Trouble 30
Chapter 30: Dead End
HINDI pa rin matigil ang tensyong namumuo sa kanilang tatlo na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa katotohanan na kanilang nalaman, lalo na si Chase.
Para itong tuod na hindi makapaniwala at ayaw tanggapin ang totoo.
Mula sa pagkakabugbog ni Ryder ay dahan-dahan itong tumayo kahit na ramdam pa nito ang pananakit ng kanyang katawan.
Dark grinned. "Nagulat ba kita, Chase?" pang-aasar nito. "It's still unbelievable to believe that you couldn't figure out who I was. Ang dami ko nang napatay tapos wala ka man lang clue na nahanap? So pathetic and dumb."
Naikuyom ni Chase ang kanyang mga kamao nang muli itong nakarinig ng pang-aasar mula sa kanyang sarili.
"Bakit mo 'to ginagawa, Dark?" nanggagalaiti nitong tanong habang binigyan ito ng matalim na tingin.
He chuckled, "Hindi pa ba klaro sa'yo, Chase? Take a stroll down memory lane. Ni minsan bang naisip mo kung bakit ka pa nabuhay sa mundong 'to? Para ano? Danasin lahat ng paghihirap sa mundong ibabaw? Ni hindi ka nga nagsusumbong kahit binaldadado ka na ng lahat! Tanginang kabaitan meron ka! Nagpapaka-santo ka sa mundo kung saan naninirahan ang mga demonyo! Now tell me, hindi pa ba 'yon enough na reason para umalis sa katawan mo?!" naghuhumentadong litanya nito.
Tumigil ang pag-ambon dahilan para mas lalong tumindi ang tensyon sa kanilang dalawa.
Chase just flashed a smile on his face. "Is that it? Ang babaw mo naman!"
Nagulat na lang si Dark sa hindi inaasahang sagot ni Chase.
"Ano?" Dark whispered.
"Sa tingin mo, hahayaan kong mag-suffer kayo? Yes, aware na ako sa existence niyo, dati pa," he lied. "And if ever kayo nasa posisyon ko, kakayanin niyo kaya ang gagawin ng mga tao? Alam kong gaganti kayo... kikitil ng buhay na parang wala lang. Tulad nito, Dark! Higit sa kalahati ang nawala ang buhay sa mga kaklase ko dahil sa kagustuhan mong gumanti! Ngayon anong nangyari? Nagbago ba buhay mo? May nagbago ba? 'Di ba wala?" Hindi makapaniwalang usal ni Chase habang naiiyak na pinapagalitan ang kanyang sarili na nasa ibang katawan.
"Chase..." mahinang usal ni Ryder at dahan-dahan itong nagtungo papunta sa kanyang direksyon.
"Hindi mo ata alam, hindi lang ako ang may balak sa mga kaklase mo---" naputol ang sasabihin nito nang muling tumabingi ang ulo ni Dark, ilang beses nagpapalit-palit ang mukha nina Fourteen at Dark na parang may glitch na nangyari sa mukha nito at makalipas lang ang ilang segundo ay mukha na ni Fourteen ang makikita. "---pasensya na, Chase. Dahil isa talaga ako sa may balak sa kanila."
Dito na mas lalong nagulat ang binata at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
'Ibig sabihin ay nagawang pagpapatayin ni Fourteen ang mga kaklase namin sa tulong ni Dark? Paano niya naatim na gawin 'yon gayong sobrang bait nito?' saad ng binata sa kanyang isip.
Nakaawang pa ang mga labi nito sa gulat habang nakatingin kay Fourteen na halatang hindi man lang makikitaan na nagsisi ito sa kanilang ginawa.
"F-Fourth? Bakit mo 'to ginagawa? Ano bang kasalanan ng mga kaklase natin sa'yo? Seryoso ka ba talaga sa mga ginawa mo? Kaya mong pumatay ng inosente? At nakipagsundo ka pa sa isang 'yan!" bulyaw nito.
"Hindi mo 'ko masisi, Chase. Dahil hindi naging inosente sa batas ang mga taong kayang pumatay! Oo! Kayang pumatay ng mga taong 'yon... isipin mo? Wad raped me at kasama niya ang ilang kalalakihan ng section Periwinkle dati para pagtulungan ako! Now tell me deserve ba nilang mabuhay?! 'Yong ilang mga babae? Sina Maris? Tiara? Liane? Ginawa nila akong literal na human guinea pig para pag-eksperimentuhan! Pinagbubuklat nila ang balat ko at ilang beses dinaanan ng matatalim na bagay ang katawan ko!" hindi na mapigilan ni Fourteen ang sakit ng kanyang nararamdaman na matagal na niyang kinikimkim.
Para itong bulkang sumabog, nag-aalburuto sa matinding galit at nilalabas na nito ang kanyang hinaing.
Walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha at tila ba'y nanghihina ang kanyang tuhod sa sobrang sakit, kaba at galit na nadarama.
Magkahalong emosyon din ang naramdaman ni Chase matapos marinig ang paghihinagpis ng kaibigan.
"F-Fourth?" parang bulong sa hangin nitong sambit.
Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Fourteen at sa hindi malamang dahilan matalim niyang muling tiningnan si Chase.
"...but still, hindi pa rin ako papayag na nakakagala ang mga taong minsan na rin akong balak patayin. Kung anong ginawa nila ay gano'n din ang gagawin ko! What they did to me will be repaid with their lives! Eye for eye! Blood for blood! At hindi ako titigil hangga't hindi sila nauubos!"
Muling nagkulay itim ang mga mata ni Fourteen at sa muling pagkakataon ay nagbago na naman ang mukha nito. Mukha na ulit ni Dark ang rumehistro, kasabay nito ang mabilis na paghablot nito ng isang matalim na bagay mula sa kanyang likuran.
Sa bilis ng kanyang kamay, walang pasabing itinapon nito ang hawak na kutsilyo patungo sa direksyon ni Chase. Hindi na makagalaw pa si Chase nang sandaling makuha agad nito kung saan tumama ang kutsilyong itinapon.
Dahan-dahan itong napalingon sa kanyang likuran at nabungaran si Ryder na nasa katawan ni Kirl.
Napatakip sa kanyang bibig si Chase nang makita ang tumarak na kutsilyo sa dibdib ng binatang nasa kanyang likuran.
"Kirl!" malakas na sigaw nito at dali-daling dinaluhan ang kasama, bago pa man bumagsak sa kalupaan ang binata ay agad naman itong nasalo ni Chase.
Umagos ang masaganang dugo mula sa kanyang dibdib na malapit lang sa kanyang puso.
"C-Chase... gawin mo na..." mahinang usal ni Ryder.
Parang nag-glitch ang katawan ni Kirl dahil nagbabago ang hitsura nito at parang may kung anong humihiwalay sa kanyang katawan.
"Kirl... Ryder... h-hold on..." umiiyak nitong wika habang yakap-yakap ang katawan ng binatang nanghihina.
Dahan-dahan niya itong inilapag sa kalupaan at maingat na hindi matamaan ang kutsilyong nakabaon dito.
Tumayo muli si Chase at nang sandaling hinarap niya si Dark ay buo na ang desisyon nito na gawin ang kanyang plano.
Kinakabahan man pero mas nanaig sa binata ang kagustuhang matapos na ang lahat ng hirap at pagdurusa na kanyang naranasan.
Mangiyak-ngiyak na hinablot ni Chase ang isang matalim na bagay mula sa kanyang likuran sabay taas nito sapat na para makita ni Dark ang kanyang hawak.
"Itigil mo na 'to Dark! O sasabay tayong mawawala ngayong gabi! Wala nang masisikatan sa atin ng araw!" panghahamon ni Chase kasunod nito ang pag-tapat niya sa hawak na balisong direkta sa kung saan nakapaloob ang kanyang puso.
"Tinatakot mo ba ako, Chase? Sa tingin mo madadala mo ako sa pag-arte mong 'yan?!" May takot at pangamba sa boses nito.
Hindi pa man nasusundan ang sasabihin ni Dark nang sandaling makaramdam na lang ito ng hapdi sa kanyang palad. Nang mapatingin siya rito ay kita niya ang pagkahiwa ng kanyang palad ngunit walang dugo na lumalabas doon.
Nag-angat ito ng tingin at nang makita niya si Chase ay nakaharap ang kamay nito sa kanya. May malaking hiwa ang palad nito at kita ang pag-tulo ng malapot at pulang dugo rito. Hindi man lang makikitaan sa mukha nito ang sakit at takot.
Chase grin. "Kayang-kaya kong gawin 'yong sinabi ko kanina. Tutal, mamatay lang din naman tayo sa huli. Paano kung sabihin kong mauuna lang tayo nang maaga?" he asked mockingly.
"Huwag mo 'kong tinatakot sa ganyan mo, Robles! Sa pagkakaalam ko, mahina ka at hindi marunong lumaban. Hindi mo kayang kitilin ang buhay mo!"
"Huwag mo rin akong subukan! Dahil kaming tatlo ay nakapagdesisyunan na mawala sa mundong 'to kaysa makita ka namin na kumikitil ng buhay dahil lang diyan sa kagustuhan mong makaganti!" Chase shouted, and without hesitation, he quickly stabbed the knife on his thigh.
Impit itong napasigaw at kasunod nito ay ang sunod-sunod na sigawan ng tatlo pa. Sina Ryder, Alexis at Dark ang maririnig sa madilim na gabi.
Dahil dito, parang mga kaluluwang nag-asialisan sa mga katawan ang nasabing katauhan ni Chase. Sumanib muli sina Ryder at Alexis kay Chase habang naiwan naman si Dark sa tabi ng katawan ni Fourteen na ngayon ay nakahimlay na sa kalupaan.
Nakahimlay rin sa kalupaan ang walang malay na katawan nina Kirl at Rapper.
At sa muling pagkakataon ay muling itinapat ni Chase sa kanyang dibdib ang nasabing matalim na bagay dahilan pigilan siya ni Dark!
"Huwag, Chase!" sigaw nito sabay angat ng kanyang kamay para pigilan ang kanyang kaharap sa balak nitong gawin. "Ayaw ko pang mawala sa mundong 'to!"
