Chapter 9
"Stressful Request"
Two days in our rehearsal. Hindi ko akalain na ang pilit kong inilalayo sa grupo ay pilit ding inilalapit ng pagkakataon.
"Axcies may pinapa-abot pala ang Board of Director sayo." Sabi sa akin at sabay abot sa akin ni Dean sa isang envelop.
Nang buksan ko, isang memorandum na naglalakip ng isang request. Sinasaad doon na ipasali si Zaphie Ayala sa magaganap na event. Hindi ko ma wari kung si Zaphie ba ang may pakana nito o talagang alam lang ng mga investor na may isang katulad niya, na panggulo sa Campus namin.
Nagtaka ako kung bakit at papaano nangyari itong ang request na ito.
'Kilala ba ng mga investor si na ito. Kung sino at anong klaseng tao si Zaphie?' natanong ko sa isip ko. Pagkuway kunot noo kong binalingan si Dean Justine.
"Totoo ba itoh Dean? Bakit isasali natin sa Team si Zaphie? Eh, mang gugulo lang naman siya. For sure. At anong klaseng papel ba maibibigay natin sa isang kagaya niya? A warfreak at trouble maker na model, na walang ibang gawin kundi gumawa ng gulo? Ganoon?" protesta ko.
Walang masabi si Dean Justine. Kundi ang magkibit balikat na lang.
Kaya't lalo akong nainis sa tugon niya. Lalong lalo na, sa taong nasa likod ng ideyang ito.Talaga bang may balak siyang pahirapan ako ng ganito? Kainis, nakakagigil!
"Eh 'yon ang request ng investor eh. Siguro na balitaan nila, na may pasaway tayong student dito. Kaya ayan, they want to see it. Kung paano natin iha-handle ang kagaya ni Zaphie." kaswal nitong sabi.
Ang daling sabihin na ganoon pero sa side ko ang hirap hirap pasunorin ang taong ayaw naman sumunod. Pakiramdam ko. Ako ang tinu-turture sa kalagayang ito. Ayoko na! Mag kwe-quite na lang ako sa pagiging president, sa Campos na ito.
Napakamot ako sa batok ko at nangunot ang mga noo.
'Ang bata ko pa nga, ngunit mukhang matanda na ako sa subrang stress. Nakakaubos ng pasensya at nakakatuyo ng utak. Baka ilang araw lang ang lilipas at baka makalbo na ako sa sobrang stress nito.'
Pero ano bang magagawa ko? Wala! Kung pwede ko lang hilahin ang mga araw at buwan naku, ginawa ko na para maka graduate na ako at makalaya sa responsibilidad na ito.
Pero hindi hanggang 'sana' lang ang lahat ng nais ko. Wala along ibang magagawa. Kundi ang pagtitiisan na lang muna kung anong meron ngayon sa buhay ko.
UNANG araw ng pagsali ni Zaphie sa Team. Kung sino pang pabida 'yon pa ang laging kontrabida sa buhay ko. And an usual, late nanaman siya.
Pamila talaga siya ng mga 'KALA' Lageng nag-aaKALA na keso kala niya sinong super star. Para abusihin ang salitang LATE ENTRANCE, EARLY EXIT phrase.
"Good morning everyone! " masaya pa niyang bati. Assuming na may closefriend siya sa grupo.
Kasalokuyan kaming nagre-rehearse ng opening presentation at ng dumating siya. Lahat napatigil at napabaling sa kanya. Oh hindi ba napakapapansin niyang tao.
" Anong ginagawa niya dito? Don't tell me isasali siya?" nagsimulang pagtataray ni Rica. Habang nakakuyogpos't kung makatitig pa kay Zaphie, kay talim ng mga tingin nito.
"In her dream. At isa pa ano bang alam niya sa pagiging isang performer? Ano bang sayaw ang alam niya? Iyong kumimbot kimbot habang naka bikini at sumpa sa isang bakal na poste para buhayin ang mga kalibugan ng mga kalalakihang naninigang na?" pang-iinsulto ni Marga rito na kinadilim naman ng mukha ni Zaphie.
Ramdam ko ang umiinit na komosyon sa pagitan nila.
"Eh 'di mas okey. Para may bebot tayong kasama, hindi ba guys?" gatong naman ni Jake na masaya sa pagdating ni Zaphie.
Masaya ito dahil sympre. Isang siyang certified palakerong matinik sa dance floor. Siya ang choreographer namin, ang master mind ng takbo ng mga intermission number.
"Guys enough, go back to your position!" saway ko sa kanila.
"Halikana Zaphie, kailangan mong humabol." matino kong saad at sumunod naman ito.
Habang nag re-rehears kami. Lihim kong pinagmasdan si Zaphie. Nakakabelieve siya. Dahil ang dali dali para sa kanya na humabol at sumabay sa mga steps. Ang bilis niyang makamemorya ng mga hakbang.
Habang 'yong iba ang hirap turo -an. Kailangan pa talaga ng one on one at paulit-ulit ulit para maging polido ang takbo ng sayaw.
Kaya tuloy panay paulit ulit sa umpisa na nauwi sa pagkabagot at nag simula ng mainis si Zaphie.
At sa kalagitnaan ng rehearsal. Bigla na lang itong tumigil sa pagsasayaw at umopo sa gilid. Kaya naman ang mga malditang si Marga at Rica nagsi-alsahan ng kilay sa ipinakitang ugali ni Zaphie.
