Trouble 14

Chapter 14: Fourteen

Ezequiel Chase

BIGLA na lang akong napamulat ng aking mata nang may narinig akong tunog sa aking paligid. Napabangon ako nang wala sa oras at hindi maintindihan ang sariling umiyak na lang nang walang dahilan.

Rumehistro na lang sa aking isipan ang nangyari sa akin sampung taon na ang nakakalipas. Mukha ni papa ang siyang naalala ko habang gumagapang sa kama patungo sa aking direksyon. Ang kanyang nakakalokong ngiti na siyang nagdala sa akin ng kilabot!

'Tumigil ka na! Tigil! Ayoko nang maalala pa ang mapait na nakaraan ko!'

I punched my head with my fist continuously.

"Stop! Please huwag! Pa, huwag po! Huwag mong gawin 'to---"

"Chase! Chase! Okay ka lang?"

Nakaramdam ako ng kamay na pumipigil sa palapulsuhan ko at nang idilat ko ang aking mga mata ay biglang bumungad sa aking paningin si Fourteen.

Ang kanyang maamong mukha na sobrang nag-alala sa akin.

"F-Fourteen, a-anong nangyari?"

Pero imbes na sagutin ay agad nag-iwas ng tingin sa akin ang aking kaharap at napatingin sa kanyang likuran. At doon nabungaran kong nandito pala si Manong Wilbert na mugto ang mga mata at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

Ngigngiti na sana ako nang makita ang kapapasok lang na nurse na may kasamang doktor.

Naguguluhan man, hindi na ako umangal nang lumapit sa akin ang doktor at inilawan nito ang aking mga mata.

Nasa isang tabi lang si Manong Wilbert na parang ayaw akong tingnan habang si Fourteen naman ay halatang may tinatago sa akin dahil sa kanyang nag-aalalang hitsura.

"Sir, he's okay naman. We already checked him and so far wala naman akong nakitang malalang symptoms and any kind of condition sa kanya. Liban lang talaga sa sugat dala ng pagkakabaon ng kuko sa kanyang likuran at swollen butthole niya. Call us, hijo if you feel something wrong, okay?" Napatingin ang doctor sa mga kasama ko sabay tango at excuse sa kanyang sarili.

Pagkatapos na pagkatapos na lumabas ng doktor, tinanguan lang ni Manong Wilbert si Fourteen na agad namang lumabas ng k'warto.

Mangiyak-iyak na hinila ng boss ko ang isang monobloc sabay tabi nito sa tabi ng aking kama.

He sat quietly and seeing my boss like this brought me confusion and I'm worried about him.

"S-Sir, what's happening?" I asked. I gulped for a second. Bakit parang may masamang balita akong maririnig ngayon? I tried to act cool kahit alam kong kinakabahan na talaga ako ngayon.

Hindi ko alam pero wala akong maalala kahit katiting sa kung ano ang nangyari kanina.

"Hindi ko alam kung anong nangyari but something happened to you two? May relasyon ba kayo ni Spade?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang tanong. Paano niya nasasabi iyon? Isa nga si Spade sa pinaka-hate kong nag-e-exist sa buhay ko. Alam kong galit ako sa kanya pero never akong magkakagusto sa kanya.

"S-Sir? Si S-Spade? No! I'm not into him. I can't like him. He's a bully," I almost whispered the last sentence.

Sir Wilbert wiped his tears and held my hand. Ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng kanyang kamay.

"Then why did the doctors find some semen on your butthole? And when they examined it in the lab, it matched my son's DNA. Did something happen to you two? Tell me the truth, Chase! Please!" Mas lalo akong naguluhan sa kanyang tinuran. May semen sa pwerta ko? How is that possible?

Magkahalong galit at panggigil sa kanyang boses ang naririnig ko. Pero hindi naman mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

"S-Sir, I'm telling the truth. Nothing happens between me and your son. Ayaw ko po sana 'tong sabihin pero ilang beses na po akong ginulpi ni Spade at ng mga barkada niya sa eskwelahan pero hindi po ako nagsumbong," pagk'wento ko rito at maingat niya namang ibinaba ang aking kamay.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi hindi ko maalala ang nangyari kanina? I closed my eyes and tried to remember kung ano ang ginawa ko kanina sa warehouse.

Nang muli kong i-angat ang aking paningin ay gano'n na lang ang gulat ko nang maalala.

I just took a bath... Spade talked to me... and kissed me?

Dahan-dahan akong napahawak sa aking labi at gulat na napatingin sa boss ko.

