Challenge # 13

Alay

 

Annie's

"Wow, four days straight nang may pa-big bite. Kinakain mo man lang ba?"

Tawang – tawa si Ate Leina habang umuupo ako sa dining chair. Si Kuya Jorge ay ngumiti rin sa akin. Silang dalawa ang nabubungaran ko sa nakalipas na ilang araw tuwing kakain ako ng breakfast bago pumasok sa work, kaya lang kahit anong masarap na luto ni Ate Leina ay hindi ko naman makain, I always end up eating the Big bit from him – galing kay Adi. Ilanga raw siyang palaging nag-aabang sa may gate namin. Hindi ko siya papansinin, hindi naman siya gagawa ng paraan para kausapin ako, pero palagi siyang nakasunod sa akin papasok ng opisina, sa gabi ay naroon rin siya, susundan niya rin ako hanggang sa makauwi ako. He'd stay in front of our home for a while, the he'll leave kapag nagpatay na ako ng ilaw.

Hindi ko alam kung bakit niya pa ito ginagawa. Sinabi ko sa kanyang h'wag na h'wag na siyang magpapakita sa akin, ayoko siyang makita, nasasaktan pa rin ako.

Inirapan ko muna si Ate Leina bago ko kinuha iyong paper bag at nilabas iyong Big bite. Kinain ko naman. Ngayong araw, hindi ako papasok sa work, ito ang unang hearing ng kasi ni Popsi. Ang sabi ni Ate Tel, confident siya na ito ang una at sa susunod na hearing ang huli dahil magdedesisyon raw agad ng judge. She is that confident. Si Momsi, magbibigay siya ng pahayag sa oras na lumaya si Popsi, ipapamukha niya raw sa mga bashers niya na innocent man si Axel John at lalamunin nila lahat ng sinabi nila laban kay Popsi.

Ako... ako hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos nito. Hindi ko alam kung kakausapin ko pa si Adi. Hindi ko alam kung maaayos namin ito kasi para sa akin may lamat na kaming dalawa.

"Good morning." Nakita namin si Momsi, nilapag niya ang red na Birkin bag niya – regalo ni Popsi iyon noong last birthday niya, tapos ay naupo siya sa kabisera. Fully made – up siya ngayon.

"Ma, masyado kang maganda." Wika ko.

"Of course, anak. Ipapakita ko lang sa media na unbothered queen ako." Na hindi naman totoo. Mula noong makulong si Popsi last week, isang linggo na ring umiiyak si Momsi hanggang sa makatulog siya. Hindi raw siya makatulog nang wala si Popsi. Trip na trip kasi niya na kayakap ang tatay ko at malaking adjustment ito sa kanya kasi kahit na may taping siya or shooting sa malayo, sinasama niya si Popsi para sa gabi, magkatabi pa rin sila.

"Kumain na, Momsi." Wika ni Kuya Jorge. "Mamaya – maya po aalis na tayo."

"Oh, big bite na naman?" Sabi ni Momsi sa akin. She shook her head. "Gabi – gabi iyang si Adi sa labas, nilalamok na."

"E di ma-dengue sana siya." Walang abog na wika ko. Tumawa si Momsi.

"Ikaw, kamukha na kita, kasing tigas pa kita. Ganyan rin ako sa tatay ninyo noon. Araw – araw siya sa bahay namin ni Tita Badet ninyo, akala ko nandoon siya dahil nililigawan niya na si Badet or may relasyon na sila, iyon pala, nagpapa-cute ang loko. Nagalit siya nang husto nang magsimula kaming lumabas ni Judas."

"You dated Uncle Jude?!" I said.

"Hindi no. He just missed Arruba. Iyang si Judas parang baby brother ko na iyan, tapos ako iyong cool Ate, si Yella iyong kinatatakutan niyang Ate, tapos si Leira iyong mapag-alalang Ate niya and then si Gina iyong sosyalera. Ohh, those were the days. Anyway, may mga press mamamaya, you need to dress properly. Sinabihan ko na rin si Reese na tigilan muna iyong style niyang pang – action star. Nakakaputang ina iyang ate ninyo, ang yaman – yaman ni Heath hindi man lang bumili ng international brands na damit. Talo pa si ni Avery!"

