Challenge # 02
Forgettable
Anne's
365 dni later...
"Isang ikot pa, Pops!"
It is Saturday. Pops and I were running around our village. Kasama iyon sa morning exercise naming dalawa. Maliban kasi sa nite-train ako ng coach ko ay nagte-train rin kami ni Popsi. Kailangan kong magkaroon nang malakas na stamina. May laban ako next week, kailangan kong manalo para pasok ako sa Nationals then, kapag nanalo ako, we can go in any Asian competition, gusto ko lang manalo ng gold, bago man lang ako mag-graduate, kasi kapag graduate na akom siyempre welcome to the real world, Gabrielle Anne ang peg ko noon. Magtatrabaho na ako at kikita ng pera, magbabayad ng buwis pero kapag may pandemic, hindi naman ako makakasama sa mabibigyan ng ayuda – my god.
"Kaya mo pa?" He asked me. 5k lang naman ang takbo naming dalawa. Kayang – kaya ko pa.
"Ikaw?" I asked him.
"Kaya pa!"
"Okay!" Nagtuloy kami sa pagtakbo. Dumaan kaming dalawa sa bahay nila Ninong David, mayamaya ay kasama na namin si Ate Tammi na tumatakbo, kasama niya ang anak niyang si Erissa. Noong lumiko muli kami, kasabay na namin sina Japet at Aswell, mayamaya ay naroon na rin si Belle at Eli. Parang tanga itong kambal na ito, halos magkalapit lang ang bahay, pero panay nagkakasatan kapag nagkikita!
Nang matapos ang ikot namin ay sa park na kami nagsihinto. Naroon si Leina, hinihintay niya kami, agad siyang nagbigay ng tubig kay Popsi.
"Nasaan si Kuya?" Ang alam ko sa bahay natulog kagabi si Kuya Jorge. Binigyan rin ako ni Leina ng tubig. Uminom agad ako. Nakita kong palapit na sa amin si Uncle Jude kasama si Ate Sam, at si kuya Percy, nasa stroller ang tatlo nilang anak si Alpha, Sierra at Delta.
"Good morning, Daddy." Wika ni Ate Belle. Nagmano naman kami ni Leina tapos bumalik kami sa side ni Popsi, na nakikipaglaro kay Erissa.
"Nagpunta muna siya sa office niya. May tatapusin siya tapos mamaya, susunduin niya ako, uuwi muna kami ng Mindoro."
"Yes, unli sex na naman kayo." Binatukan ako ni Leina. Tawa naman ako nang tawa. Hindi naglipat ang oras at buo na ang barkadahan nila Popsi sa park, kasama nila ang kanya – kanyang mga apo. Si Ninong KD ay karga ang pinakabagong anak ni Ate Aswell at Kuya Japet, si Uncle Ido ay iniirapan si Ninong kasi ayaw raw ipakarga sa kanya si Caden – ang anak nila Ate Aswell. Mukhang mag-aaway na naman sila, si Popsi lang ang walang dalang apo kasi wala naman rito sina Ate Reese, mamayang hapon pa iyon darating.
After thirty minutes ay bumalik na kami ni Popsi sa bahay, si Leina ay sumama kina Uncle Azul para kuhanin ang mga iniwang Corelle serving plate ni Kuya Red sa bahay nila. Nauna na kami ni Popsi, hindi ako sumama kasi gagawin lang naman akong tagabuhat ng kapatid ko.
"Soy, kapag natapos na iyong rest house natin sa Tagaytay, papaayos ko iyong garden, papalagay ako ng Olympic size pool para may pagpa-practice-an ka roon kapag nagbabakasyon tayo. Saan ka ba raw ilalaban ni coach kapag nanalo ka ng Nationals?"
"Sa SoKor, Pops." Sagot ko naman. Magkaakbay kami habang naglalakad na dalawa. Pawisan kami pareho pero magaan sa pakiramdam. Masarap talagang magpapawis. "Sasama ka ba?"
"Oo! Kami ng Momsi mo. Hindi namin papalagpasin iyon."
"Sus, baka naman kaya lang sasama si Momsi para makita si Ji Chang Wook no." Crush na crush kasi ng nanay ko iyong taong iyon.
"Siguro rin, Soy." Nagtawanan kami ni Popsi. Lumiko na kami sa kanto papunta sa bahay namin. Habang lumalapit kami ay napansin ko ang isang moving truck sa tapat namin. "Oh, may bagong titira na sa bahay nila Mr. Mendel." Dati naming kapitbahay iyon tapos umalis sila kasi nag-migrate sila sa Canada. Sigur naibenta na nila ang bahay nila na iyon.
