Trouble 1
Chapter 1: First Personality
Ezequiel Chase Robles
Ten years later...
"HOY, Chase!" Nagitla ako sa biglaang pagsigaw ni Fourteen nang makitang hindi ako nakikinig sa kanya.
Sobrang okupado ng utak ko kaya hindi ko narinig ang mga sinasabi nito. Mukhang kanina pa niya ako tinatawag dahil hindi na maganda ang timpla ng hitsura niya.
"Yes, Fourth?" napaawang ang kanyang labi sa aking tanong.
"Sabi ko na nga ba't hindi ka nakikinig sa akin. Ang sabi ko, ano na ang plano natin sa HOA reporting?" napatingin na lang ako sa hawak niyang papel. Kita ko ang notes niya para sa gagawing pag-uulat bukas.
Kahit kailan talaga napaka-grade conscious ni Fourth o mas kilala ng lahat bilang si Fourteen 'Fourth' Yñaz. Siya 'yong tipo ng estudyante na unang magpapasa before the deadline.
Alam kong hindi gano'n siya katalino pero grabe talaga siya magpursige para lang makatapos. Hindi ko nga alam kung nag-e-enjoy pa 'to sa buhay.
"Ako na mag-se-search sa lesson 2 tapos ikaw na sa lesson 1. After that, mag-sa-site rin tayo ng exaamples para maintindihan ng lahat. I-cha-chat na lang kita kung may mga suggestions pa ako," sagot ko rito at tumango na lang siya bilang sagot.
Mabuti na lang din at si Fourth ang nakasama ko sa project. Si Fourth lang palagi ang maingay sa room kaya hindi masyadong awkward siyang kausap. I am an introvert, so socializing is not my thing.
Kaya minsan, napagkakamalan akong bakla at binubully ng mga kalalakihan. Aaminin ko, sobrang lampa kong gumalaw at tatahimik na lang kapag binubully.
Ayaw ko ng gulo at ayaw ko rin na ma-guidance. Kailangan kong maka-survive ng college na walang record sa dean.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kumpol ng magkakaklase na panay ang asaran at tawanan. Nakakainggit.
If only most of my classmates were like Fourth, baka kasundo ko na silang lahat. Ngunit may mga bagay talaga na magiging dahilan kung bakit may harang sa akin at sa aking mga kaklase.
"Hey, Chase, never mind them. Don't worry. I got your back. Ako magtatanggol sa'yo," rinig kong bulong ni Fourth.
A weak smile formed on my lips. Muling napabalik ang tingin ko sa kumpol ng mga estudyanteng halatang ako ang pinag-uusapan.
College life is not easy. What makes it more difficult? Ang mga bullies. Imagine papasok ka isang araw at magugulat ka na lang na ikaw na pala ang target nila.
At ang isa sa dahilan ay dahil isa kang scholar. Mahirap. Sampid sa isang mayamang unibersidad.
Naalala ko pa na unang pasok ko rito ay ramdam ko na agad na hindi ako tanggap ng karamihan dito.
Una kong maranasang ma-bully ng taga-kabilang block dahil lang sa isang insidente.
Natapunan ko ng tubig ang isa sa farming tools na kung tawagin ng lahat dito. Isa 'yon sa naging rason kung bakit hindi na sila matigil kaka-bully sa akin na halos inaraw-araw na nila sa tuwing nakikita nila ako.
At ang matindi pa, may nangyayri pa lang boundary sa kung saaan ako nabibilang ngayon. Mas lumala pa ang pambu-bully nila no'ng nalaman nilang scholar ako.
Bagay na ayaw ng lahat kasi gusto nila ay mayayaman ang kanilang mga kaklase.
At isa na roon si Fourth sa exemption kasi siya lang naman ang nakikihalubilo sa akin kahit na hampas lupa ako rito.
Matapos kong mag-isip isip ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at tumayo na.
"Sige, Fourth, I'll go na. I-cha-chat na lang kita mamaya," saad ko bago umalis sa kanyang harapan.