Akmang ibubuka ko na sana ang aking bibig nang biglang may kumatok sa pintuan dahilan para hindi ko na matuloy ang aking sasabihin.

"Pasok!"

Nang bumukas ang pinto ay lumabas roon ang isang pulis na may hawak na papel. Napatayo si Manong Wilbert at mabigat ang balikat na napatingin sa kapulisan na naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Sir Wilbert, sorry to interrupt your conversation but we collected some information galing sa ilan sa mga trabahante niyo. According sa kanila, hinanap daw ni Spade si Chase para humingi ng tawad. Then right after daw po no'n, may nakakita sa dalawa na pumasok sa makipot na daan sa warehouse at hindi na niya pinansin iyon. May isa naman pong kasamahan ni Chase ang nagsabi na may narinig silang ungol at sigurado raw sila na sa anak niyo po 'yon," the police explained while looking on his papers.

Hindi na makatingin sa akin si Manong Wilbert at parang nahihiya ito dahil sa kanyang narinig.

"Ahh, sir, a-ano pong nangyari kay S-Spade?" Kinakabahan kong tanong sa pulis. I'm sure alam niya kung anong nangyari. Mukhang wala talagang balak na sabihin sa akin ni Manong Wilbert ang totoong nangyari kay Spade.

He gulped, "Uhm, yesterday, we found a body... nakasako ito, chop-chop ang katawan sa loob, nakapatong sa may timbangan and we found out that it's Spade..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Nanlalaking mga matang napatingin sa pulis at kay Manong Wilbert.

P-Papa'nong nangyari to?

Hindi!

Paanong namatay si Spade?

Chop-chop ang katawan? Nakasilid sa sako? Nakapatong sa timbangan?

Alam kong galit ako sa kanya pero nakapalupet ng kanyang sinapit. Binaboy siya ng mamatay tao na 'yon.

I clenched my fist. Nakakagalit! Nawala si Wad nitong nakaraan at sumunod naman si Spade. May susunod pa ba sa mga naging kaklase ko?

Natutulala na lang ako sa aking nalaman at parang nabingi. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari sa aking paligid dahil hindi ko pa rin natanggap na isa na naman ang nalagas sa aking mga kaklase.

Wad and Spade... goodbye...

-----««۝»»----

Fourteen

DAYS LATER after Spade's death, lahat ay nagulat at kahit ako ay hindi makapaniwala sa nangyari. Nauna nang nawala si Wad tapos ngayon ay si Spade naman ang sumunod.

Hindi na ako magtataka kung ako na ang susunod na mamamatay. Hindi ako takot mamatay, natatakot ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matukoy-tukoy kung sino ang pumapatay.

We want to serve justice to our class. Ang masaklap pa ay hindi sa eskwelahan nangyari nag krimen. Wala pa ring lead ang mga kapulisan sa totoong may sala nito. Pero ang isa na naman sa kanilang suspek ay si Chase.

Nakausap ko ang isang pulis no'ng araw na 'yon.

Nakitang walang malay si Chase sa tambak na sako ng bigas. Sira ang uniporme at sobrang basa ng kanyang pwetan no'ng makita ito ng mga pulis. Ibig sabihin lang nito ay may nangyari nga sa kanya o mas mabuting sabihin ay ginalaw siya bago nawalan ng malay. O nawalan muna ng malay bago ginalaw.

Sa 'di kalayuan daw, nakita ng isa sa trabahante ang katawan ni Spade na nasa isang timbangan. The weighing scale was covered in blood and the sack was tied with a red ribbon.

Isang oras nang patay ang binata batay sa record ng pulis. Duda nila ay nilagare raw ang katawan nito dahil sa paraan kung paano nahiwa ang kanyang joints.

Kung titingnan, si Chase ay nasa isang gilid, walang malay at halatang ginahasa at ang nakakagulat pa ay semen ni Spade ang nakuha mula sa katawan ni Chase... malabong mapatay niya si Spade dahil parehong nakita ang katawan ng dalawa ng dalawang empleyado sa warehouse nang parehong oras.

Isa lang ang ibig sabihin nito. May umaatake sa mga kaklase ko. Iniisa-isa kami nito.

Mas nakakatakot pa dahil nasa labas ng eskwelahan nangyari ang krimen kaya ang daming posibilidad kung sino ang pumapatay. Kung sa eskwelahan naman ay mababawasan ang culprit since maliit lang naman ang campus.

Napahawak ako sa aking ulo dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko sa mga nangyayari ngayon.