"Umasta na namang parang sino ang basahan." umpisa ni Marga.
"Ou nga, akala mo sinong magaling!" segunda ni Rica.
"Zaphie balik kana dito." Tawag ko rito para 'di na lumaki ang pinaghihimutok ng dalawa.
Ngunit 'wari bingi lang si Zaphie. Hindi siya nakinig. Tumayo ito at deristying kinuha ang back pack. Matapos sinaklay sa isang balikat at tuloyang lumakad palabas ng auditorium.
'Talagang sinusubukan ako ng pasaway nito.' kaya maging ako'y 'di nakaligtas sa inis.
" Isa!" naiinis kong hudyat. Ngunut hindi man lang ito natinag.
"Dalawa!" angry tune I speak.
Pero walang epek. Nagpatuloy lang siya sa kanyang pag-alis.
"Zaphie Ano ba! Ano bang pinagmamalaki mo, huh? Ano, magaling ka na, huh? Kuha mo na lahat ng steps ng sayaw. Para pwede ka nang umalis kung gugustohin mo, huh?" I angrily shout it out.
"Ano ba? Go back here or else, I'll gonna force you to come back here!"umalingaw na bulyaw ko ngaw sa buong auditorium.
"Hayaan muna siya Acxies. Wala naman 'yang binat-bat. Makakasira lang naman siya sa gropu. Tingnan mo nga siya. Lahat kaliwa ang mga paa, so what's the use of it? She's nothing and useless!" awat at pangmamaliit ni Rica na kinatigil ni Zaphie.
Matapos napalingon ito habang puminta sa kanyang mukha ang pikong nararamdaman. Sumama ang kanyang paningin. Tila'y nahahamon siya sa sinabi ni Rica. Doon nag ka idea ako. Kung paano siya pabalikin.
"Zaphie, bumalik kana dito. Ngayon mo ipakita sa akin ang galing na pinagmamayabang mo. H'wag mo akong daanin sa pagiging brat mo! H'wag mong ipagyabang sa akin 'yang galing mo! Iyang sayaw mong, tanging sa ibabaw ng kama mo lang ginagawa!" ininsulto ko na talaga ng sagaran.
Grabe kasi ka tigas ang ulo niya nakakatuyo ng utak.
Sa sinabi ko lalong nagdilim ang mukha niya. Napatiim baga siya sa galit. Pagkuway nanlikisik ang mata na lumakad pabalik sa amin. Habang padamog na naglakad.
Palibag pa nitong tinapon pababa ang bag niya. Habang mabilis na tinanggal ang suot nitong jacket.
Kung noong una may mga pasa pa siya. Ngayon ang kinis na at puti na ng kutis niya, talagang nakaka-akit titigan.
Kahit nga ako 'di ko matanggi na may sinasabi ngang alindog ang hubog ng katawan niya. And with her hot pink sleeveless na pinaresan ng skinny jeans. Oh damn! Talaga lumitaw ang nakaka-akit niyang katawan.
Nang tingnan ko ang mukha niya. Bigla akong kinabahan ng mag-abot ang mga mata namin. Tinitigan niya ako ng kay talim. Pero hindi ako nagpatinag at di ako nagpahalata na napapahanga niya ako sa pinagmamayabang niyang katawan.
"Sige, sinong gustong makipag show down sakin?" pikong panghahamon niya sa lahat.
Nagulat kami sa sinabi niya. Natahimik ang lahat at walang ni isang umimik. She look us one by one with a dare in her eyes. Ngunit walang makapagsalita. Lahat mukhang nakakita ng lion.
"Ano? Sino?" matapang pa niyang hamon.
Ngunut wala pa ring kumakasa sa hamon.
"Ano? Naduduwag na kayo?" pangmumukha niya.
"Si Jake." biglang saad ni Ryan at tinulak niya pa ito.
"Jake ikaw na!" segundang pamimilit ni Garry sabay tulak din kay Jake.
"Ayoko nga! Baka kainin pa ako niyan eh." Lingong tanggi ni Jake na akala mo ang e sho-showdown niya ay isang lion.
Para kaming natameme sa ginawa ni Zaphie. Siguro dahil sa katawan pa lang niya mukhang may sinasabi nah. Kaya naman napapa-atras ang lahat.
'Bakit ko pa kasi hinahamon-hamon ang isang 'toh. Kaya ngayon mukhang ako pa atah ang mapapasabak.'
"Tama na yan." Singit ni Rafael ng walang ni isang tumanggap sa hamon.
" Zaphie, you can go now. H'wag muna lang silang pansinin. You can take your time and leave." Casual na saad ni Rafael.
Ngunit pakiwari ko. Ako ata ang nagmukhang duwag sa nangyayari. Feeling ko rin na parang ako atah ang hinahamon ni Zaphie sa mga sinasabi niya.
Kaya ito naman si Ego ko, mukhang ayaw magpatalo. Bigla ko na lang nasabi na
"Ako! Ako ang hahamon sayo!" Hamon ko na kahit kinakabahan ako.
Anong manyayari sa hamonan? Sinong mapapahiya? Abangan sa next episode.
____________________~*~____________________
Dedication
T
his part is dedicated to @CaraAlthea for flooding me a votes thank u gorgeous. :)
____________________________________________
Writer's Notes: Pa vote and comments po. Thankie!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top