Nakayuko akong naglalakad dahil nakakainis ang malalagkit na tinginan ng aking mga kaklase.
Bumili lang ako ng ice water sa canteen dahil nauuhaw na ako. At sa lahat ng binebenta nila ay 'yon lang din ang afford ko.
Matapos kong lagukin ng isang inuman ang ice water ay agad na akong lumabas ng canteen.
Pero nagsisi ako nang mahagip ng aking mga mata ang tatlong lalake'ng ayaw na ayaw kong makita sa campus. They've got the bad boy look plus attitude.
Mabilis akong umalis sa entrada ng canteen at nakayukong naglakad papalayo sa p'westo ng tatlong mokong na 'yon.
Dinala ako ng aking mga paa sa library kaya pumasok na lang ako dito kahit hindi ko talaga alam kung anong gagawin sa loob.
Bagsak ang balikat akong napaupo sa bakanteng silya. Sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip kung paano iiwasan ang tatlong 'yon.
Sa ilang buwan ko pa lang sa kolehiyong 'to ay hindi ko na maatim ang mga pambubully nila pero tatahimik na lang ako dahil gulo lang ang mangyayari 'pag nagkataon.
At isa sa kaya nilang gawin ay baliktarin ang k'wento sa oras na magsumbong ako.
I just ignored my thoughts again at kumuha ako ng pinakamalapit na libro sa akin at binuklat-buklat ito para maghanap ng mababasang artikulo nang may umagaw ng aking atensyon.
Isang kutsilyo at gunting na itinarak sa cake.
Nakaramdam ako agad ng panlalamig nang makita na gumalaw ang litrato. Nagkaroon ng dugo ang dalawang matutulis na bagay.
Hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari sa aking sarili nang sunod-sunod kong naramdaman ang pagtulo ng malalaking butil ng pawis sa aking noo.
Sobrang init ng aking pakiramdaman at nagsisimula na ring manlabo ang aking paningin.
Naikuyom ko ang aking kamao nang may bumalik sa aking alaala.
Napatingin ako sa kabuuan ng library. Everything was quite blurry. I could hear some laughter around me dahilan para takpan ko ang aking tenga.
I even saw some students throwing at me some deadly glares. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa sarili ko.
Am I hallucinating? Or is this real?
Makailang beses akong napapikit pero gano'n pa rin ang nangyayari. Mas lalong lumakas ang tawanan sa paligid.
Hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya!
"Stop! Tumigil kayo!" mahabang sigaw ko.
"Mr. Robles, what's the problem?"
Dahan-dahan akong napaangat ng tingin at nakita si Ms. Leciara na sobrang nag-aalala.
Napatingin ako sa aking paligid at gano'n na lang ang pagkagulat ko nang nakita na apat lamang kaming estudyante'ng nagbabasa.
Nagbulong-bulongan pa ang dalawa nang makita ang reaksyon ko.
What just happened? Am I dreaming?
Bakit mas lalong sumasakit ang ulo ko?
I felt Ms. Leciara's hand on my right shoulder. "Hey, why are you crying? What's the problem?"
Nakakalito na ang nangyari sa akin. Umiiyak? Napahawak ako sa aking pisnge at naramdaman ang luha ko rito.
Why the hell am I crying? Ano bang problema sa akin?
Tumayo na lang ako at dali-daling hinablot ang mga gamit ko.
"Okay lang po, Ms. Leciara. Thanks for your concern..." I ran out of the library and calmed myself after a long run.
Hawak ko ang aking dibdib habang habol ang aking paghinga. Dinala ako ng aking mga paa sa field na walang katao-tao. Medyo madilim na rin kaya sobrang tahimik na ng paligid.
I closed my eyes and lay down on the green grass. To calm my system, I took long inhalations and exhalations.
Nang muli kong ibuka ang aking mga mata ay laking gulat ko na lang nang mabungaran ang nakakalokong ngiti ng tatlong mokong na ayaw kong makita.