"Sana inisip mo 'yan bago ka makipagtulungan sa isang mamatay tao! Gets ko naman 'yong kagustuhan niyong protektahan at ilayo ako sa panganib. Pero ang pagkitil ng buhay? Gosh, Dark! Huwag mong ilagay ang hustiya sa mga kamay mo! Alam kong may kakayahan kang higit pa sa isang tao! At 'eto lang ang masasabi ko, sana inisip mo muna ang magiging kahihinatnan ng mga kilos mo!"
Napayuko si Dark nang maalala ang mga bagay na kanyang ginawa kasama si Fourteen at ang pagpatay nila sa kanilang mga kaklase. Kahit na mga inosenteng tao ay nadamay sa kanilang paghihiganti.
"A-Ako... ako ang pumatay sa ilan sa kanila..." pag-amin nito. "Ako kumitil ng buhay nina Wad... m-masyado nang maraming atraso ang gago'ng 'yon sa'yo... Ako rin ang nag-chop-chop sa katawan ni S-Spade..."
Halos pumiyok na ang boses nito nang maala ang mga karumal-dumal na kanyang ginawa sa mga biktima.
"Blame me all you want, Chase pero hindi talaga naging patas ang buhay... ang mga tao. Madali lang sa kanila ang manakit pero hindi nila iniisip kung anong magiging kahihinatnan ng mga kilos nila..."
"Imagine, nanahimik ka sa isang tabi tapos bigla ka nilang guguluhin dahil lang sa gusto nila. Ikaw ang nasaktan at ikaw pa ang magdudusa pero hindi nila aalamin kung okay ka lang ba kasi wala naman silang pake sa'yo..."
"Malapit ka nang sunduin ni Kamatayan pero wala ka pa ring ginawa... ang unfair naman na halos malagutan ka ng hininga tapos 'yong mga taong nanakit sa'yo ay malayang nakakapaglakad-lakad lang na parang wala lang sa kanila. Sa mundong 'to, laging talo at hindi magwawagi kailanman ang nanahimik at mahihina ang loob.
"Hinayaan ka namin no'ng una. 'Yong mga pambubully at pagiging marahas ng mga tao sa paligid mo, pinalagpas pa namin 'yon pero no'ng mga sumunod ay hindi ko na nakayanan at lumabas na kami para iligtas ka... hindi ko naman sukat akalain na may isang tao na katuulad ko."
"... na ang tanging hangad ay makapaghiganti sa mga nang-api sa atin... sana sa huling pagkakataon ay mapatawad mo ako, Chase... nagpadala ako sa emosyon at matinding galit. Hindi ko na inisip ang ibang bagay bago ko gawin ang pagpatay..." sinserong paghingi nito ng tawad.
Mabilis nagbago ang naramdaman ni Dark nang sandaling maalala nito ang kanyang mga ginawa para kay Chase.
Bigla itong nakaramdam ng kirot at hindi maipaliwanag ang magkahalong emosyon na nararamdaman niya ngayon.
Muli, parang hinigop ang katawan ni Dark at nawala ito na parang abo at dinala ng ihip ng hangin.
Napaluhod na lang si Chase nang sandaling makita na siya na lang ang bukod tanging nakatayo. Nanghihina ang tuhod nito at wala sa sariling napaluhod.
Nararamdaman nito ang bigat ng kanyang emosyon sa kanyang dibdib habang nakatingin sa kawalan. Dito na bumuhos ang kanyang luha, walang tigil ito sa pag-iyak sabay nilapitan ang nanghihinang katawan ni Kirl.
Muling bumalik ang malay nito.
"K-Kirl, kaya mo pa?"
Mahinang pagtango lang ang sinagot ng binata bago nito muling sinara ang kanyang mga mata. Ramdam ni Chase na nagpapahinga lamang ito dahil ramdam pa rin nito ang paghinga ng kasama lalo na't nakatarak pa rin ang kutsilyo sa kanyang dibdib.
Bang!
Napatulala ang lalakeng si Chase, at hindi nito inasahan ang tunog ng baril.
Nang sandaling lingunin nito ang kanyang likuran ay dito niya nakita si Fourteen na nakatutok ang kalalabas lang na usok mula sa nguso ng kanyang baril.
"Fourth..." mahinang bulong ng binata, waring hindi makapaniwala sa ginawa nito na kanyang kinilalang kaibigan.
Wala man lang pagsisi na makikita sa mukha ni Fourth, at binigyan niya pa ito ng nakakalokong ngisi habang nakatutok pa rin ang baril dito.
"Sorry, Chase... pero ang sakit lang na marinig na tawagin mo akong mamatay tao---"
Sa muling pagkakataon ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng barill na siyang maririnig sa buong gubat.
Putok ng baril na hindi alam kung sino ang tinamaan... At kung sino ang malalagutan ng hininga...
Revenge, although often portrayed as satisfying, is a sad fact of human nature. It perpetuates a cycle of violence and hurt, leaving no room for healing or growth. In the end, seeking revenge only brings temporary satisfaction, while ultimately causing more pain and sadness.
Their story just reached a dead end.
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top