Challenge # 14

Si Adi

Annie's

We needed to leave immediately. Wala akong nagawa nang hatakin ako ni Ate Reese papasok sa loob ng kotse nil ani Kuya Heath. Mabilis na pinatakbo ng bayaw ko ang sasakyan. Ate Reese was making a call. She was checking on everyone, our Uncles are all okay, nadaplisan lang raw si Uncle Ido sa braso – he's okay, but I am not sure about Adi.

Apat iyon. Apat na tama ng bala sa likod niya. Kitang – kita kong tumalsik ang dugo niya. Iyak ako nang iyak. Bumagsak siya sa lupa. Gusto ko sityang lapitan kasi gusto kong masigurong maayos siya pero hindi ko magawa.

Nakaalis kami but Momsi and the others stayed. Dumating ang mga pulis, maybe they're doing their investigation. Iyak pa rin ako nang iyak dahil iniisip ko si Adi. Hindi ko alam kung okay siya.

"Ate, si Adi..." I sobbed. Hinatak ako ni Ate Reese palapit sa kanya para yakapin at haplusin ang likod ko.

"He's gonna be okay. Mabubuhay iyon." Sabi niya sa akin. Hindi iyon enough. Kailangan ko siyang makita. Lahat kami sa sa bahay ni Uncle Jude pumunta. Sigurado akong may meeting. Ang tagal naming naghintay sa living area ni Tita Arielle. Iyak pa rin ako nang iyak. The tv is on for news. Si Tita Arielle ay nasa kitchen at naghahanda ng makakain. Baka raw kasi gutom ang lahat mamaya.

Hindi ako mapakali. I kept on looking at my phone. Baka mag-text ang kung sino. Sinubukan ko ring tawagan ang mga kapatid ni Adi para naman makibalita ako pero ni isa sa kanila ay walang sumasagot. Iyak ako nang iyak.

After for what it seems like an eternity. Dumating si Momsi kasama ang ibang Uncles. Maghahapon na noon. Pagpasok niya ay sumalubong ako sa kanya nang palahaw at yakap.

"Momsi, si Adi. Si Adi..." I kept on saying his name.

"Si Jude?" I heard Tita Arielle's voice.

"I'm here." Siya pala kasi ang huling pumasok ng pinto. Narinig kong sumigaw si Cindy, si Ate Sam at si Belle. Lahat sila ay sinalubong si Uncle Judas para yumakap. Si Uncle Azul naman ay tinawagan agad sa phone si Tita Leira. Siguro kanina pa tawag nang tawag iyon sa kanya.

"Si Popsi po?" I asked while wiping my tears.

"He's okay and he's settled inside the City Jail. Naroon si KD ngayon making sure that he will be safe. Na-delay ang trial sa Wednesday dahil sa nangyaring ito. It will be rescheduled soon. Don't worry, Popsi is safe there and Adi is such a brave man, he will be safe too." She hugged me again.

Pinakakalma ako ng lahat pero iyak ako nang iyak. Kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Adriano. Hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ito.

All the Uncles went to the round table room. I can hear them talking about taking out Popsi if the City Jail. Baka raw kasi hindi safe, baka raw may tao sa loob. Lalo akong natatakot. Hindi ko man lang nakausap si Popsi kanina.

"Annie, umuwi muna tayo." Tinabihan ako ni Avery sa couch. Tahimik lang akong umiiyak. Humawak siya sa kamay ko. "Masyado kang stressed. Matulog ka muna."

"Si Adi..." I sobbed. Tumabi si Aelise sa akin at umakbay pa.

"Umuwi ka muna, Soy. Akong bahala. Makikibalita ako. Magpahinga ka muna tapos pagkagising mo, promise, may balita na sa kanya, okay?" Matagal – tagal kong tinitingnan ang mga Ate ko. Sa huli ay napatango na ako. Umuwi nga kami ni Avery. Sa sasakyan ni Kuya Sabello ay tahimik pa rin akong umiiyak. Paulit – ulit kong sinusubukang tawagan ang pamilya niya pero ni isa walang sumasagot, kahit si Jestoni at si Andres ay hindi ako sinasagot.

