Andres, may duty pa siya bukas kaya tagay – tagay lang, si Toni rin ay ganoon. Si Ayen, nagpapahatid kay Andres sa bahay nila pero out of the way kaya nagpipilitan pa sila.
"Mauna na ako! Bye!" I smiled at them. Binuksan ko ang kotse ko, kasabay noon ay may tumamang bala sa side mirror ko. Lumingon ako. Si Toni ay tumakbo agad sa akin, naglabas ng baril si Ayen at si Andres. Kabang – kaba ako. Binukan ko ang kotse ko at kinuha ang baril na regalo sa akin ni Popsi noon.
"Saan galing iyon?" I asked.
"Hindi ko alam. Dito ka lang sa likod ko." Wika ni Toni. May bumaril na naman pero palapit na ang bala at ang tunog.
Sa bandang kaliwa, lumabas si Saide.
"PUTANG INA KA!" Sigaw niya sa akin. Nakatutok ang baril niya sa akin. Si Toni ay agad na hinaranagna ako. "Umalis ka diyan, Toni hangga't malinaw pa sa isipan ko! Ang kapal ng mukha mong babae ka!" Sabi ni Saide sa akin. "Inagaw mo sa akin sio Adi tapos, dahil sa'yo namatay siya!"
"Wala akong inagaw sayo, break na kayo noong maging kami!"
"Inagaw mo sa akin si Adriano!" Pinaputok niya nang sunod – sunod sa itaas ang baril niya.
"Saide, putang ina, bawal iyan!" Sabi ni Toni. Mabilis siyang tumakbo para puntahan si Saide, si Andres naman ay nakaumang rin ang baril, matagumpay namang Nabawi ni Toni ang baril kay Saide, lumugmok siya sa gitna ng parking area at umiyak nang umiyak.
"Gusto ko lang namang mahalin niya ako. Bata pa lang kami gusto ko na siya, ako iyong matagal niyang kasama, ako iyong para sa kanya, pero bakit ikaw?! Lahat ng babaeng naging girlfriend niya, kinakausap ko." She sobbed. "Sinisiraan ko si Adi sa kanila. Kahit pati roon sa papakasalan na sana niya, bakit hindi pa rin niya ako pinili?"
"Nabuang na." Narinig ko si Andres. Sinenyasan niya si Toni. Naglabas naman ng posas si Toni para ilagay kay Saide. Iyak lang siya nang iyak – pero muli na namang may bumaril – talagang tina-target ako tang ina, palapit sa akin! Umupo ako, sa pagkakataong iyon si Andres naman ang tumayo sa tabi ko.
"Tang ina! Nasaan ka?!" Sigaw ko. "Ang duwag mo! Putang ina ka!" Sigaw ako nang sigaw. "H'wag kang magtatago sa dilim, punyeta ka! Ibabalik kita sa itlog ng tatay mo!" Hindi ako natatakot, kinasa ko ang pistol ko at inumang kung saan, mahirap lang kasi hindi siya nagpapakita, pero hindi nagtagal ay may lumabas na lalaking naka-itim.
"Tomas." Sabi ni Toni.
"Bitiwan mo ang kapatid ko, Ambrosio, kung gusto mo pang mabuhay." Nakatutok ang baril ni Tomas kay Toni. "Ibaba mo iyan, Birada. Kundi, iyong apat na bala sa loob ng baril ko, tatami lahat sa ulo ninyo."
Tumayo si Saide at yumakap sa kapatid niya. "Siya..." Tinuro ako. "Kuya, barilin mo siya, inagaw niya sa akin si Adi." Tomas looked at Saide, kapansin – pansin ang pagiging tahimik niya at nang magsalita naman siya ay kinagulat kong talaga.
"Saide naman, sabin namin sa'yo diba, h'wag kang lalabas ng bahay?" Nanginginig ang boses ni Tomas. "Uuwi na kita ha." Hinawakan niya si Saide sa magkabilang balikat. "H'wag ninyo kaming susundan."
