Epilogue
Epilogue
MALAMIG ang hanging dala ng aming paligid na waring mapapayakap na lang kami sa aming mga sarili.
Amoy na amoy namin ang mabangong durian na dala ni Kirl para kay Wad dahil ito raw ang paborito niyang prutas. Nakatitig lang ako sa puntod nina Wad, Spade, Liane at ilang bago na kalilibing na mga kaklase namin.
Nandito kami ngayon sa sementeryo para magpaalam sa aming mga kaklase.
Paalaam na alam kong mananatili sa aking memorya na hinding-hindi ko makakalimutan kahit pa sa paglipas ng panahon.
Matagal na akong nanatili sa madilim na kahapon.
Ngayon na tapos na ang lahat, masasabi kong magiging payapa na ang aking buhay.
Napatingin ako sa aking tabi at nakita ang magkahawak kamay na sina Kirl at Rapper. Hindi ko sukat akalain na aabot kami rito... na makakaramdam pa rin kami ng kaligayahan sa muling pagkakataon.
Nang ibaling ko naman ang aking atensyon sa kabila ay bumungad agad sa akin ang mukha ni Cassie na sobrang ganda.
Medyo nakakatawa lang ang aming mga hitsura dahil halos mapuno ng bandage at band aids mga katawan at mukha namin dahil sa nangyaring gulo nitong nakaraang araw. Gumulantang ito sa lahat ng buong siyudad at naging usap-usapan sa buong social media at mga pahayagan.
Naungkat muli ang nakaraang pilit na binabaon ng eskwelahan.
Masasabi kong case closed na Ang Xixi Case. Lahat ay nagulat no'ng nalaman nila ang totoong k'wento na waring plot twist mula sa isang nobela.
Kasabay ng liwanag sa dilim ng kahapon ay ang hinagpis ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga namatay sa insidente.
Nakulong na si Ms. Delmento dahil sa nangyari. Hindi na ako nagpunta sa mga hearing at nagbigay lamang ng aking pahayag para maliwanagan ang lahat ng maliwanagan.
I smiled at their tombstones, saying my last words and goodbyes. But before anything else, nagtungo ako sa pinakahuling lapida at hindi napigilan ang emosyong kanina ko pa gustong pakawalan.
Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatingin sa lapida ng nag-iisang tao na hindi ako kinamuhian dati.
Si Fourteen 'Fourth' Ynaz o kilala sa kanyang totoong pagkatao na si Eleven Raine Angeles. Isang kilalang journalist na sumailalim sa operasyon at binago ng doctor at ni Ms. Delmento ang kanyang katauhan para protektahan ito. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na ito nabigyan ng ikatlong pagkakataon na mabuhay pa.
Matapos ang gabing 'yon ay hindi ko na alam ang gagawin nang makita si Sir Jim Torralba na nakatututok ang baril kay Fourteen. Pinaulanan niya ito ng bala dahilan para malagutan ng hininga ang aking kaibigan.
Hindi ko man lang narinig ang kanyang boses sa huling pagkakataon at tanging ang kanyang marahang paghaplos sa aking pisnge ang huli niyang nagawa bago pa man siya tuluyang mawala.
Si Fourteen ang kaisa-isang tao dati na nilapitan ako at hindi ako hinusgahan sa kung ano ako. Tumiwalag sa grupong balak paalisin ako sa eskwelahan dahil alam niya kung anong nararamdaman ng isang tao binully.
Alam niya kung gaano kabigat sa damdamin ang taong inapi-api at higit sa lahat, ayaw niya ang trauma'ng aabutin ng biktima kung sakali magpatuloy sila sa kanilang pambubully.
Umupo ako sa harap ng kanyang sa lapida at inilapag mula sa aking bag ang isang bagay na alam kong pag-mamay-ari niya.
"Hey, buddy. This might be weird pero dala ko 'yong Swiss knife mo... hindi ko alam kung bakit pero sabi ng isip ko dalhin ko raw 'to at ibigay sa'yo. Kaya, 'eto..." pagkausap ko rito.