Pumasok ako sa silid ko. Naupo lang ako sa gilid ng kama at umiyak pa rin nang umiyak. He was always outside our home. He was always waiting for me, san apala kinausap ko siya noon. Masyado kasing mataas ang pride ko, araw – araw niya akong binibigyan ng Big Bite kasi alam niyang hindi ako makakain, araw – araw niya akong sinusundan hanggang sa makapunta ako sa office, gabi – gabi nasa labas siya ng building na iyon, ihahatid niya pa rin ako kahit nakasunod lang siya sa akin – nagpapakita naman siya ng kagustuhang makausap ako, pero hindi ko ginawa kasi... kasi nasasaktan pa rin ako.

Siyempre si Popsi iyon pero naiintindihan ko pa rin naman siya kahit na nagagalit ako. He wanted justice for his father. Mabuti nga ako, maski nakakulong ang tatay ko, buhay siya, si Adi, wala na siyang tatay, alam kong pakiramdma niya hindi niya nagawa ang lahat para sa Daddy niya and maybe this is just his way of trying to do his part as his son. May mga circumstances talaga na hindi naiiwasan, but Adi is not a bad person. I sobbed again. Palakas nang palakas ang palahaw ko. Pumasok si Avery sa silid ko, may dala siyang tubig.

"Momsi said you need to sleep. Inumin mo muna ito." I shook my head. "Annie, kailangan mong kumalma, lalo kang hindi makakapag-isip kung iiyak ka. Kalmahin mo ang sarili mo. I am trying to get information from him. Magpahinga ka. Pagkagising mo mamaya, may sagot na kami para sa'yo. Just try to calm down."

Sinubukan kong gawin ang sinabi niya. Uminom ako ng tubig. Avery tucked me to bed. Binuksan niya iyong aircon tapos sinarado niya lahat ng kurtina. She stayed with me. I am still crying. Iyong iyak na walang tunog, iyong iyak na nakakapagod na pero hindi ko mapigilan.

"Naiintindihan ko naman siya eh." I said. "Sabi ko sa kanya sana lang sinabihan niya ako pero naiintindihan ko siya. Sinubukan niya akong kausapin, pero nagkagalit lang kami. Hindi naman ako galit kaya lang sana rin naiintindihan niyang para talaga ako kay Popsi."

"Adi will be fine." Avery said. "Matatapos rin ito, after this, mag-usap kayo. Try to fix this. He's a good man. I know, kahit naiinis ako sa kanya noon, nakita ko iyong effort niya to win everyone's heart. He'll be fine. Don't worry." Tumamgo na lang ako kay Avery. Sinubukan kong matulog. Kailangan ko iyon, kaysa naman mag-iiyak ako matutulog na nga lang ako.

I dreamed of Adriano. Sa panaginip ko naghihintay siya sa akin sa labas ng bahay namin. May dala siyang paper bag ng 7/11. Ngiting – ngiti siya habang nakatayo malapit sa motor niya. Kumaway pa siya sa akin. Ako naman iyong iyak nang iyak.

"Don't cry. I am happy."

Nagising akong humahagulgol dahil sa panaginip kong iyon. Hindi naman ako naniniwala sa kung ano – ano pero hindi ko dapat napaniginipan iyon. I sat up. Wala na si Barang sa tabi ko. Ni-check ko iyong phone ko, lobatt pala kaya nag-charge muna ako. Mabigat pa rin ang loob ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari na. Kailangan makibalita ako. I turned the lights on and the first thing I saw were the paper bags from 7/11 na galing lahat kay Adi. Inipon ko kasi iyon, tumulo na naman ang luha ko.

Kinuha ko iyon at naupo ako sa carpeted floor. Para akong tanga na niyakap ko ang mga iyon. Tiningnan ko pa isa – isa iyong loob, may mga sticky notes kasi roon. May mga simpleng messages lang siya tulad ng Good morning, Mahal. I miss you, Mahal. I'm sorry, Mahal sana kausapin mo na ako. Mahal, kumain ka na. Ang payat mo na. I love you, Annie.

