Trouble 6
Chapter 6: Goodbye
Ezequiel Chase
NAGUGULUHAN akong nagpalipat-lipat ng tingin kay Ma'am Delmento at sa mga lalakeng nandito. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
She's giving me an expulsion kahit wala naman akong ginagawang masama?
What the heck?
"Ma'am Delmento, please enlighten me. Ano po bang nangyayari? Bakit ho may expulsion para sa akin? Wala naman po akong ginawang masama, ma'am..." Halos magmakaawa ako sa harapan ng Dean. Hindi p'wede 'to, kailangan kong makapagtapos kahit anong mangyari.
"Wait, anong walang ginawang masama. You punched Spade, Rake and Dibbler. You drowned those four and you threw some shoes at Wad and Rapper. So, sabihin mong walang masama roon, Mr. Robles. You become a bully in an instant..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng principal... nakaawang ang aking labi habang nakatingin sa mga nabiktima ko raw.
P-Papa'nong binully ko sila gayong wala akong alam na---fuck! Putek!
Unang beses kong magmura ng malutong sa isip ko nang gano'n!
I realize something when I remember something.
These pambubully things... alam ko na kung sino ang may gawa nito. Hindi ako p'wedeng magkamali! S-Si Ryder! Siya lang ang may kakayahan na gawin 'to.
Si Ryder Flint...
Parang nakukuha ko na ang mga nangyari sa akin lalo na kahapon. Ryder dominated my whole body and did all of these craps!
Simula no'ng nalunod ako ay wala na akong maalala tapos narinig ko na lang na may gulo akong ginawa kahapon. Kaya pala palaging tinatanong sa akin ni Fourth kahapon kung may amnesia ako... dahil wala akong alam kung ano ang ginawa ng isang 'yon.
Siya ang gumulpi kina Spade, Dibbler, Rake, Wad, Rapper at sa apat na lalakeng 'yon. Things became clearer for me. I'm not a normal person... I have a disorder...
At hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na 'to... ginamit niya ang katawan ko at may ginawa siyang hindi ko nagustuhan. At ang malala pa ay hindi ko maalala ang lahat ng ginawa niya. Tanging sabi-sabi na lang nila ang magiging basehan ko sa nangyari kahapon.
Siya ang gumawa at ako nakatanggap ng consequences. This isn't right. Dapat siya ang managot sa nangyaring 'to.
"Ma'am, maniwala kayo sa akin. Hindi ko po 'yon kasalanan... 'yong mga nangyari sa k-kanila. Hindi po ako ang may gawa---"
"No! My decision is final. Pack your things, Mr. Robles. And leave." Ma-awtoridad niyang utos. Bagsak ang balikat kong lumabas ng office ni Ma'am Delmento. Sobrang naninikip ang dibdib ko habang tinatahak ang daan papuntang classroom.
In just a single snap, my world fell apart. And the worst part, hindi ko kasalanan pero ako ang pinagbayad. My dreams were shattered.
Mahirap mag-enroll ngayon lalo na't nakadikit na sa pangalan ko ang salitang bully. O isang basagulerong estudyante... at isang araw lang 'yon nangayari.
B'wiset!
Ngayon na mahirap nang makapag-aral, sigurado ako magiging full timer na ako sa aking trabaho.
I don't really understand why people usually hear only one side of the story. And I am pretty sure, nagdidiwang na ang mga 'yon dahil sa mawawala na ako sa piling nila.
I want to curse.
I want to let them feel what I feel pero alam kong walang magagawa ang paghihiganti sa kanila. People will always be unfair. Sana man lang may magandang mangyari sa akin ngayong taon.
Something that I can say na naging masaya man lang ako kahit isang beses.
All my life I've lived like hell. I'm wishing for something fun in my life. Baka mamatay na lang ako na puro sama ng loob at lungkot ang dinadala buong buhay ko.
Nang marating ko ang classroom ay hindi ko na magawang makatingin pa sa lahat dahil sa kahihiyan ko ngayong araw. Alam kong nakarating na ang balitang na-expel na ang taong binubully nila.
Kahit nasa entrada pa lang ako ng pintuan, rinig ko na ang bulungan ng mga babae kong kaklase. And I know, everyone will celebrate after this dahil wala na silang makikitang magpapainit ng kanilang ulo.
