Trouble 22

Trouble 22: The Xixi Case

Ezequiel Chase

NANDITO kami ngayon sa clinic. Naka-bandage na ang p'wedeng ma-bandage sa buong katawan ko. Ang dami ko na namang band aid at dinaanang betadine ng nurse.

Napatingin ako kina Kirl at Rapper na panay landian sa katabi kong kama.

Yeah, I admit it. Nakakainggit dahil may nag-aalala sa'yo. Pero sana naman konting respeto sa katulad kong single! Nakakainis ang presensya nila minsan!

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi pa rin sila tapos. Wala namang sugat si Rapper atsaka ako 'yong napuruhan pero lugi pa rin sa atensyon. Kidding!

"Ano ba, tots! Si Chase dapat ang kamustahin natin. Kita mo 'yong pasa at sugat do'n sa tao, oh," napatingin si Kirl sa direksyon ko at mabilis na lumapit sa akin.

He was about to hug me when he remembered that I had a lot of scratches and wounds.

"Sorry... Pero thank you again for the nth time... Chase, you really are our hero. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung hindi ka dumating no'ng oras na 'yon!" Pagpapasalamat ni Kirl sabay gulo ng buhok ko.

"Sorry rin, Chase. Masyado akong naging tanga. Nag-air pods pa ako sa daan. Hindi ko tuloy natunugan ang paparating na truck," ani 'to.

"Okay lang 'yon. Good thing I saw you on the street. Basta, huwag mo nang uulitin 'yon. Ako 'yong nataranta kanina..."

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Kamuntik-muntikan nang ma-hit and run ang isang 'to. Ang isa pa sa nakaka-imbyerna ay hindi man lang tumigil ang truck para humingi ng despensa sa nangyari.

Tumakbo lang ito at hindi na tumigil. Nakaka-inis talaga ang driver na 'yon. 'Pag 'yon nahuli namin, sigurado akong kulong talaga bagsak no'n.

Good thing, Rapper and I crossed paths this morning. Kung hindi baka may mawala na naman isa sa mga kaklase ko.

Matapos ang pag-stay ko sa clinic ng isang oras.

Napag-desisyunan kong magtungo muna sa library para sa huling tingin kung meron pa ba akong makukuhang kahit ano pang information.

Nasa entrada pa lang ako pero ramdam ko na ang bigat ng aking katawan dahil sa nangyari kanina sa daan.

I quickly head to the school information shelves just to make sure na wala akong nalaktawang libro o papeles.

When I was about to grab some papers, a presence stopped my hands in midair.

Napatingin ako sa aking likuran at hindi makapaniwala sa aking nakita.

The girl Kirl and Rapper were talking about. Si Cassie!

She awkwardly smiled, "Ah, h-hi, Chase..." Then she shyly waved her hand.

"Cassie, r-right?" Kinakabahan kong tanong.

"Yes... naalala mo pala ako."

"It's good to see you. The first time I saw you was in Ms. Delmento's office, right?"

"Ahh, yeah, r-right...." Ramdam ko ang awkwardness sa aming dalawa. "Bakit ka pala nandito? May klase pa, ah."

"I know... pero may isang bagay kasi akong hinahanap patungkol sa mga kaklase ko na nangyari dati. Something happened years ago?"

"Hindi mo pa ba nahahanap?" She curiously asked.

Napailing naman ako, "Hindi, eh. Puro kasi achievements ang nandoon ng school throughout the years. Wala akong mabasang kahit anong balitang related sa batch ng section ko."

"Batch ng s-section mo?"

I nodded. "I really got curious kahapon when one of my classmates spilled the dark truth that had happened before."

"Did you just discover The Xixi Case?"

Nangunot ang noo ko sa kanyang tinuran. The Xixi Case?

"The Xixi Case? Ano 'yon?"

Cassie came closer, and she leaned her face on my ears. "It's a secret case, but if you want to know what really happened before, just follow me..." Utos nito.

Nauna siyang naglakad na agad ko namang sinundan. Dinala niya ako sa pinakadulong parte ng library na kung saan hindi abot ng ilaw ang pinaka-corner nito.

Hindi ko na nakikita si Cassie nang sumuong ito sa dilim na walang dalang ilaw.

Natigil naman ako't nanatiling nakatayo sa aking p'westo at hinihintay ang paglabas ng aking kasama.

