Chapter 6
"The True Color"
Zaphie's POV
PAGKABABA ko sa kotse na siyang sumundo sana sa'kin mula sa Campus at papunta rito sa bar ni Tita. Alam ko na sinusundan na kami ni Acxies. Ngunit hindi ako nagpahalata sa kanya. Hinahayaan ko siyang sundan ako at malaman niya kung ano man ang gusto niyang matuklasan sa akin.
Ilang oras rin siyang nag-antay sa akin at nakamasid. Nagmamatyag kung ano ang gagawin ko. Ngunit ang hindi niya alam ay pinagmamasdan ko rin siya. Mula rito sa one way mirror na pinagtataguan kong private room.
Makalipas ang dalawang oras kinailangan kong umalis. Dahil may importante pa pala akong gagawin ngayon at kailangan na hindi ako masundan ni Acxies.
Kailangan kong linlangin si Acxies. I txt Ava para makipagpalit ng damit sa kanya. Tapos siya ang nagkunwaring ako.
Ngunit ng lumabas na ako. Lintik at masyado atang matalas si Acxies. Papasakay na ako sa panibago nanamang kotse ng mamataan kong nakasunod na siya sa amin.
Akala ko hanggang doon lang ito susunod. Ngunit mukhang magdamag atah ako nito bubuntotan. Kaya ipagpapaliban ko na nga muna ang plano ko.
"Drey, h'wag na tayong tumuloy. I change my mind. Maybe tomorrow na lang." utos ko kay Drey.
"Okey Zap. So saan tayo ngayon?"
Lumingon ako sa likuran.
"Iikot mo na lang muna ang sasakyan kahit saan. May nakabuntot kasi sa atin." paalam ko at tiningnan ni Dre ang sasakyang bumubuntot. Mula sa reviewer mirror.
"Sino ba siya at anong gusto mong gawin ko sa kanya?" saad pa nito na parang treat sa amin si Acxies kung ituring.
"No need Drey. Hayaan na natin siya. Isa lang siya sa manliligaw ko." dahilan ko na dahil kilala ko Drey. Baka mag init ulo nito at pag initan pa si Acxies.
Saglit akong napatingin say wear watch ko. And it's already 10 pm. I remember Grace. Pag ganitong araw at oras. Hindi pumapalta si Grace sa pagpunta sa Resto Bar. Kaya may na-isip na ako.
"Drey. Balik na tayo sa Resto Bar. Per wait!" naalala ko. Kailangan kong maghanap ng matanda na mukhang mayaman.
At sakto rin may matandang mukha namang mayaman na naghihintay rin ng masasakyan sa isang five star hotel na along the way lang naman.
"Perfect. Iyan, isakay natin siya. Ihinto mo, Drey."
"Huh? Why? For what?"
"Basta. H'wag ka ng magtanong sumabay ka na lang." sagot ko at sinunod naman niya. Matapos ako na ang lumapit at kumausap sa matanda.
Buti na lang at pumayag ito sa gusto ko.
Ayan, I'm sure lalong lala ang hinala ni Acxies sa akin at lalo siyang gwa-gwapo sa galit at pandidiri niya sa akin.
Tamang tama at 10 pm na nga ng dumating kami sa Resto Bar. Ngunit ang akala ko na baba pa rin siya at susunod pa rin siya sa loob ay hanggang akala na nga lang.
Dahil ng bumaba na ako ay siya namang pagharurot ng sasakyang niya palayo. Nakadama ako ng lungkot at pagkadismaya.
Ipapakita ko pa naman sana sa kanya kung anong trabaho meron ang minamahal niyang girlfriend.
Ganoon paman. Gabi na at napagod ata ako. Kaya aninginaeng minabuti ko na na pumasok.
Nang marating ko ang main entrance. Kita mula rito kung pamaano magpasaya at makipaglandi ang pinagmamalaki ni Acxies sa akin.