Mabilis kong hinablot ang iced tea flavor na juice sabay lagok ng laman nito. Hindi ko na pinansin ang rumehistrong asim sa mukha ko at ang panlalamig ng aking utak. Brain freeze!

Baka sa graduation, isa lang ang makaka-graduated dahil patay na kaming lahat.

Agad akong umalis sa harap ng stall ng street food. Tinawagan ko si Chase na magkikita kami sa eskwelahan dahil may ibibigay ako sa kanyang pagkain. Baka kasi hindi na naman niya naalagaan ang kanyang sarili these past few days.

Grabe na rin ang pinagdaanan niya nitong nakaraang araw. Hindi ko alam kung papa'no nakakayanan niya ang lahat ng problema niya na nagkakasunod-sunod.

Nang sandaling nasa tapat na ako ng eskwelahan, hindi ko mawari kung anong nangyayari pero sobrang kinabahan na ako kahit nasa gate pa lang.

Pero iniwaksi ko muna ang aking nararamdaman at pumasok ng campus since holiday ngayon kaya walang guwardiya at libre lang kaming makakapasok.

Ang sunduan namin ay magkita sa main building ng campus since malapit lang din ito sa may gate.

I-te-text ko na sana si Chase nang may nakita akong humintong tricycle sa harap ng gate.

Napangiti na lang ako dahil hindi na pala ako maghihintay nang matagal dahil nandito na pala ang hinihintay ko.

Si Chase na may dalang packbag dahil alam kong bumalik na naman siya sa dati niyang gawi. Ang pagtratrabaho sa isang fastfood. Umalis na rin siya sa pagiging kargador sa warehouse ni Manong Wilbert dahil sa nangyari. Nagbayad pa si Manong Wilbert ng danyos kay Chase dahil sa panghahalay ng kanyang anak na napatunayan na sa test at pag-examine sa dalawa.

Ang dating Chase na nakilala ko ay hindi na gaya ng dati na nakikita ko pang ngumiti. Mukhang hindi na siya gaya ng dati... halatang kinain na ng lungkot si Chase at mukhang mahihirapan pa siyang ibalik ang dati niyang mga ngiti.

Nang sandaling i-angat nito ang kanyang tingin ay bigla itong napatigil at halatang may takot akong nakikita sa kanyang mga mata.

At hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.

Nakita ko na lang ang na parang bumagal ang galaw ng aking mundo. Si Chase na tumatakbo papunta sa aking direkyon habang sinisigaw ang aking pangalan sa hindi ko malamang dahilan.

Walang ano-ano'y nakalapit na ito sa akin sabay yakap at natumba kami pareho sa semento dahilan para magpagulong-gulong kaming dalawa.

Kasunod nito ay may narinig akong nabasag sa aking gilid.

Napatingin ako kay Chase na nakapatong sa akin at nang ibaling ko ang aking tingin sa aking ulohan ay laking gulat ko nang makita ang malaking paso na nabasag.

Nanlamig ang buo kong katawan sa aking nalaman.

"Okay ka lang?" he asked. Napatango na lang ako kahit na medyo nahihirapan.

Agad umalis si Chase sa pagkakadagan sa akin at daling-daling tumakbo papasok ng main building. Napabangon naman ako't tumayo malapit sa binagsakan ng paso.

Nang sandaling tumingin ako sa taas ay gano'n lang ang gulat ko nang makita na ang isa sa malalaking tatlong paso na naka-display sa balcony ng main building ay nawala na sa kanyang p'westo.

Nakakapanlamig ang aking nalaman... dahil minsan na rin akong napagawi sa balcony na 'yon at alam kong tinalian ang mga paso at stem ng San Francisco para hindi ito mahulog.

Bakit g-gano'n? Bakit nahulog pa rin ito gayong nasa p'westo pa rin ang dalawa na katabi lang nito?

"Fourth, okay ka l-lang?"

Nawala sa aking isipan ang aking mga iniisip nang sandaling dumating si Chase mula sa kabilang direksyon na habol ang kanyang hininga.

"A-Anong nangyari? Bakit m-may nahulog na paso?" Naiiyak kong tanong.

"Nakita ko! May figure akong nakita na nakatayo siya sa hilera ng paso. Natulala ka na lang. Good thing hindi ka tinamaan. Okay ka lang ba?"

Ulit niya pang tanong. Muli akong napatango at sa pagkakataong 'to, umiiyak akong napayakap kay Chase.

"Salamat, Chase... super thank you, talaga. Baka pinaglamayan na ako kung hindi mo 'yon napansin..." I cried.

-----««۝»»----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top