Challenge # 11

Taking sides 

Adi's

Dinala sa krame si Mr. Apelyido. Sa lahat ng pangyayaring iyon ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Gulong – gulo ako pero iisa lang ang gusto kong gawin at iyon ay bigyan ng hustisya ang tatay ko. Ang tagal kong pinag-isipan ito. Paulit – ulit kong pinanood ang video sa dashcam na iyon, apat na video experts ang nilapitan ko buong araw just to confirmed if the video is authentic and they all said the same thing. It is real. He killed my father. He shot him.

"Kaligayahan." Napalingon ako nang marinig ko si Chief Reyes. Kararating lang niya. Hatinggabi na kaya hindi na siya naka-uniporme lumapit ako para sumaludo pero hinampas niya ako ng white folder sa mukha. "Anong kagaguhan ang pinagagawa mo?! You arrested the man?!"

"I have an evidence, Sir." Mariing wika ko.

"Andoon na tayo! But this is bullshit! You have personal feelings in this case. I never approved of you joining the TF Kaligayahan because the Genera; is your father! Hinayaan kong maging bukas sa'yo ang imbestigasyon pero hindi ganito, Adriano! You know the rules!"

"But what do you expect me to do, Sir?"

"Step aside because I think you now better." Sabi niya sa akin sabay nilahpasan ako. Sinundan ko si Chief. I felt so frustrated. Sa inis ko ay nasipa ko ang mesa sa harapan ko. Noon naman dumating si Tomas at si General Dominguez. Agad nila akong pinuntahan.

"Are you alright, anak?"

"I'm not, Tito." Wika ko. "I arrested him kasi may evidence. Pero alam kong tama rin si Chief Reyes, I should've stepped aside. I knew better but my..." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko. Tinapik ni General Dominguez ang balikat ko.

"Don't worry, Adi. Akong bahala. I want to give justice to your dad too, akong bahala." Napatingin ako kay Tomas. Tinapik niya rin ang balikat ko at pumasok na siya sa loob. Sumunod siya kay General Dominguez. Kanina pa rin dapat ako sa loob, kinukunan na kasi ng fingerprints at kinukunan ng larawan si Mr. Apelyido pero hinihintay ko pa si Jose Andres. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya.

"Anong nangyari?" I asked him. May binigay siya sa aking mga larawan.

"Walang plate number ang kotseng bumangga kay Anne. Nakita iyong kotse palabas ng Ortigas pero pagdating namin sa pinag-park-an ng sasakyan, abandunado na ito, wala ring fingerprints na nakita roon. Pero ini-report ko na iyon insidente. Mag-iimbestiga sila. Pupuntahan nila iyong building bukas at magtatanong – tanong. Tinawagan mo na ba siya?"

"Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya." Mahinang wika ko. "Who took her to the hospital?"

"According sa guard, iyong boss raw. Tinulungan niya si Anne." Tinitingnan ko iyong larawan ng kotse. Hindi ko alam kung bakit may sense ng familiarity sa akin.

"Andres, please h'wag mong bibitawan ito. I need to know who did this to her."

"Tawagan mo kasi." Sabi niya. Kung ganoon lang sana kadali. Tinalikuran ko si Jose at pumasok na ako sa loob kung nasaan si Axel John Apelyido. Tapos na ang preliminaries sa kanya. Naroon si Chief, si Tomas, si Toni at si General Dominguez.

"Nasaan?" I asked Toni. Tinuro niya iyong selda. Ang alam ko may anim na detainee roon. Marahan akong lumakad para tingnan siya, akala ko namamalik – mata lang ako pero nasa loob naman talaga siya, iyong nga lang, iyong anim na detainee mukhang tanga. Nakaupo si Mr. Apelidyo sa isang monobloc chair, iyong dalawang detainee ay nasa tabi niya, pinapaypayan siya, iyong dalawa pa, nasa magkabilang paa niya, minamasahe siya iyong isa, nasa likod niya, nagmamasahe rin, iyong isa naman pinapagpagan na iyong higaan.

"Boss, apat na unan ba sapat na iyon. Medyo matigas iyong isang kutson, sa'yo na iyong dalawa para hindi sumakit ang likod mo." Wika pa noong isa.

