Chapter 33

"The Madly Crazy In love "


Kristoff's POV

Akala ko tuloyan nang kinain ng galit at poot ang pagmamahal na raramdaman ko tungo kay Zaphie. Alala ko, na ang  tanging naiwan na lang ay paghihigante at sama ng loob sa lahat ng pasakit na isinukli niya sa pagmamahal na inalay ko sa kanya.

Pero ng makita ko si Sofie na umiiyak at nasasaktan. Puso ko'y wari hinati at dinurog sa sakit na nararamdaman.

"Shessie? I am no longer your bestfriend, damn you bitch!" murang sagutan nila ni Carmenah at sa muli, hahataw na naman sana ng sampal si Carmenah.

Ngunit 'di ko maatim na muling makita si Zaphie na masasaktan. Hindi ko maintindihan kung bakit, nagsusumigaw ang puso ko na pigilan si Carmenah sa ninanais niya.

Sising sisi nga ako, matapos kong sampalin ko si Sofie kanina. Hindi ko sidya ang pangyayaring iyon. Talagang nabigla lang ako at nadala sa bugso ng galit na umaalipin sa akin. Kung kaya't nagawa ko iyon.

Dahil mula sa umpisa hindi ko sinaktan literally at physically si Sofie. Ni ayaw ko nga siyang makitang umiiyak dahil ganoon ko siya ka mahal.

Kaya't matapos ko siyang masampal. Tila tinutoligsa ako ng aking konsensya. Wari ba'y lumilinaw sa akin na ang sama sama kung tao. At sadginawa ko'y biglang nagbago ang nararamdaman ko. Nawala ang galit at sumidhi ang pag ibig ko sa kanya lalo.

Kaya't bago pa man maidapo ni Carmenah ang malutong na sampal, ay maagap ko na siyang pinigilan.

"Enough Carmenah! Tama na!" singhal kong sita sa kanya. At pabalibag kong binitiwan ang kamay niya.

Dahil para magalit siya sa ginawa ko.

"Ano? Mahal mo pa rin siya, huh? Sa kabilang ng ginawa niya sayo. Mamahalin at mamahalin mo pa rin siya, huh Kristoff?" hiyaw niya sa galit.

Kaya't pati si Grace ay umigting rin sa narinig.

"Anong mahal? Anong ang sinasabi niyo." salta nito

"For your information! Ako lang ang mahal ni Kristoff dito! At hindi si Zaphie at mas lalong hindi ikaw!" kontrang singit ni Grace.

Kaya naman lalong uminit ang ulo ni Carmenah sa pagsingit ni Grace. Lalong sumama ang mukha nito.

"Who's this girl Kristoff?" malditang tingin ni Carmenah kay Grace.

Sinulyapan ko si Grace at napairip. Pagkuwan ay muling bumaling kay Carmenah.

"Don't mind her, she's nothing." kaswal kong tugon dahil she's nothing to me anyway.

"Anong nothing?" pag-aalsa pa nito.

Na kinalipat ng atensyon  si Carmenah sa naghihimutok na si Grace. Kasunod pa'y nanguyogpos itong humarap.

"For your information too. Hindi ikaw 'yong tipong se-seryusohin ni Kristoff, kaya h'wag kang ambisyosa bitch!"

"Talaga lang huh? At bakit sa tingin mo, ikaw?" sukatan ng kademonyohan naman ni Grace.

Kaya nakakatawa. Dahil imbes nandito kaming tatlo para maghiganti kay Zaphie at Acxies. Pero ba't ang ngyayari, ay sila pang dalawa ang nagbabangayan?

At bakit ganito rin? Sila nagkakagulo sa pag aagawan sa akin. Samantalang si Sofie ay ayaw na ayaw naman sa akin. Hay naku! Ang gulo! Nakakasakit ng ulo.

"Shut up both of you! Wala akong pipiliin ni isa sa inyo. Kaya magsitigil n kayo!" singhal ko sa kaingayan nila.

Pagkuwa'y hinarap ko si Zaphie.

"See? Sofie? Maraming magagandang babae ang nagkakandarapa at nag-aagawan sa akin. Pero bakit ikaw? Bakit ikaw 'di mo magawang piliin at mahalin ang isang tulad ko. Bakit ina-ayawan mo ako? Ano bang meron siya na wala ako?" buong panggigil kong sumbat sa kanya.

Na ginantihan niya ng matalim na tingin at puno ng pagkamuhi.

"Shit your face!" mura lang ni Zaphie sa akin.

Napalunok ako sa tugon niya at lalong umalab pa ang galit na nanahan sa dibdib ko, sa ginawa niyang pang-iinsulto sa akin. Ngunit sa abot ng aking makakaya'y kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at tumayo.

