Trouble 5

Chapter 5: Expulsion

Ryder Flint

HINDI makapaniwala ang lahat sa mga nangyari. Gulat na gulat sa nasaksihan. Sinong mag-aakala na ang lalaking nakasalamin ay may pagtingin pala sa isa sa mga lalaki na kaklase namin.

Kirl was not moving not until he threw the chair and brushed his hair in frustration. What's wrong with it?

Nakakagulat nga na gusto pala ni Kirl si Rapper pero wala namang masama roon.

Kita ko ang pagtulo ng luha ni Kirl at napaupo na lang sa sahig. Hindi ko alam kung sino ang naglabas ng video'ng 'yon. But good thing dahil ngayon ay may sekreto na kaming nalaman. Who would have thought Kirl was in love with a boy?

Galit na binalingan ako ni Kirl na kanina lang ay tulala sa kawalan.

"You! Chase!" Sabay turo niya sa akin. "Ikaw ang nag-utos na ikalat 'yon! Walang hiya ka!" Sigaw niya at akmang susugurin na sana ako nang humarang si Fourth.

"Tama na, Kirl! Masyado ka nang nadadala sa emosyon mo!" Saad niya at nagtanguan naman silang lahat.

Pagak itong tumawa habang nakayuko ang ulo, "Talaga? That Chase is not him. Hindi siya 'yan. Demonyo 'yang nasa katawan na 'yan!"

"Ikaw ang tumigil, Kirl! Nakakasuka kang bakla ka!" Lianne shouted in disgust as she said those words.

"Oo nga. Nakakahiya ka!" Saad pa ng isang kaklase ko.

I smirked at the thought that the tables had turned. Tingnan mo nga naman, lahat ng simpatya ay nasa akin na. Gusto kong matawa sa hitsura ni Kirl na parang kinawawang aso. Psh, so pity Kirl.

"Talaga lang, ha? Ako lang may sekreto rito?! Para sabihin ko sa inyo, isang araw. Lalabas at lalabas din ang mga baho niyo!" Galit niyang sigaw sa amin. At binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. "Ikaw! Alam mo ba kung bakit ka namin ginaganito?! Dahil ayaw namin sa existence mo!"

So that's it. Dahil lang sa existence ko? I can't believe it. Napakababaw ng rason nila para i-bully ako. Ang mga immature naman ng mga kaklase kong 'to. College students na ba ang mga 'to? O kinder pa lang?

'Cause the way they think is very childish.

Napapaisip na lang ako kung bakit ni minsan hindi nila ako malapitan no'ng first day ng klase at malalaman ko lang dahil sa existence ko? Gano'n ba kalala ang presensya ko para i-hate nila?

Putang ina! Parang hindi naman ata katanggap-tanggap ang rason na 'yan.

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni Kirl. Muli akong napaupo.

I gave them a smirk.

"That's a shallow reason to hate me. As in, sobrang babaw. Isa pa, Kirl, walang mali sa pagmamahalan niyo ni Rapper. At alam mo kung ano ang mali. Hindi kayo... kundi sila." Pagtukoy ko sa aming mga kaklase. "Ika nga ng iba, 'Love has no gender.' You can love any person as long as hindi kayo nakakatapak ng ibang tao. In short, hindi ako against you..."

Natigilan siya sa aking tinuran at dito na bumuhos ang kanyang mga luha. Seeing Kirl cry like this was very rare. Kung hitsura kasi niya ang pagbabasehan ay mukha siyang malakas at hindi takot sa anumang bagay. Pero sa nakikita ko, we just saw the true colors of Kirl. He just loves someone of the same gender as him.

Tingnan mo nga naman. Nagbibiro lang ako kanina na ipapakita ko sa kanyang mga magulang ang video pero mukhang ibang sekreto niya ang nabulgar.

I wonder why kung sino ang may gawa nito?

Napailing akong napatayo at binalingan ng tingin ang lahat.

"Classmates, I warn you, don't ever touch me again. Dahil sa oras na gawin niyo ang pambubully'ng 'to, hindi ako makakasiguro na may mukha pa kayong maihaharap sa mga susunod na araw." Pagbabanta ko. Pero ni isa sa kanila ay hindi sineryoso ang aking sinabi.

Akmang aalis na ako nang biglang manghina ang aking katawan. Kasabay nito ang panlalabo ng aking paningin hanggang sa namalayan ko na lang na natumba ako sa sahig.

As soon as I lost consciousness, I heard someone shouting at me.

"Mamatay ka sana, Chase!"

Was that Wad's voice?

-———-««۝»»———-

Ezequiel Chase

NAGISING ako na sobrang sakit ng aking sentido. Para ring hinahati ang aking ulo dahilan para mapadaing ako sa sakit. Matapos lang ang ilang segundo nang mawala ang sakit ng ulo ko ay agad akong napatingin sa kabuuan ng k'warto.

