Chapter 30


"The Back Biter BestFriend"


Zaphie's POV

"Carmeh!" masayang tawag ko kay Carmenah habang patakbo ko siyang sinalubong nang nyakap.

Miss na miss ko siya sobra at hinigpitan ko pa lalo ang mainit na yakap ko.

"How are you? I miss so much Shessie." puno ng galak at tuwang tanong ko.

Shessie pala 'yong tawagan namin, meaning noon kasi, she's my the best sister friend, that I've ever had. Super close namin sa isa't isa. Siya ang lagi kong kasama sa ligaya at luha.

Halos magkasabay na kaming lumaki at nagdalaga. Magkasabay nag-college sa Paris. Parehong kurso ang kinuha, sabay nangarap at sabay rin aabutin ang pangarap namin na balang araw ay maging isang dikalebring Fashion Designer.

Both of her parents are just Pilipino, kaya she can speak and understand tagalog. Her parents are already been divorce, kaya palipat-lipat na lang siya ng bansa. Ang mommy niya nasa Brazil habang 'yong Dad naman niya'y nasa Paris.

Dahil nga broken family sila. Kahit saan saan na lang siya pumupunta. Lahat na gusto niya'y nagagawa niya, dahil walang nakiki-alam sa mga desisyon niya.

Sa katunayan pa nga'y napaka-swerte niya. Dahil lahat na lang ng nanaisin niya'y pwede niyang gawin. Todo suporta lang mga magulang niya at bigay lang Kung bigay sa lahat ng hihilingin niya. Her parents trusted her so much with all the things, she want to do in her life.

"Shessie I miss you too." Akap din niya ng mahigpit.

" Akala ko 'di na tayo magkikita Shessie. Hanggang malaman ko na ikaw pala ang sinasabing investor na mag e-emerge sa ESHU. Sinadya mong isali ako sa event na 'yon, anoh? "ngiting pagpapaamin ko sa kanya dahil alam na alam kung siya ang pakana noon.

Ngumiti si Carmen at yumango. Kaya lalo akong napangiti sa kasweetan niya. Ganoon siya ka kalog talaga. Lahat nahahanapan niya ng paraan. Napaka madiskarte niyang tao.

"Nakakatouch ka talaga, Shessie kong maganda. Manang mana ka talaga sa akin." paglalambing ko sa kanya.

"Ikaw talaga Shessie, oh. Syempre basta para sayo, gagawan ko talaga ng paraan." saad niya't ngumiti.

"At talagang tinaguyod mo pa nang mag-isa, ang matagal na nating pangarap, ah. Masayang masaya ako para sayo, Shessie." hindi ko mapipigilang akap ulit sa bestfriend ko na mis na mis ko ng lubos.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Gusto ko kasing sumaya ka Shessie ko, kaya kung hindi mo magawang puntahan ang hilig mo. Dadalhin ko na lang dito sa Pinas para sa'yo." nakakatunaw sa puso niyang saad.

Oh di ba ang sweet ng Shessie ko? Para ko na nga siyang ate, bunso, kapatid, minsan din parang mommy na rin. Kasi siya na rin ang na nenermon sakin nagpapayo at nagbibigay ng moral support.

Kaya ganoon na lang kami kung maglambingan, para kaming mga bata. Iyon bang mas malala pa kami sa magkapatid kong maglampungan sa isa't isa na maging si Kristoff ay pinaghinalaan pang isa raw sa amin ay tomboy.

And speaking of the devil. Napakalas ako sa pagkakaakap at tiningnan ko si Carmenah. Ngunit bago pa man ako magtanong tungkol kay Kristoff ay na una itong magpalit ng pag-uusapan.

"Ang laki ng bahay n'yo ano?" pagiiba niya ng usapan at ginala niya ang paningin sa paligid.

Tiningnan ko siya at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkalula at mangha sa tahanang meron si Dad.

"Hindi naman masyado. Medyo lang. Mabuti pa, ipa-pasyal na lang muna kita sa buong hacienda." Giya ko sa kanya dahil first time niyang makapunta sa ancestral home namin ni Dad.

