Chapter 36


"3 years later"

Acxies's POV

"Kuya tama na 'yan, masisira na 'yang punching bag oh." awat ni Alex sa akin.

Ngunit hindi ako nagpapapigil. Bagkus pa'y mas lalo ko pang nilakasan ang mga suntok ko. Wala akong paki kung masira man ito.

Basta ang mahalaga ay mabawasan man lang kahitbkaunti ang hapdi at mga alala ng kahapon na patuloy na nagpapahirap sa akin ng mahigit tatlong taon nang lumipas.

Sising-sisi ako sa nangyari kay Zaphie. Kung may kakayahan lang sana ako noon, na ipagtanggol ang mga taong mahal ko. Siguro hindi humantong ang lahat sa ganitong pangyayari. Siguro andito si Zaphie at kasama ko lang siya parati.

Nasaan na kaya siya? Buhay pa kaya siya?

'Zaphie please come back.'  nahiling ko na lang mas lalong nagpalungkot sa puso ko.

Kaya't  imbes na huminahon, ay mas ko pang hinataw ng suntok ang punching bag, sa sobtang inis na nararamdam ko sa sarili ko.

"Kuya, ano ba!" napupunong singhal ni Alex sa akin at mas lalo akong nairita sa kakaputok ng butse niya.

Lalong bumugso ang galit na nararamdam ko sa sarili ko at hindi na ako makuntinto sa pa-punching punching lang. Lalong nag-init ang kamao ko, mukhang  nangangati ito na makipag suntokan at basagan ng mukha. Gigil na gigil ang kalamnan ko na makipagsapakan at rambulan.

At bago ko pa mapagbuntonan ng galit si Alex ay siya
Matapos ay deritsyong sumpa sa boxing ring. Ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na lakas sanhi ng galit na pumapaibabaw sa pagkatao ko.

At dahil dito, lakas loob akong nanghamon ng sapakan.

"Sinong matapang dito! Labanan n'yo ako!" gigil kong panghahamon sa lahat na nasa gym.

Walang kumibo at tumanggap sa hamon ko. Kaya ako yabang na akong pumipili sa kanila.

Sinipat ko sila at nang makita ko ang head trainer ng gym. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw, hinahamon kita" Sabay turo ko sa bihasang trainer na si Jacob.

Hindi naman humindi si couch Jacob at pinagbigyan naman niya ang pagwawala ko. Agad siyang lumapit at umakyat sa boxing ring.

Lahat na patigil sa kanilang ginagawa at tumalima sa paglapit sa boxing ring para panoorin kami.

Nang makapwesto at makahanda na nga kami, ay buong pagpupuyos kong tiningan si Couch. Hanggang sa hindi ko na magawang mag-isip ng matino. Pakiramdam ko na, na ang inoupakan ko'y mga demonyong may ma halang na bituka na.

Kaya wala akong tawad na humataw ng suntok. Hanggang sa hindi ko namalayaang na, bugbog sarado na pala si Couch Jacob.

At sa kalagitnaan ng uminit kong  pagsusuntok ko kay couch, ay hindi ko inaasahan ang isang malutong na suntok sa pisngi ko.

Sa lakas pa nito'y halos mabuwal ako sa pagkakatayo. Buti na lang at nakabalanse agad ako.

Sa pa lakas nito'y nahilo ako ng bahagya habang umiikot ang paningin ko. Saglit akong napalingo at lalo umalaba ang galit ko say hinayupak na sumapak sa akin.

Sinipat ko ang lapastangang sumapak sa akin at nang mahagip ko nga ito sa gilid ko'y humugot ako ng bwelo para gantihan siya ng sapak.

Ngunit bago ko pa tuloyang pakawalan ang pamatay suntok ko'y napatigil ako ng mapagsino ko ito.

"Sige! ituloy mo! Sapakin mo ako!" namumulang bulyaw sa akin ni Alex.

Kaya tuloyan na ngang nanigas ang kamao ko at buong pigil kong binaba ito.

Shit si Alex pala! Hayop na'to ang sakit ng panga ko. Parang sinuntok ako ni Pacquiao ah.

"Ano? Hindi ka ba titigil, huh?" namumulang sermon pa nito.
Habang niluluwagan nito ang kwelyo niya't inaangat ang long sleeves niya.

