Trouble 4
Chapter 4: Video
Ryder Flint
HINDI na ako pumalag nang iginiya nila ako papunta sa guidance's office.
Fuck! Bago pa nga lang ako nakalabas ng room ay may nagsumbong na agad. Depende kung kaninong panig ang nagsumbong. P'wedeng ang tatlong farming tools kahapon, 'yong apat na nasa pool o sina Wad at Rapper.
B'wiset! Mga bahag ang buntot!
May napala lang kahapon at kanina tapos nagsumbong na agad. Eh, si Chase nga parang papatayin na nila hindi naman kinausap ang dean. Para silang mga bakla sa mga pinaggagawa nila.
Binitawan ako ng dalawang g'wardiya nang makapasok kami sa hallway papuntang office. Lahat ata ng estudyante ay pinag-tsi-tsismisan ako. May ilan pa na nagulat at may ilan na nagtataka.
Kumatok ang lalaking nasa kanan ko nang nasa harapan na kami ng office. We heard Dean say 'come in' after they opened the door for me. Pinaupo nila ako sa isang monobloc isang metro ang layao sa lamesa ng dean.
This is weird.
Kita ko kung paano nag-iba ang timpla ng mukha ng teacher na 'to.
"Mr. Robles?" She asked while tapping the pen's tip on the table.
"Yes?"
"Do you know why you are being called here?" Mahihimigan ang pagkainis sa boses ng Dean. Halata rin sa kanya ang pagkadismaya habang nakatingin sa mga papel na nasa kanyang harapan.
"What do you want, Delmento? I-expel niyo ba ako?" Direstsahan kong tanong dahilan para mapataas ang kanyang kilay.
"Where's your manners, Mr. Robles?" Naiinis niyang tanong.
"Manners? Wala na ako no'n, ma'am. Nawala." I replied coldly.
"Mr. Robles, watch out. Parang hindi ikaw 'yong batang nakausap ko kani-kanina lang. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to talk about what you did to Mr. Spade and his friends---"
"Nagsumbong pala ang mga farming tools." Pagputol ko sa sinabi ng guro.
"Mr. Robles, this is your first time na mapunta rito sa office at sobrang laking pinsala ng ginawa mo---"
Muling natigil ang guro sa panenermon nang bumukas ang pinto at lumabas doon ang apat na lalaki sa swimming pool kanina kasama sina Wad at Rapper.
"What's these boys?" Napatayo na ang guro nang makita ang hitsura ng pumasok. Shit! Ang duduwag nila. Nagsumbong nang gumanti ako. Tang ina nila!
"Ma'am Reen Delemento, magsusumbong din po kami sa ginawa ni Chase." Saad no'ng lalaking sinakal ko sa pool kanina.
"Ako rin po, Ma'am Reen." Nahihiyang saad ni Rapper.
"What? Are you sure na si Mr. Robles ang may gawa nito?" Naguguluhan niyang tanong.
Nagsama-sama talaga sila para lang patalsikin ako sa eskwelahang 'to? Ang babakla lang, ha!
"Nilunod niya po kami sa swimming pool, ma'am, kanina matapos mag-lecture ni Ma'am Queshara," may paawa pa sa boses na sambit no'ng sinakal ko kanina.
"Ako naman po, ma'am, tinapunan niya ng sapatos at sinapak sa mukha," isa pa 'tong si Rapper na nagpapaawa na rin.
In times like this, ginigipit nila ang kalaban para tuluya kang mawala sa landasnila. At hinding-hindi ko hahayaan na mawala na lang ang effort ko kanina para lang sa walang k'wentang akusasyon nila.
I should fight at least.
"Mr. Robles, I'm calling this for your---"
"Is that it, ma'am?" Natigilan si Ma'am Reen sa inasal ko.
"What do you mean?"
"Narinig mo lang ang sinabi nila ay papaniwalaan mo na sila? How pathetic." Tumayo ako sa aking inuupuan at isa-isa silang tinuro. "Kung ayaw niyong maniwala sa mga sasabihin ko, it's up to you, ma'am. I was bullied every day here by these gardening tools, and yesterday they wanted to punch me, but I refused. Ang grupo ng mga shokoy na 'to," turo ko sa apat na lalaki sa swimming pool kanina. "Nilunod lang naman nila ako. Muntik na nga akong mamatay sa ginawa nila. Here, ma'am," pinakita ko kay Dean ang marka ng tali sa aking leeg na tanging naiwan na bakas ng pambubully nila.