Agad ko namang pinunasan ang walang tigil na pagpatak ng luha sa aking pisnge. May ilang butil pa ng luha ko ang pumatak sa kanyang lapida.
Grabe naman, Fourth. Ang sakit... sobrang sakit. Pero kahit anong karumal-dumal ang kanyang ginawa sa aming mga kaklase, patuloy ko pa ring isasaala ang mga alaala na kasama kita.
Sa huling pagkakataon ay hinaplos ko ang kanyang lapida at tumayong muli. Nahirapan pa ako sa aking pagtayo dahil sa nanghihina kong tuhod.
I whispered, "Goodbye, my Fourteen..." and we stepped off the cementery.
Sa aming pag-alis ay tuluyan na rin naming ibabaon sa limot ang madilim na karanasan ng kahapon ngunit babaunin pa rin namin ang aral na aming natutunan dito. At ang magagandang alaala na alam namin ay babalik-balikan din namin sa hinaharap.
-———-««»»———-
"Kayo ba? What's your plan after graduation?" Kirl asked as he took a sip of his cup of macchiato.
Napatingin naman sa kanya si Rapper na alam kong malungkot dahil hindi pa pala nila alam kung magkakasama pa ba sila sa susunod na taon.
"Siyempre, gusto kong magtrabaho sa isang kilalang network. Gusto kong pumasok sa showbiz o 'di kaya ay makita man lang sa TV," seryosong sagot ni Cassie na ngayon ay ningunguya ang cheesecake na kanyang inorder.
"Maybe, I'm shifting to culinary. Magiging chef ako in the future. Kayo ba lovebirds? Any plans?" I asked.
Malungkot na ngumiti ang dalawa at sabay na nagtagpo ang mga tingin.
"This is quite heartbreaking, but I'll pursue architecture. Isa 'yon sa pangarap ko and maybe hindi ako dito mag-aaral. Sayang lang kasi hindi ko makakasama----"
"What if I told you na sasamahan kita?"
Kunot noo kaming napatingin kay Rapper na sobrang laki ng ngisi ngayon.
Grabe, parang bipolar pala 'tong jowa ni Kirl...
"What? Sasamahan mo 'ko?" gulat na tanong nito.
"Mom and dad let me choose my university for college," says Rapper. "Alam nilang i-pu-pursue ko ang engineering. Sabi nila, babayaran nila lahat ng magiging expenses ko sa college life, and I can't wait na lumipat at mag-shift ng course, Kirl."
"Ugh! Guys, come on! Learn to be independent. Huwag nga kayo puro ka-sweetan sa buhay!" pag-reklamo ni Cassie dahilan para makuha nito ang aming atensyon.
"Just let them be, Cass. Lovebirds don't separate. Maybe along their way that might happen---aray, Kirl!" daing ko ng makatanggap ako ng hampas sa aking braso.
"Grabe kayo sa amin, ah! Parang gusto niyong paghiwalayin kami. Mga inggitero kasi kayo!"
"Yucks! Kami maiinggit?" tukoy ni Cassie sa aming dalawa since kami lang naman ang single sa lamesang 'to. "Hindi, 'no? Bakit naman ako mainggit kung kaya ko namang mamuhay ng mag-isa." she answered.
"But no man is an island, gurl-----"
"I don't care. Basta hindi ako nainggit." She cut off Rapper with her words.
"Alam niyo magkape at kumain na lang tayo kaysa magbangyan. Mukhang may ikakalala pa 'yang sagutan niyo..." pagpigil ko sa tatlo bago kami muling kumain at nagharutan na rin.
Sobrang saya ng araw na 'to. Masasabi kong 'eto 'yong beauty after disaster na sinasabi nila.
I found my true friends in dark times. At sina Kirl, Rapper at Cassie 'yon...
But just as I thought
Hindi pala.
Akala ko totoo na.
Nanaginip ba ako?
Bakit nag-iba ang paligid ko?
Anong nangyayari?
