Trouble 15
Chapter 15: Alexis
Ezequiel Chase
NANDITO kami ngayon sa bahay ni Fourteen. Kabado at parehong hindi makapaniwala kaming dalawa habang nagpapalamig at nagpapakalma.
Hindi ko magawang uminom ng tubig ng isang lagukan dahil hanggang ngayon ay ando'n pa rin ang takot at kabang naramdaman ko sa tuwing naalala ang tagpong iyon. Hindi ko mawari kung ano ang totoong hitsura ng pigurang nakita ko.
Bukod sa hugis tao ito, kita ko na parang may nakapalibot dito na parang itim na usok na waring pinapalibutan ang katawan nito.
Nawala na lang ito nang sandaling sinundan ko ito sa balcony.
Pero nakakapagtaka sapagkat wala akong naaninag sa mukha nito. Wala akong nakitang mga mata o kahit bibig. That figure was faceless and creepy.
Hindi ko pa rin sinasabi ang lahat ng 'to kay Fourteen dahil baka magulat siya at mas lalo itong mataranta sa mga mangyayari.
"Chase, let's eat," pag-anyaya niya at sinundan ko na lamang si Fourteen sa kanilang dining area.
"Alam kong iniisip mo pa rin 'yong pangyayaring 'yon. But please, set that aside first. I want something new to talk about. Na-stress na ako sa mga nangyayari ngayon. Ayoko na," walang kabuhay-buhay kong naibulalas sa hangin. Mabibigat ang balikat naming dalawa. Parang mga lantang gulay kung titingnan.
I don't want to think about it anymore! It's really draining, and it horrifies me.
Agad kong iginiya ang aking paningin sa buong paligid at nakuha ng atensyon ko ang nakasabit na mga picture frame sa pader.
Napatayo ako nang makita ang isang larawan na may kasama si Fourteen na isang babae.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa napagtanto kong hawig ni Fourteen ito.
"Fourth, sinong kasama mo sa larawang 'to?" Mahihimigan ang kuryosidad sa tanong ko.
Then he smiled. "Ahh! Si Ate Eleven 'yan. Oldest sister namin," he answered.
"So kung siya si Eleven, may Twelve and Thirteen kang kapatid na gano'n ang pangalan? Right?"
He nodded, "Oo. Si Ate Twelve at Kuya Thirteen, they're twins and fraternal sila. But sad to say, hindi ko na sila makakasama," ramdam kong may kalungkutan sa kanyang boses na ngayon ko lang narinig.
"Bakit?"
"Si Ate Twelve at Kuya Thirteen kasi patay na. Namatay sila kasama ni dad sa kotse at.. a-ako. K-kumbaga ako ang survivor sa aming apat. Ang laki ng g-galit ni Ate Eleven sa akin to the point na kinamuhian niya ang existence ko."
"Nalaman kasi ni Ate Eleven na ako ang nagpumilit kina papa, Kuya Thirteen at Ate Twelve na pumunta ng mall. Kung hindi siguro kami nagpunta ng mall, baka ngayon buhay pa rin sila. Simula no'ng araw na 'yon, ayaw na niya akong makasama o makausap man lang. We live under the same roof, but we treat each other like we're just nobody walking around," he said sadly.
I froze for a second. I didn't know how to react.
Hindi ko sukat akalain na ganito pala ang nararamdaman ng taong kaharap ko kaya minabuting kumain na lang ako kaysa magtanong pa.
Sobrang lungkot pala ng buhay ni Fourth. Pero kung makihalubilo siya sa mga kaklase namin ay sobrang masayahin niya. Para siyang walang problema sa katawan.
Ganito pala siya at lahat ng pinakita niya sa amin ay parte pala ng pagkukubli niya sa totoo niyang nararamdaman.
Hindi ko alam pero nalulungkot ako sa kinahihinatnan ni Fourteen.
Kung sa bawat sulok ng classroom ay ngiti at tawa niya ang aming nakikita. Kabaliktaran naman ang nakikita ko sa apat na sulok ng kanilang bahay. Nakikita ko ang totoong Fourteen.
Tama nga sila. Kung sino pa 'yong masayahin ay siya pa 'yong may pinakamalungkot na k'wentong tinatago.
Napasubo ako agad ng isang kutsarang kanin. Kahit ang paglunok ay hirap na rin ako.
-———-««»»———-
Katatapos ko lang mananghalian kina Fourth at nagtungo na agad ako sa aking tinatrabahuang fastfood.
I just arrived, and to my surprise, there's a sudden rush going on inside the kitchen. Nagkakagulo ang lahat at kaliwa't kanang ingay ang naririnig ko.
It seems like maraming customers ay nandito.
Hindi na ako nag-atubili pa't gumalaw na ako. Mabilis kong sinuot ang aking itim na apron at lumabas sa may kitchen. Hindi ko inasahan ang bumungad sa akin.