"At si Rapper? Tang ina, ma'am, nagpapaawa lang 'yan pero bubuhusan na dapat nila ako ng pintura kanina kasama si Wad!"
"Watch your words, Mr. Robles!"
"At sana rin, ma'am ay maging patas kayo sa akin at sa kanila." Nanggagalaiti kong saad habang tinuturo ang lalaking walang ginawa kundi pahirapan ang buhay ko.
"Dean naman! Ngayong nasa kolehiyo na ako gusto ko ng matiwasay na school year. Nanatiling nakatikom ang bibig ko sa mga nangyayaring kawalang hiyan nila. Malapit na akong matigok kanina at halos araw-araw na lang na takot ang nangibabaw sa akin, Dean. Kung hindi kayo magiging patas sa pagpataw ng parusa sa mga nandito. Aba, dean, lunukin niyo 'yang perang pinambabayad nila---"
"Mr. Robles! You're getting out of hand! Pinagbibintangan mo ba akong tumatanggap ng suhol?!"
"Bakit, Dean? Sigurado ba kayong iimbestigahan niyo ang nangyaring gulong 'to? Nakakasiguro ba akong mapaparusahan ang mga gonggong na 'to? I almost got killed and yet ayaw niyong maniwala kasi scholar lang ako sa university na 'to? Dahil ba hindi ko ka-lebel sila ng pera?!"
Nanlaki ang mga mata ng Dean sa aking pagsigaw, halatang hindi ito makapaniwala.
"What got into you, Mr. Robles? You're very different from me a while ago. Anong nangyari sa'yo?"
I gave her a smirk, "Bakit, Dean? Nakakapanibago ba?" I scoffed. "Magbabago ka talaga kung mamatay ka rin lang naman sa kamay ng mga kapwa ko estudyante. My apologies for the mess I made, Dean." I even quoted the word I said to her, sarcastic as that sounds.
Agad akong umalis sa kanyang harapan.
Padabog kong sinara ang pintuan ng office at napangiti na lang nang pumasok sa isip ko ang mga hitsura ng mga mukha nila kanina lalo na si Ma'am Reen. She had such an epic face at gusto kong matawa.
It's just that mawawala ang pinaghirapan kong acting kung tumawa ako kanina.
Their faces were just a piece of shit!
'Pag naawa sa akin si Ma'am Reen baka sila pa ang ma-expel sa eskwelahang 'to.
Matapos kong maglakad-lakad ay agad akong pumunta ng bench para magpahangin. I don't want to be with those stupid people. They're just wasting my time. Wala silang tulong sa akin kaya aalisin ko sila sa buhay ko.
Nakangiti akong nakatingin sa kawalan kasabay nito ang pagsipol-sipol ko. Maganda pala ang eskwelahang 'to? University of Modern Technology! San Delfin City has one of the most famous colleges in the country, but its government officials and schools are corrupt.
Lagi ko na lang naririnig kay Chase tuwing napapagawi siya sa piso net. Ang hilig talaga niyang magbasa ng news, lahat ng dumi ng lugar na 'to ay may alam siya pero wala, eh, nanatiling tahimik ang batang 'to sa lahat. Napipi ata.
How I wish that I had stayed longer like this. Patingin-tingin lang sa paligid at walang problemang iisipin pa.
Nakakabagot din kasi sa theater na 'yon. Ewan ko ba kung bakit madilim doon kaya ayaw kong tumambay roon. The experience of staying there for a decade was awful. Bloody hell!
Mabuti na lang pala at nakiki-usapan ko pa ang isang 'yon.
Muli akong napangiti sa nakikita kong bago sa aking paningin.
Naputol lamang ang aking pagmumuni-muni nang makita ang isang babae na umupo sa aking harapan. She's holding a bottle of C2 and a sandwich. She smiles widely like she knows me.
Sino ba 'to?
"Hi, Chase." pagbati nito at tanging paninitig lamang ang aking naitugon. "Kung hindi mo ako naalala, ako pala 'yong nakita mo sa dean's office. I am Cassie Sarominez. The university's head for school paper," inilahad niya ang kanyang kamay pero tiningnan ko lang ito.
Agad naman niyang binawi ang kanyang kamay no'ng napansin nito na parang wala akong pake sa rito.
