Prologue

-———-««۝»»———-

Prologue

-———-««۝»»———-

I always ask myself why I'm always here? Why was I born?

Mga tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan.

Bakit?

Bakit pa ako nabuhay kung may problema ako sa aking sarili na hindi ko mabigyan ng solusyon?

Why am I always fighting myself to the point of wanting to end it?

My questions to myself that are still unanswered.

Ano nga ba ang punto nang pagkabuhay nating mga tao sa mundong ibabaw kung mismong mamatay rin lang tayo?

Ano ang punto na gusto pa nating mabuhay kung mismong ang daming dagok na darating sa atin?

Minsan ba natanong mo sa iyong sarili kung ano ang rason kung bakit nabubuhay ka sa mundong 'to?

What is your purpose and why are you here?

-———-««۝»»———-

NAPATIGIL ako sa pagsusulat sa aking aralin nang may narinig ako mula sa kusina. Mariin akong napapikit nang mas lalong lumakas ang pagkalabog ng mga gamit. Rinig ko ang pagkabasag ng mga babasaging baso, pagkalansing ng mga kubyertos at pagtilapon ng mga plato sa pader.

Hanggang sa hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang naririnig ang sigaw ng aking lasenggong ama na kagagaling lang sa inuman sa kabilang baryo.

Kanina pa siyang umaga na wala sa bahay at hindi man lang ako binigyan ng pera pambili ng pagkain. Kaya simula umaga ay nagtiis lamang ako sa isang kutsarang asin at kakaunting pirasong kanin. Mabuti na lang at maraming tubig sa aming jar dahilan para hindi ako mauhaw. Hindi rin sapat ang pangangalakal ko kanina para makabili ng uulamin. Ayaw ko rin makulangan ang aking alkansya para sa pag-aaral ko.

Hindi ko alam kung bakit ang hilig ng ilang kalalakihan sa alak gayong may masama itong dulot sa katawan. Kaya ngayon ay umuwi si papa na lasing at nagdadabog sa kusina. Gusto ko siyang sigawan... sagut-sagutin... pero hindi ko magawa dahil sa sandaling gawin ko 'yon ay bugbog ang aabutin ko o kaya ay higit pa roon. Kaya mas minabuti na lang na itikom ko na lamang ang aking bibig kaysa masaktan.

"Hoy, Ez-Ez! A-Anong u-ulam?!" sigaw niya kahit medyo nauutal. Nakayuko siyang pumasok sa sala habang inaantay ang aking sagot. Nakasandal siya sa pader para hindi siya tuluyang matumba.

Nasa harapan ko ang isang platong kanin at nasa maliit na lagayan naman ang asin.

"A-Asin po, papa," kinakabahan kong sagot. Napayuko na rin ako dahil sa kabang nararamdaman. Alam kong wala sa saktong huwisyo ang aking ama kaya hindi na ako magtataka kung makalipas lang ang ilang segundo ay makakarinig na naman ako ng sunod-sunod na sermon.

"Asin?! Putang ina! Ano ang gagawin ko riyan sa maalat na bubutil na 'yan?! Bumili ka nga roon ng sardinas! Nagugutom ako!" sigaw niya na siyang dahilan ng pagkabog ng aking dibdib.

Ganito palagi si papa kapag lasing. Laging naninigaw at walang tigil sa panenermon hanggang sa may hindi na siya magandang gawin.

Mabilis kong pinunasan ang aking pisnge dahil alam kong ipapabili niya ako ng sardinas sa kabilang baryo at kay lalim na ng gabi. Tanging isang gasera lang ang meron kami.

At sa oras na umalis ako ay malabong mahihirapan akong makabalik dahil masyadong madilim sa labas at ang hirap mangapa sa dilim. Malayo pa man din ang tindahan at baon na baon na kami sa utang.

Mariin akong humugot ng malalim na buntong hininga, "P-Papa..." pilit kong pinatatag ang aking boses sa kabila ng pangangatog ng aking tuhod at kabang nararamdaman. "M-Madilim na po kasi sa l-labas--"

"Aba, nagrereklamo ka na!" hindi na 'ko makaangal nang mabilis siyang nakalapit sa akin si papa at mahigpit na hinawakan ang aking palapulsuhan. Napapiksi ako sa sakit sa paraan ng kanyang paghawak. "Hoy, Ez, ayaw ko sa lahat ay 'yong sinasagot ako nang hindi matino! Kung ayaw mo akong pakainin! Ikaw ang pakakainin ko!" nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang kanyang huling sinabi.

Marahas niya akong hinila papasok sa loob ng k'warto at malakas na itinapon sa kama. Napadaing pa ako sa sakit nang maramdaman ang matigas na kama. Mabilis akong gumapang papalapit sa sinira kong bintana ng k'warto para makatakas sa kanyang gagawin.