Nagsisimula na ang paninikip ng aking dibdib habang iniisip ko pa lang na hindi na ako gigising ng maaga para pumasok. Pilit kong pinipigilan ang aking pagluha dahil ayaw kong sabihan na naman ng mahina ng lahat.
I quickly walked towards my locker. I can feel their glued stares at me kahit nakatalikod ako. Mabilis kong pinaghahablot ang mga natitirang notebooks, art materials at ilan pa sa mga inigat-ingatan kong gamit sa loob.
Napuno ko ang aking bag. Iniwan ko ang librong pinahiram sa akin. Pumunta rin ako sa aking desk para kunin ang mga basura ko sa lamesa.
As I packed my things, I looked back at my classmates for the last time.
Wala na akong pake kung anong tingin nila sa akin ngayon. I may seem weird or stupid to them if I smile at them. At least they are part of my journey.
Adios to idiots!
-———-««»»———-
It's been an hour since I waited for her. Passersby constantly stare at me as if I were a criminal. They're killing me with their stares. And I can't blame them, sinapak ko lang naman ang gardening tools na iniidolo nila.
And I've got the feeling na alam na ng lahat ang ginawa ko noong isang araw. They were all in shock knowing that this kind of face would dare to punch such good-looking boys.
Napatingin akong muli sa aking orasan at mag-aalas dos na ng hapon. I don't know why pero hinihintay ko ang taong hindi ko rin alam kung seryoso ba siya sa kanyang sinabi.
Baka nga nag-jo-joke lang si Cassie na kitain ko siya. At ako lang 'tong tangang umaasa na makikipagkita talaga siya sa akin.
Napaangat ako ng tingin nang sandaling makarinig ako ng kulog sa kalangitan, dumidilim na ang langit, nagsisimula nang lumamig ang hangin at halata ang pagbabadya ng ulan.
Tatayo na sana ako nang may biglang tumatakbo na batang lalake papunta sa direksyon ko. Huminto ito sa aking harapan habang habol ang kanyang hininga.
He took a deep breath and let himself rest for a couple of seconds.
"K-Kuya C-Chase?" He asked. I just nodded at him as an answer. "Alam kong makikipagkita ka kay A-Ate Cassie. Pero, kuya, nakidnap si ate!"
Napatayo ako at nanlaking matang hinawakan sa magkabilang balikat ang bata.
"W-What? Nakidnapped si Cassie? Alam mo ba kung sino ang kumindnap sa kanya?" I asked in hurry.
Nakakapanlamig ang aking narinig ngayon lang. Cassie got kidnapped and hindi ko na alam kung anong gagawin sa oras na 'to.
"S-Sa pagkakaalala ko po, estudyante lang din ang kumidnap kay ate. Binuhat po nila ito papunta sa abandonadong gusali--"
Hindi ko na pinatapos ang bata sa pagsasalita.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa lugar na sinasabi nito. Alam kong malayo-layo ang lugar na 'yon pero para kay Cassie gagawin ko ang lahat.
She's the first girl who approached me and I don't know, I felt comfortable with her. Kahit hindi ko alam kung totoo ba siya sa akin. All I know is that she's different.
Sobrang sakit na ng paa ko, tila naghahabul na rin ako ng aking hangin dahil sa kanina ko pang pagtakbo.
Moments later, I felt a cold liquid running down my face. It's not sweat but a raindrop. Nagsisimula nang bumuhos ang ulan. I can already feel its coldness.
Malapit na ako at bumungad agad sa akin ang sirang main entrance ng building na tadtad ng mga green vine sa buong dingding, nilulumot na rin ang ibang parte nito at may ilan pang tuyong dahon sa sa sahig.
Nang makapasok ako sa loob ay agad akong nagtungo sa bulwagan nito.
"Cassie! Cassie! Cassie!"
Despite calling her name over and over, I have yet to hear a response. Agad akong nagtungo sa second floor hanggang sa umabot ako sa fifth floor pero wala pa rin akong naririnig na Cassie na humihingi ng tulong.
Nilakasan ko pa ang aking ingay at ramdam ko na ang pamamaos ng aking boses ngunit wala pa rin akong naririnig.
When I was about to turn back, isa-isa kong nakita ang paglabas ng ilang kalalakihan na may dala-dalang pamalo.
They've been hiding all along in abandoned rooms.
