Chapter 32
"The Revenge"
Acxies's POV
"Hey Babe?" malambing na baling ni Grace sa bagong dating na lalaki. Nagawa pa niyang yumakap dito at gumawad ng humalik sa pisngi.
'So ito pala ang pinagmamayabang ni Grace.'
"Look at those pitty students and your run away fiancee." saad ni Grace at napagtanto sa akin na si Kristoff pala ang lalaking ito.
Bumaling ito sa amin na puno ng galit ang mga mata. At nakikita ko ang naiipong poot, galit at paghihiganting kulang na Lang umapaw na sa dami nito.
Matapos pa'y buong sama niyang tingin binalingan si Zaphie, na kasalukoyang naka blind fold at pinapaluhod nila.
Kita ko kung paano siya nanggigil sa galit. Habang iyong mga mata niya'y nanlilisik paghihiganti. Tiimbaga niyang nilapitan si Zaphie. Matapos pa'y pahablot niya itong pinatayo.
"Finally found you, my stubborn love of my life." gigil niyang turan habang sinisimotsimot niya ang pisngi at buhok ni Zaphie na parang baliw na baliw.
Bagay na bagay nga sila ni Grace. Mukhang may ma sayad sa utak.
"Kutang kota ka na. Ang laki na ng utang mo at kailangan mo nag magbayad sa mas lalong madaling panahon. So I guess it's time for you to pay all those damages that you have cause in me." panggigil nitong paniningil na para isang asong ulol na sabik na sabik nang mangagat.
Hinila niya ang blind fold ng dalaga at dahasan na hinawakan ang dalawang pisngi nito. Matapos walang bahalang dinukwangan si Zaphie para halikan niya sana ito. Ngunit dahil umiwas si Zaphie at itinulak Nita ang litseng kumag.
Bahagyang napaatras ang may saltik at napatitig ito ng kay patalim. Pagkuwan ay sapilitan niyang kinuyamos ng halik ang dalaga. Nagpupumiglas si Zaphie at maging ako'y napapahila na sa pagwawala mula sa pagkakatali ko.
Dahil hindi ko maatim na dito mismo sa harapan ko, ay dahasan ng kumag na ito na pagtangkaang akinin niya ang labi ng mahal ko.
"Bitiwan mo siya!" buong tapang kong hiyaw sa kanya. Kaya napatigil ang lalaki at lining ako. Doon nakahugot si Zaphie at sinipa niya si Kristoff.
"Damn you bastard!" Buong tapang na mura ni Zaphie, na mas lalong ikinagalit ni Kristoff.
Huhugot sana ito ng sampal, ngunit wari nagdadalawang isip ang lalaki na saktan si Zaphie. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit na nais niyang ilabas sa pamamagitan ng sampal na iyon. Ngunit di niya magawa gawang saktan ang babaeng nasa harapan niya. Dahil ramdam ko at kitang kita ko na mahal na mahal niya pa rin si Zaphie ng sobra.
Binaba niya ang kamay niya at buong pigil na nagtimpi. Pagkuwa'y biglang bumaling si Kristoff akin at buong sama pa niya akong tiningnan.
Kasunod noon ay lumapit siya at bigla na lang akong hinataw ng sapak. Sapol ang mukha ko. Deritsyo akong natumba. Halos mahilo ako at umikot ang paningin ko sa ginawa niya sa akin.
Kung hindi lang talaga ako nakatali. Hinding hindi ko siya u-urongan.
Matapos pa'y hindi pa siya na kuntento at pahila pa akong pinaupo. Pagkuwa'y pinatingala na naman ako.
Magkatulad talaga sila ni Grace. Bagay na bagay nga silang dalawa. Psshh.
"Ito ba? Ito ba ang ipagpapalit mo sa akin, huh? Ito bang pepetsyoging lalaking toh, ang pinagmamatyagan mo sa akin? Huh!" bulyaw pa nito.
"Wala siyang maibubuga Sofie. Hindi niya maibibigay ang lahat na kailangan at gusto mo. Dahil mahirap lang siya!" pangmamaliit pa sa kakayahan ko.
Ngunit hindi nagpadaig si Zaphie. Buong tapang niya itong tinugunan ng tingin.
" Alam mo ba kung anong problema mo, huh! Mayabang ka, wala kang puso, hindi ka tao. Hayop ka! Wala kang kaluluwa! Wala kang pagmamahal! Hindi mo alam kung paano ang magmamahal!" matapang na pasinghal ni Zaphie.
"Bullshit! Mahal? Pagmamahal ba ang sinabi mo, huh?" singhal ring tugon ni Kristoff sabay sipa sa kina-uupoan ko. Dahilan para matumba ako at pasubsub na humandulas sa harapan ni Zaphie.
Kasunod pa noo'y, hinila niya buhok ni Zaphie at walang awang kinaladkad papunta sa tapat ko at pinatingala.