Sunod – sunod na pumatak ang mga luha ko. Binitiwan ko ang mga iyon, noon ko napansin na may kulay puting sobre na may pangalan ko sa likod. Kay Adi pa rin galing. Bakit hindi ko iyon nakita kanina? I took it, it's a letter dated today.

Mahal,

Miss na miss na kita. I was too blinded by my emotions. I'm so sorry I did that to your father. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko, pero alam kong ikaw ang babaeng para sa akin. Sana mapatawad mo ako, Annie.

After this trial today, mag-re-resign na ako. I will try everything to get you back. I love you. Hindi kita iiwanan. Lahat tatalikuran ko para sa'yo, Annie. 

I love you, Anne. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon.

- Adi.

"Nakakainis ka naman, Adi!" Sabi ko. "Hindi naman ganito!" I sobbed again. Ilang beses akong huminga nang malalim, itinabi ko ang mga paper bag at mga sulat niya. Kailangan ko nang humanap nang sagot. I checked the time, it's only four in the afternoon. Tatawagan ko si Ayen, aalamin ko kung kamusta na si Adi.

I stood up and took my phone, twenty – per cent na ang charged noon. Pwede na akong tumawag. Napansin kong may walang unread messages roon pero mamaya ko na babasahin, tinawagan ko si Ayen, hindi siya sumasagot. Kabang – kaba ako pero pinipigilan kong umiyak nang umiyak.

Si Toni ang sinunod ko. I talked all the Angels in Heaven when he answered.

"Toni! Toni!" I tried to calm down.

"Anne..." Mababa at malungkot ang tinig niya. "Kumusta ka na?"

"Okay ako. Si Adi, kumusta siya? Saan siya dinalang ospital? Did they operate on him?" Nanginginig ang boses ko. "Apat iyon, Toni. Okay... okay na ba siya?!" I bit my lower lip.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng silid ko. Nakita kong naroon si Momsi, hindi maipinta ang mukha niya. Nagsalita si Toni sa kabilang linya.

"Anne, I guess hindi ka pa nanonood ng news."

"Ha?" Halos pawala na ang tinig ko. Nakatingin ako kay Momsi na dahan – dahang lumalapit sa akin. Habang palapit siya ay nakikita ko ang sunod – sunod na pagpatak ng luha niya. Nanginginig ako. Bakit siya umiiyak? May nangyari ba sa tatay ko?

"Bunsoy..." Momsi said. Humawak siya sa magkabilang balikat ko. Nagsalita muli si Toni.

"Dead on arrival si Adi, Annie. I'm so sorry."

"N-o..." Nabitiwan ko ang phone ko. Nanginginig ang buong katawan ko.

"Bunsoy... I'm so sorry..."

Pakiramdam ko ay isa akong kandilang unti- unting nauupos, nawawalan nang lakas iyong tuhod ko. Bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Lumuhod rin si Momsi.

"Hindi ito totoo." Sabi ko. "Hindi naman kasi ito totoo."

"I'm so sorry, anak. If I can take the pain away and make it mine, I will." Humagulgol na rin si Momsi habang hinatak niya ako palapit sa kanya.

"Hindi... hindi totoo ito. Hindi..."

xxxx

Alam kong binuksan ni Kuya Heath ang pinto ng sasakyan para makababa ako pero hindi ako makagalaw. Tahimik akong umiiyak roon. Hindi ako makagalaw. Hindi naman kasi ito totoo. Hindi si Adi iyong pupuntahan namin ngayon. Hindi siya iyon.

"Hey..." Ate Reese held my hand. "Bunsoy, lika na."

"Hindi si Adi iyon." I sobbed. Bumuntong – hininga si Ate Reese.

"Lika na. Annie, you can do this. Lika na..." Tiningnan ko lang iyong kamay niya. Alas diez nang gabi at narito kami sa funeral home. Kanina raw alas nueve dumating ang mga labi ni Adi. Hindi naman totoo iyon, hindi totoo ito.

