Trouble 19

Chapter 19: Poisoned

Liane

"WHY? I DON'T GET IT. Why am I the chosen one?" 

Buong buhos ko sa aking emosyon sa sandaling 'to. Naiiyak na ako sa eksena namin. Tumuntong pa ako ng isang baitang sa hagdan sabay taas ng aking kamay na parang may inaabot akong isang bagay sa ere.

"CUT!" The director shouted. Lahat ay napapalakpak at napapasigaw matapos ang aking pagtatanghal sa practice. "Good job, Liane!" The director added.

Napangiti naman ako at agad kong binaba ang hawak kong mga script.

Gosh! Finally, tapos na rin ang practice ngayong araw.

Bumaba ako sa stage at inalalayan naman ako ni Kuya Roland na maingat hinawakan ang aking kamay habang bumababa sa hagdan.

"My gosh, Liane. Ano na lang gagawin namin kung wala ka!" bungad ng direktor nang makalapit ako rito.

"Thank you, Mr. Director." Sambit ko. Ningitian ko na lamang siyang muli at nauna nang naglakad. Katabi ko naman ang aking parang alalay na si Millie.

Nasa likuran ko lamang ito habang dala ang isang bote ng tumbler, towel, at mga papel ko.

Buti na lang at natapos na rin ang practice namin ngayon. P'wedeng-p'wede na akong gumala. Nakakataranta dahil ilang araw na lang at magtatanghal na kami para sa show of the year ng school namin.

I'll be playing Alice in our own version of Alice in Wonderland. Hindi ko alam paano naisip ng writer ang storyline, pero sobrang bonggang ginawa nila sa version na 'to. Ang daming plot twist at ang dami ring revelations na ginawa.

Kaya no'ng nalaman kong may pa-audition sila, hindi na ako nag-atubili pa at sumali na rin ako. Good thing at ako ang napili ng lahat kahit hindi sakto sa hitsura ng totoong Alice ang naiisip ng direktor namin.

Kumbaga, nadaan ko lahat sa akting at galing kong mangumbinse.

Napangisi na lang ako sa aking mga naiisip.

"Millie, uwi ka na. Palagay na lang ng mga gamit ko sa car. Magbabanyo lang ako," utos ko rito pero napatigil siya at tiningnan ako.

"Eh, Ma'am Liane, hindi po ba kayo magpapasama?" She asked politely.

I rolled my eyes at her. "'Di ba, I told you na dumiretso ka ng car? Sinabi ko bang magpapsama ako sa'yo? Just go! Nakakawala ka ng mood!" Pagtaboy ko rito at padabog na umalis sa kanyang harapan.

Grabe, hindi niya talaga naintindihan ang mga sinabi ko? Like, is it really hard?

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at nagtungo sa banyo ng mga babae.

Papasok pa lang ako nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa loob lalo na't nagpatay sindi ang ilaw at nakakarinig pa ako ng ingay mula sa mga nagpupunding ilaw.

Like, that's so hella creepy!

I tried to ignore it and continued walking to the available cubicle. The moment I closed the door, agad kong ibinaba ang suot kong jeans at naupo sa ibabaw ng toilet.

Naiiihi na ako kanina pa.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba pero most of the time, ang banyo ng babae ay minu-minutong may gumagamit pero iba ngayon. Parang wala man lang pumapasok para gumamit. Ramdam kong nag-iisa lang talaga ako ngayon.

Kahit tingnan ko ang ilalim ng mga pintuan ng cubicle ay wala akong nakikitang paa sa sahig. Wala ring gumagamit ng mga salamin. 'Yong tipong nag-me-make up sabay aura dahil may kolorete na ang pisnge.

Napatingin ako muli sa taas dahil muli na namang nagpatay-sindi ang ilaw.

"Ano ba 'yan! Hindi man lang pinapaayos ang ilaw rito. Alam naman nilang may gumagamit sa restroom tapos ganito lang!" Pagkausap ko sa aking sarili.

Patayo na ako at itinaas ang aking jeans ngunit napatigil ako nang mapansin ang ingay mula sa labas ng aking kinatatayuan.

Parang may naglalakad papasok? Mga yabag ng paa pero hindi gano'n kabigat.

Hindi ko alam. Normal lang naman na lakad 'yon pero bigla akong nakaramdam ng takot. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang nakalapat ang aking tenga sa pintuan.

My gosh! Baka nang-pa-prank lang 'to.

Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba.

At dahil lamang ang kuryosidad ko sa kung sino ang nasa labas ay naglakas loob akong alamin kung sino man ang kasama ko sa loob ng banyo.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga at malakas kong sinipa ang pintuan. Nang sandaling bumukas ito ay doon ko lang napagtanto na ako lang pala ang nandito sa loob.

Napatingin ako sa pintuan at wala namang tao roon.

Nang muli akong mapatingin sa salamin, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sandaling may nakita akong pigura ng lalakeng nakatayo sa aking likuran.

Nanlilisik ang mga mata nito na parang papatay sa kahit anong oras.

Hindi ko na nagawang lingunin pa ito.