"Sorry. That was rude. I am Ry---Ezequiel Chase Robles." Pagpapakilala ko kahit labag sa loob ko.
"Mukhang napipilitan ka lang na magpakilala, eh." Saad niya sabay kagat sa kanyang sandwich.
"Alam mo pala, eh."
"Bakit ang sungit mo ngayon?"
"Bakit? Alam mo bang hindi ako masungit noong nakaraang araw?" Natigilan siya sa tanong ko at tinungga na lamang ang laman ng inumin.
Natahimik ang paligid pero agad din niyang binasag.
"Call me weird and creepy pero napapansin kita palagi. Walang kaibigan, tahimik at parang may sariling mundo..."
Now I think that she's a stalker of mine.
"Really?"
"At ikaw rin ang pinagkakaisahan lalo na ng grupo nina Spade, Dibbler and Rake, right?" She crossed her arms and averted her gaze. "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang center of attraction. Even no'ng pinatid ka nila Dibbler on our first day. I was shocked kasi hindi ka nagsumbong sa teachers. 'Yong namula ang balat mo kinabukasan kaya lumayo ang lahat sa'yo. Kagagawan din iyon nina Dibbler pero wala ka pa ring ginawa."
So, ano? Hindi man lang ako na-inform na mag-tho-throwback pala kami rito. It was an ant bite. Panay kamot ni Chase no'n dahil sa pangangati at kagat ng langgam.
At ang mga lintek, ang O-OA. Dalawang metro ang layo nila sa akin baka bulutong daw 'yon. Ang gagago nila no'n... ng mga kaklase ni Chase at ng mga farming tools na 'yon.
"Stop reminiscing about my past. Mapapakanta tuloy ako sa'yo ng memories bring back. I want to bury those shits. And I'm getting new and fresh memories. So please--"
"Sorry. I just can't help. I saw you alone. Crying in the library--"
"I said stop!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hampasin ang espasyo sa pagitan naming dalawa.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para wala akong masuntok na babae. Sigurado ako, kapag si Chase ang kumausap dito baka mapipi na 'yon dahil sa takot sa tao.
"Sor---"
"Stop saying sorry. Hindi mo na mababawi ang mga sinabi mo. I know I've been through a lot of pain. And recalling them will only bring back painful memories that I want to forget. Kung wala kang masabing iba, p'wede tumahimik ka na lang dahil napagbintangan na ako ngayong araw at ayaw ko nang madagdagan ang problema ko."
Naikuyom ko na lang ang aking kamao dahil sa matinding galit. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kung napansin niya ako noon. Marahil iniisip niyang ako pa rin si Chase na kausap niya kanina, hindi niya ata alam na ibang persona na ang nandito at hindi na ang lampang 'yon.
"Okay. That's it. Thank you for your time, Mr. Robles. You're braver than I thought." Agad siyang tumayo at umalis. Napatingin ako sa papalayong pigura ng babae dahil parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Parang... parang nagkita na kami dati?
Hindi ko lang matandaan kung saan.
Tumayo na rin ako at nilisan ang bench na may pagtataka sa aking sarili. That Cassie Sarominez is quite familiar pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
Iwinaksi ko na lamang iyon at bumalik na lamang ng room.
Hindi pa man ako nakakalapit ay rinig ko na agad ang sigawan sa loob. Magkahalong sigawan ng babae't lalaki na waring nag-de-debate.
Ano na naman kaya ang problema ng mga asungot na 'yon?
Nasa entrada pa lang ako ay ramdam ko na ang makabasag tengang boses ng mga babae at ilang malalalim na boses ng mga lalaki.
"Ano bang sa tingin mo ang ginagawa mo, Fourth?!"
"Tang 'na! Akala ko ba kampi mo kami?!"
"Now you're turning your back on us? Ano? Nahawaan ka na ng gagong 'yon? Kasisimula pa lang natin! Titiwalag ka na?"
Nakayuko si Fourth habang pinagsisigawan nila. May pasa sa kanyang mukha at dumudugo na rin ang gilid at ang kanyang ilong.
Nag-angat siya ng tingin sabay titig sa kanila ng nakakamatay.
"Could you please be mature? Hindi ba kayo naawa kay Chase! Wala siyang ginagawa sa atin na masama!" Sigaw niyang sagot kahit nagkatalsik-talsik na ang kanyang laway.