"Naiinitan pa ako. Lakas ninyo nga iyang paypay." Wika niya.

"Tapat ninyo kasi iyong electricfan kay Boss!" Sigaw pa noong isa pa.

"Ano bang kaso ninyo?" Tanong ni Mr. Apelyido.

"Ahh, nagnakaw po ako ng panggatas at delata ng anak ko sa grocery. Wala na kaming pera kasi, Boss, malas lang nahuli."

"Ganoon ba? Kapag lumaya ako, isasama kita."

"Ako rin! Shoplifting lang rin kaso ako!"

"Ako nakasaksak pero buhay naman! Tinidor lang pinansaksak ko eh."

"Ako Boss, nahuli ko iyong asawa kong may ka-sex, binanatan ko iyong lalaki, ako pa ang kulong."

"Sige, sige, akong bahala. Oh, may bisita pala ako." Mukhang napansin na niya ako. Ngumisi pa siya sa akin. Ako naman ay hindi ko siya magawang tingnan dahil maliban sa nakakaramdam ako ng galit sa kanya, naaalala ko si Anne. Tumayo siya at lumapit sa may rehas. "Ano, bata, masaya ka ba?"

"Ikaw, masaya ka ba noong binaril mo ay tatay ko?" Hindi ko mapigilang manumbat. Tumawa lang siya. "Sisiguruhin kong hindi ka makakatakas dito."

"Bakit naman ako tatakas? Wala naman akong kasalanan, kaya hindi ako tatakas. Ikaw, kapag nakalabas ako dito, sisiguruhin kong wala ka nang babalikan."

"H'wag mong sasaktan ang pamilya ko."

"Wala akong pakialam sa pamilya mo, Adriano." Seryosong wika niya. Kumunot ang noo ko. "Pero sisiguruhin kong wala ka nang babalikan sa oras na lumabas ako sa rehas na ito." Tinalikuran niya ako at muli siyang naupo sa monobloc, pinagmamasahe siya roon at pinapaypayan. Matagal ko pa siyang tiningnan pero sa huli tumalikod rin ako para bumalik kung nasaan sina Chief, sa pagkakabalik kong iyon ay nakita ko ang panganay na anak ni Mr. Apelyido, si Reese Apelyido – Demitri at ang asawa niyang si Heath, may kasunod silang babaeng naka-white terno suit – dinig na dinig ang tunog ng heels noong babaeng iyon, mukha siyang manika, kasunod niya ang isa pang lalaki – akala ko sila lang, pero dumating rin si Miss Bernice.

"Hello. Telulah Consunji – Sandoval." Kinamayan niya ako.

"Yes?"

"Oh, you're cute. Atty. Telulah Consunji – Sandoval. I'm here for Mr. Apelyido."

"Ah, oo. Papunta na rin ang abogado ko, let's just wait for my mom and my sisters."

"Nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Miss Bernice.

"Ah, nasa selda po, Ma'am." Wika naman noong pulis na duty. Sinundan ko siya ng tingin. Mayamaya ay nakatayo na siya sa harap ng selda. Sumunod si Reese at si Heath. I can hear them.

"Popsi, h'wag kang mag-aalala. Ipapa-aircon ko itong selda bukas." Sabi noong Heath.

"They're all privileged pero mga masasamang tao naman." Wika ni Tomas.

"Hi!" Nagsalita ulit iyong abogada. "Bale, before coming here, nakapag-research ako, anak ka pala ni General Kaligayahan ano? Hindi ba puno ng grudge at personal emotions ang judgment mo kasi tatay mo ang napatay?"

Napaawang ang labi ko.

"May matibay na evidence laban sa kanya."

"Alin?" She was asking me. Pakiramdam ko nasa trial na ako. I cleared my throat.

"The dash cam video from my father's car."

"I see. Napa-consult mo na ba iyan sa mga professional? How sure are you that it won't be admissible sa korte? Wrong accusations can give you up to ten years in jail. At sisiguraduhin kong kapag napatunayan na walang kwenta ang lahat ng ito, makukulong ka. Ipakukulong kita."

"Are you threatening me?"