Iyong babaeng pinagmamasdan niya sa akin na masahol pa sa asong gala. Isang tipong babaeng inakala niya'y anghel. Ngunit nagbabalat kayu at may maitim na budhi.
At sa aking nasasaksihan. Hindi ko lubos ma isip na nakakaya pa talaga ng babaeng ito na kumalabit sa isang matandang mayaman at paiba-iba ng lalaki. Sa bawat gabi na pagpunta niya rito.
Madalas pa roon ay iba't ibang matatandang hinuhothotan niya ng pera. Hindi ba siya nadudumihan sa trabaho niya na papalit palit ng sugar daddy?
Sayang at hindi ito nahuli ni Acxies. Pero kasalan rin niya. Dahil tanga rin naman siya. Ang bilis niyang mag give up.
'Bahala nga siya!'
Nang muli kong lingonin si Grace ay walang kasing laswa na itong umarangkada ng kalandian. Nagsisimula na itong maghasik ng lagim. Wala na itong hiya kahit makipagtukan at gumawa ng masisilan na harutan kahit maraming tao at kahit pa medyo may kadiliman ang paligid.
She is a wild and out of the box person. She do everything just to satisfy her customer satisfaction.
Grabe talaga ang sikmura ng babaeng ito.
Ginagawa ang lahat para makakuha lang ng pera. Wala na siyang paki sa salitang puri. Para sa kanya wala na itong kwenta.
Napalingo na lang ako sa katotohan na tinatago ni Grace kay Acxies. Pagkuwa'y pumasok na ako sa loob upang makapagpahinga na rin sa taas
Pababayaan ko na lang sila na malutas ang mga problema nila kaysa dagdagan ang gulo at problema na kinakaharap ko.
KINABUKASAN ginising ako ng isang notifications tone ng cellphone ko. Kahit na tinamad ay kusang gumalaw ang kamay ko at inabot nito ang phone ko na nakalapa sa side table.
Kahit antok pa ako at napapakurap-kurap pa ang mga mata. Pinilit kong silipin kung ano ang nilalaman ng notification message.
Ewan ko ba at bakit mapilit ang sarili ko na alamin kung anong meron sa mensahing it. Nang mabuksan ko na nga ang notif.
Unang bumungad sa aking paningin ang pangalan ni Dra. Bridgette. Kay agad akong napabalikwas at naalala ang hinahantay kong resulta.
Dali-dali akong umayos ng pagkakaupo at napadilat ng mata. I can't wait to know the result.
Kabang kaba ko pang pinindot ang inbox icon upang alamin ang kabuohan ng mensahi niya.
Nang mabuksan ko na nga. Isang laboratory result. Mabilis kong pinasadahan ng tiningin at hinanap ang pinakadulo. Ang conclusion part.
Nang matamaan ko agad kong binasa ang nakalagay doon at Doon, isang mabigat na katotohanan ang puminit sa aking puso.
Nanlumo ako at nawalan ako ng lakas sa nabasa. Biglang bumalot sa dibdib ko ang takot at 'yong pag alala ko'y hindi ko mapigilan na lumamon sa isipan ko.
Nabitiwan ko ang naturang phone at naiiyak.
"Hindi maari, hindi pwede! Bakit ganito? Karma na ba ito sa ginawa kong pagtakas? Hindi! Hindi pwede!
Sigaw ng utak ko at naluha na lang ako, saka dahilanang pinalala lalo ng tadhana ang sitwasyon ko. Hindi ako humikbi ng iyak. Dahil baka marinig nila Tita at Ava ang iyak ko. Hindi nila dapat malaman ang masamang balitang ito. Kaya pinunasan ko ang mga mata ko at pilit kinalma ang sarali.
After makapagbihis at handa. Napatgil ako sa harap ng salamin. Pinatamaan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Namumutla na nga ako kaya dinagdagan ko ang make up. Nang magmukhang walang karamdaman.
