Trouble 17

Chapter 17: Revenge

Ezequiel Chase

SOBRANG bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sobrang iba ng amoy at kinalalagyan ko ngayon. Mas malambot na kama at langhap ko ang mabangong amoy ng agahan.

Nang sandaling idilat ko ang aking mga mata ay gano'n na lang ang gulat ko nang mapansin na nasa isang malaking k'warto ako.

Halos kulay puti ang aking paligid. Nasa isang king size bed ako naka higa at napapalibutan ng mga malalaking unan at kumot na sobrang lambot na parang bulak.

Where the hell I am?

Bakit ako nandito? 'Tsaka huli kong naalala ay nasa loob ako ng fastfood na pinagtata-trabahuan ko. No! Nasa may sidewalk ako naglalakad at biglang nawalan ng malay!

Binigyan ko ng mahinang suntok ang ulo ko, nagbabasakali na baka may maalala ako kahit kaunti lang na nangyari kagabi. Pero bigo pa rin ako makakuha ng sagot. At tanging sakit sa katawan lamang ang nakuha ko.

Hindi ko alam kung paano ako napunta rito pero isa lang ang masasabi ko... sobrang yaman ng may-ari ng bahay na 'to. Para pa rin akong nanaginip dahil sa sobrang elegante ng mga gamit na nandito at halatang ni isa rito ay hindi ko kayang bilhin.

I can't help but to get amaze with all those expensive and shining shimmering carpets, curtains, side tables, cabinets and little chandelier above me.

After admriring those things ay agad akong bumaba ng kama dahil gusto ko nang umuwi.

Pero saglit na natigilan ako nang may maalala. Muli kong sinipat ang suot ko. Nanlaking mata napatingin sa shorts na above the knee at isang black oversize plain t-shirt.

Shet! Nasa'n na mga damit ko? Tanong ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa aking paligid at hinanap ng aking mga mata ang mga gamit ko pero bigo akong  makita ito.

Palabas na sana ako ng pintuan ngunit napatigil ako sa harap ng salamin nang mapansin ang pagbabago sa aking hitsura.

Nanlaking mga mata ko nang makita na kulay asul na ang buhok ko na dating itim. Sinipat ko pa ang aking katawan at napansin ang kulay itim na cutix sa kuko ng aking paa't daliri.

Gago! Sinong may gawa neto? Wala akong naalala na nagpasalon ako kagabi!

'Salon? Nahimatay ako kagabi, ibig sabihin ay may nagmani-obra ng katawan ko at isa lang kilala ko na mahilig sa mga ganito.'

Si Alexis Cyril.

"Alexis, 'pag nagkita ulit tayo sa teatro lagot ka talaga sa akin!"

Pagkausap ko sa aking sarili sa harap ng malaking salamin sabay turo ko sa aking repleksyon.

At dahil mukhang wala sa loob ang mga gamit ko, dali-dali akong lumabas ng k'warto nang walang pag-aalinlangan sa kung sino ang makakasalamuha ko.

Kung sa ibang oras ay ma-a-appreciate ko pa siguro kung ang mga bagay na nandito pero mas lamang ang kaba ko sa mga oras na 'to at ang kagustuhan kong malakalabas.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad sa hallway at nang sandaling lumiko na ako ay gano'n na lang ang kabang naramdaman ko nang mabunggo ang ulo ko sa isang matigas na bagay.

Napahimas pa ako sa aking noo dahil sa sakit at nang sandaling i-angat ko ang aking paningin ay gano'n na lang ang gulat ko nang mabungaran ang isang matangkad na lalake. Naka-bathrobe lamang ito at may hawak na telepono sa kanyang kanang kamay.

The moment he saw me, he smirked then hid his phone inside his pocket.

"Hey there, little guy," napalunok ako nang wala sa oras nang marinig ang boses nito.

"H-Hi, s-sir? N-Nasa'n po pala a-ako?" Nauutal kong tanong dito dahil sa kaba.

He chuckled, "You're here at my hotel. Welcome to Hotel Vlacencio!" He spread his arms like he's welcoming me. Pero kasunod nito ay ang unti-unting paglapit niya at niyakap ako nito nang mahigpit.

"S-Sir..." Nasambit ko na lamang at dito naman siya tuluyang kumalas ng yakap. Grabe, ang higpit ng yakap ni sir. Para akong mawawalan ng hangin sa ginawa niya.

"Sorry. I j-just... nadala lang ako. Halika, kain ka muna. Alam kong gusto mo nang umuwi," wika nito.

Napangiti na lang din ako at sinundan siya papunta sa kung saan. Nang marating namin ang kanyang kusina ay gano'n na lang ang gulat ko dahil sobrang ganda rin rito. Sobrang luwag ng kusina niya na parang tinitirahan ko lang din ang laki.

Nakakainggit naman. He's so wealthy and halata sa mukha niya ang pagiging humble.

S'werte ng magiging asawa neto kung meron man.