Dagsa ang dami ng tao ngayon. Punoan ang mga lamesa't ang pila ay abot hanggang labas pa.
Sobrang ingay ng mga taong nag-chi-chismisan na waring naging palengke ang buong fastfood.
"Let's move!" Rinig kong sigaw sa aking likuran. Agad akong gumalaw at nagtungong counter para kunin ang mga order.
Lumipas ang ilang oras, ilang beses din akong pabalik-balik sa counter para kunin ang mga tray. Sobrang init din sa loob dahil sa siksikan sa bawat daanan. Ang daming batang nag-tatakbuhan na parang ginawang playground ang buong fastfood.
Sa sobrang busy namin ay hindi na namin namalayan ang oras. I took my lunch past 1 pm, and I only ate for 10 minutes since kailangan talaga ng tao dahil hindi pa rin mawala-wala ang pagdagsa ng customers.
It's past 7 p.m., and we only have less than an hour before we close. Buti na lang at bilang na lang sa daliri ang customers na meron kami.
Nakapagpahinga na ang ilan sa mga kasamahan ko. Habang ako naman ay nasa isang gilid at kumakain ng mango pie since nagugutom na rin ako kanina pa. Ipapabawas ko na lang sa s'weldo ko.
I quickly finished my snack and headed to the kitchen for a drink. Nang sandaling makapasok na ako sa kusina ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba.
Kasunod nito ay napasandal na lang ako sa pader dahil sa kirot na naramdaman ng aking ulo. Mula sa mahinang pagtibok ng ugat ay mas lumala ito pagkalipas ng ilang segundo lamang. Hindi na ito tumigil sa pagkirot na pilit kong nilalabanan.
"Acckk!" I groaned in pain.
"C-Chase? Okay ka lang?"
Mahigpit akong napahawak sa aking ulo't pilit iniinda ang sakit. Nang i-angat ko ang aking paningin ay gano'n na lang ang kaba ko nang mapansin na dahang-dahang nanlalabo ang aking nakikita.
Hindi ko mawari kung kaninong boses iyon... at hindi ko rin malaman kung sino 'tong nakatayo sa aking harap.
"Tulong! Ang s-sakit ng ulo k-ko!" I groaned.
Napapapikit na ako sa tindi ng sakit ng nararamdaman ko.
"Kaya mo bang umuwi? Ipapaalam na lang kita kay manager. Sige na, mukhang hindi mo na kaya. Kukunin ko lang mga gamit mo," rinig kong sambit ng boses. Ilang sandali lang nang makarinig ako ng yabag. "Heto, Chase, bag mo. Gusto mo bang uminom muna ng gamot? Pampatanggal sakit ulo?" Ramdam ko ang pag-alala sa kanyang boses.
"I'm alright. Sa bahay na lang!"
Agad akong tumayo at parang lasing na naglalakad palabas ng fasfood.
Parang umiikot ang paningin ko at hindi ko alam kung tama pa ba ang dinadaanan ko.
This is shit! Hindi pa rin mawala-wala ang sakit ng ulo ko.
Napapahawak na ako sa mga railings, pader at kahit puno. Kinakabahan na ako dahil baka mag-collapse ako sa daan nang wala sa oras.
Lumipas pa ang ilang minuto ng pagkakahilo nang aksidente akong nabangga nang hindi sinasadya. Napasubsob ako sa semento at napadaing sa sakit dahil mukha ko ang unang humalik sa konkreto.
"Ahhh!" I moaned.
"Ouch! Oh, my gosh!"
Wait! That voice is so familiar!
"Ikaw, ha! Tumitingin ka sa dinadaanan mo! Hindi mo ba ako kilala---wait! Oh, my gosh!" Maarte nitong bulalas.
"Liane, 'di ba dating kaklase mo 'yan?" I heard another girl's voice.
"Ay oo nga. 'Di ba, siya 'yong pumatay kay Wad at kay Spade? Bakit hindi pa 'yan nakukulong?" Boses ng lalake ang sunod kong narinig.
Hanggang ngayon ay namimilipit pa rin ako sa sakit. Ni hindi ko magawang tumayo o bumangon man lang.
"If I know, may lahing pagka-demonyo talaga 'to. Hindi na ako magtataka kung sa susunod ay ako na ang papatayin nito. Right, Mr. Robles?" Pang-aasar ni Liane at ni isa sa kanila ay wala man lang akong planong tulungan.
Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, ito rin ang naging dahilan kung bakit tuluyang nandilim ang aking paningin.
I even gasped as I heard silence.
-———-««»»———-
Alexis Cyril
Nang idilat ko ang aking mga mata ay bumungad agad sa akin ang dahon ng sanga, katamtamang ilaw at ang nakakapanlamig na hangin ng paligid.