Tawa nang tawa si Leina habang nagsasalita si Momsi. Kumakain na rin siya. Ako naman ay inuubos iyong hotdog na bigay ni Adi sa akin. Ewan ko kung bakit masarap ito, siguro dahil galing sa kanya.

Bandang eight am ay lumabas na kami ng bahay sa back door kami dumaan. May apat na dalawang kotse na roon, si Uncle Ido at Uncle Azul ang laman noong isa, si Ninong KD naman at si Uncle Jude ang sa isa. Dala rin namin ang sasakyan namin. Paalis na kami noong may nagpark na taxi sa harapan naming lahat.

Bumaba mula roon si Barang. Napatalon ako.

"Avery!" Sigaw ko sabay takbo. She hugged me. Na-miss ko talaga siya. Lumapit rin si Leina sa kanya para yumakap. Nag-kiss siya kay Momsi at yumakap rin tapos pati si Kuya Jorge ay dinamay na niya.

"Anak, darating ka pala ngayon, bakit hindi ka nagpasundo. I could've called Aelise and Sabello."

"Okay lang, Momsi. Diba po trial ni Popsi, sasama po ako. Ipapasok ko lang sa loob itong luggage ko."

"Ako na lang." Nag-volunteer si Kuya Jorge. Hawak ko ang kamay ni Avery at sabay kaming lumapit sa mga Uncles. Nagmano siya kay Uncle KD at yumakap, tapos ganoon rin sng ginawa niya kay Uncle Simoun – ninong niya kasi, pati kay Uncle Jude pero noong lalapit na siya kay Uncle Ido, biglang kumunot iyong noo nito.

"Luh? Pabebe ka na naman ay, Uncle!" Sabi ko pa. Nakatitig lang siya tapos nagpalingon – lingon.

"Ano bang problema ng gwapo kong ilong? May naamoy na naman akong hindi naman dapat. Tang ina. Nakakabawas ng kagwapuhan itong sitwasyon na ito! Lumarga na nga tayo ay nang malalaya na si Hotdog boy!"

Sumakay na kami sa kotse. I sat beside Avery. Humilig ako sa balikat niya.

"Break na kami." I said in a low tone. Naramdaman kong niyakap niya ako tapos humalik rin siya sa noo ko.

"Ayos lang iyan, kaysa naman magkasakitan pa kayo nang matagal. Sana talaga masagasaan siya." Siguro nagjo-joke siya pero ayoko namang mapahamak si Adi. Namatayan siya ng Daddy, malungkot siya, sana mahanap niya ang kasiyahan niya, kundi man sa akin, sana mahanap niya iyon." Naiiyak ako pero ayokong mag-alala si Momsi kaya pinigilan ko ang sarili ko. I looked at Barang.

"Ganyan rin iyong sinabi sa akin ni Kuya Rigor. Nagkita kasi kami sa Barcelona. Anyway, may pasalubong ako sa'yo. Mamaya ibibigay ko. Si Popsi muna sa ngayon."

Nakarating kami sa courthouse. Sakto pagbaba ni Momsi ay may mga media niya. Agad na tumapat sa kanya ang apat na nakaitim na lalaki. Nagtaka ako kung saan galing iyon, pero noong nakita ko si Kuya Heath na nakasandal sa kotse niya katabi sa Ate Reese ay hindi na ako nagtaka pa. Dumating rin si Aelise kasama si Sabello. Galing sila ng Bulacan. Nag-resign ang kapatid ko sa school na pinagtatrabahuhan niya at sa susunod na pasukan, sa Bulacan na raw siya magtuturo.

"Bernice, is your husband guilty? Siya ba talaga ang pumatay kay General Kaligayahan?"

"Anong masasabi mo sa statement ni General Dominguez tungkol sa asawa mo?"

"Sang-ayon ka ba kay General Dominguez? Sisiguruhin niya raw na makukulong ang Mister mo."

Akala ko hindi sasagot si Momsi, huminto siya at humarap sa camera. Inalis niya ang Chanel shades niya at saka ngumiti.

