Trouble 27

Chapter 27: Truth

Ezequiel Chase

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng area at wala ni isang teacher o facilitator ang nahagilap o nakita ko man lang.

Wala ring tao sa kampo ng mga kaklase ko na ibig sabihin ay wala pang isa sa amin ang nakakatapos ng laro.

While running towards the exit, I realized that the exit had been blocked and that security was missing. Nakakahingal na katatakbo sa loob ng premises, trying to seek help in a creepy place.

Hindi ko na alam kung paano ito masosolusyunan. I don't know which body Dark possessed when he started killing my classmates.

Mabibilis na hakbang ang aking ginagawa dahil ayaw ko nang magsayang ng oras sa panahong 'to. Nasa peligro ang buhay ng mga kaklase ko. Aminado akong hindi ko sila gusto pero nakaka-konsensya naman kung hahayaan ko silang pagpapatayin ni Dark dahil lang sa pambubully nila.

Yes! Andiyan 'yong kagustuhan kong makaganti pero hindi sa ganitong paraan na gusto ko nang pumatay.

They're still humans. Lahat naman ng tao ay may karapatang mabuhay. Hindi naman lahat ng tao ay magugustuhan ang presensya ko at ako rin naman, hindi ko nagugustuhan ang presensya ng ilan sa tao na nasa aking paligid.

Pero hindi kaya ng konsensya kong pumatay.

Paliko na sana ako nang walang ano-ano'y nakarinig na lamang ako ng ingay mula sa isang establisyimento mula sa isang two-storey house.

Agad akong lumapit dito at habang papalapit ay mas lalong lumalakas ang boses na aking naririnig.

Nang sandaling buksan ko ang pintuan ay nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang hilera ng katawan ng aking mga kaklase at guro na nakatali ang mga tiyan, paa at may busal ang mga bibig.

Dali-dali akong tumakbo sa kinalalagyan ng katawan ni Sir Jim.

"Sir Jim! Ano pong nangyayari?" I quickly removed the tape from his mouth and slowly untied the strings from his hands.

"Si C-Cassie ang may gawa nito!" he answered.

Mas lalo ako nagulat sa kanyang tinuran.

Ibig sabihin ay si Cassie nga ang sinaniban ni Dark? Pero sigurado ba talaga siya sa kanyang nakita?

"Po? Sigurado po kayo na 'yong may hawak ng camera ang may gawa niyan?"

"Sigurado ako! No'ng nakita niya akong nag-iisa ay agad niya akong nilapitan at tinurukan ng pampatulog."

Nang matapos kong tanggalin ang pagkakatali ng pisi sa kanyang katawan ay agad naman nitong tinulungan ang iba pa.

Nagtungo na rin ako sa iba kong kaklase at mabilis na tinulungan ang mga ito.

"Ako rin, Chase, napahiwalay ako sa pares ko kanina nang bigla siyang lumapit sa akin at tinakpan ng panyo ang ilong ko. Tapos paggising ko ay kasama ko na sila!" pag-amin ng isa kong kaklase.

"Ako rin," sambit ng isa pa.

Binalingan ko ng tingin si Sir Jim na kasalukuyang tinutulungan ang iba pang mga nakatali rito.

"Sir Jim, kailangan kong umalis. Hahanapin ko si Cassie, kailangan ko siyang makausap!"

Akmang aalis na sana ako nang isang kamay ang agad na humawak sa aking braso. Si Ma'am Queshara...

"Chase, delikado! Dito ka lang," saad nito sa malambing niyang boses.

"Sorry, maam, pero kailangan kong umalis. Ako lang ang makakapigil kay Cassie sa balak niyang gagawin."

Hindi na ako nagpatinag pa sa sinasabi nila, dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay at hindi na pinakinggan ang mga mga pinagsisigaw nila sa akin.

Alam kong pinipigilan nila ako sa balak kong gagawin pero laban ko 'to at ng aking sarili na kailangan nang matapos.

Hinding-hindi ako papayag na sa laban'g 'to, ako ang dehado.

-———-««۝»»———-

Fourteen

HINDI pa ako tapos makipaglaro pero na-bo-bored na ako.

Ang bibilis kasi mamatay ng mga kaklase ko. Wala man lang 'yong mala-Cardo Dalisay na nine lives para exciting ang patayang mangyayari. Gusto ko rin kasi ng mala-Scream o Chainsaw Massacre na naghahabulan ng biktima at doon na uulanan ng saksak o aalisan ng buhay.

Pero wala, eh?

Wala tuloy excitement sa ginagawa namin.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa isang taong nakakaalam ng nakaraan ko. Nakaka-excite naman, all this time alam niya pala ang nakaraan na meron ako. Kaya ginamit namin siya para hindi paghinalaan ng marami.

Nasa harap na ako ng abandonadong nipa hut dito sa gubat at dahang-dahang naglalakad papasok sa nasabing establisiyemento.

Unang nahagilap ng aking mga mata ang isang babaeng nakatali sa poste sa loob at may busal ang bibig nito.