This is just a bad dream. Hinawakan ni Ate Reese ang kamay ko. Nanginginig ako. Napilitan akong bumaba. Si Momsi ay sinalubong agad ako at inakbayan ako. Silang dalawa ni Ate Reese ay nasa tabi ko. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Napakaliwanag nang paligid. Habang papalapit kami ay nakikita ko ang mga pamilyar na mukha, si Andres na tumayo mula sa kinauupuan niya nang makita ako, si Toni na lumapit para batiin si Momsi. Nagkamay silang dalawa. We were about to enter the room – naririnig ko ang mga hagulgol.

Sa gitna ng silid na iyon may kabaong, sa ibabaw noon may picture ni Adi.

"Hindi totoo ito." Sabi ko. "Hindi si Adi iyan." Paulit – ulit kong wika. "Kailan ba matatapos itong joke time?" I whispered.

"Anak..." Si Momsi ang yumakag sa akin papunta sa loob. Nakita kong tumayo si Ate Alona para salubungin ako. We stopped in the middle. Hinawakan ni Ate Alona ang kamay ko.

"I'm so sorry, Anne." Sabi niya. Bakit siya nagso-sorry? Hindi naman si Adi iyon. Naglapitan ang iba pang mga kapatid ni Adi sa amin. Nagmano pa sila sa Momsi ko. Hindi ako nagpapakita ng kahit anong emosyon, hindi si Adi iyan. Hindi si Adi iyan.

"Mare..." Nagsalita si Tita Alyana. Kinuha ni Momsi ang kamay niya at saka nagyakapan sila.

"Iyong Adi ko..." Sabi ni Tita. My tears fell.

"Bakit ba kayo nag-iiyakan, hindi naman si Adi iyan." Biglang sabi ko. Si Tita ay bumaling sa akin at hinawakan ang kamay ko. Niyakap niya ako pagkatapos noon. Nanatili lang akong nakatayo.

"Anak..." Bulong niya. "Alam kong hindi kayo okay, pero noong huli kaming mag-usap, inulit- ulit niyang mahal na mahal ka niya. Naniniwala ako, Anne, sana maniwala ka rin. Hindi man naging maganda para sa inyo ang mga nakalipas na panahon, sana hindi mawala sa isip mong totoong mahal ka ni Adriano." Nag-iiyakan na silang lahat, kahit si Momsi. Ako naman ay lumayo kay Tita, nagtuloy ako sa may kabaong.

Nanginginig ang buong katawan ko. Dahan – dahan akong naglalakad hanggang sa makarating ako.

"Hindi si Adi ito..." I kept on saying but when I looked inside the coffin, my heart sank. Unti – unting nagkaroon ng tunog ang iyak ko. "Adi naman eh..." I sobbed. "Bumangon ka na diyan, mag-uusap pa tayong dalawa." My mom stood beside me. I looked at her. "Hindi naman si Adi ito... Hindi siya ito..."

"Anak..."

"Momsi... si Adi... iniwanan niya nga ako. Sabi niya hindi niya ako iiwanan. Iniwanan niya ako." Wala na. Sabi niya.... Sabi niya, Momsi sabi niya kasi... Adi!"

"Anong ginagawa mo?" Alam kong boses ni Saide iyon. "Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?! Namatay si Adi dahil sayo!" Sigaw niya. Sumugod siya papunta sa akin pero wala akong pakialam kasi nakatingin lang ako kay Adi sa loob ng coffin niya. Tinatawag ko siya, gusto kong maging panaginip lang lahat ng ito.

"Ang kapal ng mukha mo!" Nagulat ako nang may narinig akong parang sampal. I looked and saw Ate Alona, sinampal niya si Saide.

"Utang na loob, Saide, igalang mo ang burol ng kapatid ko. Kung wala kang hiya, pwede magkaroon ka kahit ngayon man lang."

"Pero..." Saide spoke again. I looked back at her. Nakita ko si Ate Reese at Ate Aelise na palapit sa kanya.

"Kami na." Wika ni Ate Aelise. Hinatak nilang dalawa si Saide palabas ng silid na iyon. Wala akong pakialam sa kanya, tumingin akong muli sa kabaong kung nasaan si Adi.

"Adi..." I sobbed. Si Momsi ay hinahaplos ang likod ko. "Momsi si Adi... iniwanan niya ako..." Muli na naman akong humagulgol na parang bata... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top