At nasisiguro kong nandito ako ngayon sa clinic dahil amoy ko pa ang ilang baho ng gamot. Hinawi ko ang kurtinang nakaharang at wala man lang akong nabungaran na nag-aantay sa akin.

Sabi na, eh. Wala talagang tao kahit isa man lang ang mag-aalala kung mawala man ako sa mundong 'to. Wala. As in zero.

Akmang aalis na sana ako sa kama nang may bigla akong naalala.

Papa'nong buhay pa ako? At ang huli kong naalala ay nalunod ako sa pool at doon na binawian ng hangin? Papa'nong nasa kama ako ng clinic at hindi man lang basa ang damit ko. Agad akong napatingin sa loob ng damit pambaba ko at laking gulat nang makita na kahit ang suot kong brief ay hindi na katulad kanina.

Don't tell me ay may nagbihis sa akin? Shoot!

Napailing na lang ako sa aking mga iniisip at mabilis na lumundag ng kama. Dali-dali akong napatakbo papalabas ng clinic. Pero laking gulat ko na lang na nakatayo sa harapan ko ang principal namin.

"M-Ms. Delmento?" Gulat kong saad.

"What's up with your face, Mr. Robles? Bakit parang gulat na gulat ka nang makita ako?"

"N-No, ma'am. N-Nagulat lang po ako." Nauutal kong sagot.

"Okay. So, maayos na ba ang kalagayan mo? And you're really acting weird lately," Tanong niya na nagpakunot ng noo niya.

"Po?"

"Sinugod ka raw rito kanina nang mahimatay ka. Are you okay na ba talaga?" Mas lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi. Anong nahimatay? Hindi ako nahimatay kanina kundi malapit nang mamatay. I was drowning. At hindi ko alam kung bakit nahimatay lang ako.

"Ah, opo, ma'am. Okay lang po ako. M-Maayos na po. Salamat po sa concern," saad ko at binigyan siya ng ngiti.

Ngumiti rin si ma'am pero agad ding nawala. "Ah, about modeling, Mr. Robles."

"Bakit po?"

"We just found a new model. And we're sorry dahil hindi ka na namin mapipili." Natigilan ako sa sinaad ni Ms. Delmento.

Ibig sabihin ay wala na akong chance na maging sikat?

I smiled, "Okay lang, ma'am. Hindi rin naman po kasi ako mahilig sa modeling. Pero thank you po dahil exempted ako sa quiz kanina." Pagdadahilan ko kahit wala akong maalala ngayong araw na nangyari.

Nagpaalam ako kay Ms. Delmento bago ako nagmadali na bumalik ng room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa ako. Kanina lang ay ramdam ko pa ang paglubog ng katawan ko sa pool at ngayon heto ako, humihinga at parang walang nangyari.

May tumulong kaya sa akin kanina? At sino naman 'yon kung meron man?

Nang marating ko ang room ay laking gulat ko nang makita si Fourth na nag-aantay katabi ng bag ko. Sino kaya ang inaantay niya? Sabagay, hindi naman mahirap para kay Fourth na makahanap ng magiging girlfriend dahil medyo cute at palakaibigan siya.

Nang mapansin niya ako ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin pero natigilan ako nang makita ang kanyang mukha. Bakit ang dami niyang pasa sa mukha at para siyang binugbog. Anyare?

"Fourth? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

"What? Hindi mo na maalala? Nagka-amnesia ka ba?" Sinipat niya ang noo at leeg ko dahilan para mailayo ko ang aking mukha sa kanya.

"Anong amnesia? Wala ako no'n. 'Tsaka nahimatay kaya ako buong araw."

"Nagka-amnesia ka nga." Inabot niya ang bag sa akin.

"Bakit ano bang nangyari?"

"Hoy, Ezequiel Chase Robles, nang-go-good time ka ba sa akin?"

"Why would I?"

"Anong hindi mo maalala?"

"Ano ba dapat kasi ang maalala ko?"

"Nahimatay ka kanina." Natigilan akong muli sa kanyang inusal. Bakit katulad sila ng sinabi ni Ms. Delmento? Nahimatay kanina? Sa pool talaga ako nawalan ng malay, eh.

"Please, Fourteen, huwag mo nang guluhin ang sitwasyon. Sa naalala ko kanina at nalunod ako sa pool. Nawalan ng malay at ngayon, 'di ba? Buhay pa ako." Pagpapaliwanag kong muli sa kanya. Natahimik si Fourth at hindi inasahan ang aking sagot.

"Wait..." Pagpigil niya sa akin sa paglalakad.

"Ano?"

"Wala. Wala. Halika na nga. I-lilibre kita ng ice cream riyan sa labasan."