Kita ko ang ilang beses niyang pagtangkang tanggalin ang tape sa kanyang bibig pero hindi niya magawa. Panay rin ang paglilikot nito na akala mo ay makakatakas siya sa gano'ng paraan.

Nang nasa entrada na ako ay agad kong napansin ang isang itim na pigura na nakaupo sa gilid. Kita ko ang mala-demonyo nitong ngisi na waring nanalo sa isang laban.

"Hey, Dark, kamusta ang ating plano?" I asked.

He stood up and gave me a creepy smile."Nagawa ko na ang plano. As you said, saniban si Cassieat gamitin ang mukha ni Chase para lituhin sila. I already killed Tiara, ikaw ba?" he asked.

Hindi ko alam pero nagagawa niyang makapasok ng katawan ng iba at siya na mismo ang gagamit nito. Kaya niya ring ipakita sa biktima niya ang mukha ni Chase kahit nasa ibang katawan siya.

Gaya no'ng una niyang pagpatay kay Wad. Ginamit niya ang aking katawan pero mukha ni Chase ang nakikita ni Wad no'ng mga sandaling 'yon.

Ako na ang pumatay kay Liane na bida-bida since no'ng mga panahong 'yon ay si Chase pa rin ang suspek ng lahat. I just need to be quiet and sneaky to get rid of that feeling actress.

Si Dark din ang pumatay kay Spade gamit katawan ko. Nakasunod kami kay Chase that time dahil nando'n pa rin 'yong kagustuhan niyang bantayan namin ang totoong may-ari ng katawan niya. Ayaw ko namang sirain ang kasunduan namin.

Kita ko kung paano magalit si Dark no'ng pinatay niya si Spade. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa makita niyang hindi na ma-hitsura ang mukha nito.

Three of my classmates have become the devil's comrades. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit dulot ng ginawa nila sa akin dati.

I was just a simple journalist back then. But I ended up being the target of those shits.

I WAS just walking silently in the construction area at the back of the premises.

Walang masyadong tao dahil Linggo at walang trabaho ang mga construction worker. Sobrang maaliwalas ang paligid at tanging huni lang ng mga ibon ang aking naririnig lalo na't ang likuran ng ginagawang gusali ay kakahuyan na.

Nasa ikalawang palapag ako ng building at masayang kumukuha ng mga litrato para sa gagawing school paper namin ngayong taon.

Ako ang gagawa ng headline at photographer na rin para sa nasabing proyekto.

Marami na rin akong nalathalang artikulo na siyang hinangaan at kinabiliban ng karamihan lalo na ng mga guro sa eskwelahang 'to.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan ay ako rin ang tanyag na manunulat sa pen name na @mr. yoso sa isang kilalang pahayagan sa aming bayan at tinatalakay ko roon ang mga masasalimuot na nangyayari sa aking kapaligiran. Ako rin ang nagiging dahilan kung bakit usap-usapan ang aming tabloid na pinapakalat sa buong lugar.

Hindi ko mawari ngunit sa munting edad ay mulat na ako sa reyalidad ng buhay.

Reyalidad na minsan ay hindi maintindihan ng lahat.

Kumuha pa ako ng mga litrato sa construction site at sa sumunod na minuto ay hindi ko inaasahang pangyayari ang aking malalaman.

Rinig na rinig ko ang naghihiyawan sa likuran ng kakahuyan ang hindi ko pa mapangalanang grupo. Mukhang nagkakasiyahan ang mga ito dahil ilang beses akong nakakarinig ng tawanan at sigawan na parang sila lang ang nandito sa lugar na 'to.

Maingat akong pumasok sa isang bakanteng silid at may mga kable pang naroroon na nakatambak lang sa gilid. Halos gawa na ang silid ngunit wala lamang iyon ng mga bintana at pintuan.

Nang mapagawi ako sa bintana ay tanaw ko sa baba ang grupo ng mga... estudyante?! Pamilyar ang ilan sa mga mukha sa akin dahil halos lahat ng mga nandoon ay Section Periwinkle!

Nakaupo ang mga ito sa malalaking putol na kahoy, nakapalibot ang mga ito sa isang malaking bato na korteng bilog at doon nila nilagay ang mga pulutan, baso at inuming nakakalasing. Pero ang hindi ko inaasahan ay mga ilang pakete ng drugs ang nagkalat doon. May ilan sa kanila na nakatihya na sa puno at parang nasa impluwensiya na ng droga dahil nakatulala lamang ito. Maya-maya pa ay bigla-bigla na lang tatawa o 'di kaya ay ngingiti. May nakita rin akong babae na nakakandong sa kanyang kasamahan at walang tigil ito kauulan ng halik sa pisnge nito.

Grabe! Hindi ba nila alam ang paghihirap ng mga magulang nila? At the very young age, nagagawa nilang mag-bisyo at gumamit ng ipinagbabawal na gamot?

Mga kabataan talaga ngayon, hindi na marunong magpahalaga sa sakripisyo ng magulang.

Agad kong hinanda ang camera'ng dala ko at itinutok ang lente sa p'westo ng mga kabataan.

Ngunit sa ingay na gawa nito ay naagaw ko ang atensyon ng dalawa sa kanila.