Masungit iyon si Mr. Mendel. Dati nahuli niya kami ni Ate Aelise na pinipindot – pindot ang doorbell niya tapos tatakbo kami, abay nagalit, ni-report kami sa homeowner's association. Napagalitan kami ni Popsi. Nakakainis iyong matandang iyon, walang pasensya, ang bata pa kaya namin ni Ate Aelise noon.
Tahimik lang naman ako. May mga movers na lumalabas para kuhanin iyong mga boxes sa likod ng truck, medyo marami silang dala. Si Popsi ay lumapit sa kanila. Napilitan akong sumunod.
"Mga boss, kailangan ninyo ba ng tulong?" May kinausap na lalaki si Popsi, nakatalikod iyon, ganoon na lang ang pagkatuwa ng tatay ko noong humarap iyong kinakausap niya tapos nakita niya si Jestoni Ambrosio Jr. iyong lalaking ipinakilala niya kay Avery noon. Pinapaligawan niya nga si Barang pero ayaw talaga ni Barang na magpaligaw, lalo ang lumabas ng bahay.
"Senyor Axel! Kamusta po?" Nakipag-shake hands si Jestoni kay Pops. "Kalilipat lang po namin. Hindi ko alam na taga – rito po kayo."
"Tingnan mo nga naman." Tawang – tawa si Popsi. Ligayang – ligay na naman siya sa buhay. Binalingan niya ako at inakbayan. "Si Annie, bunso ko. Si Jestoni, natatandaan mo pa ba siya?"
"Yes, Pops." Walang emosyong wika ko.
"May maitutulong ba ako?"
"Wala po, Senyor. Kami nang bahala." Nakangiti si Jestoni kay Popsi.
"Soy, pasok ka sa loob, sabihin mo kay Leina, maghanda ng meryenda."
"Baka wala pa si Leina sa loob, Pops."
"Sige na, Soy, check mo."
Napakamot ako ng ulo. Ayoko talagang inuutusan ako. Sakto naman na pagpasok ko sa loob ay naroon si Leina, kapapasok niya lang mula sa may pinto ng garahe at dala na niya ang mga container na hiniram ni Kuya Red.
"Te, maghanda ka raw ng meryenda."
"Bakit? Almusal pa lang ah. Anong meron?"
"May friend si Pops na bagong lipat. Pati raw movers gawan mo."
"Tamang – tama may ham and cheese dito, saglit lang kamo, gagawa ako ng sandwich, ikaw anong gusto mo?"
"Hotdog na lang sa akin."
Tinulungan ko naman siya kahit naiinis ako kasi nautusan ako. Gusto ko naman iyong ginagawa namin tapos nakakatuwa pa, bawat sobra sa ham na nilalagay ni Leina sa tinapay, sinusubo niya sa akin. After fifteen minutes, natapos namin ni Leina ang pagpapalaman sa labing dalawang tinapay. Nilagay niya iyon sa tray tapos ipinalabas niya sa akin. Hindi na ako nakapag-palit ng damit. Suot ko pa rin ang work out shorts ko at dry fit workout sando. Lumabas akong muli ng bahay at hinanap ko ang tatay ko, kanina nasa may likod lang sila ng truck, ngayon nasa may tapat na sla ng front door.
Pumasok na ako. May mababang steps ang daan papunta sa pinaka-harap ng bahay. May garden kasi sa right side, sa left side naman ang garahe. Mukhang happy na happy si Popsi habang kausap si Jestoni.
"Pops, kakain na."
"Oh, heto magmeryenda muna kayo."
"Thanks, Anne." Ngumiti si Jestoni sa akin. Tinanguan ko lang siya. Tumabi ako sa Popsi ko. Nilapag ni Jestoni ang pagkain sa ibabaw ng mga kahon sa gitna nila ni Popsi. Naupo ako sa may monobloc chair roon. Hinihintay ko si Popsi at ang container. Magagalit si Leina kaoag uuwi akong walang dalang tray.
"Anong trabaho mo, Toni?" Tanong ni Pops.
"Freelance photographer po ako. Kayo po? Anong work ninyo?"
"Ah, may textile business kami ng kapatid ko. Namana niya iyon sa mga magulang namin."
"I see po." Kumuha ako ng tinapay, inalis ko iyon sa pagkakabalot sa tissue, tinupi ko iyong bread saka ko sinubo lahat. Naglilibot ang mga mata ko. May nakita akong itim na Ducati sa may garahe. Nice. Mukhang mahilig sa motorbike si Toni.