"How could you say that I don't even love you so. Na buong buhay ko nga wala na akong ginawa kundi mahalin ka. What I only knew, is to love you, to protect you and to gave everything for you. We both know that I was so madly in love with you bitch!" buong pagtatangis na sumbat nito.
"Alam na alam mo 'yan Zaphie. Alam mo kung ganoo ko ibinuhos ang lahat na meron ako. Ang lahat lahat na ako, para lang mahalin mo ako. You know how I love you, since the day I met you." buong pangigil niya
"Mahal na mahal na kita Sofie!" namumula sa luhang singhal ni Kristoff na parang masisiraan na nga ito ng ulo.
Iyong galit niya'y wari apoy na nagliliyab sa pagkatao Nita. Nagtutulak sa kanya para maging isang masama. Bakas na bakas sa itsura niya ang lumalagablab na poot at hindi matanggap na katotohanang kahit anong sabihin niya at gawin niya'y hindi pa rin niya mapipikit si Zaphie na mahalin siya, gaya sa ninanais niya.
"Araw araw kitang minahal at umasang balang araw mamahalin mo rin ako. Pero anong ginawa mo? Pinaasa mo lang ako! Sinaktan mo lang ako!" pagpapatuloy nitong sumbat.
Nakikita kong bumubugso na rin ang galit ni Zaphie para dito.
"May pagmamahal bang nanakal? Gumagawa ng gulo, nakikipagbasag ulo, nagiging demonyo? Yan ba? Yan ba ang pagmamahal na sinasabi mo?, huh!." Balik ni Zaphie sa sinasabing pagmamahal ni Kristoff.
Natahimik si Kristoff at buong pinigilan ang luhang nais kumawala sa mga mata niya. Saglit siyang tumahimik ngunit naroon pa rin ang galit.
"Hindi pagmamahal 'yon Kristoff. Selfish ang tawag doon. Kung mahal mo talaga, you must let me go!" humihinahong turan ni Zaphie na nagpahupa sa galit ni Kristoff.
Napayuko siya at kita ko sa mukha niya kung gaano niya nga ka mahal si Zaphie. Ramdam ko ang sakit na nagpapahirap sa puso. Dahil mahirap nga naman magmahal ng taong hindi ka rin kayang mahalin ng pabalik gaya ng inaasahan mo.
Ngunit ganoon paman, iyong pagmamahal niya'y natatabunan pa rin ng galit na umaalipin sa nararamdaman niya. Patuloy pa rin itong bumubulag sa pagkatao niya.
Huminga si Kristoff ng malalim at muling tiningnan si Zaphie.
"Kung hindi ka rin lang mapapasa akin. Mas mabuti pang mawala ka na lang sa mundo!" hiyaw sa galit ni Kristoff sabay hataw ng malakas na sampal kay Zaphie.
Sa lakas nito'y natumba si Zaphie patihaya at halos mawalan ito ng balanse sa tindi ng sampal na pinakawalan ng baliw na si Kristoff.
Bumogso ang galit na nararamdaman ko. Pinilit kong makawala sa pagkakatali.
"Tama na! Hayop ka!" panggigilaiti ko kay Kristoff.
"Poor little boy." singit pa ng bweset na si Grace.
Lalo akong nanggigil sa kahayupang ginagawa nila. Awang awa ako kay Zaphie. Inis na inis ako sa sarili ko dahil wala akong magagawa para dito.
"Zaphie I'm sorry," na-iiyak kong paumanhin.
Mayamaya pa'y may pumalakpak at pumasok na naman sa pintuan.
Napalingon ang lahat sa babaeng kakarating.
"Carmenah?" luhaang 'di makapaniwalang turan ni Zaphie, ng mapagsino niya ang bagong dating.
Larawan sa mukha ng mahal ko ang buong pagtataka.
"Shessie, anong ibig sabihin nito?" naiiyak na tanong ni Zaphie.
Sobrang naawa ako sa kanya dahil nabubug na nga siya physically. Mukhang bobogbugin din pa pala ang puso at tiwala niya. Iyong itsura niyang puno ng pasa at sugat. Mugtok na ma mata at putok pa ang labi niya'y mas lalo pa palang gugulpihin ng katotoohanan.
" Obvious ba Zaphie? " demonyong turan nito at yumakap pa ang Carmenah na ito kay Kristoff.
_______________ ~*~________________
Carmenah's POV
"Ano toh? Bakit magkasama kayo, huh? Shessie anong ibig sabihin nito?" buong katangahan pang pagtataka niya.
Ang slow talaga ng pick up niya. Ang tanga ng pagmumukha. Sarap niyang hambalosin sa ginawa niyang pagpapahirap sa paghahanap namin sa kanya.
"Sofia tama na. Tapos na ang pagigigng maswerte mo. It's time for you to taste bad luck side of your life." ngisi nito.
"Anong pinagsasabi n'yo? Bakit mo 'toh nagawa sa akin, Shessie?" buong pighati niya
"Hindi mo ba talaga na-ge-gets, huh? Sige ipapaliwanag ko sayo. Sisimulan ko sa huli nating pagkikita." paliwanag ko sa bobong babaeng ito.