I smiled secretly hearing Fourth's jolly voice. Parang ang gaan-gaan niya kasama. Walang problema.

May nangyari kaya kanina kaya ganito siya umasta? Or I'm just overthinking things again.

-———-««۝»»———-

PAPASOK na ako ng gate nang may maramdaman akong kumalabit sa akin. Napatingin ako sa aking likuran at laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na babae na sobrang laki ng ngiti. She seems familiar and I can't even remember where I saw her.

Sa'n nga ba?

Naningkit ang mga mata ko nang maalala ko na kung sino siya.

I remember!

Siya 'yong sa principal's office na babae. Siya 'yong bumungad sa akin sa may pintuan. Sino nga 'to.

C? Her name starts with the letter C. Carrie? Callie? Ano nga ulit name niya---oh! Cassie!

Naalala ko na! Siya si Cassie!

Tama, si Cassie!

"Ah, h-hi?" Nahihiya kong pagbati. Bakit ang awkward ng atmosphere sa aming dalawa?

"Hello, Chase." Masigla nitong bati. "Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"B-Bakit naman ako m-magagalit sa'yo?"

Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha lalo na sa aking tinanong. Halata sa panlalaki ng kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at nauna nang naglakad.

Bakit parang may nangyari sa akin kahapon na hindi ko man lang alam. Kahapon, palaging sinasabi Fourth at Ma'am Delmento na nahimatay ako... pero hindi nila alam na nalunod ako sa pool.

Things seem strange.

Dumagdag pa 'tong babaeng' to. Bakit parang ang close naming dalawa?

Maraming nangyari kahapon na hindi ko na maalala. O baka sadyang naging rason ang pagkalunod ko dahilan para magka-amnesia ako. Pero malabo talaga, eh. Wala naman akong nababalitaan na nagkaka-amnesia sa pagkalunod.

Napabuntong hininga na lang ako sa aking pinag-iisip at nagpatuloy sa paglalakad. Pero muli na naman akong napatigil nang marinig ang papalapit na si Cassie.

"Hey, Chase. Can I talk to you after lunch? I just need to clarify something. If it's okay with you?" Nahihiya niyang tanong dahilan para mapakamot tuloy ako sa aking batok.

First time a girl approached me. At wala man lang akong alam kung paano mag-respond sa kanya nang tama.

Siguro kung may pagka-chic boy ako. Kanina ko na nakuha ang number at nagliligawan na kami ngayon. Galawan ng mga lalake nowadays.

Ewan ko ba kung bakit ganito ako lumaki. Ayaw makihalubilo sa iba.

"S-Saan?" nauutal kong tanong.

She smirked, "Kung saan tayo nagkita kahapon..."

Kahapon? Anong kahapon? Sa principal's office?

"Saan k-kahapon?"

Gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang marinig ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko alam pero sa simpleng pagtawa niya ay gano'n na lang ang paglakas ng tibok ng aking puso. Sobrang bilis. Na parang siya lang ang babaeng nakikita ko.

Shoot! What's this strange feeling I'm having?

Ano 'to? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

"Mr. Robles?"

"Ha?"

Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ang apelyido ko.

"Bakit?" I asked.

"Why are you staring at my face? May dumi ba sa mukha ko?"

Nanlaki ang aking mata nang marinig ang kanyang tanong.

Anong staring? Gano'n ba talaga ako kahalata?

"Ah---wala! Wala namang dumi. A-Ano nga 'yong tanong mo?"

"Uh, nothing. See you on the bench. Sige bye. I'll go now." she waved her hands bago siya umalis.

Naiwan naman akong tulala sa kawalan. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti na lang nang maalala ang pag-ngiti niya sa akin kanina. Shoot! Ano 'yon?

Para akong engot sa harapan niya kanina.

Napailing na lang ako habang nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa p'westo ko kanina nang makarinig ako ng matinis na ingay na mula sa speaker.

"Mr. Robles, please proceed to the office. Thank you."

Inis akong napapikit nang ilan sa mga estudyante sa paligid ko ay napatingin sa akin.

Ano na naman ba 'to? Problema na naman ba' to?

Nakayuko akong naglakad papuntang office. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang nakatingin sa pintuan ng office.

Shoot! Sana lang hindi 'to bad news.

Nang ipihit ko ang door knob ay gano'n na lang ang pagkagulat ko nang mabungaran sina Spade, Rake, Dibbler, Wad, Rapper at apat na lalakeng hindi pamilyar sa akin.

Lahat sila ay sobrang sama ng tingin sa akin dahilan para mapailing ako.

Now what?

"Good morning, ma'am---"

"Hindi na ako magpapaligoy-liguy pa, Mr. Robles. I'm calling you for expulsion."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa diretsahang sinaad ni Ma'am.

E-Expulsion? Bakit ako makakatanggap ng expulsion? Anong ginawa ko?

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top