Kumuha muli ako ng tinapay nang maubos ko ang nasa bibig ko. I was busy peeling off the tissue when suddenly, I heard someone gasped loudly. Natingin ako – diretso, kasi doon galing ang sound sa harapan ko.
Nakita ko si Adriano Elmo Kaligayan. Hindi ako nagkakamali, sabi ko na nga ba, hindi ko na siya makakalimutan. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. May hawak siyang box, ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain, nakatingin ako sa kanya habang sinusubo ng buo ang nirolyong tinapay.
"Senyor, si Adi nga pala, pinsan ko. Kaming dalawa ang titira rito." Pakilala ni Jestoni.
"Ah, nice to meet you. Si Anne, anak ko." Inilahad ko naman ang kamay ko sa kanya.
"Nice to meet you." Siyempre nilunok ko muna ang tinapay bago ako nagsalita. Nanlalaki pa rin ang mga mata niyang kinuha ang kamay ko. He shook that.
"Adi." Pakilala niya. Ngumiti ako.
"Anne."
"Oh paano, aalis na kami. Mamayang lunch sa bahay na kayo kumain ha."
"Hindi po ba nakakahiya?" Sabi ni Jestoni. Napansin kong titig na titig sa akin si Adriano. Hindi naman ako nagpapatinag. Kunwari hindi ko siya kilala.
"Hindi! Ito naman. Halika na, Anne."
Tumayo na rin ako at inalis ang tinapay sa container. I waved at them.
"Bye, nice to meet you neighbors!" Hanggang sa makalabas kami ng gate ay patay malisya ako. Nang makauwi kami ni Pops sa bahay ay mabilis pa sa alas kwatro na umakyat ako at pumasok sa silid ko. Sumilip ako sa balcony ko, nakita ko si Kaligayahan at si Jestoni na nag-uusap. Nagmumuwestra pa ng kamay si Kaligayahan.
"Sinong mag-aakalang magkikita kami after a year? Kaloka."
"Hoy!"
"Ay malaking puke!" Paglingon ko ay nakita ko si Momsi. Tawa siya nang tawa.
"Sinong sinisilip mo?" Agad kong sinara ang kurtina.
"Wala po. Kauuwi mo lang?" Pag-iiba ko ng usapan. Tumawa si Momsi. Jusko, kinabahan ako!
xxxx
Adriano Kaligayahan's
"Mamaya ka na mag-set up niyang machine. Baka ma-late tayo sa lunch na iyon."
Nilingon ko lang si Toni habang kinakalikot ko ang tapping machine na kanina ko pa sine-set up sa sala. Inalis ko sa box ang maliliit na cameras at voice tapping device. Pinag-uusapan lang namin ni Toni kanina kung paano kami makakapasok sa bahay ng mga Apelyido, baka mahirap kaming dalawa pero kapag sinuswerte nga naman, sila pa talaga ang nagpapasok sa amin.
"Magdadala ako ng pagkain sa kanila, para hindi naman nakakahiya." I could hear him saying pero wala sa kanya ang atensyon ko. Naiisip ko ang babaeng iyon – si Anne. Sigurado akong siya iyon, hinding – hindi ko siya makakalimutan, she broke four of my relationships – isa na roon ang kasal ko sana kay Cedley. Hindi ko siya makakalimutan dahil sa di makakalimutan talaga ang gabing iyong magkasama kaming dalawa.
Nagising ako kinabuksan nang nasa mukha ko ang underwear niya, nagulat ako, tapos sa mismong pundya ng panty niya ay may nakasulat in bold letters REMEMBRANCE. Kung hindi ba naman siraulo. Hinanap ko siya pagkatapos ng gabing iyon pero hindi alam ni Cedley o ng kahit sino sa mga naging girlfriend kong naging kliyente niya kung anong phone number niya o kung saan siya nakatira. Hindi ko rin siya mahanap sa social media. Alam kong sa FEU siya nag-aaral, alam kong engineering siya pero hindi ko na rin itinuloy ang paghahanap sa kanya noon kasi wala naman akong ibibigay na dahilan.
And now, she's my neighbor, ang nakakapagtaka, bakit parang hindi na naman niya ako kilala? Tang ina, ganoon ba talaga ako ka-boring na tao at hindi niya man lang ako matandaan kahit minsan? She should be able to remember me, I took her virginity!
"Tara." May daling saging si Jestoni. Sumunod ako at dinala ang mga devices na iyon. Tumawid kami ng daan, siya na mismo ang nag-doorbell, pagbukas ng gate, si Anne ang nakita ko. I look at her, pero wala talaga akong nakikitang recognition sa mata niya, ano? Nagka-amnesia siya bigla?