"Hindi. Pero..." Itinuro niya iyong lalaking nakaupo sa waiting area. "Kita mo iyang gwapo na iyan? Asawa ko iyan. Hindi siya marunong mag-threaten, pero kapag sinabi ko, ginagawa niya. You know what this family is capable of, hindi naman iyon lingid kasi diba, you were in for an investigation too last year? Walang nangyarim what makes you think na may mangyayarin pa ngayon?" She asked me. "Anyway, ang tagal ng abogado mo."

I watched her walk away. Mayamaya ay nakita ko na si Mommy at Ate Alona kasama ang abogado namin. Kaibigan siya ni Dad noong kolehiyo pa lang sila. Tumayo muli si Telulah Consunji – Sandoval para magpakilala.

"Hi, Atty. Telulah Consunji – Sandoval."

"Renato Abriol III." Pakilala niya. "Consunji? Atty? Anak ka ni Ares Consunji?"

"Opo. Balita ko nga ilang beses kayong nalampaso ng tatay ko noon. Goodluck sa atin! Figthing!"

Napapailing ako. I noticed Tomas and General Dominguez, hindi ko alam pero kakaiba ang tingin nila sa akin.

"Adi, I am ordering you to step aside from this case. Mula ngayon, it is Birada and Ambrocio's assignment." Narinig ko si Chief. Wala naman akong magagawa kundi ang taungan na lang siya.

xxxx


Annie's

"Bakit gising pa kayo?"

Napatayo si Avery nang marinig namin si Momsi. Kapapasok niya lang ng pinto. Nakita kong kaaalis lang ng kotse ni Kuya Heath. Kagagaling lang nila kung nasaan si Popsi. Kung makakatayo nga lang ako agad, sasalubungin ko rin ng yakap si Momsi. Si Avery lang ang gumawa noon. Yumakap siya nang mahigpit kay Momsi. Umiiyak rin siya.

"Nagbilin ang Popsi ninyo, ikaw may flight ka sa susunod na araw. Aalis ka raw dapat."

"Hindi ako pwedeng umalis, wala naman siya rito!" Umiiyak na wika ni Avery.

"Anak, si Popsi ang may request noon. Sige na. Annie, anong nararamdaman mo? Dadalhin kita sa ospital. Parating na ang kuya Dondon mo. Ibabalik kita sa Varess sa ayaw at gusto mo."

"Momsi, si Popsi po?" I am sobbing. Naupo siya sa tabi ko. Si Avery ay nasa kabilang side niya. She held my hand.

"Okay si Popsi roon. He made some friends. Mamaya babalik ulit ako, isasama ko ang Ate Reese at Ate Aelise mo, you will be at the hospital, Leina will be taking care of you. You don't need to worry, okay?"

"Hindi naman po totoo na si Popsi ang bumaril kay General, diba?" I asked. Hindi ko maiwasan. I know my father, I know what he is capable of, pero alam kong hinding – hindi niya magagawa iyon. Mabuting tao ang Popsi ko despite of it all. I trust him, hindi niya magagawa iyon. I sobbed again.

"Of course not, anak." Sabi ni Momsi na hinahaplos – haplos pa ang buhok ko.

"Bakit hindi po siya pinauwi?" I asked again.

"May video evidence kasi sa Popsi ninyo. May investigation na magaganap, murder ang kaso, si it's non-bailable. Isa pa, iyong judge na nag-issue ng arrest warrant kay Popsi ay Ninong ni Adriano, they are all on his side."

"Pero, iyong video, Momsi dapat i-submit nila iyon for further verification! Mahirap naman na doon sila magba-base, videos can be easily manipulated!" Galit na galit si Avery

"They are doing it all, anak. I need to give it to Adi, kahit may koneksyon siya at ang pamilya niya ay dinadaan niya sa procedures ang lahat. May investigation pang magaganap, as long as mayroon, sa city jail muna si Popsi."

Bigla akong napaluha. Si Avery rin. Yumakap kami kay Momsi.