Ngunit nakaramdam na ako ng kaba dahil ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong nakikitang pigura. Nakakarinig lang din ako ng pagkalansing ng matitinis na bagay sa dilim.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakatakot ang gawing parteng 'to. Hindi na masyadong abot ng ilaw at p'wedeng gawan ng milagro rito.

"Chase," nagitla ako nang isang boses ang aking narinig. "Halika..." She commanded me.

Agad ko namang inilabas ang aking telepono at binuksan ang ilaw nito.

Nang sandaling itinapat ko ito sa gawi ng dilim, hindi na ako nagulat abot hanggang sa sulok ang shelves. Pero ang ikinagulat ko ay ang isang secret lagayan na nasa sahig.

Hindi ko alam kung gaano kalalim ang butas sa sahig pero may takip itong hugis parisukat na gawa sa semento na kakulay ng sahig.

She showed me the paper and said, "Picturan mo na lang. And then mauna ka nang lumabas."

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Nilapag ko muna sa sahig ang pahina ng newspaper at kinuhanan ito ng litrato.

Kahit madilim, may flash naman ang camera, at isa sa pinagsasalamat ko ay sobrang clear ng mga images. Thank, God, super ganda ng phone na binigay nina Rapper at Kirl.

Matapos ang lahat ay nauna na akong naglakad palabas at muling bumalik sa p'westo ko kanina.

I tried to act normal, and after a few minutes, Cassie came out and sat calmly on a chair near me.

Tumabi ako sa kanya.

"Bakit may hidden butas dito sa library?" Agad kong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam. Pero no'ng nagliliwaliw ako dati rito sa library. Natuklasan ko na lang 'yon. Baka nga kahit principal ay hindi alam 'yon," she explained..

"That's crazy! Hindi ba parang weird 'yon?"

"Yeah, it's weird pero hanggang ngayon ay wala pa naman akong nakitang more weird habang may tinatago roon."

"And next thing, how did you know about the issue before?" I curiously asked.

"Actually, it's one of the cases na tinago hanggang sa malimot. It involves the story of a mystery publisher and a dead student."

"Mystery publisher?"

"Yes! A dead body was found in an abandoned building at the back of a highschool. Pero hindi pa 'yon abandoned dati, under construction pa lang siya. No'ng nakita raw ito ng teacher, agad siyang umaksyon kasama ang ibang teachers, and they covered up the murder. They named the found body as Xixi kasi walang pagkakakilanlan ang babae. Wala ang ID or any information sa victim."

"Mas lalong nahirapan ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan sa biktima dahil no'ng araw na nakita ang katawan, marami ring mga babae ang nag-transfer, nag-drop out at bigla na lang nawala. Wala rin namang nag-claim sa katawan kaya ang nangyari ay nilibing nila ito sa pangalang Xixi."

My brows creased. "Xixi?"

"Yep! The teacher saw the body on November 11. That will be eleven-eleven. In Hindi, numbers 11 are equal to letters X and I, X for ten and I for one. Then the teacher combined and doubled to get the name Xixi. And that is why it was named The Xixi Case."

"Pero no'ng time na sinabi ko na batch ng section namin. And why do you think of this case?"

"Dahil ang mystery publisher ay naglathala ulit ng isa pang pahayagan na kung saan nakasaad doon na nasa section Grade 10 Periwinkle ang suspect. Walang sinabing ibang clue 'yon lang. Then years later, mostly sa Periwinkle ay magkakaklase pa rin hanggang ngayon. At 'yon ay ang mga kaklase mo na ngayon."

"Hindi pa rin ba nagpapakilala ang mystery publisher?"

Umiling ito, "Nah. No traces kung sino siya. Ang alam ko lang ay hindi na siya nagparamdam sa ikatlong pagkakataon."

Napapakagat labi na lang ako habang iniisip ang kasong 'to. Masyado namang komplikado ang lahat. Alam kong hindi pa rin tuluyang na-ku-k'wento ni Cassie ang lahat ng nangyari pero nakukuha ko na ang ibig sabihin ng sinabi ng ilan sa mga kaklase ko.

So it really means ay nasa section namin ang posibleng pumatay kay Xixi?

Kung pagbabasehan ang away nina Jason at Kirl, sangkot nga ang ilang tao na nasa section ko ngayon sa nakaraang murder dati.