_______________ ~*~ _______________

Acxies's POV

LAST field trip, last memories to cherish, sa pagiging istudyante ko. Dahil next day ay ga-graduate na kami. And I'm gonna miss them all. Lalong lalo na ang war freak Queen na gumulo sa buhay ko. Kumusta na kaya siya? Mag dadalawang buwan na rin ah at hindi ko na siya nakikita.

Hahai kung pwede lang sana na andito si Zaphie. Siguro ang saya ko na sana ngayon. Mas sulit na sulit pa sana ang mga sandali sa pagiging istudyante ko.

Pero wala na eh, hindi na siya nagpapakita pa. Simula ng sabihin ko sa kanya na mahal ko siya.

Napabuntong hininga ako at napatingin habang ako'y nakatayo at sa huling sandali tininganan ko ang kabuohan ng Campus. Hinihiling ko na sana dumating si Zaphie, kahit sa huling pagkakataon ay makasama ko naman siya sa field trip na ito.

"Dude halika na, aalis na 'yong buss, akyat na tayo." Pukaw na hila ni Lance sa akin.

Matapos ay pumanhik na nga kami at malungkot na naupo sa may parte ng window side.
Pagkuwan ay pinaugong na nga ng driver ang engine ng buss.

Papaalis na sana ang buss nang marinig namin ang pagsipol ng gwardya sa pito niya. Para pigilan muna pansamantala ang pag-alis ng buss. May isa kasing istudyante na humahabol at muntikan ng maiwan. Kaya saglit namin itong inantay.

'Tsss, kasi naman eh, hindi inagahan ang pagpunta. Kainis! Kay titigas talaga ng mga ulo ng mga istudyanteng ito.' himutok ng utak ko.

'Makatulog na nga lang.' sandal ko sa ulo ko sa may sandalan at itinakip ko sa aking mukha, ang hoddie jacket ko. Matapos ay nilagyan ko rin ng earphones ang tainga ko. Para 'di ko masyadong marinig ang iingay kong mga kasamahan.

Ilang saglit nakadama ako ng kaunting antok. Kaya napapikit ako ng mata. At bago pa ako tangayin ng antok. Naramdaman ko ang pagtayo ni Lance, na siyang katabi ko.

Matapos ay muli itong tumabi. Tumagilid ako ng kaunti at humarap sa bintana ng buss para humanap ng kompurtabling posisyon. Saka antok na antok na rin ako resulta ng mga sleepless night na nararanasan ko lately.

At kung kelan gusto ko ng matulog, ay siya namang kinalikot ni Lance said tabi tabi ko. Kaya imbis na makatulog ako ay nauwi ito sa pagkakonsome ko.

"Lance ano ba!"

Balikwas kong sita sa kanya sabay pihit kong paharap sa makulit na ito. Ngunit ng balingan ko ito'y napatigil ako sa gulat.

"Zaphie?" na sambit ko.

Pagkuwan ay bumugso ang saya na naramdaman ko't deritsyo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I miss you so much, Zaphie. And if I'm just having a day dream, please don't wake me up." pikit mata kong yakap sa kanya.

Hindi ko mapigilang manabik sa init ng yakap niya. Hindi ko alam kung bakit basta ganito na lang ang naramdaman ko lately.

At kung panaginip nga man ito. Pwede bang 'wag na lang akong magising? Kasi gusto ko pa kasing makasama ng matagal si Zaphie.

At sa pag-e imagine ko, ay bigla niya akong kinurot.

"Aray!" inda ko sa sakit.

" Ano? Tingin mo pa rin ba panaginip lang ako?" nakangiting tanong niya.

I hold her hand and I press it warmly. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na titigan ang maamo niyang mukha.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta dito na wala kang kasamang mga guards." usisa ko at napatingin sa paligid kung may kasama nga ba siyang guards o wala.

"Don't tell me tinakasan mo na naman ang guardia mo?" hula ko.

At yumango siya na nakangiti.

Kung 'di ko lang talaga ito mahal. Tiyak, senirmonan ko na naman siya panigurado.

"Tinulongan ako ni Carmenah, 'yong bestfriend ko. Kaya heto nga't nakatakas ko ang mga guards ni Dad." may pagmalaki pa  sa himig niya sa paglabag ng utos ng Dad niya.

