Trouble 2
Chapter 2: Drown
NAKAILANG buntong hininga na ako habang nakatingin sa harapan ng salamin.
Alam ko sa sarili ko na hindi lang parte ng imahinasyon ko si Ryder na narinig ko kahapon na nagsasalita. Sa mga sinabi niya kahapon ay mukhang nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin.
Ryder is not a product of my imagination because he's part of me.
A part of me doesn't know where he came from. Mas lalo tuloy akong nalito sa aking sarili.
Since I was eight, I heard different voices in my head. Pero nawala rin sila ng ilang taon at kahapon ko lang muli siya nakausap. Pero sigurado akong hindi si Ryder ang aking narinig nang gabing 'yon sampung taon na ang nakalipas.
His voice was different from Ryder's.
Napasubsob na lang ako sa lamesa dahil lalo yatang sasakit ulo ko kaiisip ng nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na bugbog sarado ang tatlo.
At sigurado akong ako ang may gawa no'n dahil malabong may ibang tao pa kahapon sa field na tumulong sa akin.
Alas siyete pa lang ng umaga at may ilan na sa mga kaklase ko ang narito. At kahit mukha akong walang pake sa nnagyayari sa aking paligid. Nasa mga kaklase ko naman ang aking atensyon at rinig ko ang pinag-uusapan nila. At 'yon ay ang nangyari kahapon.
"Grabe 'yong nangyari kahapon, 'no? Sina Spade, Rake at Dibbler, bugbog sarado."
"Sinabi mo pa. Pero mabuti na rin 'yon dahil ang sisiga ng mga lokong 'yon. Feeling nila, sila ang may ari ng eskwelahan. Atleast, nagulpi na rin ang mga farm tools."
"Pero sino kaya 'yong nanglaban sa kanila? Ang galing lang dahil nagulpi niya ang tatlo."
"Oo nga, eh. Ang astig!"
"Jusko, nagpapasalamat na lang ako kasi hindi ko rin maatim ang pambubully nila! Atleast do'n ay parang nakaganti na rin 'yong mga suki nila sa mga pambubully."
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko kahapon.
Compliment 'yon para sa mga lalaki pero isang karahasan daw 'yon para sa mga babae. Aminin ko man at sa hindi, may dating talaga ang tatlong 'yon at sigurado akong may sobrang naiinis na mga babae sa akin ngayon dahil sa ginawa ko sa mga crush ng campus nila kahapon.
Pero hindi ko talaga alam kung papa'no ko sila natalo. I'm still trying to figure out how I beat them.
Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng pagbukas ng pintuan. Napatingin ang lahat dito at nakatayo roon ang isang babae na may dalang papel.
"Everyone, here's our news for today. Phillantians' News Today!" Sigaw ng babae at pumasok. Inisa-isa niya kaming binigyan. "Salamat, 1C!" Saad niya bago umalis ng room.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako nang matanggap ang newspaper. Bakit parang may hindi maganda akong nararamdaman dito. Nanlamig ako nang mabasa ang headline ng news ng school.
'Three Guys Being Beaten.'
Pero ang mas ikinagulat ko ay ang larawan na nakakabit dito. Nakatalikod ako sa camera habang sinusuntok si Spade. Klarong-klaro ang pagkakuha sa larawan.
Pero hindi naman siguro ako makikilala nito?
Hindi ko na binasa ang nilalaman ng artikulo dahil baka mahuli ako ng lahat na ako ang suspect kahapon. Itinago ko na lang 'yon sa aking bag.
Muli ko na sanang isusubsob ang aking mukha sa lamesa nang tumayo ang isa kong kaklase habang nakahawak sa kanyang telepono.
"Guys, Ma'am Queshara texted me na magtungo raw ngayon sa pool area para sa swimming lesson. We should be there in fifteen minutes. Wear your uniforms in swimming," saad niya bago nagtayuan ang iba.
Wala na akong nagawa nang magsilabasan na ang lahat.