"Pakisabi kay General Domiguez, putang ina niya." Sinabi niya iyon nang nakangiti pero pagkalutong – lutong. Matapos iyon ay naglakad na muli siya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng courtroom. Naroon na ang pamilya ni Adi. Tumingin ako sa side nila, nakita ko si Ate Alona, ngumiti siya sa akin, si Ayen rin pati si Ate Ayee – si Ayen nga nag-te-text pa kami. Si Tita, tumingin lang siya pero hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon sa akin at naiintindihan ko siya. Nasa tabi niya si Saidemonya, magkahawak pa sila ng kamay.

Si Adi, late, kasama niya si Jestoni at si Andres. Andres waved at us, napansin kong hinawakan agad ni Kuya Sabello ang mga kamay ni Ate Aelise.

"Hi, Avery." Binati ni Toni si Barang. She looked at him.

"Wag mo nga akong kausapin, mababang nilalang." Sabi na naman ng kapatid ko. Si Ate Telulah ay nasa harap na.

Mayamaya ay nagbulungan na ang mga tao – dumating na si Popsi. Narinig kong humikbi si Avery. Napahawak pa siya sa dibdib niya. Huminto siya sa tapat namin.

"Popsi." Tumayo si Avery. "Popsi." Iyak siya nang iyak.

"H'wag kang umiyak, Barang." Sabi ni Popsi. "Ang gaganda ng mga prinsesa ko siyempre, pinakamaganda ang Reyna ko." Kinindatan niya si Momsi tapos naglakad na siya. Tiningnan niya si Adi mula ulo hanggang paa saka ngumisi.

"Pssst! Pssst!" Sinitsitan ni Uncle Ido si Adi napatingin siya sa amin. "Sabi ni Ernesto putang ina mo raw!"

"Ido! Umayos ka nga!" Pagbabawal ni Uncle Azul.

"Totoo naman!" Sabi ni Ninong KD. "Sabir in ng Ate ko, putang ina ka rin daw sana raw mabaog ka!"

"Tang ina, nakakahiya kayo para kayong mga bata!" Inis na inis si Uncle Jude. Kung kanina ay naiiyak si Barang ngayon natatawa kaming lahat. Nagtinginan nga iyong mga nasa panig sa kabila. Sa panig namin kami lang talagang pamilya, sila marami.

"Nagtitinginan pa. Ngayon lang nakakita ng gwapong tulad ko. Punyeta kanina pa ako sinusundan ng amoy na iyon! Mas malakas pa!"

"Nandyan si Heath." Wika ni Uncle Simoun.

"Hindi, Labs! Puro ang naamoy ko! Kaamoy na kaamoy ng putang inang si Javier!"

"All rise!" Sabi noong judge. Nag-all rise naman kami. Ginawa naman lahat ng prelimenaries. May pa-people of the Philippines vs Axel John Apelyido – pero si Uncle Ido, bumubulong ng What's up Madlang – people sa likuran ko, tapos binabawalan siya ni Uncle Jude at Uncle Simoun.

May mga evidence na ni-present ang kampo ni Adi. Mukhang convinced ang judge tapos noong si Ate Tel na, biglang naupo si Kuya Mon sa tabi namin. Buti payat na siya kundi naupuan niya ako. May hawak na camera ang mokong.

"Tingnan mo iyong anak mo, Kidong. In love na in love sa anak ni Ares. Baduy!" Wika ni Uncle Ido.

"Narcing in love na in love rin kay Liv, umiyak pa noong kinasal, baduy!" Wika ni Ninong KD.

"Tang ina ninyong dalawa kapag hindi kayo tumigil, babarilin ko kayo mismo dito!" Uncle Simoun hissed. "Para kayong mga apo ko maya't maya nagbubuntalan, sasapakin ko kayong dalawa!"

"Sorry na, Labs."

"Ni-present nila iyong autopsy, tama? Lumabas ang results nito just in time for the trial. Na-check ito ni Atty. Abriol and yet, hindi nila pinag-aralang mabuti, I guess, sa autopsy kasi..." Nagsasalita si Ate Tel. "Nakasaad roon ang klase ng bala na tumama sa dibdib ni General Kaligayan, my client here admitted that he was carrying a gun when they met with the General, he also surrendered the gun. I checked and my client's gun is licensed, don't worry." May hint of amusement sa boses ni Ate Telulah. Nakatingin siya kay Atty, at doon sa lalaking galing raw ng Ballistics.