"Pasok kayo." She said. She was wearing a pair of denim shorts. I was reminded of her smooth and long legs. From where I am standing, it seemed endless. Dumako ang mga mata ko sa pang-upo niya, parang lalong na-enhance iyon.
"Gago!" Toni hissed. "Umayos ka."
"Pops, nandito na sila!"
"May dala po kaming saging." Sabi ni Toni nang salubungin kami ni Axel John Apelyido. He seemed like a kind man, pero hindi ko binibili ang façade nilang ito. Hindi ako makapaniwala na anak niya ang babaeng ito.
"Magsikain na tayo." Sumunod kami sa dining area. Parang fiesta. Sinigang na baboy at inihaw na tilapia ang nakahanda sa hapag. Nagulat ako nang makita si Bernice – ang paboritong artista ng nanay ko. May dala siyang bowl ng kanin at inilagay niya iyon sa gitna ng hapag. Hindi ko pa natitignan ang record ni Apelyido, kaya nagugulat pa ako, hindi tulad ni Toni, alam na niya ang lahat.
"Welcome sa bahay namin."
"Avery! KAKAIN NA!" Nagulat ako nang may sumigaw.
"AVERY!" Sumigaw rin iyong isang anak na may dala ng kutsara at tinidor na may tissue paper. "AVERYYYYY KAKAIN NA!"
"Andyan na andyan na."
Isa na namang babae ang dumating. Si Anne ay kasunod niya. Si Jestoni ay ngiting – ngiti sa babaeng mukha namang naalibadbaran sa kanya. Nagsiupo kami.
"Soy, magdasal ka muna." Nagkatinginan kami ni Toni. Baka pakitang tao lang ang pagdadasal nila.
"Lord, thank you for the blessings and the food. May you bless the hands of the person who prepared this fruitful lunch. Thank you. Kainan na!"
I was just eyeing her. Nagtatanong – tanong si Axel at Bernice sa amin ni Toni. Takang – taka naman ako, ako na rin ang hindi nakatiis.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" Mukhang natigilan ang lahat nang magsalita ako. Anne looked at me.
"Ako?" Tinuro niya ang sarili. "Classmate ba kita? Are you the father of Mathematics?" Ganyan rin ang litanya niya sa akin noong gabing iyon!
"Hindi."
"So, why should I remember you?"
"Nagkita na tayo noon." Nangigigil ako.
"Pasensya ka na sa kapatid ko." Nagsalita iyong Leina. "Photographic memory pero bobo sa mukha iyan."
"Ikaw bobo." Sabi ni Anne sabay nag-make face. Tumingin si Leina sa kanya. Nakangiti.
"DL ako. Ikaw?"
"Oily ng mukha mo."
"Punyeta, Annie!" Nagulat ako nang pahiran ni Leina ng patis na may kalamansi si Annie sa mukha.
"Popsi oh! Pinahiran ako ng sawsaw ni Leina!" Sigaw ni Anne. Jusko, parang bata!
"Magsitigil kayong dalawa! May bisita tayo!"
Tumahimik sila, pero si Annie tumayo, mukhang maghihilamos siya. Hindi na rin siya bumalik sa hapag. Pagkatapos kumain ay nakumbinsi ni Toni si Miss Bernice na mag-house tour, she gladly gave in, sumama ako. Nagpapahuli ako, iniinstall ko ang cameras at ang voice devices.
Bago matapos ang house tour ay nailagay ko na ang lahat ng dala ko, pero naiwan ako sa second floor. Umakyat sina Miss Bernice, Axel John at Toni sa third floor. Nagpasya naman akong magtingin – tingin muna.
The doors aren't locked. Mga silid siguro iyon ng mga anak nila. Bubuksan ko sana iyong isa nang biglang may magsalita.
"Anong ginagawa mo?" I looked back and I saw Anne, nasa may baitang pa siya ng hagdanan.
"Ah, rest room sana."
"Sa baba iyon." Naniningkit ang mga mata niya. I looked at her, stared so intently.
"Hindi mo ako natatandaan?" She shook her head. Ngumisi ako at lumapit sa kanya. Bumaba ako sa baitang kung nasaan siya at hinarap ko siya sa akin. Hinawakan ko siya sa braso saka ako bumulong sa kanya. "I was the first man in your life."
Ngising – ngisi ako nang tingnan ko siya ay wala siyang reaksyon. Nakataas lang ang kilay niya.
"Ah? Ikaw pala iyon. Sorry, kasi naman forgettable iyong gabing iyon." Napanganga ako. Tinapik niya pa ang balikat ko saka ako iniwan sa gitna ng hagdang iyon.
"Putang ina?!" Gulat na gulat ako. Wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top