Agad kaming nagtungo ng swimming area. I opened my locker and picked up my swimming trunks and goggles. Nagbihis ako sa banyo bago nagtungo sa swimming pool.
Bago pa man ako tuluyang makaalis ay napahinto ako nang makita ang aking sarili sa salamin. I tried to flex my muscles but to my disappointment, I saw a skinny arm. I get it, patpatin talaga ako.
Before heading to our swimming class, I let a soft sigh out of my mouth.
Malaki ang pool kaya kasya kaming lahat na twenty-five kung sabay-sabay man kami na maliligo lahat.
Hindi pa man ako nakakalapit nang marinig ko ang ilan sa mga tilian ng babae at tawanan ng mga lalaki. Alam kung nag-aasaran o 'di kaya ay nagpapagandahan na sila ng mga katawan. Hindi ko alam kung sino sa amin ang may magandang katawan since first time namin ngayon mag-si-swimming lesson.
"My god, boys. Wala man lang sa inyo ang may abs. Ab lang ata ang mayroon kayo, eh," Lianne mocked us all boys with her tone.
"Meron kaya ako. Natakpan nga lang ng taba!" Pagbibiro ni Wad.
"Oo nga. Wala ni isa sa inyo kahit ilang umbok man lang. Ang papayatot at ang tataba niyong lahat," napatingin ako kay Maris.
Masasabi kong maganda nga ang katawan ng mga babae. Kahit flatchested ay may curve naman ang mga ito.
Muli na naman sana silang magbabangayan nang marinig namin ang pagpito ni Ma'am Queshara. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Okay, Class 1C! I want boys and girls to separate!" Ma-awtordad niyang wika. Agad naman kaming humilera, dose na lalaki sa right side ng pool at nasa kabila ang thirteen na babae.
Para kaming mag-mi-military dahil isang metro ang layo namin sa isa't-isa at maayos na nakatayo. Kulang na lang ata ay magsalute kami kay Ma'am Queshara.
"Who among you knows how to swim?" Tanong nito. Nagtaasan ng kanilang kamay ang iba. Walo kaming hindi marunong sa lalaki at apat ang sa mga babae.
Bakit ba kasi wala akong nakikitang pool o sapa man lang sa tinutuluyan ko? At sigurado akong mangangapa ako ngayon sa pool.
"Okay great. Girls and boys, find a partner... except for Mr. Robles."
Nanlaki ang mga mata ko nang matawag ako ni Ma'am Queshara.
Shoot!
Mukhang mapapatawag ata ako para sa interrogation dahil kahapon. Alam na ata ng mga guro kung sino ang gumulpi sa mga farming tools kahapon.
Nagsumbong ang mga loko?
"Bakit, ma'am?" Wad asked.
"There is another reason why you are wearing your swimming attire for today." Ma'am Queshara explained while checking our attendance.
"Ano po 'yon, ma'am?" Lianne asked.
"Well, the school is looking for students with a well-built body. Mr. Robles passes my standard. Hindi man siya gaano ka-pormado ang katawan niya. At least, he has the poise and aura of a model." Para akong mabibingi sa kanyang sinabi. Shoot! Akala ko talaga ay ma-i-interrogate na ako.
Pero shoot!
Ayokong maging model ng eskwelahan!
Nakakahiya. Modeling isn't my thing. Mukha akong mamatay 'pag humaharap sa maraming tao. 'Tsaka, kaya lang naman ako nagkaroon ng ganitong katawan dahil sa katatatrabaho ko sa bigasan. Ang payat-payat kaya ng pangangatawan ko!
Mabuti sana kung mayroong kapalit kung magiging model man ako. Eh, plus points lang naman sa extracurricular 'tong gagawin ko.
Napatingin ang lahat sa akin na para isa akong kriminal.
With a deadly glare on his face, Marc asked, "Like seriously, ma'am?".