Sa tantsa ko ay mga pito sila ang naririto. And I can't deny the fact na nakakatakot ang presensya nila. They are even wearing school uniforms and I guess they are from the other block na hindi ko na napupuntahan.
Nagsimula nang mangatog ang aking tuhod sa kaba. Sobrang lakas din ng aking dibdib sa takot. At ang butil ng ulan ay unti-unti nang napapalitan ng butil ng pawis.
Could this be some kind of t-trap?
The guy with a bonet and nose piercing laughed like a crazy person. Kasunod nito ay nakitawa rin ang kanyang mga kasamahan.
"Tingnan niyo, oh! May isang tangang naniwala sa isang bata," muli silang nagtawanan at dito na ako sobrang nakaramdam ng panlalamig.
So I was right. This is a trap! A trap for what?
"What do you mean?" I asked, despite the fact that natatakot ako.
"Kung matalino ka, Mr. Robles. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Naloko ka ng bata. Nagpaloko ka. Kaya hindi ka na makakatakas sa amin!" Muli ko na namang narinig ang kanilang nakakarinding tawanan.
Gusto kong umiyak dahil sa panlolokong 'to.
Parang naramdaman ko nang katapusan ko na.
This abandoned building ay hindi na sakop ng eskwelahan. At sa oras na patayin nila ako, hindi na rin ako responsibilidad ng eskwelahan. And I cannot deny the fact na mamatay akong walang nakalaalam.
"Boys! Let's go!" Sigaw ng lalake at dahan-dahan silang lumapit sa direksyon ko. Habang ako naman ay napapaatras na sa sobrang kaba.
Fuck! I don't want to die a virgin?
Kahit simpleng pagsalita ay hindi ko na magawa. What should I do?
What should---
'Leave it to me, idiot!'
I can hear someone's voice. Is that Flint Ryder?
'Yes, it's me! Ano na? Tutunganga ka lang diyan?' Sagot nito.
Paano?
'Here I come!' Those were the last words I heard before my vision turned blank. There was a chill in the air as if someone was embracing me.
Something was moving inside me.
Then darkness ate me.
-———-««»»———-
TILA parang estatwa si Chase sa kanyang kinatatayuan habang dilat ang mga mata. Nagtawanan muli ang mga kalalakihan na dahan-dahang lumalapit na sa kanya.
He held one guy's wrist while the other grabbed his arm. At may isa pang lalake ang hinawakan ang kanyang likuran. Pinaluhod nila ito at sumunod na lamang si Chase.
Everyone seems to enjoy playing with him.
"Bakla! Bakit ka tulala riyan? Gusto mo akong tikman?" Tila natatawang saad ng lalakeng may hawak ng baseball bat. "Pero tikman mo muna 'to!" Isang malakas na suntok sa mukha ang nakuha ni Chase dahilan para mapaiwas ito ng tingin sa kanila. Muli na naman silang nagtawanan.
But the moment he turned his head to the guy in front of him, everyone was shocked to see Chase grinning. Para itong nababaliw habang inisa-isa silang tiningnan.
"So, what game are we playing?" Tila nang-uuyam nitong tanong.
Natakot pa lalo silang lahat sa paraan ng kanyang pananalita. Para itong papatay ng tao ng kahit anong oras. Napaatras pa ang ilan sa kanila dahil sa takot.
"Tangina, boss! Biglang nag-iba." Sabat ng lalakeng kalbo.
"Why? Are you afraid? Peeing in your pants right now?" He asked.
"Huwag mo kaming mainsulto! Dahil 'yang yabang mo ay walang magagawa..."
Hindi na natapos ng lalake ang kanyang sasabihin nang biglang balibagin ni Ryder ang dalawang kamay na nakahawak sa kanya. Muli na naman silang nagulat at namangha sa ginawa nito. Mabilis siyang tumayo't sinipa ang lalakeng nasa kanyang likuran nang malakas dahilan para tumilapon ito. Sinipa rin niya ang lalakeng nasa kanyang harapan at gano'n din ang nangyari rito.
Ryder just laughed while looking at them. He felt like a genie in a bottle who just got his freedom after a long time being locked inside a small container.
As he stretched, he raised his arms. It felt as if his bones were cracking.
As everyone looked at him, he smiled at them and then wiped his face with a tissue.
"So, who wants to say goodbye first?"
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top