"Hindi lumalaban si Chase tuwing binubully siya nina Dibbler. Alam kong mainit ang ulo niyo sa mga scholar at sa mga gaya niya. Pero sina Dibbler din, siya ang target. Hindi ba p'wedeng gawin nating payapa ang school year natin sa kolehiyo---ahhh!"
Isang malakas na suntok ang natanggap ni Fourth sa kanyang pisnge na iginawad ni Kirl. Mapait na ngumiti si Fourth at binalewala ang sakit na nararamdaman.
Somewhat, I pity that guy.
"Alam mo naman, 'di ba? Minsan masarap din 'yong may ginagawa tayong aliwan sa eskwelahan? That's what you call having fun while learning. Chase is one of the most exciting targets! Could you please---"
Agad kong nilabas ang phone sa aking bulsa at itinapat ang camera sa kanila. I burst into laughter while looking at my phone. Naagaw ko ang kanilang atensyon at ngayon ay nasa sa akin na ang kanilang mga tingin.
"Enough proof to expel you, Kirl. Your reasons are so lame. And quite cliché."
Makailang beses pa akong nakakita ng paglunok at pamamawis nila nang makita ako.
"Target pala, ah. Porque't mahirap at scholar dito ay paglalaruan niyo na lang."
"Why are you still here?" Naguguluhang tanong ni Kirl. May pagka-nerdy look ang gago, 'yon pala ang daming planong nakalaan para amin.
"Ikaw. Bakit buhay ka pa rin? Akala ko kasi sinundo ka na ni Satanas nitong nakaraan lang." Hinila ko ang isang upuan malapit sa akin at naka-dekwatrong umupo sabay ngisi sa kanilang lahat. "All this time ay impyerno pala 'tong section na pinasukan ko. Wala man lang nag-orient sa akin. Nandito ang Kirl a.k.a. si Kamatayan. At ang ibang ulupong dagat na walang ginawa kundi ang magpa-uto."
Ini-isa-isa ko silang tinapunan ng tingin. Masasabi kong ang e-immature ng mga kaklase ko dahil sa pambubully nila na tanging walang bayag lang ang gagawa.
"Kamatayan, huh? Fuck you!" Malutong na mura ni Kirl at hinila ang buhok ni Fourth. Malakas niyang itinulak papunta sa direksyon ko si Fourth na napasubsob na lang sa sahig. Agad ko siyang tinulungan at napangisi sa ginawa ni Kirl.
"Ano kaya ang sasabihin ng mga magulang mo kung ilalabas ko ang video. Magiging proud kaya sila sa kanilang anak na ang inatupag ay kung paano alisin ang walang k'wentang katulad ko?" Pang-aasar ko rito dahilan para maikuyom niya ang kanyang kamao.
"B'wiset ka, Chase--"
Nawala ang ngiti ko nang biglang dumilim ang room. Makalipas lang ang ilang segundo ay muling bumukas ang ilaw. At sa muling pagkakataon ay nagpatay sindi muli ang ilaw na siyang ikinataka ko ng ilan naming kaklase.
"What's happening?" Kirl asked.
"Baka may nagpaparamdam," then I burst out laughing.
Napatingin ang lahat sa harapan nang bumukas ang tv na nasa harapan kasabay nito ay isang video clip ang lumabas.
"Gago, nakakatindig balahibo naman 'to. Baka nagpaparamdam na si Onse." Komento ni Maris.
"Shut up, Maris!" suway ni Wad dito.
Kita ko ang takot sa mata ng bawat isa lalo na't hindi nga pangkaraniwan ang ganitong pangyayari sa loob ng classroom.
Napatingin ang lahat sa tv. Pinapakita sa TV na parang may kikitain si Kirl. Siningkit ko ang aking mga mata nang maklaro na isang lalaki ang kanyang sasalunungin.
"Who did that?! Stop it!" Agad siyang lumapit sa tv at naghanap ng bagay na p'wedeng ipambasag nito. Akmang hahampasin na sana niya ito ng bangko nang makita namin ang hindi inaasahang pangyayari.
Kirl kissed the boy passionately. Nakatalikod sa amin ang pigura ng lalaking kahalikan ni Kirl. Nang matapos sila sa kanilang ginawa ay halos manlaki ang mga mata namin sa kanilang sinabi.
"I love you, Kirl."
"I love you too, Rap."
-———-««4»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top