"So, Mr. Alvarez, iyong bala ba na nakita sa katawan ni General Kaligayan ay match sa baril ni Mr. Apelyido?"

"Hindi po." Kumakabog ang dibdib ko. "Ano bang baril ni Mr. Apelyido?"

"Ayon po sa investigation, ang ibinigay na baril ni Mr. Apelyido ay isang Russian Pistol. Ang bullet size noon ay 7.62 x 25mm. Ang nakuhang dalawang bala sa katawan ni General ay galing sa isang long range rifle."

Biglang tumawa si Uncle Ido. Napatingin ako sa kanya. Tiningnan siya nang masama ni Uncle Simoun.

"Natandaan ko lang iyong nagnakaw sa akin. Ganoon kasi iyong ginamit kong pambaril." He giggled again. I rolled my eyes. Napakakulit!

"Long range rifle? So, it means iyong bumaril ay nasa malayo, tama ba, Mr. Alvarez?"

"May posibilidad po."

Ate Tel looked at Atty. Abriol and smiled sweetly. "No further questions, Your Honor."

Naupo ulit si Ate Tel. Kuya Monmon clapped – pero iyong mahina lang naman.

Nagsalita ulit si Atty. Abriol. May mga pino-point out siya. Kinabahan na naman ako kasi baka mamaya maniwala iyong judge. Tinawag na ulit si Ate Tel. She stood up.

"Tinatawag ko iyong next witness. Mr. Thaddeus Emilio." Nagbulungan ang mga tao. Si Uncle Ido ay napahawak sa dibdib niya.

"Oh, punyeta! Ako pala iyon! I'm so shocked. Hindi ko alam ito!"

Tumayo siya at lumakad paputa sa witness stand. Narinig ko si Uncle KD.

"Hahawak sa bible iyan, uusok."

"Tado." Tawang – tawa si Uncle Jude.

"Si Ido nga ang pinaka-palasimba sa lahat. Magtigil kayo." Si Uncle Simoun.

"I, Thaddeus Victorious Emilio, hottest man alive, swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth, so help me God."

Nagtatawanan iyong tatlo sa likod. Ako naman kinakabahan.

"Mr. Emilio, naroon ka bas a pinangyarihan ng krime?"

"Oo. Ay Opo pala."

Hagikgikan nang hagikgikan iyong tatlong itlog sa likod malamang si Popsi rin.

"Anong business ninyo kay General Kaligayahan?

"Ahhh, wala naman. Tinawagan niya kasi si Axel, sabi niya gusto niyang makipagkita sa amin, kasi may sasabihin raw siya, ayon, hindi naman nakarating sa sasabihin niya kasi namatay ang putang ina."

Mamatay – matay ako sa kaba, tapos iyong tatlo sa likod nagtatawanan. Si Ninong KD, hindi na makahinga.

"No, cursing in my court, Mr. Emilio." Sabi noong judge.

"Sorry, Judge. Hindi talaga ako palamura, na-carried away lang."

May mga tinanong pa si Ate Tel. Focused na focused ako sa kanya pero dumako ang tingin ko sa kaliwa kasi naramdaman kong may nakatingin sa akin and I was right, naroon si Adi, nakatingin siya sa akin. Nahabag naman ako, kasi parang pumayat siya pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

Tumayo ang lawyer nila.

"Mr. Emilio, anong trabaho mo?" Tanong ni Mr. Abriol.

"Ah retired na ako." Sagot niya.

"Pero nagka-trabaho ka?"

"Businessman. May chains of resort ako sa Batangas, Quezon at Siargao. May family business rin kami, pero iyong pinsan kong si Jacinto ang nag-aasikaso noon. Iyong Emilio Food Corp. Bawal ka doon, kasi bawal ang pangit roon."

"Excuse me?"

"Mr. Emilio, take this seriously."

"Ay, sorry po. Nate-tense kasi ako. May tanong ka pa, Pre?"