Pero huli na ang lahat nang hinila niya ang aking paa at tinalian ito ng pisi 'tsaka itinali sa paa ng kama ang gawing dulo nito. Napadaing ako sa sakit nang maramdaman ang mahigpit niyang pagkakatali.

"Pa, huwag!" sigaw ko at dali-daling tinanggal ang tali sa aking paa. Para akong nakikipagkarerahan sa aking ama na nagsisimula na ring maghuhad ng kanyang damit.

Ayaw ko na! Makailang beses na niya akong ginagalaw simula noong iwan kami ni mama! Palagi na lang niya akong itinatali kaya hindi ako makapalag!

Labis na takot at pangamba ang aking nararamdaman nang magsimula na siyang gumapang sa kama patungo sa aking direksyon.

"Papa!" pilit kong kinakalas ang pagkakatali ko pero mas nanaig ang masugatan ang aking mga daliri dahil sa pagkakataranta ko.

"Ayaw na ayaw ko sa mga batang pasaway!"

"Papa!"

Malalakas na kamay ang humawak sa aking paa dahilan para hindi ko siya masipa. Walang tigil sa pagtulo ang malalaking butil ng luha sa aking pisnge kasabay nito ang malakas na paghagulgol ko dahil sa takot.

Nagulat na lang ako nang isang malakas na suntok sa sikmura ang akimg natanggap dahilan para mawalan ako ng malay. Kita ko pa ang pagngisi ng aking ama bago mandilim ang aking paningin.

-———-««۝»»———-

NAGISING na lang ako nang makaramdam ng mabigat na bagay sa aking tiyan. Nang aking imulat ang aking mga mata ay laking gulat ko na lang nang mabungaran si papa na may katabing lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nasaksihan.

Muli na naman akong napahagulgol nang makita ang pambababoy niya sa akin. Hubo't hubad kaming tatlo at tanging ako lamang ang may kumot na nakatakip sa katawan.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pananakit ng aking balakang.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha habang pinilit ko ang aking sarili na tumayo kahit na nahihirapan.

Paika-ika kong hinablot ang aking mga damit pero napatigil ako sa pagdampot ng mga damit nang makita ang kabuuan ko sa salamin. Walang damit at napakadaming pasa sa aking katawan. May parte pa sa aking mukha na namamaga dahil sa natamo kong suntok kay papa nitong nakaraang araw.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil bigla akong nakaramdaman ng awa sa aking sarili at matinding galit sa aking ama. Mabilis kong sinuot ang mga damit ko at binalingan si papa at ang lalaking katabi niya na hindi ko alam kung sino at paaanong napunta rito.

Naikuyom ko ang aking palad kasunod at nito ay ang naramdaman kong masidhing galit.

'This is your chance, Chase.'

Nanlaki ang aking mga mata nang makarinig ng boses sa aking isipan. Napahawak ako sa aking sentido nang naramdaman ang matinding pagkirot nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa boses kahit hindi ko ito makita.

'Natutulog sila, oh. Libreng-libre ka ng makakaganti.' Sagot nito.

"Anong ibig mong sabihin?" napasabunot na lang ako sa aking buhok nang mas lalong lumakas ang boses sa aking isipan.

'Makailang beses ka na bang inabuso ng iyong ama? Ilang beses ka na niyang ginalaw? Ikaw ang nasasaktan sa kalupitan niya samantalang sarap na sarap siya sa ginagawa sa'yo. Alam mo ba ang paraan para matigil siya sa kanyang ginagawang pang-aabuso sa'yo?'

"Paano?" kunot noong tanong ko rito.

'Patayin mo!' Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sagot. Kasabay nito ay muling pagkirot ng aking sentido dahilan para mapasabunot ako sa aking buhok. Napadaing ako sa sakit.

Nang nawala ang kirot ay muli akong napatingin sa salamin. Kita ko ang matinding galit sa aking mukha. Tagaktak ang aking pawis kasabay nito ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa aking labi.

Napatingin ako sa labas ng k'warto at nahagip ng aking mata ang isang kutsilyo lamesa at isang gunting sa sahig. Paika-ika akong lumabas ng k'warto at dinampot ang dalawang bagay na aking nakitang makakapagtigil sa ginagawa ng ama ko.

Muli akong napabalik sa loob ng k'warto at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Alam ko sa aking sarili na hindi na ako ito.

Nawala na ang batang kawawa.

Dahil ang nakikita ko ay ang batang gustong mawala ang ama na mahimbing na natutulog sa kama.

Kita ko ang pangingitim ng aking mga mata at hindi mapigilan ang pagngiti nang nakakaloko. Muli kong ibinalik ang tingin sa aking amang natutulog at dahang-dahang lumapit sa kanyang paanan.

Matamis akong ngumiti at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo sa kanang kamay at ang gunting sa kaliwang kamay. Hindi ko na alam kung sino ako... dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay mawala ang lalaking nakahilata sa kama.