Kinapalan ko ng kunti para 'di mahalata ang pagkatamlay ko. Matapos mag kolorete. Kinuha ko ang jacket upang isuot na sana ito. Ngunit pagka-angat ko sa aking braso, sa may bandang balikat. Napansin ko ang malaking pasa.
Akala ko 'yon lang isa. Iyon pala may napansin pa akong pasa sa likuran ko at nang matingan ko ito mula sa twin mirror ng closet ko. Doon ko nakita ang tatlong malalakong pasa sa likuran ko at dalawa pa sa isang braso.
Wala pa naman ito kagabi ah. Bago ako matulog. Hindi ko lubos maisip na bigla na lang siyang nagkaganito pagkagising ko.
Lalo akong natakot at kinabahan. Kaya dali-dali ko na lang isinuot ang maong jacket ko at tumalima na sa pag-alis.
10 minutes agad ko na narating ang Campus. Wala ako sa mood at papasok na ako sa lobby ng magkasalubong kami ni Alex.
Iiwasan ko sana siya pero sadyang makulit siya at hinarangan ako.
"Hey hey! We're are you going pretty babe." biro pa niya sa akin habang nakaharang ang mga braso sa magkaliwang deriksyon.
"Let me pass. Nagmamadali ako, I'm already late." seryoso kong saad sa kanya.
"Anong late ka d'yan. Eh, mag na-nine am pa lang oh. Tapos 9:30 pa ang klase mo." kontra pa sa akin.
Kumunot noo ko dahil talagang memoryado pa talaga niya ang schedule ko kaysa sakin.
"Nagtaka ka bakit?" tanong pa nito ng hindi ako kumibo at napakunot lang ng noo. Tila ba alam niya kung ano ang nasa isipan ko.
"Bakit nga ba?" taray ko sa kanya para layuan na niya ako.
"Dahil magkaklase kayo ni kuya sa next class mo, remember?"
Oo nga pala.
Kaya napayango ako.
Sa aming pag-uusap 'di ko namalayan na paparating na pala si Acxies. At walang pa sabi na hinila ang kapatid niya. Papalayo sakin. Wari ba may nakakadiri at nakakahawa akong sakit na dapat layuan. Matapos pa'y hinarap ako na may bigat sa mukha.
"Wala ka na talagang pinipili ano? Mapabata o matanda pinapatulan mo. Nakakadiri ka!" pangmamaliit niya sa akin na wari patalim na sinasaksak sa puso ko.
Hindi ako nakaimik, di kasi na lulunok ang pinagsasabi niya. Ang sakit, ang sakit sakit sa damdamin. Sinamaan pa niya ako ng tingin at tinitigan ng mapanuyong titig.
"Layuan mo ang kapatid ko! Naiitindihan mo ba? Dahil next time. Kapag na makita ko pa kayo na magkasama. Lagot ka na talaga sa akin. Tandaan mo 'yang!"
dagdag banta niya. Pagkuwa'y binalingan ang kapatid.
"Alex, go to your class! H'wag mong aksayahin ang oras mo sa mga taong walang kwenta." singhal niya sa kapatid at parinig sa akin.
Pagkuway tunalikuran na niya ako't iniwan.
Pero kahit ganoon paman ang paningin niya sa akin. Kahit na ang sama ng tadhana sa akin. Kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang buhay ko. Papasok pa rin ako sa pag-aaral at tataposin ko ang pangarap ko na kurso.
Noon paman gusto ko talaga mag fashion designer. Kaso sabi ni Dad wala raw ako mapupuntahan sa kursong ito. Dapat daw business Ad ang dapat kung atupagin.
Puro na lang negosyo, nakakarindi na, na sa bawat araw laging pera na lang ang pinag-uusapan. Hay, naku pati kinabukasan ko ipagpapalit sa pera. Napahinga ako ng malalim habang papasok ako sa pasilyo ng Abstract Art Bldg.
Papunta na ako first class ko na Philosophy pero parang lutang naman ata ang utak ko.