Tumalikod silang dalawa, akala ko talaga hahayaan ni Toni at Andres na makaalis sila pero biglang nagbigay ng warning shot si Andres, huminto si Tomas at lumingon sa amin.
"Anong problema mo, Birada?"
"Wala ka bang balak kumawala diyan, Buddy? Mabuti kang pulis, pero pinagtatakpan mo ang lahat ng ito."
"H'wag kang duwag, Dominguez."
"Shut up. Don't talk like you know what's happening." Sabi niya.
"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Ayen na nasa tabi ko na pala.
"Ewan ko ba. Baka nabobobo na sila."
"Si General Dominguez ang nagpapatay kay General Kaligayahan." Sabi ni Toni. Marahas na nilapitan ni Tomas si Toni at tinutukan ng baril sa leeg.
"SHUT THE FUCK UP, AMBROSIO!"
"We know the truth." Sabi ni Andres. "Adi discovered it all, kaya nga nagkaroon ng shoot out sa labas ng courthouse, plano ni General Dominguez. Alam naming alam mo iyon, Tomas, pero bakit nanahimik ka?"
"Tang ina mo, Birada! Manahimik ka!"
"Kuya, barilin mo na siya!" Sigaw ni Saide. Kitang – kita ang pagluha ni Tomas nang magsalita muli ang kapatid niya. Ako naman ay natitigilan. He took a deep breath. Hinawakan niya muli si Saide.
"Uuwi na tayo ha."
"Ayoko! Gusto ko barilin mo siya! Inagaw niya si Adi! Inagaw niya si Adi! Namatay si Adi dahil sa kanya!"
"Namatay si Adi kasi pinapatay siya ni General Dominguez, Saide, na tatay mo." Sabi ni Toni. Napasinghap ako – kahit may ideya akong ganoon ay nagugulat pa rin ako. Biglang nag-iba ang tingin sa mata ni Saide.
"HINDI IYAN TOTOO! HINDI SASAKTAN NI DADDY SI ADI KASI MAHAL KO SIYA! SIYA ANG DAHILAN AT ANG PAMILYA NIYA! PAPATAYIN KITA!" Mabilis ang pangyayari, may dala palang balisong si Saide at tumakbo siya sa akin. Sa layo naming iyon ay may pagkakataon ako para tumakbo palayo pero na-estatwa lang akong nakatingin sa kanya, hinahabol siya ni Tomas, Andres at ni Tomas, itinaas ko ang baril na hawak ko, kinalabit ko ang gatilyo, tumama iyon sa paa ni Saide.
"H'wag!" Sigaw ni Tomas. Napaupo si Saide sa ground. Napasinghap si Ayen.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw niya sa akin. Tumayo siya, pero hinawakan siya ni Tomas, nakuha ang balisong pero naagaw ni Saide ang baril ng kapatid niya, tinutok rin iyon sa akin, pinaputok niya, iilag naman ako – iilag talaga ako, ayokong mamatay pa! Kawawa naman ang Popsi ko.
I closed my eyes and I was about to run when someone embraced my body. Damang – dama ko iyong pwersa na naging dahilan para bumagsak kami sa lupa.
Hindi ako makahinga.
Tatlo ang putok ng baril.
Pero walang tumamang bala sa akin. Nawala iyong yumakap sa akin. I opened my eyes. Medyo blurred pa iyong paningin ko, pero may nakatayo na ngayon sa harap ko, si Tomas ay nakabulagta na sa sahig, duguan.
"Putang ina." Wika ko habang nakatingin kay Tomas. "Okay ka lang, Ayen?" Tanong ko. Nakita ko si Ayen na nakatayo sa gilid ko, nakababa ang baril niya at kitang – kita sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, but then, I saw somebody kneeled in front of me.
Napalingon ako.
My mouth parted.
My tears fell like waterfalls.
"Adi..." I sobbed. He held my face and wiped my tears. Ang lakas – lakas ng iyak ko. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Happy monthsary, Mahal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top