"Ano, gusto mo nang suntokan, huh? Sige magsuntukan tayong dalawa hanggang sa matigil ka d'yan sa pagwawala mo!"singhal ni Alex sa akin at humanda pa ito. Talagang tatapatan niya ako.

Kaya nama'y huminahon na ako.

Saglit akong natahimik at hiningal. Nang mahimasmasa ay doon ko na lang na kita kung gaano ako, ka walang kwentang tao. Para magpadala sa
galit at bugbugin ang si Coach Jacob.

Halos matunaw ako sa hiya sa nangyari sa mukha niya na halos hindi na maitsura sa dami ng suntok na pinatama ko. Halos maligo na nga ito sa sariling dugo at baka ma ICU na ito sa kahangalang ginawa ko.

'Shit! Ano bang na ngyayari sa akin?'

inis kong himutok sa isipan ko.

"See, what you have done, Kuya!" pagmumukha pa niya sa akin kaya bago pa ako mainis sa paninirmon niya'y tinalikuran ko ulit siya.

"Nagpapadala ka kasi sa galit moh! For good sake! Control yourself, kuya! 3 years na ang nakalipas. Kaya tama na! Mag move on kana sa nangyari, please!" sunod na talak nito

Hindi ako kumibo at tinapunan ko lang siya ng tingin. Matapos ay tinanggal ko ang dalawang gloves ko sa kamay, matapos ay bumaba na ako sa ring.

Ayokong patulan si Alex dahil baka hindi ako makapagtimpi at pati siya'y masasapak ko rin.

Madali para sa kanya na magpayo na mag-move on. Ngunit sa part ko'y mahirap. Mahirap gawin ng sinasabi niyang move on.

Dahil kung alam lang niya sana ang nararamdam ko. Kung paano ako ginagambala ng konsensya ko. Itong pinagdaanan ko na gabi-gabi ko na lang na aalala at paulit-ulit na bumabalik sa isipan kahit saan at ano man ang ginagawa ko.

Siguro'y maintindihan  niya rin ang narramdaman ko ngayon.

Kung alam lang nila kung gaano nakakabaliw at nakakawalang gana sa buhay, iyong pakiramdam na hindi mo alam, kung saan ka mag sisimula at umpisa.

Iyong feeling  na para kang naliligaw at hindi mo alam anong gagawin mo sa buhay mo. Iyong wala ka nang mahanap na direksyon at ang tangi mo na lang nakikita ay isang malawak na empty space. Iyong ganoong pakiramdam.

Kaya heto ako ngayon, nag tra-training ng kung anu-ano. Boxing, karate, firing, lahat lahat na. Kahit na anong pwedeng gawing pampalipas oras at pangtanggal bagot sa buhay.

Pang self-defense para kung sakali man na may magtangka man sa buhay ng mga mahal ko, ay kaya ko na silang ipagtanggol.

Sa lahat ng ginawa ko'y kulang na lang pumasok na ako sa armforce academy o mag-secret agent na lang sa dami ng pinag-aralan ko.

Matapus ko kasing maka gradaute, dito ko nabuhos ang lahat ng panahon ko. Ginugul ko lahat ng attentsyon ko sa iba't ibang mga martial art.

At kung sakali mang may Zaphie man ulit na darating sa buhay ko. Maipagtatanggol ko na siya kahit kanino pa.

Simula kasi noong huli ko siyang makita na critical at nag-aagaw buhay. Habang sakay siya ng isang private plane ambulance, para e air lift mula sa roof top ng hospital patungong airport ay, iyon na rin ang huli naming pagkikita.

Wala na rin akong nabalita sa kanya. Kung ano ang nangari sa kanya pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-antay ako ng balita ngunit walang dumating sa akin.

Hinalughug ko  na rin mga social media niya. Maging mga relatives niya, na mga Alaya ay kinulit ko na rin Ngunit maging sila'y wala ring balita.

At kahit halughogin ko man ang buong mundo. Alam ko mahihirapan at mahihirapan pa rin ako na hanapin siya.

Dahil hindi ko rin alam saan ako magsisimula o saang address ba siya pupuntahan. Ano ba ang alam ko na mga lugar na pwedeng mandoon siya? sa Paris, sa Brazil? Hindi ko alam.

Matapus makagraduate nina Miguel at Rafael, nag-migrate na rin ang lahat na mga Alaya na relatives ni Zaphie, nang hindi ko man lang alam. Siguro, sino ba naman ako para ipa-alam nila?