"Everything will be okay. Makakasama natin si Popsi, alright? Andyan na yata si Dondon. Avery, dadalhin ko muna sa ospital si Annie. Lock all the doors, alright?" Inalalayan ako ni Momsi at lumabas na kami. Sumakay kami sa kotse ni Kuya Dondon. Iyak ako nang iyak. Inisiip ko si Popsi, baka mahirapan siya roon, sabi nila mainit sa selda, sabi nila, may mga nambubugbog sa selda. I kept on wiping my tears. Naiinis ako. Hindi man lang ako kinausap ni Adi tungkol rito. Hindi ko siya maintindihan, bakit ang dali niya mag-conclude? Wala namang pinakitang masama sa kanya ang mga magulang ko and yet, here he is, he put my father behind jail.

I hate him. Sana man lang binigyan niya ng benefit of the doubt ang tatay ko!

I ended up being confined. Pinaulit lahat ni Momsi ang mga tests na ginawa sa akin just to make sure na okay talaga ako. Nakikita ko sila ni Tita Georgina na nag-uusap sa may nurse station, alam kong mahirap sa Momsi ko ito, alam kong nagpapakatatag siya. Ilang beses siyang niyakap ni Tita Gina. Noong nagkaroon na ako ng room ay pumasok silang dalawa roon. They were just talking, hinahawakan nila ang kamay ng isa't isa.

Bandang three am nang magpaalam si Momsi na uuwi. Wala kasing kasama si Avery pero babalik raw siya bukas ng umaga. Naka-duty si Tita Gina, Ate Aswell at Ate Etang kaya sila ang bantay sa akin. Nakatulog akong naroon si Ate Aswell, at nagising akong naroon pa rin siya. I smiled at her.

"May masakit ba sa'yo?"

"Wala naman. Si Popsi..."

"Oo nga. Galit na galit si Tatay kagabi." Sabi niya sa akin. "Alam ko nag-round table sila. Si Uncle Azul raw pinagbabasag iyong alak sa bahay nila sa galit. Ewan ko na. Kinakabahan ako. Basta ikaw, magpagaling ka. Kailangan mo ng lakas." I could only nod. Si Popsi lang naman ang iniisip ko ngayon – wala nang iba kundi siya lang.

Isang linggo ako sa ospital Papalit – palit ang bantay ko, minsan si Kuya Heath, minsan si Kuya Jorge o kaya man si Sabello, lahat naman sila ay inaalagaan ako nang maayos. Hindi ko na naabutan si Avery sa bahay dahil umalis siya at nagtungo sa Barcelona noong nakaraang araw. Ang kwento ni Ate Leina sa akin, iyak raw nang iyak si Avery, ayaw niya raw umalis hangga't hindi okay si Popsi pero walang nagawa si Barang kundi ang umalis.

Sa loob ng isang linggo, hindi man lang ako nadalaw ni Adriano. Oo, galit ako sa kanya, pero ano ba naman iyong dumaan siya, gusto ko siyang makausap. Gusto kong magpaliwanag siya sa akin. Nakakainis talaga. Ang kapal ng mukha niyang paiyakin ako. Nagpapahinga na ako sa bahay noon.

May cast pa rin ako sa paa, pero iyong sa kamay okay na, hirap pa rin akong maglakad pero noong nalaman kong dadalaw si Momsi kay Popsi sa City Jail ay hindi ako nagpapigil na sumama kaya heto kami ngayon, nakahawak ako kay Ninong KD habang naglalakad kami papunta sa visiting area. Ang sabi niya sa akin kanina, naroon na raw si Uncle Simoun at Uncle Ido. Si Uncle Jude ay dumalaw na kaninang umaga, hindi raw kasi pwedeng maramihang dalaw.

Pagpasok namin ay agad ko siyang namataan. Kausap niya si Uncle Simoun, nagtatawanan sila. Ako naman kung makakatakbo lang ako, ginawa ko, halos hilahin ko si Uncle Davie, makalapit lang kay Popsi. When we got near him, yumakap agada ko sa kanya. Siya naman ay hinalikan ako sa noo.

"Magaling na pala ikaw, Soy. Wala ka nang cast sa kamay. Ano, nahanap mo ba iyong sumasagasa sa inaanak mo, David?"