Papaliko na sana ako ng mapansin ko ang hagdanan pa puntang roof top. Sinilip ko ang daang iyon. Sa unahang parti. Nakita ko na ma ynakalagay na NO ENTRY DANGER ZONE.
Sa signage na 'yon may na-alala akong dalawang tao. Napangiti ako at namimis ko na sila.
'Kumusta na kaya sila? Saan na kaya sila?' Tanong ko sa utak ko at pumasok na ako sa pinagbabawal na daan. Matapos hindi nagdalawang isip na pumanhika hagdanan kahit na pinagbabawal pa.
Dalawang 'di pa natatapos na palapag pa ang nadaanan ko. Bago ko narating ang pintoan palabas ng roof top. Pagkabukas ko sa pintoang iyon. Isang nakakamanghang lugar ang bumungad sa akin.
Sumaya ako bigla sa nakita kong ganda na meron ang roof top na ito. Nagtaka ako bakit may nakatagong harden sa parting ito at may signage pang pagbabawal sa baba. Bakit kaya?
Sadya kayang itinago ang harden na ito o inaayos pa ito sa ngayon. Naku! Tiyak pagbinuksan na ito. Paniguradong marami ng pupunta rito na, I'm sure.
Ginala ko ang paningin sa paligid at paulit-ulit na pinagmasdan ang naggagandahang mga bulaklak ang nagpangiti sa akin. Wari nasa secret garden ako.
'Alam kaya nila ang lugar na ito? Impossible naman na kung alam nila. Bakit may signage sa baba na pagbabawal? Sa ganda ba naman dito tiyak na mamangha kahit sino makakita nito.'
'Pero buti na rin 'yon para naman may solo ko ang lugar na ito. Para pag gusto kung mapag-isa, ay pwede ko itong maging tambayan.' ngiti ko
'Ang swerte ko pala at ako ang kauna-unahang naka kita nito. Sorry na lang sa gumawa nito kung makiki-trespassing man ako. Eh sa gusto ko dito eh.'
Matapos lumakad pa ako sa gitnang bahage. Mula roon kita ko ang dulo ng roof top.
'Mukhang masarap doon pumwesto ah.' at tinungo ko na nga ito.
Mula sa pinakagilid na dulo roof. Abot tanaw ko ang malawak na bayan ng El Monte Villa. Habang sa unahan naman nito'y sumalubong aking paningin ang malawak na karagatan ng kanluran.
Ramdam ko pa ang sariwang hangin na dumadampi sa aking pisngi. Halos mapapikit ko sa sarap na dala nito.
'Wow! this gonna be a perfect place na pagtatambayan ko. Mukhang ayoko na atah pumasok sa klase ngayon. Dito na lang ako for the entire day.'
saad ng utak ko habang ninanamnam ko pa ang sariwang hangin. Saka 'di pa ako nakuntento't sumampa pa talaga ako sa gilid ng pader na siyang dulo na ng roof top.
Hindi ako na takot o nalulula sa tayog ng gusali ito. Sana'y kasi ako sa matataas na bahagi. Kaya no worry for me. Pagkaupo ko doon. Habang nakabitin ang paa ko sa ere. Mas na-satisfy pa ako at ang sarap sa pakiramdam. So relaxing and very intense to feel, na nasa taas ako ng isang mataas na gusali habang nakadungaw pa. Satisfaction over load talaga sa pandama.
"Ang ganda sobra!" sigawa ko pa sa mangha.
Wari binura ng mga sandali ito ang lahat ng alinlangan at problema ko sa buhay.
At iyong view na napakaganda sa mga mata'y talagang nagdadala ng kapayapaan at pag asa. Feels like a sneak peak of paradise here on Earth.
____________________~*~____________________
Dedication Area
This episode is dedicated to
KeponeRazonable thanks for adding this to ur RD 😁
____________________________________________
Writer's Note: Pa vote and comment po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top