" Okey fine, if I can't have you. Well, I will make you pay  with all the wealth you have. Kukunin ko ang lahat ng yaman na meron kayo. Besides, it's  Tito Cador who help you to be on the top peak all this time. " buong pagdedesisyon ko.

'Hindi ko man mapilit ang gusto ko sa'yo Zaphie at 'di ko man kayang bilhin ang pagmamahal na nais ko. Sa parteng ito'y,  kukunin ko ang bagay na pwedeng magpapahirap sa'yo.' buong pigil kong turan sa isipan habang sinulyapan ko siya sa huling pagkakataon.

Matapos ay tumalikod na ako dahil 'di ko kayang magbigay ng utos na ikakapahamak ni Sofie sa harapan niya.

Kaya't nang makalabas na ako sa silid na kilagakan nila'y saka pa ako nagbigay ng utos sa mga taohan ni Grace.

"Gave their parents a 5 hours for the runsom money." utos ko.

Pagkuway lumayo na ako sa kinalalagyan nila't hahayaan na lang si Carmenah sa gusto niyang gawin sa mga ito.

Papalabas na ako sa underground ng mapansin kung nakasunod na pala sina Carmenah at Grace

Maging ang leader ng mga armado ay kasama rin nila.

"Sir matapos po ba naming kunin ang ransom money, ay papatayin po ba namin sila?" paglilinaw ng leader.

"Don't, just have the ransom money and just let them live." tugon ko.

"No! They deserve to die!" si Carmenah.

"Yes she's right. Mamatay na sila, nang sa ganoon ay makakahiganti naman tayo." si Grace.

"What ever you want to do with them. I'm out of it. Kaya bahala na kayo sa kanila." paghuhugas kamay ko

"Kill them!" buong utos ni Carmenah.

Matapos ay hindi na ako umimik at pumanhik na lang ako sa taas.

Ayoko man na makita si Sofie na naroroon at nahihirapan. Ngunit malaking invest ko na ang sinayang niya. Sobra sobra na ang inaksaya niyang pagmamahal mula sa akin. Kaya bahala na si Grace at Carmenah sa kanya.

________________~*~________________

Acxies's POV

"Lance kailangan nating makatakas dito." mahina kong saad ko kay Lance habang nililibot ko ng tingin ang kapaligiran.

Maghahanap ng kahit anong bagay na makakatanggal sa mga tali namin sa kamay.

At ang kung nakitang bagay ay isang basag na salaman na about lang ng paa  ni Lance. Doon nakadama ako pag-asa.

"Lance may basag na salamin ka sa tapat mo . Dali gamitin mong paa mo paraa abutin 'yan." mahina kong sabi kay Lance.

Agad namang tumalima si Lance sa sinabi ko. Gamit ang mga paa niya, inabot nito ito. Matapos ay patalon talon niyang inikot ang sarili para makapihit siya papaikot.

At sa abot ng makakaya niya'y sumipa siya't patihayang pinabagsak ang sarili para kapa ito ng kamay niyang nakatali sa likuran niya. Nang magtagumpay siya ay dali dali na nga niya itong inabot. Kasunod noon, gamit ang basag na salamin ay dahan dahan niyang pinuputol ang taling nakapalupot  sa braso niya. Matapos pakawalan ang sarili ay  sunod niya kaming kinalagan.

At dahil sa rehas ang pinaglagakan sa amin. Hindi namin maagawang tumakas ng basta basta. Lalo na at may armadong nakabantay sa labas ng rehas. Kaya pinanatili na lang muna namin ang mga sarili na kunyari nakatali.

Aantayin na lang namin na atukin ang mga kumag na nagbabantay sa labas. Mag-aala dos na ng madaling araw ng pamansin kung antok na antok na ang dalawang bantay.

At kanina ko pa rin napapasin si Zaphie na sinasadya nitong  ibukaka ang mga hita niya na nakaharap sa mga tokmol na armado.

Nainis ako sa ginagawa niyang kahalayan. Dahil hindi ba siya nag-iisip, na skirt ang suot niya? At pwede siyang busohan ng hinayumak na pangit na kanina pa sinisilip ang pinakaruruk ng mga hita niya.

Tapos napapansin ko pang  nagpapacute pa talaga siya sa isang bantay na kumag.

'Shit!' murang pangigil ko sa ginagawa niya hanggang sa mapikon na nga ako.

"Hoi Zaphie anong ginagawa mo huh? Pinangangalandakan mo ba talaga 'yang hita mo, huh? E sarado mo nga 'yan." sita ko sa kanya sa inis.

Ngunit ginantihan lang ako ng mabigat na tingin.