"Nahanap ang kotse, pero abandunado. Pinapamanmanan ko sa tao natin iyong building na iyon. Pasasaan ba at mahuhuli natin iyon. Wala kasing plate number, timted ang salamin kaya hindi nakita sa cctv."

"Popsi, okay ka ba rito?" Tanong ko.

"Oo naman! Bakit?"

"Kasi sabi sa nabasa ko noon kapag bagong kulong, binubugbog, pinahihirapan, pinaglilinis ng cr tapos minsan kinukulong sa cr na mabaho."

"Talaga ba?" Parang hindi siya naniniwala. "Parang wala namang ganoon bunso. Ako ang mayor dito eh." Nagtawanan silang apat. Si Momsi ay iiling – iling habang hinahanda ang pagkain.

"Tang ina subukan nilang pahirapan si Axel." Sabi ni Ninong KD.

"Walang gagalaw sa tatay mo rito, Annie." Wika ni Uncle Simoun. "Siniguro ko iyon." He smiled.

"Subukan lang nila." Seryosong wika ni Uncle Ido.

"Kumain na tayo." Sabi ni Momsi. "Alalang – alala iyang anak mo."

"Anak, h'wag masyado. Okay ako. Sa clinic ako natutulog, may aircon roon."

"Bakit roon?"

"Tao natin iyong warden." Sabi ni Uncle Azul.

"Akala yata nui Kaligayahan ganoon ganoon na lang. Putang ina niya di niya alam second home itong City Jail!" Uncle Ido hissed. "Bobo naman iyon, jowa mo iyon, Anne? Maliit bur noomn! Break-an mo!"

"Shhh!" Pagbabawal ni Popsi. "Sa akin naman walang problema kung boyfriend mo pa rin iyon pagkatapos nito. Ginagawa niya lang ang trabaho niya."

"Pero hindi naman ikaw ang bumaril kay General."

"Hindi nga ako. Si Ido." Napatingin ako kay Uncle Ido.

"Ulol! Hindi naman siya iyong pinatamaan ko! Iyong nasa likod niya! Iyong nasa likod mo iyong bumaril sa kanya, sigurado ako roon!"

"Bakit hindi ninyo sabihin ito?!" I hissed at all of them.

"Nagbigay na kami ng statement anak. Iniimbestigahan ito. H'wag kang mag-aalala. In no time. Uuwi rin ako." Muli akong hinagkan ni Popsi sa noo. Hindi pa rin ako mapakali. Hindi naman siya, may statement naman pala, dapat malaman ni Adi iyon baka magbago ang isipan niya.

Nang gabing iyon kahit hirap akong lumakad at magmaneho ay umalis ako ng bahay para puntahan si Adi. Hindi ko alam kung nasa unit niya siya, pero kailangan ko siyang makausap. Gusto ko siyang makausap. Nakarating naman agad ako roon. Madali lang naman kasi wala masyadong traffic.

Kumatok ako sa pinto niya. Iniba niya kasi iyong passcode yata kaya hindi ako makapasok. The door opened.

"Oh, nandito ka pala." Saide Dominguez stood before me. Hindi lang iyon. She was wearing Adi's shirt. Wala siyang ibang suot kundi iyon lang. "Balita ko pinatay ng tatay mo si Tito. Ganyan pala kayo, mga mamamatay tao."

"Nasaan si Adi?"

"Ay. Tulog kasi siya. Alam mo na. Pagod." She gave me a smile that broke my heart pero nagpakatatag ako. Hinding – hindi ko papakitang mahina ako, o nasasaktan ako.

"Can I talk to him?"

"Wait. Adi! Adi! Nandito si Annie, are you awake?" Sumigaw lang siya roon pero walang sumagot. Nanggigil ako.

"Okay, babalik na lang ako." Tinalikuran ko siya.

"Ang kapal naman ng mukha mo kung babalik ka pa. Pinatay ng tatay mo ang tatay ni Adi tapos babalik ka pa rito. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?"

Binalingan ko siya. Nagpipigil ako pero hindi ko na kaya. Sinapak ko sa mukha, natumba siya.