"Oo nga po, ma'am. Wala sa pormahan ang pagiging model. 'Tsaka wala naman akong nakikitang abs sa katawan ni Chase---" Kirl was cut off by ma'am.
"Are you blind, people? Masyado niyo atang dina-down si Mr. Robles. Why boys? Dahil hindi kayo ang napili? Besides, p'wede naman siyang turuan. Ayusan ng maayos at kaunting retouch ay p'wede nang lumabas ang totoong kag'wapuhan niya. Also, para sa school 'to," seryosong paliwanag ni Ma'am Queshara na nagpatahimik sa lahat.
Nakakatakot magseryoso ang boses ni ma'am na parang mapapasunod ka na lang talaga.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita. "Ma'am, Kirl is right. I don't have abs and ayoko rin ng modeling, ma'am." Buong tapang kong saad dahilan para pagtaasan ako ng kilay ni Ma'am Queshara.
"Don't take their words seriously, Chase. Wala namang mawawala kung susubukan. Screening pa lang naman. Pero ikaw pa lang ang una kong nakita kaya pasok ka sa modeling." Bagsak ang balikat ko nang tumalikod si Ma'am Queshara at naupo sa monobloc. "Okay, let's start our lesson. Mr. Robles, please proceed to the Dean's office. At huwag ka ng magbihis."
Napaawang na lang ang labi ko sa mga huling sinabi ni ma'am. Shoot! Seryoso ba talaga siya roon?
Nagdadalawang isip pa ako pero wala na akong nagawa nang binigyan ako ng nakakamatay na tingin ni Ma'am Queshara.
Dali-dali akong tumakbo palabas ng pool area at nagtatakbo papunta sa principal's office.
Shoot! How I wish na nagbibiro lang si ma'am kanina.
Labag talaga sa loob ko na gawin 'to pero ayaw ko rin naman na ma-disappoint si Ma'am Queshara kaya susunod na lang ako. Screening pa lang naman, eh.
At sigurado akong hindi ako ang mapipili mamaya. Sana nga lang.
Mabuti na lang at wala akong estudyanteng nakikita kaya mas binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo.
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ko habang nakatingin sa pintuan ng dean's office. Masyadong nakakatakot na katukin ang pintuan.
Parang gusto ko na lang umatras dahil kanina pa ako kinabahan at mas lalo itong tumindi no'ng nasa harapan na ako ng office.
Kaya ko 'to. Screening pa lang naman, eh.
Pagpapalakas loob ko sa aking sarili. Nangangatog ang aking tuhod nang napakatok ako sa pintuan. Tatlong beses ko pa naman ginawa ang pagkatok.
Bumukas ang pintuan at inuluwa nito ang isang babaeng pamilyar sa akin. May dala siyang camera at isang newspaper. Nahihiya siyang ngumiti sa akin dahil na rin siguro sa hitsura ko.
If I'm not mistaken ay siya 'yong babae kanina na nag-distribute ng school newspaper kanina.
"Ah, are you Mr. Ezeqeuil Chase Robles?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano.
This girl in front of me is an angel. Her round, brown eyes and thin pinkish lips suited her round face. Sobrang haba rin ng kanyang kulot na buhok na hanggang bewang. At ang kanyang pagka-morena ay bumagay sa kanyang katangkaran.
'Hey!'
Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng boses.
"Ah... Yes. A-Ako nga 'yon..." Utal kong sagot. She replied with a sweet smile before opening the door.
"Ms. Delmento is waiting for you. And she wants to talk to you." Saad niya bago ako iginiya papasok ng office.
Nang marating namin ang p'westo ni Ms. Delmento ay nakatalikod ang swivel chair niya sa amin at nilalaro ang ballpen sa kaliwang kamay. "Ms. Delmento, Mr. Robles is here." Magalang na saad ng babae.
"Thank you, Cassie. You can go." Mahinahong wika ng dean.
"Sige po, ma'am." Nakayukong umalis ang babaeng nagngangalang Cassie.
Ms. Delmento made a turn.