"Upo ka. Huwag kang mahiya. Actually, I cooked our breakfast. Upo ka lang, ihahanda ko ang agahan natin," maligalig na saad nito at nagtungo sa kanyang niluluto.

Napatingin-tingin naman ako sa aking paligid at hindi mapigilang mamangha sa aking nakikita. Sobrang aliwalas at halatang isa itong kilalang lugar dito.

Ang ipinagtataka ko ay hindi pamilyar sa akin ang hotel na 'to. Ang ibig lang sabihin nito ay nasa malayong lugar ako.

Natapos ito sa kanyang ginagawa at hawak ng dalawa niyang kamay ang platong may lamang agahan, excited itong naglakad papunta sa aking direksyon.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, napahawak na lang ako sa aking sentindo dahil sa biglaang pagkirot nito.

"Hey, okay ka lang? Masakit ulo mo?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.

"Ah, okay lang po. P'wede po bang makigamit ng banyo?"

"Yeah, sure. Just follow this hallway, makikita mo ang banyo sa gawing dulo," turo nito sa akin.

Nagpasalamat na lang ako rito bago tumungo sa kanyang tinuturo.

Sinunod ko lang ang daang kanyang tinuro at hindi nga ako nabigo nang sandaling marating ko ang gawing dulo ng hallway.

Nang sandaling napahawak ako sa door knob ay hindi ko agad malaman-malaman pero kinabahan ako at sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Mas lalong kumirot ang aking sintido na parang nabibiyak ang aking ulo.

Impit akong napaluhod at pinigilang hindi sumigaw sa kabila ng sakit ng ulo ko.

'Chase... run...' Saad ng boses sa aking isip.

Dito na ako nagulat nang mapansing hindi ito kay Ryder.

Kung hindi si Ryder 'yong boses na narinig ko? Ibig sabihin ay nandito ang isa sa kanila!

Agad kong pinihit ang doorknob at binuksan ang faucet sabay hilamos. Ramdam ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking balat dahilan para mahismasan ako. 

Matapos kong gawin ang huling banlaw sa aking mukha, nagulantang na lang ako nang makita ang isang kahindik-hindik na nilalang sa aking likuran.

Nanghihina ang aking tuhod at sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Nanlalamig ang aking katawan at nagtaasan ang aking balahibo sa aking nakikita.

B-Bakit kamukha ko 'to?

Kahit na kinakabahan ay nanatiling nakahawak ang mga kamay ko sa gilid ng lababo para suportahan ang aking bigat.

At tuluyan na nga akong nanlambot nang sandaling nilingon ko ang aking likuran at wala man lang akong nakita.

Napalingon ako muli sa harap ng salamin at nakatayo pa rin doon ang nilalang na hindi ko alam kung espirito ba o ligaw na multo.

'Di ko sukat akalain na makakakita ako nang ganito kalapit sa isang nakakatakot na parang buhay.

"Chase, you should run..." Tumayo ang balahibo ko dahil sa malalim nitong boses na parang gaya sa mga demonyo sa mga pelikula.

"S-Sino k-ka?" Nauutal kong tanong dahil sa kaba.

"T-That guy is dangerous... Sa oras na lumabas ka sa pintong 'to, tumakbo ka na. Nanganganib ang buhay mo," mas lalo akong ginapangan ng takot sa kanyang sinabi. I gulped for a second.

Maniniwala ba ako? But this being is hella creepy and maybe... dangerous?

'Tsaka bakit siya lang ang nakikita ko? 'Asa'n na 'yong iba? Si Ryder? Si Alexis?

Kung totoong delikado ang lalakeng 'yon, dapat no'ng nakilala niya na ako ay pinatay na niya ako. Pero hindi, eh. Pinatulog pa niya ako sa malambot na kama.

'Stop overthinking. Do what he says' nagulat ako sa muling pagkakataon nang marinig sa aking isipan ang boses na 'yon ni Ryder.

'Yes, Chase. Follow him. Para na rin ma-protektahan ka' Boses babae ang sunod na narinig kong nagsalita sa aking isipan.

Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako na may naririnig akong mga boses sa aking isipan. Siguro oras na para sanayin ko ang aking sarili sa mga ganitong sitwasyon.

Napalingon-lingon ako sa kabuoan ng banyo para maghanap ng bagay na p'wede kong gamitin pang-depensa sa kung sakaling may kung anong mangyari man.

Natigil lamang ako nang sandaling makita ang isang bagay na p'wede ko nang gamitin... isang babasaging vase.

I tighten my grip on it's long neck and readied myself for possible attack.

Napatingin ako sa salamin at hindi naman ako mabigo sapagkat nandoon pa rin 'yong demonyong version ko.

He really looks creepy as hell.

I managed to smile kahit alam kong nakakatakot na ang mga nangyayari sa aking sarili. Napapapikit pa ako sa inis dahil hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na totoo ang mga bagay sa aking paligid. Hearing different tones of voices and seeing that creepy demonic figure in the mirror reflection.

"Okay, gagawin ko na!" I took a deep breath and was about to open the door when I heard a loud thud from the other side of the door.