"Ahhh!" Napatili na lang ako sabay takbo papalabas ng banyo.

Shet! Shet! Shet! Nakakatakot ang nilalang na 'yon!

Napapalingon ako sa aking likuran habang tumatakbo dahil ramdam kong parang nasa likod ko pa rin ang presensya nito. Hindi ko mawari pero para siyang glue na nakadikit sa aking likuran na gusto kong alisin.

Naiiyak na ako sa sobrang takot. Hindi pa rin mawala-wala sa aking isipan ang kanyang hitsura na parang nilalang na papatayin ka sa tingin.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang sandaling may nakabunggo ako. Nakaramdam ako ng sakit sa aking noo dahil sa tigas ng kung ano ang nabangga ko.

"Liane! Anong nangyari?"

Nang i-angat ko ang aking tingin ay gano'n na lang ang gulat ko ng makita ang mukha ng taong nakahawak sa aking balikat.

M-Muli ko namang nasilayan ang nakakatakot na mukha ng nilalang na kakakikita ko lang sa salamin. Nakangiti ito sa akin habang nakatagilid ang ulo nito.

Napa-upo na lang ako sa sahig at mahigpit na napayakap sa aking sarili. Mas pinili ko na ring isara ang aking mga mata at pilit iwasan na tingnan ang nakakatakot na hitsura nito.

"Ahhh! Help! Stay away from me! Ahhh---"

"Liane! Liane! Liane!"

Nakaramdam ako na may yumugyog sa aking balikat dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Ilang beses akong napakurap at dahan-dahang napatingin sa aking paligid.

Nagulat na lang ako nang makita si Vanjo na nakahawak sa aking balikat. Napahiga na ako sa sahig at halos maihi na ako sa aking pantalon.

Ang bigat din ng paghinga ko na parang galing sa isang habulan.

Vanjo hugged me tightly. He even murmured words unto my ears na hindi ko na malaman kung ano iyon.

I catch my breath and let myself calm in his arms.

Nanatiling nakapulupot ang aking braso kay Vanjo at hinayaan ang aking sarili na umiyak.

That's a crappy and creepy experience.

-———-««۝»»———-

LUMIPAS ang araw ay naging mabuti na ang pakiramdam ko at medyo nakaka-move on na rin sa kahindik-hindik na naranasan ko. Alam ko sa sarili ko na totoo 'yong nakita kong multo sa may salamin.

Hindi ko man siya namukhaan, alam kong isa siyang lalake. I didn't expect na sa ganitong panahon ay nag-e-exist pa pala ang mga multo. Kaya minabuti na ng eskwelahan na bendisyunan ang buong theatre para maiwasan ito ulit na mangyari.

Kin'wento ko rin sa lahat ang mga naranasan ko and I'm glad na naniwala naman ang mga kasamahan ko. Kumalat na rin ito sa buong eskwelahan dahilan para matakot ang ilang estudyante at may ilan pang nagtangkang gumamit ng banyo kung saan ako umihi no'ng mga panahong 'yon.

At kahit may nangyaring gano'n, patuloy pa rin ang pag-practice namin, nagpapasama na rin ako sa P.A. ko at lagi na namin ginagamit ang kabilang banyo lalo na't nakaka-trauma rin ang nangyari.

Nandito kami ngayon ng mga kasamahan ko sa sidewalk dahil may pupuntahan kaming bagong bukas na cafe.

Kasama ko si Millie at Vanjo dahil sila lang naman ang nandiyan no'ng may kailangan ako. Kaya deserve nila ng treat galing sa isang magandang dalaga like me.

I kept on smiling while texting someone on the phone.

"Liane, tingin sa daan. Baka mabangga ka," Millie warned me. Nasa likong parte na pala kami ng daan.

Tiningnan ko siya sa aking likuran na katabi ni Vanjo.

"Yes, mad----"

"Ahhh!" Nagulat ako nang sandaling may bumangga sa akin dahilan para mahulog ang dala kong phone.

"Ouch! Oh, my gosh!" Daing ko.

Agad namang lumapit si Millie at Vanjo sa akin.

"Okay ka lang, Liane?" Nag-aalalang tanong ni Vanjo at pinulot ang nahulog kong phone. Tinanguan ko na lamang ito at naiinis na binalingan ng nakakamatay na tingin ang lalaking nakasubsob ang mukha sa semento.

Hmm! Serves him right, kung sino ka man!

"Ikaw, ha! Tumitingin ka sa dinadaanan mo! Hindi mo ba ako kilala---wait! Oh, my gosh!" Napatakip ako sa aking bibig nang sandaling makilala ang lalake.

"Liane, 'di ba dating kaklase mo 'yan?" Millie asked.

So, tama nga ako. This is Chase!

"Ay, oo nga. 'Di ba, siya 'yong pumatay kay Wad at kay Spade? Bakit hindi pa 'yan nakukulong?" Sunod na tanong ni Vanjo na medyo hesitant sa kanyang tanong.