"Huh, nandito lang pala si Habol" tumawa silang tatlo nang sobrang lakas lalo na si Spade. How I hate his laugh! Sobrang nakakasakit sa tenga. At naging ko pangalan na ang Habol dahil sa Chase kong pangalan at lagi rin nila akong hinahabol.
Muli ko na lang ipinikit ang aking mga mata at nagbabasakali na nanaginip lang ako. Pero mas lalo lamang lumakas ang tawanan ng tatlo sa ginawa ko.
"Hoy, Habol, baka nanaginip ka riyan ng milagro?!" Muli silang nagtawanan.
"Baka nanaginip na pinasukan mo, bro!" Boses 'yon ni Rake.
"Putang ina, bakla nga pala 'tong si Habol! Baka nasarapan na kaya ayaw dumilat!" Pangangantyaw pa ni Dibbler.
Hindi ko na lang sila pinansin lalo na't mas kukilitin nila ako kapag pinatulan ko sila.
Sana man lang isang araw sa school days ay hindi nila ako gambalain. Nanahimik 'yong tao pero ginugulo lang nila.
Ngayon pang kailangan kong mapag-isa dahil sa hindi ko maipaliwanag na nangyari kanina.
Sa pagpikit ng aking mga mata ay unti-unti akong kinain ng dilim. Pahina nang pahina ang boses na naririnig ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
-———-««»»———-
NAGISING na lang ako na nakatayo sa stage ng mini school theater namin. Nakatapat sa akin ang ilaw at wala ring tao sa paligid.
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib lalo na't hindi ko alam kung paano ako napunta rito at sobrang dilim ng bahagi ng hindi natatapatan ng ilaw.
"Hello, may tao ba rito?" Tanong ko dahil ni katiting na ingay ay wala akong naririnig. Iniharang ko pa ng bahagya ang aking kamay para sipatin kung ako lang ba talaga ang nandito.
Bagsak ang balikat ko ng wala man lang akong nakikitang pigura sa paligid.
Kita ko ang mga pulang upuan mula sa stage. Ang ilaw na siyang tanging liwanag ko rito sa loob ng teatro.
Habang nag-aantay sa mga susunod na mangyayari ay bigla akong nakaramdam ng lungkot sa aking dibdib.
Lungkot na mas matindi pa sa nararamdaman ko tuwing nasa eskwelahan. I even felt some pain in my chest and my eyes were starting to tear up.
Fourth is right.
I should not mind them pero hindi, eh. Lumalala ang pambubully nila araw-araw dahil lang sa hindi ako pasok sa standards ng pagiging mayaman nila.
At dahil lang din sa isang pagkakamali ko ay hindi na sila matigil kaakanti sa akin. Bagay na hindi tama.
Muli kong pinikit ang aking mga mata at naupo na lang sa stage. After brushing my hair, I gently massaged my temples.
"So, how's life?" Nagitla ako nang makaranig ng boses sa unahan.
"Sino ka?" I shouted; my voice echoed around the corners of this room.
"Let's just say that I am you..." Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
I am you? What does he mean?
"Show yourself!" Pero tanging malakas na pagtawa lang ang narinig kong tugon nito. Ano ba sa tingin niya ang nangyayari? Nagbibiro ako?
Shoot!
"Magpakita ka!" Muli kong sigaw. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng theater pero wala akong makita kahit anino ng sino man.
Tatakbo na sana ako pababa nang makarinig ako ng mga yabag ng mga sapatos mula sa hagdananan sa gitna.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang inaantay ang pagbaba ng lalaki sa may hagdanan na hindi ko alam kung sino.
Habang papalapit ang yabag na naririnig ko ay sobrang kaba naman ang dala nito sa akin.
Sino ba 'to?
"Nice to meet you, Chase. I'm Ryder Flint Robles."
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang makita ang lalaking nagsasalita kanina.
B-Bakit...
Bakit kamukha ko ang lalaking nasa harapan ko?
Nagsitindigan ang aking balahibo nang makita ang aking sarili sa ibang ayos at ibang postura.