Kalurkey! Ang dirty naman ng hinihigaan ko. Like yucks! Nasa semento pala ako nakahiga.
Agad akong napabangon at mabilis na pinagpagan ang aking self dahil sa dust and dirt where I hail from.
As in, nakakadiri talaga!
Bago pa man ako makapang-hunting ng boys, napatingin ako sa aking paligid at hindi inasahan ang mga chaka---este tao sa aking harapan.
I rolled my eyes when I remembered this malditang pinaglihi kay Senyora. Kasama niya ang hindi ko kilalang mga fersons. Si Liane pala itey! Akala ko sidekick ni Mother Gothel ng Rapunzel.
"Wow, you seem helpless and may sakit kanina. What happened? Bigla ka na lang tumayo. Dahil ako na ba ang papatayin mo, Chase?"
Napa-arko ang kilay ko sa aking narinig na tanong mula sa isang demonyita.
Pero bago ang lahat... finally! Nakalabas na rin ako! Ako na ang nag-take over ng katawan ni Chase. And I can finally do what I want!
My gosh! Gusto kong yakapin at halikan ang mga trees and sidewalk, but I'll be looking like a tangang 'pag ginawa ko 'yon.
Balik tayo sa maldita, sinipatan ko siya mula ulo hanggang paa at sinunod ang mga minions niyang parang pinaglihi sa inasinang uod.
"Excuse me, Liane," may diin sa bawat pagbigkas ko ng mga words. "Kung papatay man lang aketch, ayaw ko namang makasuhan ng animal abuse for killing an animal like you!" Muli kong pagdiin sa aking mga salita.
Kita ko ang pagtakip ng bibig ng ilan sa kasamahan ni Liane na gustong matawa dahil sa sinabi ko.
And when I looked at her, I saw some imaginary smoke coming out of her nose and ears. Like, yuh, para siyang torong gaga.
"How dare you! Ikaw mukha kang pwet ng kaldero!" Inis nitong sigaw.
I gave her a smirk and said, "It's alright. At huwag kang sumigaw, nangangalingasaw sa hangin ang amoy patay na daga mong hininga! Kalurkey, nakakamatay!" Tugon ko sa pang-aasar nito bago siya ekstraheradang tinalikuran.
Mic drop! Slay, Alexis.
I flipped my long (kahit wala naman talaga) and raised my middle finger to her bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
I heard her scream sa inis and make dabog-dabog on the street.
Bahala siya diyan. Mukha naman siyang hipon kaya won't waste my time on that girl. Masyado siyang bida-bida. Porque't actress ng eskwelahan ay gano'n na lang siya mang-asar. Her ass may rocket!
I walked like a fashion show on the sidewalk. Kiber sa tinatapunan ako ng nakakamatay na tingin.
Magdusa sila sa kagandahang taglay ng isang Alexis Cyril Robles, a.k.a. Queen Enchantress!
Kidding!
Bakit ko ba naisip 'yon? Ugh! Like 'whatever,' sabay roll eyes kahit wala akong kaaway.
Feel na feel ko ang paglalakad sa side walk dahil nakalaya na ang lola niyo! Like, oh my gosh! This smells like freedom!
'Eto 'yong bagay na gustong-gusto ko nang mangyari.
At sa ganitong sitwasyon, gusto kong i-enjoy ang aking life habang nakakagala pa. I know na medyo mahirap i-please si Chase kaya I'll do everything on his body hanggang mag-umaga.
Gusto kong i-enjoy ang life bago ulit ako makabalik sa teatro. I want to drink all kinds of alcohol, get drunk in a bar, dance with random guys, and fuck who I want to be!
Like sobrang ganda sa feeling ng gano'n.
'Yong tipong YOLO ang mga gagawin mo since minsan ka lang mag-take over ng katawan kaya gora!
Pakembot-kembot akong naglakad sa daan.
Hindi pa man ako nakakalayo nang sandaling napatigil ako sa isang parlor na bukas pa sa tabing kalsada.
I smirked at my thoughts of getting something new on my body.
What if kulayan ko kaya ang buhok ko ng blue? Red? Pink? Green? Or something that would suit me?
Also, magpapakulay ako ng kuko. I know naman na may reputation si Chase na kailangan i-protect, but I need to do something with his body since sobrang boring niyang tao. And like, duh? Deserve ko ng kaligayahan.
Agad akong pumasok sa parlor at hindi pa man ako tuluyang nakapasok nang isang kauri ko ang gulat na gulat na sumalubong sa akin.
"Good evening, sir. What do you want, sir?"
Tinaasan ko siya ng kilay sabay pitik ng aking daliri sa ere.
"Like, sis, I want to dye my hair blue and get some manicures like now!"
-———-««»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top