Malungkot mang iisipin ngunit ang tangi kung magagawa ay antayin si Zaphie kung kailan siya babalik dito sa bansa.

Napakabigat ng ganito. Ang bigat bigat sa puso. Kaya idadaan ko na lang ang lahat sa paghahasa ko dito sa bago kung kinahiligan. Ang firing.

Inasinta ko ang target market matapos ay kinalabit ko ang gatilyo ng baril.

Isang putok, walang mintis at sapol na sapol ang target. Matapos ay sunod sunod ko nang inasinta ang lahat ng mga target. Pagkatapos ay pumalakpak si Lance.

"Nice shoot Acxies! Tudas lahat ng target. Sapol lahat, ang galing ah." manghang saad nito nang kumusa siyang samahan ako sa firing activities ko na ito.

"Mag-apply ka na lang kaya ng Swat? Nang Marines, Police o Secret agent kaya? Ang galing galing muna kasi masaydo eh. Sayang naman ang skill mo." swestyon pa sa akin ni Lance.

At ang tangi ko lang itinugon sa kanya ay ang malalim na paghinga at hindi pag-imik.

Lumapit ito sa akin at tinapik ako. Mataoos sumeryuso.

"Acxies a piece of advice. It's better na patawarin mo na sarili mo. Walang may gusto sa nangyari kay Zaphie noon. Kung anong manngyari sa nakaraan, hayaan mo na lang. Learn to start new beginning. Have a chance to change, tingnan mo nga sarili mo, oh. Ang lakas na ng apel mo, ang gwapo, macho at lahat na nasa sa'yo." payo nito

"And I'm sure lahat ata ng babae sa paligid mo, nagkakandarapa at nasisira-an  na ng ulo sa abs at bysep mo, Dude. So c'mon Dude give chance to others naman." papuri niyang mayhalong pelyo sa akin na kinainis ko lang.

" Pwede ba tumahimik ka nga." Pagsusuplado ko.

"H'wag mong sabihing mag si-single ka forever or magpapari na lang."

Tumawa pa ang luko.

" Sympre hindi. Uwi na nga lang tayo." sita ko sa mga jokes niya.

Habang papalabas na kami ng gym, napansin ko araw araw nadadag-dagan ang mga babaeng member nang gym na pinaglalagihan ko. Panay tingin pa sa akin, na animoy may dala dala akong masarap na adobo.

Sino kayang tinitingnan nila? Baka amoy adobo na 'tong si Lance at kung paningin pa sila't makangiti ay sagad na sagad.

Kaya nilingona ko si Lance at okey lang naman ang itsura at damit ni Lance. Inamoy ko siya ng bahagya. Wala namang amoy na kahit ano.

Muli ko silang tiningnan, talagang 'yong mga titig nila, wari naglalaway na mga gutom.

"Dude, ikaw ang tinititigan nila. Kaya magdamit ka nga at baka matunaw na 'yang abs at bysep mo." mahinang bulong ni Lance sa akin ng mapansin niya akong palingon lingon sa kanya.

"Dude, inuulam ka nila, oh." hagikgik na bulong ni Lance sa akin.

Tiningnan ko ang sarili ko na nakatopless at nakalantad ang pinapawisang katawan. Napa kuha ako ng sando sa bag ko at nagmadali sa pagsuot.

"Hi, can I have your number?

panglalandi  pa nang isang babae na nadaan namin at ngiting ngiting nakatitig sa akin.

"Dudes number daw." pag-uulit p sa pelyong si Lance.

Tiningnan ko ang babae at kinindatan pa ako sabay kagat labi.

Lalo akong nainis sa ginawa niya dahil muli ko na namang na alala si Zaphie sa ginawa niya.

Kaya't sinamaan ko siya ng tingin at sinupladohan ko lang.

"Miss mas maiging mag-aral ka na muna at ayosin mo buhay iyang buhay mo. Kay sa puro paglalandi ang inaatopag mo!" antipatiko kong tugon.

Namula sa hiya ang ining at biglang tumalikod at lumayo sa hiya.

"Ang suplado naman, ang bitter bitter pa." turan ni Lance sa akin.

Kasi naman ang bata bata pa noong babaeng iyon. Tapos kong makapagpalandi akala mo sinong magaling.

_____________________~*~___________________


Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top