B-Bakit nandito na ako sa isang madilim na sulok?
Niyayakap ang aking tuhod habang nakatingin sa may pintuan.
Anong nangyayari?
Hindi ko na alam kung anong nangyayari!
"Stupid, Chase!"
"Mahina at lampa ka kasi!"
"Bakit mo kami sinukuan?"
"Are you planning to leave us again?"
Sunod-sunod na pamilyar na boses ang aking naririnig dahilan para takpan ko ang aking tenga. Napapikit ako sa takot at sa hindi malamang dahilan namamawis ako kahit hindi ako tumatakbo sa parang.
Nang idilat ko muli ang aking mga mata ay dito na ako kinilabutan nang makita ang tatlong pigura na nakatayo sa harap ng stage ng teatro.
Mula sa kanilang suot at natatakpan ng kanilang buhok ang kanilang mga mukha.
Ang mas nakakagulat ay ang ilaw ng kanilang mga mata na parang nakaharap ako sa apat na maligno.
Bakit? Bakit nasa ganito akong sitwasyon? What's happening to me?
"Chase!"
"Chase!"
"Chase!"
"Chase!"
Makailang beses na nag-echo sa aking tenga ang boses ng mga nilalang na nasa aking harapan. Muli ko na namang tinakpan ang aking tenga at sa hindi malamang dahilan ay napapapikit ako dahil sa sakit ng aking ulo.
"Tama na! Ayaw ko na! Itigil niyo na 'to!" Malakas kong sigaw.
Kasunod nito ay ang gulat na naramdaman ko nang sandaling idilat ko ang aking mga mata.
Napatingin-tingin ako sa aking paligid at nagulat na nasa rooftop na ako. Pero ang ikinataka ko ay kaharap ko ngayon ang isang guro ko... si Ma'am Queshara.
Hindi ko mawari ngunit kinakabahan na ako sa kanyang presensya na parang may kung anong mangyayari.
Bukod sa nakakatakot niyang presensya ay hindi ko rin maintindihan kung bakit may nalunok ako dahilan para hindi ako makapagsalita.
Matatalim ang mga mata nito kaya labis ang kilabot na aking nararamdaman.
Pero ang higit pa sa kinatataka ko ay ang suot kong damit na waring suot ng mga taong galing sa mental institution. May wheelchair pa sa aking likuran na mas lalong nagpagulo ng aking isipan.
Teka! Ano bang nangyayari? Bakit ako nandito sa rooftop at bakit ganito ang suot ko? Tapos nandito pa ang guro namin?
"Hey, Chase? Do you remember me? "She asked and reached out to touch my shoulder, but I stepped back.
Hindi ko alam pero nakakatakot ang kanyang presensya.
She chuckled, "Sabagay, paano nga ako maalala kung tuluyan ka nang nawala sa pag-iisip mo?" at muli itong mahinang napatawa.
... nawala sa pag-iisip mo....
What does she mean by that?
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I might be crazy 'cause I'm talking to a crazy, pero sasabihin ko na ang lahat-lahat dahil nanggigil na ako. Matagal na 'tong sekretong 'to pero sasabihin ko na dahil gusto kong malaman mo ang lahat tungkol sa pamilya natin!"
Dito na ako nagulat sa inasal ng aming guro. Parang nag-ibang tao siya dahil hindi ganito ang mga kinikilos ni Ma'am Queshara.
'Tsaka sinabi ba niyang pamilya natin? Anong ibig niyang ipagsabi?
"Buti na lang at iniwan ko ang tatay mong lasenggo. Kung hindi, baka miserable pa rin ang buhay ko."
Dito na ako napaangat ng tingin nang sandaling banggitin niya ang mga salitang 'yon.
Bakit? Bakit ako nakaramdam ng kirot sa aking dibdib? Tama ba ang pagkakarinig ko? Iniwan niya ang papa kong lasenggo... Does she mean na siya ang nanay ko?
Wala sa sariling humakbang ako papalapit sa kanya dahilan para siya naman ang umatras sa aming dalawa.