"Di ba sinabi mo sa akin, na e-engage na kayo ni Kristof kapalit ng kasundo-an ng Dad mo at kay Tito Cador? Tapos nilayasan mo si Kristoff sa araw ng engagement party n'yo. Iniwanan mo sa ere ang best fried ko!" sumbat ko sa spoiled bratz na ito.
"But it's your idea to run away. Ikaw ang tumulong sa akin na tumakas!" pananabit pa niya sa akin.
"What? H'wag mo akong idamay sa kagagahan mo Sofia!"
Naiinis ako sa babaeng ito, dahil lahat na nga, nasa kanya na. Pero ayaw pa rin niyang magparaya at magpaubaya na lang, na hayaan naman niyang maging masaya 'yong ibang taong nagmamahal sa kanya. She's so selfish and self centered. Pa victim pa.
"Inggit na inggit ako sa'yo noon. Dahil noon paman, noong college pa tayo gustong gusto ko na si Kristoff, pero nang dumating ka ka. Lahat nagbago. Lage na lang ikaw ang pa bida, maganda, matalino at lageng magaling sa lahat. Pati sa mga lalaki ikaw palage ang pinagkakagulohan." turan ko sa inis.
"Pero anong ginawa mo sa lahat? Pinapaasa at pinapahabol mo lang na parang mga asong naglalaway sa'yo." tuloy Kong himutok sa pa bida makapal ang mukha.
"Ikaw na nga 'tong pinuprotek tahan, pinagtatangol, minamahal ng lubos at ikaw na ang lahat lahat kay Kristoff. Tapos ano? Sasaktan mo lang siya at pababayaan? Wala na ngang natirang sa akin, Sofie! Kinuha mo na lahat!" singhal ko sa kahangalan niya.
"At anong natira sakin? Wala, wala na!" sigaw ko na hindi niya ikina-imik.
Tangi niyang ginawa ay umiyak at magpa-awa effect.
"Noong magkaproblema ka. Ang buong akala ko maipapakita mo ang galing mo sa lahat, na kaya mong lusotan lahat ng kapalpakan mo sa buhay mo. Ngunit oo nga, magaling ka nga." namumulang paala ko sa pagiging mahina niya.
"Ang galing galing mo ngang magtago at takasan lahat ng problema mo!" gigil kong singhal sabay hila ko sa buhok ni Zaphie.
"Tama na! Bitiwan mo siya!" sigaw pa nang Acxies na siyang pinagpalit ni Sofia sa pinakamamahal kong si Kristoff.
"Ikaw ang punot dulo ng lahat nang ito. Bagay nga ang pangalan na ibinansag sa'yo, Trouble Maker. Dahil sa simulat sapol pa lang, saan kaman pumunta, sino man ang makakasama mo. Lahat mapapagulo at masasali sa gulo, nang dahil sa'yo!" akusa ko na totoo naman talaga.
"Isa kang sumpa Zaphie! Isa kang sumpa sa mga buhay namin!" hiyaw ko sa babaeng ito.
Umiyak lang siya, hindi siya sumagot o lumaban, kaya mas lalo akong nanggigil sa inis. Dahil kahit trinaydor ko na nga siya, hindi pa rin niya ako nilabanan.
" No Zaphie, Hindi totoo ang sinabi niya. H'wag kang maniwala sa kanya." tanggol ng litseng si Acxies.
Kaya binalingan ko siya.
"Oh the night and shining armor guy? Acxies Ocampo right?" nginig kong baling dito.
Pagkuwa'y nilapitan ko ang pinagmamalaki ni Sofia. Hinaplos ko ang pisngi nito.
"Alam mo Acxies, wala ka lang sa kalingkingan ng mga na jowa ni Zaphie sa Paris, Brazil at sa 'di mabilang na lugar sa Europe. Kaya kung ako sayo, 'wag kang umasa na se-seryusohin ka nang babaeng 'yan. Dahil kung si Kristoff nga nasa kanya na lahat lahat. Eh, nagawa niyang ibaliwala at iwanan. Ikaw pa kay?" irip ko
"Saka 'di mo siya kilala. Hindi mo alam kong gaano siya ka paasa at mapaglaro pagnagmahal." dagdag kung paninira upang sirain ang relasyon na meron sila.
"Tama na Shessie, tama na!" iyak na awat ng tanga.
Ngunit wala na akong balak na pakinggan siya. Sisiraan ko siya at babasagin ko sa mga kasinungalingan ang damdamin ng taong mahal niya.
Ano nga bang mangyayari sa kanila?
Paano kaya sila makakawala, mula sa pagkakabihag?
Sundan sa susunod na gumagandang kabanata. Dito lang sa "Trouble Maker" Best Friend Best Enemy Series
_____________________~*~___________________
Dedication Area
____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top