Mabilis akong sumampa sa kama at tiningnan kung sino ang uunahin ko.

'Pili ka lang kung sino ang gusto mong maunang mawala.' Muling saad ng boses.

Mas lalo tuloy akong napangiti habang nakatingin sa lalaking katabi ni papa.

I raised the scissors and stabbed them into his chest. Kita ko ang pagdilat ng kanyang mga mata pero hindi na siya nakasigaw dahil sumuka na siya ng dugo. Mas ibinaon ko pa ito at nasiyahan sa pagsirit ng dugo sa kama. Impit ito nag-ingay pero kalaunan ay tuluyan na itong nawalan ng hangin at dugo dahilan para mamatay ito ng tuluyan.

"E-Ez..." binalingan ko ng tingin si papa na nakitaan ko ng takot sa kanyang mukha. Mas lalo akong nasiyahan sa aking nakikita lalo na't nagsisimula na siyang lumayo sa aking p'westo.

I gave him a smirk, "Hey there, papa. Gising ka na pala. Akala ko kasi habang buhay ka ng matutulog. Naingayan ka ba sa pagsaksak ko sa kanya?"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi ko 'yon. Tanging ang kagustuhan ko lang ang aking iniisip sa ngayon. "Mukhang kailangan mo nang matulog ulit, Papa. Pero ngayon ay hindi na panandalian kundi panghabang buhay na pagkatulog ang kailangan mo," Nakangisi kong sambit dahilan kung bakit siya mas lalong napalayo sa akin.

Mabilis akong gumapang papalapit sa kanya at itinaas ang gunting na ginamit ko kanina.

"Paalam, papa. Baunin mo 'tong regalo ko sa'yo sa impyerno!" Sigaw ko at isasaksak sana sa kanyang leeg ang gunting nang mapigilan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ko dahil dalawang kamay ang kanyang ginamit para pigilan ito. Ngunit nakakaya ko pa ring kalabanin ang kanyang lakas.

"Hayop ka, Ez!" sigaw niya pero nagbingi-bingihan lamang ako.

"Mali ka ng pagkakakilala sa akin, papa!" Ganti ko ring sigaw sa kanya at mabilis na inilabas ang kutsilyong hawak ko. Agad kong itinarak sa kanyang leeg ito. Napangiti na lang ako nang makita ang pagsirit ng dugo sa kanyang leeg na pilit niyang pinipigilan ng kanyang kamay. Kita ko ang paghahabol niya ng hangin habang unti-unting sumasara ang kanyang mga mata.

'Well done, Chase.' Saad muli ng boses dahilan para mapangiti ako.

Napatitig ako sa katawan ng aking ama na wala nang malay. Sobrang saya ko dahil wala na ang taong magpapahirap sa buhay ko.

Napatingin ako sa gunting sa aking kamay na may dugo. Pero kasunod no'n ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may pumasok sa aking isipan.

'Bakit? Bakit ko 'to nagawa? Anong nangyari sa akin?'

Agad kong binitiwan ang dalawang bagay na kumitil sa dalawang tao na nasa kama. Napasabunot ako sa aking sarili habang nakatingin sa malaking salamin sa aking harapan. What the hell did I just do?

Paanong naatim kong patayin ang taong nagpalalaki sa akin?

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Magkahalong galit, takot, kaba, saya at pandidiri ang aking nararamdaman habang inaalala ang pagkitil ko sa buhay ng aking ama.

Mali ang pumatay pero hindi ko alam kung bakit may nag-udyok sa akin na gawin ang karumal-dumal na bagay na 'yon.

Hindi ko maiwasan na manlamig at manginig nang dahil sa nangyari.

"P-Papa!" Mahabang sigaw ko dahilan para manuyot ang aking lalamunan. Nagsimula nang dumaloy ang luha sa aking mga mata.

'Chase, it's not your fault.' Napatakip ako sa aking tenga nang muli na naman marinig ang boses ng lalaki.

"Stop! Stop! Huwag mong guluhin ang isip ko!" I shouted. Parang mapuputol ang ugat sa aking leeg sa sobrang lakas ng aking sigaw.

'Chase, dahil sa ginawa mo. Malaya ka na sa kanya. Wala nang mananakit sa'yo. At higit sa lahat. Wala nang pipigil sa'yo na gawin ang gusto mo.'

Inalis ko ang aking kamay na nakatakip sa aking tenga. He's right. I am free now. Free from him.

Malaya na nga ako sa kanyang pang-aabuso...

Malaya na nga ako sa nakaksakal na buhay na 'to...

Malaya ko nang magagawa ang mga gusto ko...

Napatingin ako sa salamin at nakita ang aking sarili na nakangiti. Kasunod nito ay ang aking pagtawa nang napakalakas.

And there I saw four different personalities in one body.

And then I discovered that I had trouble with myself.

-———-««Prologue»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top