He's wearing our school uniform and has black gloves on his hands. Plus, the black earrings on his right ear with his bad boy haircut. He's chewing bubble gum. He also has a piercing on his nose that suits my---his face.
Masasabi kong napaka-badass tingnan ng hitsura ng lalaking nasa harapan ko. He has a gangster aura that I never imagined.
Pero bakit kami magkakamukha?
Muli kong sinipat ang kabuuan niya pero gano'n pa rin ang epekto nito sa akin. Napapahanga ako sa hitsura niya.
Paanong ----
"Tama nga ako. Ang lampa mo nang tingnan. Ang lampa mo pang kumilos. Sinalo mo ata ang kalampahan no'ng nagpa-ulan ang langit," he chuckled na mas lalo lamang nagpasimangot sa akin.
This guy is an absolute badass. Matabil ang dila at napaka-mapanglait.
Pasalamat siya at hindi ako pumapatol kung kani-kanino. Isa pa, wala siyang karapatan para manlait sa sarili---akin. Ang sakit niya kayang magsalita.
"Ano?"
"Nothing. Kaya ka pala binubully ng mga gardening tools dahil sobrang lampa ng hitsura mo." Mas lalong nag-init ang ulo ko sa mga sinabi niya.
Pero teka - gardening tools? Did he mean ay sina Spade, Rake at Dibbler? Kilala niya ang mga 'yon? Sabagay, ako pala siya.
"How did you know my life? A-At bakit hindi kita nakikita sa eskwelahan? Who are you?" Naniningkit matang tanong ko rito. Pero mahinang pagtawa lang niya muli ang aking narinig.
He stopped, "I told you, I am you. I am Ryder Flint Robles." Nangunot ang noo ko sa kanyang sagot. Kambal ko ba 'to? May kapatid kaya ako?
"What do you mean by I am you? Are we siblings?" Ngunit mahinang pagtawa niya lang muli ang aking narinig.
Like seriously, mas madami pa siyang tawa kaysa sagot na gusto kong marinig.
"Mr. Ezequiel Chase Robles, you're so fucking dumb!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang pagmura. Shoot! His style suits him... ang magmura. "Akala ko ba matalino ka? I am like you. It means ay ako ikaw pa rin."
Parang nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin.
"So you mean---"
"Yes, I am your other side. The bad side."
Dito na ako natigilan dahil sa aking narinig. Shoot!
Agad akong nakabawi sa aking pagkagulat at bababa na sana ako sa stage nang bigla ako nanghina. Nanakit ang aking sentido at muli na namang lumalabo ang aking paningin.
Nakangising si Ryder ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.
And that was creepy.
-———-««»»———-
NANG imulat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko nang makita ang posisyon ko.
Nakapangibabaw ako kay Spade na sobrang nanghihina. May dugo na rin ang aking kamao na nasa pisnge niya. Tumba na rin sina Rake at Dibbler.
May pasa sa mukha silang tatlo habang wala man lang akong naramdamang sakit sa katawan.
Nakakapanlamig na makita silang tatlo na natumba. Pero sino ang may gawa nito?
Umalis ako sa pagkakadagan kay Spade at naguguluhang tumayo habang palipat-lipat ang tingin sa naghihingalong tatlo.
"A-Anong nangyari?!" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang inaalala ang nangyari kanina. Bakit ako nakadagan kay Spade? Bakit puro pasa at bugbog ang tatlo?
Anong nangyari?
"Hayop ka, Chase! Makakaganti rin ako sa'yo!" Sigaw ni Spade at dali-daling tumakbo kasama ang dalawa.
Napatingin ako sa papalayong pigura ng tatlo na paika-ikang naglalakad.
Anong ginawa ko ba't galit na galit sa akin ang tatlong 'yon?
'Hey there, Lampa. Ako ang may gawa no'n. Your first personality. Ryder.'
Dinig kong boses sa aking isip dahilan para mas lalo akong maguluhan.
Who are you Ryder?
-———-««1»»———-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top