"Hoy, sino 'yan?!"

"Bro, habulin natin! Baka ibuking tayo no'n sa principal!"

Wala na akong sinayang na minuto pa. Agad akong kumaripas ng takbo pababa ng building ngunit napatigil ako dahil maaaring makasalaubong ko sila pababa at maaaring dumaan ang grupong 'yon at p'wede nila akong mahuli.

Dahil sa kaisipan kong 'yon, mas minabuti ko na lang na umakyat papuntang third floor kahit hindi pa ito tuluyang natatapos.

Walang tigil ako sa katatakbo hanggang sa marating ko ang isa sa tambakan ng mga plywood, pintura, at pipes.

Agad akong nagtago sa nakasandal na plywood sa may dingding. Isinilid ko ang aking sarili sa korteng triangulong espasyo at pinigilan ang sarili na huwag gumawa ng ingay.

Pilit kong pinigilan ang aking sarili na hindi rin gumalaw. Tinakpan ko ang aking bibi at pumikit na ako sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Nasa peligro ang buhay ko at wala akong mahihingan ng tulong! Gustuhin ko mang sumigaw ngunit alam kong wala akong mahihingan ng tulong dahil malayo ako sa gate ng eskwelahan at wala ring guwardiyang naka-distilo ngayon.

Ilang beses na akong napadasal sa Taas na sana hindi ako mahuli.

Makalipas lamang ang isang minuto nang may naririnig na akong ingay mula sa kalayuan. Mula sa hindi maintindihang sinasabi, nagiging klaro na ang kanilang usapan palatandaan na malapit na sila sa aking kinalalagyan.

"Wad, sigurado ka bang nandito pa 'yon? Marami siyang p'wedeng daanan kung sakali. Baka nakaalis na 'yon?" boses ng isang lalake.

Nakarinig ako ng pagbuntong hininga, "Spade, sure akong nandito pa 'yon. Tara, tawagan ang iba para hanapin ang babaeng 'yon!" pagalit nitong tugon sa kasama.

Nakarinig na lang ako ng sunod-sunod na mga yabag papalayo sa aking p'westo.

Mariin akong napatakip sa aking bibig habang pinipigilan ang aking paghikbi.

Nakakatakot.

Kahit estudyante sila ay hindi pa rin ako sigurado kung mabubuhay pa ako dahil baka may kaya silang gawin para lang protektahan ang kanilang mga sarili at dignidad.

Dahan-dahan akong lumabas sa aking p'westo at maingat na hindi makagawa ng ingay. Halos makain ko na ang alikabok sa pinagtataguan ko.

Iniiwasan kong gumagawa ng ingay habang naglalakad papunta ng doorway. Napalinga-linga ako sa aking kaliwa't kanan, sinisigurado na wala na sila bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nang sandaling pababa na ako ng hagdan ay hindi ko sukat akalain ang sumunod na nangyari.

May biglang humila ng buhok ko dahilan para bumagsak ang katawan ko sa sahig.

"Guys, I catch her na!" boses ng babae. "Wad! Spade! Marc!"

"Bitawan mo ako!" sigaw ko ngunit naging bingi ang babae at patuloy na hinila ang buhok dahilan para maramdaman ko na halos matuklap na ang aking anit sa sobrang sakit.

Sunod-sunod na sigaw ang nagawa ko dahil sa sakit ng aking anit at kabang nararamdaman.

Dumating na ang mga taong kanyang tinawag at dito na ako nawalan ng pag-asa. Pero bago pa man nila ako mahila sa loob ng k'warto kung saan ako nanggaling kanina, kita ko ang isang pigura sa kalayuan na halatang gusto niya akong tulungan ngunit takot din siya.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao sa sobrang galit habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan na naging dahilan ng pagbabago ko.

Matapos ang paghila-hila ni Liane sa buhok ko, ilan do'n ay napunit dahilan para dumugo ang aking anit. Sunod-sunod na pang-aabuso ang natanggap ko no'ng araw na 'yon.

Nariyan ang pag-gahasa sa akin nina Wad, Spade, Marc, Jason at ilang lalakeng galing ng section Periwinkle. Ilang beses nila akong ginalaw. Sina Liane, Mariz, at ilang babae naman ay parang mga scientist na ini-eksperimentuhan ang aking katawan. Nilaslas nila ang aking balat at walang tigil na sinaktan at sinugatan ako sa gusto nilang paraan hanggang sa masiyahan sila.

Kinuha nila ang camera ko at ginamit ito para kuhanan ako ng retrato. Then they uploaded it to social media, but it was removed after it became viral.

Hindi ko namalayan at naramdaman ko muli ang pagkirot ng aking dibdib dahil sa nakaraang gusto ko nang ibaon limot.

But those bastards are smiling and living their lives to the fullest, acting like nothing happened before.

Muli akong napatingin kay Dark na ngayon ay nakatingin kay Cassie na tumigil na kakalikot dahil siguro pagod na ito.

A creepy smile was displayed on my face.

"I'm just getting started, and I'm giving them nightmares already..."

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top