Buhay pa pala 'to. Akala ko sinunog na 'to sa impyerno. Nakakatawang isipin na isa na pala siyang crew sa isang fastfood.

Napayakap ito sa kanyang tiyan at halatang namimilipit ito sa sakit pero bahala siya sa buhay niya.

I smirked, "If I know, may lahing pagka-demonyo talaga 'to. Hindi na ako magtataka kung sa susunod ay ako na ang papatayin nito. Right, Mr. Robles?"

"Ano ba, Liane. Kita mong namimilipit na sa sakit 'yong tao. Tara, tulungan nati---"

Nagulat na lang kami nang idilat nito ang kanyang mga mata at agad na tumayo mula sa pagkakahimlay.

Maarte nitong pinagpagan ang kanyang sarili at wala sa sariling nakataas ang hinliit ng kanyang daliri. Mas lalo akong naloka nang mapagawi ang kanyang tingin sa akin at inikot nito ang kanyang eyeballs.

So ano 'yong nangyari kanina? Some kind of joke? Nahihimatay tapos ngayon aartehan at ang sama ng tingin niya sa akin. And he even acts like a girl!

I sighed sharply. "Wow, you seem helpless and may sakit kanina. What happened? Bigla ka na lang tumayo? Dahil ako na ba ang papatayin mo, Chase?"

His eyebrows arched. Sinipat ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Like, the nerve na ganyanin niya ako?

Ako lang dapat ang may karapatang magminaldita!

"Excuse me, Liane. Kung papatay man lang aketch, ayaw ko namang makasuhan ng animal abuse for killing a monkey face like you!"

Rinig kong nag-ingay sa aking likuran dahilan para lingunin ko ang aking mga kasama na nakatakip sa kanilang mga bibig. Sinamaan ko naman sila ng tingin dahilan para mapatigil ang ito sa kanilang mga ginagawa.

Grabeng pang-iinsulto 'yon sa dyosang kagaya ko. Sarap niyang sabunutan pero huwag na lang pala. Baka patayin ako ng mokong na 'to.

"How dare you! Ikaw mukha kang pwet ng kaldero!" Inis kong sigaw rito.

He smirked, "It's alright. At huwag kang sumigaw, nangangalingasaw sa hangin ang amoy patay na daga mong hininga! Kalurkey, nakakamatay!"

Ekstraheradang tinalikuran ako nito sabay brush ng kanyang buhok.

Nakakainis! Alam kong hindi naman 'yon totoo pero nakakainis talaga!

Pero bago pa man siya tuluyang makalayo.

I gave him my middle finger salute.

"Fuck you, Chase!" Sigaw ko rito.

Nakaka-b'wiset siya ngayong gabi!

-———-««۝»»———-

"OH, my dear Alice! Would you like to drink a glass of milk?" Mad Hatter invited me to his small house. The moment I entered, I saw a long table full of food.

"I love to," I answered.

We'll be doing the plot twist of Alice In Wonderland. We go deeper and darker this time. Full of lies and tricks by the rabbit.

Kanina pa hindi makapaniwala ang mga manonood na ganito ang ginawa namin sa k'wento ng Alice in Wonderland.

Maraming nawala na characters dahil sa kagustuhan ni Mad Hatter na mamatay ang lahat. May galit ito sa mga nilalang ng kanilang lugar.

At ngayon na si Alice na lamang ang kanyang nakikita, mabubuhay rin kaya siya sa mga kasinungalingan at galing ni Mad Hatter?

Nang sandaling makapasok ang character ko sa maliit na bahay ni Mad Hatter, nauna na niyang naiabot sa akin ang gatas.

I raised the glass and let the audience see it closely. May ilan na napapasigaw na huwag ko raw inumin ito dahil may lason na nilagay si Mad Hatter dito.

But I won't break the fourth wall.

As the edge of the glass touched my lips, hindi ko maiwasang mapatingin sa kabuoan ng audience.

Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na bagay na aking nakita. Kahit nasa malayo, nakita ko ang nilalang na labis kong kinatatakutan.

Ramdam kong sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso. Kahit kinakabahan, hindi no'n ako napigil para inumin ang nasabing gatas na hawak ko.

Nilagok ko ito nang mabilis at ito rin ang naging dahilan para makarinig kami ng sigawan mula sa audiences.

And that's what we called effective acting.

Napatigil ako sa aking pagngiti nang sandaling kumirot ang aking dibdib. Napahawak ako rito at wala sa sariling hinampas ito.

Naninikip ang aking lalamunan at nawawalan na ako ng hangin. Habol ko ang aking paghinga na parang may asthma.

Anong nangyayari? Bakit parang tinotohanan nila ang paglason sa akin?

Dahan-dahan nang bumagsak ang aking katawan sa sahig kasabay nito ang sunod-sunod na hiyawan ng mga nanonood.

Akala nila ay uma-acting pa rin ako. Akala nila ay parte pa rin 'to ng show. Hindi ko sukat akalain na ganito ang magiging kahihinatnan ko sa buhay.

My vision became blurry, then my eyes shut... Seconds later, I heard someone's voice.

"Revenge is coming..."

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top