Pero thank you na rin sa best friend nito dahil sa kanya, muli kong nakita at na akap si Zaphie.

"Ganoon ka rin pala ka pasaway ano?" Kurot ko ng marahan sa dalawang pisngi niya sa hindi ko mapigilang  gigil sa kanya.

"Teka, ba't mo naisipang sumama sa fieldtrip na ito? Anong rason mo? Na miss mo ako ano?" panghuhuli kong biro sa kanya na kinapula ng pisngi niya.

"Huh, hindi ah. Ano kasi—" nagdadalawang isip niyang sabi at napatigil. Saka napayuko't na lungkot.

Siguro nahihiya siyang aminin sa akin na mahal rin niya ako. Kaya
napangiti ako ng kay tamis at sumaya bigla ang puso ko.

Ngunit ng muli niyang inangat ang mukha niya at nag-iba ang emoston niya. Biglang napunit ang ngiti sa labi ko.

"—baka ito na ang huli nating pagkikita Acxies."

naluluhang turan niya na nagbura sa sayang nararamdaman ng puso ko. Matapos ay tuloyan na ngang napalitan ng lungkot Ang mukha ko.

"Huh? Ngunit bakit?" napapalingo kong tanong at hindi siya makasagot agad. Yumuko lang siya't napapaluha lang.

"Bakit Zaphie? Dahil ba   pupunta na ba kayo sa ibang bansa? Okey lang naman 'yon. Dahil pwede naman kitang puntahan doon, hindi ba?" tanong ko.

"Kahit saan pa yan, susundan at pupuntahan pa rin kita." Positibo kong dagdag.

"Hindi ganoon kasimple Acxies. At hindi mo rin maiintindihan ang lahat." sagot niya at hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.

"Ang alin ang hindi ko maintindihan? Ang engagement agreement n'yo ba ni Kristoff na yon. Hindi ba wala na ang kasunduang yon? Hindi ba 'yon ang sabi ng dad mo, di ba?"

"Hindi ganoon kadali na kalasan  si Kristoff, Acxies. Hindi mo kasi siya kilala at maging ang pamilya niya, Acxies." giit niya na pilit na niyang sinasabi sa akin na wala akong magagawa sa problema niya.

Na wala ng pag-asa na maging kami. At hindi ko rin maiwasang mag-isip na baka dinadahilan lang niya ito. Dahil ayaw niya talaga sa akin.

Kaya sumama ang mukha ko sa pilit niyang pagtutulak sa akin palayo sa kanya.

" Hindi ako natatakot Zaphie. Kahit patayin man ako ng sinasabi mong si Kristoff, wala na akong paki-alam. Basta lalapit at lalapit ako sayo ano man ang kapalit. Dahil mahal kita."

Hindi na ako nagpapaligoy pa.

Ngumiti si Zaphie na may bahid ng takot sa mukha. Hindi ko alam kung napilitan lang ba siya o may kinakatakutan lang ito.

Kaya muli kung kinuha ang dalawang kamay niya at hinawakan ko ito ng mahigpit. Tinitigan ko siya sa mga mata.

"Ano mang suliranin mo, andito lang ako para samahan ka Zaphie.  You're not alone. I'm am with you and I'm willing to be with you, no matter what it takes." pagbibigay ko ng suporta sa kanya na kina-iyak nito.

"Acxies, hindi ganoon ka dali ang nais kong ipahiwatig sa'yo. Sapagkat, kahit wala na ang kasundoan, kahit wala ng mangugulo sa buhay ko. Masasaktan at masasaktan ka parin kung ipipilit mo ang sarili mo na mamahalin ako." malabo niyang dahilan sa akin.

Nainis ako dahil ano ba talaga ang pinupunto niya? Dahil ba mayaman siya? Dahil ba 'di ko kayang ibigay ang lahat ng gusto niya? Iyon ba?

Ang dami niyang dahilan. Siguro nga'y ayaw niya lang sa akin. Dahil kung gusto niya. Marami ring paraan.



Tama ba si Acxies sa ginala niya? Alamin sa next episode dali! Bilis!
_____________________~*~___________________


Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit sweetie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top