I was surprised to see her. She's like a model with her ponytail hair. With her red lipstick and light make-up, her beauty stands out.
Kung anghel si Cassie, masasabi ko naman na isang diyosa 'tong kaharap ko.
"G-Good morning, ma'am." Kinakabahan kong tanong.
"Sit down, Mr. Robles," agad akong naupo sa kalapit na upuan.
Sinipat niya ang kabuuan ko pagkatapos ay napatingin nang maayos sa aking mukha. Makalipas lang ang ilang segundo nang sumilay sa kanyang labi ang ngiti.
"Ms. Queshara didn't failed me. Maayos siyang pumili." Anito. Gusto kong iyuko ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Isa pa 'tong dean namin.
Parang si Ms. Queshara, mahilig mambola.
"Ma'am, p'wede magtanong." She nodded her head and motioned with her hand. "Plus points lang po ba sa extracurricular ang makukuha ko rito?"
Napailing siya, "No, Mr. Robles. Marami kang makukuha rito. Since you're here. No need to take a long test on each subject. At kung sigurado na ikaw ang mapipili ay wala kang exam na i-te-take at wala ka ring ikabahala sa projects mo." Dito na ako natigilan dahil sa dami ng incentives na ibinigay sa akin.
Kung tatanggapin ko siya ay parang p'wede na akong umabsent hanggang matapos ang isang semester. Maganda ang offer nila pero what about the modeling?
"What about modeling, ma'am?"
"'Yon nga ang problema, Mr. Robles. Kung kakayanin mo ang utos ng head. I must say, medyo mahigpit sila sa mga models. These past sems, may ilang estudyante na nag-quit at nag-aral na lang. But maybe ikaw makakayanan mo. "They can turn you into an instant celebrity," she said.
Napaisip ako sa kanyang offer. A strict training program and lessons for models must be provided before they become a model.
Why should I give it a try? I should give it a chance. Wala namang mawawala... at isa pa. I should get out of my comfort zone.
"So, would you give it a shot, Chase?" she asked.
Buo na ang loob ko. Gagawin ko na.
"Yes, ma'am, I'll give it a shot."
-———-««»»———-
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Ms. Delmento ay agad akong bumalik ng pool area para magbasakali na makaabot pa ako sa swimming lessons ngayon.
Pagpasok ko pa lang ay wala na akong ingay na naririnig sa swimming pool area. Nang wala na akong maabutan ay minabuti ko na lang na bumalik sa locker para magbihis.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbibihis nang pansin kong parang may taong nakatingin sa akin. Pero binalewala ko na lang ito dahil baka staff lang o napadpad lang dito na estudyante.
Magpapatuloy na sana akong muli sa pagbibihis nang bigla na lang may tumakip sa king ulo dahilan para mandilim ang aking paningin. Panay ang pagpupumiglas ko pero may mga kamay na humawak sa aking mga kamay.
"S-Sino kayo?!" Sigaw ko. Sisipain ko na sana ang nasa likuran ko nang may humawak sa magkabilaang paa ko.
Naramdaman ko na lang na umangat ang aking katawan sa ere. Nagsisimula nang bumuhos ang aking luha at inaantay ang mga susunod na mga mangyayari.
Panay ang pagsisigaw ko ng tulong at pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa akin. Pero sadyang malakas ang nakahawak sa akin dahilan para panghinaan ako ng loob na makatakas pa rito.
Hindi ko alam kung makakaya ko pang sumigaw nang ubod ng lakas. There is nothing but the sound of heavy footsteps, my own breathing, and the vague noise of my surroundings.
Napapikit na lang ako habang inaantay ang susunod na mangyayari.
I already got a hint kung sino ang may gawa nito. Pero alam kong nadagdagan sila lalo na sa nangyari kanina.
Nasa tatlong farming tools o mga kaklase ko ang may gawa nito.
My body felt as if it were thrown somewhere. My whole body was covered in a cold liquid.
I'm running out of air.
I'm drowning.
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top