"Atty. Abriol. Ang sabi mo nasa crime scene ka, bakit si Mr. Apelyido lang ang kausap ni General Kaligayahan?"

"Ah, nasa malayo kasi ako."

"Malayo? Sing layo ba ng kayang abutin ng long range gun?"

"Objection Your Honor!" Sigaw ni Ate Tel.

"Rephrase the question, Atty. Abriol."

"Maaari mo bang ikwento ang nakita mo noong may barilan nang nagaganap?"

"Ah, iyon pala." Uncle Ido sighed. "Nasa kabilang daan ako. Doon kami nag-park ni Axel John. Nakaharap kami sa highway. Tumawid si Ernesto nang makitang dumating si General. Nag-usap silang dalawa – mga twenty minutes. Mabilis ang pangyayari, biglang may putok ng baril – una galing sa bandang likuran ko, dalawang putok iyon. Nilingon ako ni Axel John, nilabas niya ang baril niya, may nagpaputok sa bandang likuran ni General, napaharap si Axel John, nakita na lang naming nakabulagta na si General. Hinabol namin ni Axel ang mga gunman, may nadatnan kaming isa, pero noong naabutan namin siya, may tama na siya ng baril, iyong isa..." Uncle Ido trailed off. "Sigurado akong may dalawang tama sa balikat."

"Paano ka nakasiguro?" Sabi ni Atty. Abriol. Ngumisi lang si Uncle Ido.

"Nakita ko noong matamaan iyong isa. Naroon ako. Hindi si Axel John ang bumaril kay General at alam kong alam mo iyan, Kaligayahan."

Nagbulungan ang mga pulis sa kabila. Adi sat there, just looking at Uncle Ido. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya.

Natapos ang hearing. Sa susunod na Wednesday itinakda ang ikalawang paghaharap. Sabi ni Ate Tel, maganda raw ang naging takbo. Naniniwala naman ako sa kanya. Si Popsi, kinailangan niyang bumalik sa City Jail. Isimakay muli siya sa mobile. Nasa labas na kami ng courthouse noon. Lumabas na rin ang pamilya ni Adi, nasa kabilang side sila, nagkakagulo dahil sa mga media.

They took a picture of my parents. Si Momsi ay hinalikan pa si Popsi sa labi bago ito pumasok sa loob ng mobile. Nakatayo iyong apat na gunggong roon sa harapan. Tinatapik nila si Popsi. Kaming magkakapatid ay hindi na lumapit pero si Avery, iyak nang iyak.

"Kawawa naman si Popsi. Siguro hirap na hirap na siya sa kulungan." Wika niya pa. Yumakap ulit si Momsi kay Popsi. Nakita kong lumapit si Adi sa kanila. Kinabahan ako kaya lumapit rin ako.

Popsi looked at Adi. Adi offered his hand. People were taking pictures of it, my father was about to take his hand when suddenly, we heard gunshots. Agad akong hinatak ni Ate Reese palayo.

"Popsi!" Sigaw ko. Si Momsi ay nakuha noong dalawang tao ni Kuya Heath. Si Popsi ay nahatak noong pulis pero si Uncle Azul at Uncle Ido ay nanatiling nakatayo. May nakita akong kulay pula sa dibdib ni Uncle Azul at pulang ilaw sa dibdib ni Uncle Ido.

"NO!!!" Sigaw ko. "NO!!!" Hindi sila pwedeng maglabas ng baril! There are a lot of people! Hindi pwede ito!

I heard gunshots again – matatamaan ba sila! Hindi ko makita kung nasaan but then suddenly, Adriano Kaligayahan jumped in front of the two.

Natumba silang dalawa tapos si Adi... kay Adi... sa likod ni Adi tumama iyong apat na balang para sana kina Uncle Ido at Uncle Simoun.

Parang slow motion ang lahat...

"Adi?" My tears fell.

"Si Annie! Si Annie! Reese! Iyong kapatid mo!" Sigaw nang sigaw sin Popsi. Tumayo kasi ako, lalapit ako sa kanya.

"ADI!" I sobbed hard, pero hinatak ako paupo ni Kuya Heath. "ADI!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top