"Pwede ba, 'wag kang panira ng deskarte d'yan!" nagawa pang asik sa akin.

"Just trust me okey?" naiirita nitong dugtong

'Shit! Nang inis ba siya? Bweset!'

mura ng utak ko.

Matapos pa'y binalik niya ang pansin sa lalaking hayok sa kalaswaan. Lalo pang inaakit ni Zaphie ito. Habang ang hunghang na tokmol nama'y gigil na gigil sa paninilip at napapalunok pa sa ginagawang pang-aakit ni Zaphie.

Sa ginagawa niya'y hindi ko magawang 'wag maselos at makonsume sa tokmol. Parang nangangati ang mga palad ko na sapakan ang dalawang mata ng tipaklong na ito.

'Talagang subokan lang niyang kalanti-in ang Zaphie ko, kundi babasagin ko talaga pagmumukha ng pangit na ito!'

buong panggigil ko.

Akala ko hanggang doon lang ang gagawin ni Zaphie sa lalaki. Ngunit ng lingonin ko siya ulit

'Dammit Zaphie! Bakit may pa kagat labi kapang nalalaman. Bweset!' buong panlalaki ko ng mga mata sa ginagawa niya

'Teka inaakit niya ba ang hinayupak na bantay?'

Oo, gwapo nga ang bantay na tokmol na ito. Ngunit  mukhang dugyutin naman ang pagmumukha.

'Ito ba talaga ang trip ni Zaphie?'

gigil kong protesta at sisitahin ko na siya.

"Zaphie ano ba?" saway ko na sinamaan lang niya ng tingin.

Matapos ay mas lalo pang tumindi ang tupak niya.

"Hi!" malanding bati niya at kinindatan pa niya ang nakabantay na armado.

Napapatitig pa ang hunghang at napapalingon lingon pa na parang timang. Sinisigurado kung siya nga ba ang tinutukoy ni Zaphie.

Matapos ay muling tumingin kay Zaphie na parang asong naglalaway

"A-ako?"

at itinuro ang sarili.

"Oo ikaw pogi." yungo Zaphie at nagpapacute pa lalo na kina-ingganyo naman ng bobo.

Tumayo siya at lumapit ng bahagya sa may rehas. Habang ang ibang kasamahan niya'y nakatulog na nang tuloyan.

"Ahm, pogi pwede mo bang kamotin ang leeg ko ang kati kasi eh."  pang-aakit ni Zaphie, na kinatakam naman ng shongak na ito.

Nginig na nginig pa nitong inabot ang kamay niya kay Zaphie na nasa rehas pinosas.

"Talaga? Baka niloloko mo lang ako." pagdadalawang isip pa ng shongak.

"Hindi pogi, talagang makati talaga ang leeg ko, balikat ko at—" napahinto siya and she look seductively sa shongak na lalaki.

'Bweset ka Zaphie! Tama na please. Baka hindi ko na mapigilang ang sarili ko't dudukotin  ko na ang mga mata ng taong 'yan!'

pagsusumamo pa ng utak ko sa selos.

"—dibdib ko.Saka pogi, tingin mo ba sakin mangloloko? Itong mukhang toh manloloko?"

pagpapa-awa effect niyang tuloy. Lumingo ang lalaki at binuksan na nga niya ang nakakandadong rehas. Matapos pay pumasok ito at nilapitan si Zaphie.

Kita ko kung gaano ka sabik na haplos ng lalaki ang balikat ng Zaphie. Matapos ay nagsimula na nga ito sa paghagod at haplos. Habang si Zaphie nama'y

"D'yan poge, ayan baba pa please." saad ni Zaphie na kinaiinis ko na.

Nakakaubos na nang pagtitimpi, kaya't hindi na ako nakapagpigil.  Agad na akong kumilos at hinataw ko ng suntok ang  manyak na armado.

Sunod sunod ko nang ginulpi. Nang magkataon pa ito'y, sisigaw pa sana ito. Buti na lang at maagap na tinakpan ni Zaphie ang bibig. Matapos ay hinampas ang batok kaya't nakatulog ito ng tuloyan.

"Kahit kailan talaga, panira ka talaga ng deskarte." nagawa pang paninermon ni Zaphie sa akin.

Na kinainis ko sa kanya.

"Diskarte ba yon,huh? Eh panglalandi na 'yon eh." kontra ko sa kanya.

" Guys mamaya na kayo magbangayan. Tara na tumakas na tayo. Kailangan na nating makalabas dito bago pa nila tayo matunogan." saway ni Lance sa aming pagtatalo.

Pagkuwan ay na una na silang lumabas sa kinalalagyan naming rehas.

Makakatakas na kaya sila? Abangan sa susunod na kabanata.

_____________________~*~___________________


Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top