Gulat akong napatingin kay Cassie at hindi makapaniwala sa aking nalaman.

Ngayon na alam ko nang may something sa section, posible kayang kapamilya ng namatay ang naghihiganti? But no one claimed the dead body of Xixi.

Argh! Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang frustration sa kaiisip sa kasong 'to. This is literally driving me crazy!

"Okay ka lang, Chase?" She asked curiously.

I nodded, "Ahh, oo! Okay lang ako. Thank you pala sa information na binigay mo. I need to go. See you around..."

I even mouthed my apology to her before I headed out of the library.

Grabe ang nalaman ko ngayon.

Sina Kirl at Rapper ay may kinalaman dito. They already gave me a hint, and for sure, they will never tell me the truth.

I need to figure out how to catch the culprit. It might take a long time pero kailangan.

Naglakad na ako papasok ng room and tried to act like nothing happened. But syet lang! Nanginginig talaga tuhod ko knowing that the people here are not saints.

Naupo na ako sa aking upuan at wala pa rin ang teacher namin. Napalingon naman si Fourth sa akin na sobrang gulat.

"Oh, hi, Chase! Bakit ngayon ka lang?"

"I w-went to the library to check something." I answered.

"Wow, at kailan ka pa naging nerd?" Alam kong nang-aasar siya. Kaya tumawa ako ng peke.

"Hindi ba p'wedeng may tiningnan lang? 'Tsaka hindi ako mahilig magbasa ng libro, 'no?" I sound so defensive when I answer him again.

Natigil naman kami sa pag-uusap nang pumasok na ang guro namin at nagsimula na nga ang klase.

Hindi na ako mapakali sa mga nangyayari. I tried to focus on our lesson pero laman ng utak ko ang nalaman ko ngayon lang.

I even took a glance at Kirl and Rapper na halatang nahihiya pa rin sa kanilang paligid.

As much as possible, I want to keep these exposed secrets to myself. I trust no one, kahit si Fourteen pa 'yan.

Nagpatuloy ang klase at nang sandaling nag-ring ang bell, pero hindi pa rin umaalis si Mrs. Reya.

She stopped teaching and looked at us seriously.

"So, as a first year college student, we will be having a camp next week. I expect that this class will participate in this activity. This will be two nights and two days of activity, so mag-impake na ang lahat. Lahat kasali, walang rason na hindi kayo sasali dahil bayad na 'to ng munisipyo na activity," Teacher Reya announced.

Iba't-ibang reaskyon ang namutawi sa mukha ng ilan. May ilan sa kaklase ko na natuwa, na-excite at may ilan din na ayaw makapaniwala.

Like seriously? Magkakaroon sila ng ganitong activity at kamamatay lang ng ibang estudyante?

Then someone raised a hand. "Miss, saan po gaganapin ang activity?" Mayya asked excitedly.

"Not sure pa pero isa pinagpilian namin ay ang Mariano's Wild and Green Forest. Half an hour lang ang biyahe kaya walang problema. So, that would be all and again, start packing your stuff for two days of activity. Good morning and thank you, class!"

As Teacher Reya left, rinig ko ang excitement sa ilan naming kaklase.

Gusto ko sanang umayaw pero sinabi na ni Teacher Reya na lahat kami ay dapat sumama.

Napabuntong hininga naman ako habang napapatingin sa ilan naming kaklase.

At least, hindi lang ako ang hindi excited.

"Sasama lahat. I hope nothing happened on that day." I heard Fourteen whisper on my side.

Yeah, I've been thinking the same. Isa 'to sa ayaw kong mangyari.

I quickly packed my things and prepared myself to exit the class when my eyes noticed something familiar.

Bigla akong kinilabutan at hindi makapaniwala sa aking nakita.

Shit! Is this real?

Nililipad ng hangin ang mahabang buhok ng babae at kahit na hindi ito nakaharap sa akin. Alam ko kung sino ito.

Sumisikip ang aking dibdib at parang mawawalan na ako ng hangin nang tuluyan na siyang makalampas sa amin.

I ran as fast as I could.

Nang makalabas ako ng classroom ay wala na akong naabutan.

Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking dibdib nang maalala ang mukhang 'yon.

"Mama..." I whispered.

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top