"Putang ina mo!" I hissed at her kahit wala siyang malay. Ako naman ay bumalik na sa parking lot at sumakay sa kotse. Sa loob noon, sa manibela ay nag-iiyak ako. Malinaw na malinaw naman, mukhang tapos na nga ang relasyon naming dalawa.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakayuko roon at tahimik na umiiyak, pero sabi ko sa sarili ko, bahala na. Uuwi na lang ako. Ayoko na siyang kausapin. Habang nagmamaneho ay nagpapahid pa ako ng luha. Sinaktan niya ako, kinulong niya si Popsi, hindi man lang siya nakipag – usap sa akin, hindi man lang niya ako inalala na puntahan sa ospital.

I parked my car in front of our home. Sa pagbaba ko roon ay nakita kong naroon si Adi, nakaupo sa sidewalk, tumayo siya nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na wika ko.

"Tumawag sa akin iyong guards sabi nagpunta ka –"

"Umuwi ka na." Nilagpasan ko siya.

"Annie mag-usap muna tayo."

"Wala naman tayong pag-uusapan kasi tapos na. Tinapos mo na."

"Wala akong tinatapos. Annie, please, let me explain, ginagawa ko lang iyong tungkulin ko bilang anak."

"Iniintindi ko iyon!" Lumuluhang sigaw ko sa kanya. "Inintindi kita! Kaya lang sana, kinausap moa ko! Sana sinabi mo sa akin! Bakit? Akala mo ba ganoon na lang iyon basta? You could've given me a heads up na Hoy punyeta ka, huhulihin ko ang tatay mo ngayong gabi. Ipapakulong ko siya kasi ganito, ganyan! Hindi! Nagdesisyon ka na hindi moa ko kinakausap! So much for having openness in this fucking relationship!"

"Akala mo ba madali sa akin ito?!" Sumisigaw na rin siya.

"OO! Ang dali mong nagpunta rito oh, dinakip mo iyong tatay ko sa harap ng nanay at mga kapatid ko tapos magd-drama kang akala mo ba madali sa akin spiel ito?! Sana, sana nagsabi ka, hindi ko hahadlangan ang desisyon mo, sana sinabi mo, pero hindi... napakasakit nito para sa akin, Adriano."

"Gusto mo talikuran ko ang tatay ko? May video, humarap sa video ang tatay mo, the video caught his face! Do you want me to just sit down and let it all go!"

"I wanted you to be fair!" I hissed. "I expected you to investigate further! Pulis ka! Alam mo ang protocol!"

"May ebidensya!"

"Bullshit iyan! It's just a video, how can you be sure that it's not fake?!"

"You're taking his side." Wika niya sa akin. My tears fell.

"Of course, I am. He is my father."

"And the one he killed is mine, Annie." Wika niya sa akin. Umaagos ang luha ko. Wala na akong pakialam. Basta ako, para ako sa tatay ko. Naniniwala ako sa sinabi niya sa akin, Kilala ko ang tatay ko.

"Okay." I said with such finality. Tumaliko akong muli para pumasok sa bahay pero hinablit ni Adriano ang braso ko.

"Annie, please..." He sobbed. "Please let's figure this out. H'wag ganito, please... Mahal kita. Annie, please..."

"You've made your decision, Adi. I am standing by my own. Hindi ko kayang makita ka. Nasasaktan ako. Tatay ko iyon. Naiintindihan kong tatay mo rin iyon, pero magkaiba tayo ng paniniwala. May video man o wala, alam kong hindi si Popsi ang bumaril sa Daddy mo. We cannot manuever the same boat if we think different. Hindi tayo makaalis." Bahagya ko siyang tinulak.

"Anne..." Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Tulad ko ay umiiyak rin siya. "Anne, h'wag ganito. Please..."

I shook my head.

"Let me go." Binawi ko ang braso ko sa kanya at nagtuloy ako papasok ng bahay. Pagbukas ko ng front door ay naroon si Momsi. Nakatayo siya roon at naka-stretch out ang mga kamay na para bang alam na niya ang nangyari.

"Ang bunsoy ko." She said. I hugged her.

"Mahal ko siya, Momsi pero mas mahal ko si Popsi." Paulit – ulit kong sinasabi iyon. Ganito pala ang pakiramdam ng pusong wasak. Ang sakit – sakit. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top