"M-Mama..." nahihirapan kong usal. Parang bulong sa hangin kong tugon matapos ang kanyang rebelasyon ngunit wala akong natanggap na responde mula sa kanya. Ito ang rason kung bakit mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib.
"It's just so funny na hindi mo pa rin nakuha na ako ang iyong ina after ng ilang beses na pagkikita natin. Parang hindi mo ata nakuha kung paano maglaro ang tadhana, Chase. Hindi ko rin inexpect ang mga nangyari. Napunta ka rito na walang kalam-alam sa akin..."
Bukod sa nag-iba na siya, hindi ko rin mawari kung bakit hindi ko na maramdaman ang lukso ng dugo sa kanya.
"I didn't even expect na may magiging plot twist pala 'tong buhay ko. It's just that I am the mystery publisher of The Xixi Case."
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig at hindi makapaniwala.
Then, all this time, Casssie was aware of the case? Tapos si Ms. Delmento ang naging dahilan ng pag-iba ng takbo ng buhay ni Fourteen at si Ms. Queshara ang mystery publisher na tinutukoy ni Cassie.
Lahat ng bagay ay may katuturan. Nasagot na dapat ang masagot at isang bagay na lang ang hindi ko pa matatanggap...
At 'yon ay kung bakit hindi niya pa rin ako tinanggap na kanyang anak? Possible kayang kinamumuhian niya ako dahil anak ako ni papa?
I can't help but question myself about this. Am I a worthless son?
"Shit! I still can't believe I'm saying this to you. But before I forget, I want you to know na kinamumuhian ko kayo ng tatay mo! Dahil ang isang Ezequiel Chase Robles ay produkto ng isang pang-aalipusta at panggagahasa ng tatay mo!"
Akala ko wala nang mas masakit pa sa aking narinig... ngunit may ikakalabis pa pala.
Nagmula na mismo sa bibig ng nagluwal sa akin. Kinamumuhian niya ako...
Ibig sabihin ay hindi niya ako pinangarap na maging anak?
That's how my mother felt about me.
Hindi niya ako tinuring minsan na anak!
Hindi niya ako mahal!
Hindi niya iniintindi! Napahawak ako sa aking ulo at ilang beses nagpabalik-balik sa aking isipan ang kanyang mga salita.
"Please! Stop! Ayaw kong marinig ang mga sinasabi mo!" buong lakas kong sigaw.
Nagpalakad-lakad ako sa rooftop at hindi ko sukat akalain ang sunod na nangyari.
Wala akong maramdamang takot. Nasa gawing pinakagilid na ako.
Binalingan ko ng tingin ang aking ina. Para akong nabingi dahil kita ko ang ilang beses na pagbuka ng kanyang bibig na waring sinisigaw ang aking pangalan.
Pero sa nakikita ko, hindi siya maghihinayang na mawala ko.
Nagsimula nang tumulo ang aking luha at dito na ako tuluyang naibuka ang aking bibig.
"M-ma..." nanginginig ang boses ko habang tinatawag siya. "I love you..."
Walang pasabing hinayaan ko ang aking sarili na makiisa malamig at banayad na hangin.
I felt like I was on cloud nine.
But the next thing I remembered was, hindi pala kami tuluyang nagwagi na ipabalik sa katauhan ko si Dark dahil sa huling pagkakataon ay mas pinili nitong mawala kaysa bumalik sa akin.
Tuluyan na nga akong nawala sa katinuan. Lahat ng alaala na kasama ko sina Kirl, Rapper at Cassie ay parte lang pala ng aking imahinasyon.
Dahil ang totoong nangyari ay namatay kaming lahat no'ng mga oras na 'yon. Walang natira sa amin liban sa akin.
Ngayon na alam kong tapos na ang lahat.
Tapos na rin ang pasanin at bigat na aking nararamdaman.
At sa huling pagkakataon, si Ezequiel Chase Robles ay isa pa ring talunan. Laging talunan sa lahat ng bagay.
I still had trouble with myself.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top