Dito na gumapang ang kaba sa aking dibdib dahil sa nakakabang nangyayari ngayon. Kung kanina ay ang saya-saya ko dahil sa ganda ng gising ko, ngayon ay parang niyayakap na ako ng kaba at stress.

Napalunok pa ako ng ilang beses at dahan-dahang pinihit ang doorknob ng banyo.

Napasilip ako sa siwang ng pintuan at napansin na wala namang tao sa labas. Muli kong sinara ang pinto at tila natatarantang bumalik sa harap ng salamin. Nandoon pa rin ang kamukha ko na hindi ko alam umalis ba siya o hindi sa kanyang p'westo.

"Teka lang, ha! Naguguluhan na ako. Bakit ikaw lang ang nakikita----"

"Chase!"

Napasigaw ako sa gulat nang sandaling malakas na bumukas ang pintuan at lumabas doon ang lalake kanina.

Mabilis niyang nahawakan ang kaliwa kong palapulsuhan at ito ang naging dahilan kung bakit natataranta akong nagpupumiglas para kanyang mabitawan.

Pilit kong tumakbo papunta sa bathub sa may unahan ngunit nakahawak siya sa palapulsuhan ko habang naka-steady lang ang kanyang paa sa sahig.

Fuck! Parang mapupunit na braso ko sa lakas ng pagkakahila niya.

"Bitawan mo 'ko! A-Ano ba!" I screamed in pain.

"Hindi---"

Isang malakas na pagkabasag ang narinig ko dahilan para mapatingin ako sa aking kanang kamay. Nagulantang ako sa aking nagawa.

Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang lalaking bigla na lang bumulagta sa sahig... tumutulo mula sa kanyang sintido ang dugo dala ng pagkakahampas ng vase dito.

Tangina! Gawa ko 'yon? Hinampas ko ba talaga siya ng vase nang wala sa kamalayan ko.

"Oh, my gosh! S-sir!"

Akmang lalapitan ko na sana ito nang mapansin muli ang pigura ng demonyong ako na nasa salamin dahilan para matigilan ako.

'Gago ka talaga kahit kailan, Chase. Hindi ka talaga maasahan sa kahit anong panahon' rinig kong pasigaw ng boses sa aking isipan. That's from Ryder. 'Oo, ako ang may gawa no'n. Ang bagal mo talaga!'  So that explains what happened just now. He controlled me nang hindi ko namamalayan.

'Kalurkey! Akala ko ma-de-detach ang bones at muscles ko' saad ng boses babae. Argh! I really hate Alexis' girly voice! 

"Run..." Napatingin akong muli sa salamin.

Tumango lamang ako at mabilis na dinaanan ang katawan ng lalake.

Subalit, hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa banyo ay may kung anong tumalisod sa akin dahilan para mapasubsob ang katawan ko sa sahig.

Arghh! Ang sakit ng dibdib ko. Parang may kung anong mabigat na dumagan doon. Grabe na ang sakit na dinanas ko ngayong umaga. Hindi man lang ako nakakain ng agahan.

Agad akong tumayo at paika-ikang naglakad dulot ng pagkatisod ko. Nang lingunin ko ang aking likuran ay gano'n na lang ang kabang naramdaman ko nang makitang dahan-dahan ulit itong tumatayo.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at hindi iniinda ang sakit ng aking paa.

Mabilis kong pinihit ang pintuan at mas lalo akong nataranta nang malaman na naka-lock ito. Dito na bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman.

Please, Lord, spare my life! 

"Tulong! Please! Tulong! Buksan niyo 'tong pinto! Tulong!" I shouted for help ngunit wala man lang akong narinig mula sa kabilang parte ng pinto.

"You can't escape from me, Chase. Matagal ko na dapat 'tong ginawa!"

Dahan-dahan akong napatingin sa aking likuran at hinarap ang lalake. Ibang-iba siya kanina na sobrang inosente at mala-anghel ang mukha. Ngayon, parang may kung anong sumapi sa kanya na hindi ko alam kung masamang espirito o isa ring demonyo.

"A-Ano bang kasalanan ko sa iyo? Wala a-akong ginawang masama sa'yo!" Naguguluhan kong tanong dito.

Pero imbes na sagutin niya ako ay itinapon niya sa aking harapan ang isang picture ng dalawang lalakeng magkasama.

Nakaakbay ang matangkad na lalake sa isang mas maliit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at ilang beses na pabalik-balik ng tingin sa kanya at sa picture.

"Inampon ako ni Papa Wilbert at tinuring ko nang kapatid si Spade. Pinangako ko kay Papa Wilbert na tatayo ako bilang kapatid ni Spade kahit hindi kami magkasundo...."

Do'n ko lang na-realize na ang matangkad na lalake ay ang kapatid ni Spade at ang inakbayan nito ay si Spade no'ng maliit pa.

"And I'll revenge him no matter what happens. Lintik lang ang walang ganti, Robles."

Huli niyang sinabi na siyang nagpatayo ng balahibo ko.

This not good! Revenge will his motive to kill me!

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top