Chapter 3
First Impression
Okey lang sa akin ang maging sanhi si Zaphie ng problema at sakit ng ulo ko. Pero kapag kapakanan na ng kapatid ko ang pag-uusapan at idadamay niya. Pwes, ibang usapan na 'yon at kailangan ko na nga siyang barahin. Bago pa niya tuloyang malason ang isipan ng kapatid ko.
Gaya ngayon, na naabutan ko si Alex sa garden seat at masayang masaya pa ito. Habang kausap ang universal girlfriend ng mundo.
Mukhang aliw na aliw pa talaga ang bunso kong si Alex. Habang nakikipagkwentohan at hinaharut ni Zaphie.
My brother is just 2 years, younger than me. Kaya madali niya itong mauuto lalo pa't immature pa ito pagdating sa ganitong pag-iisip.
May pahawak-hawak pa, ang kapatid ko sa pisngi ng reyna ng gulo like he really enjoying it.
Siguro she seduce Alex. That is why, ganoon na lang ito kung makapag-flirt ang pasaway kong kapatid sa kanya. Kung makaturing pa. Akala mo magkakilala sila mula pagkabata. Dahil iyong closeness nila parang pang childhood sweetheart.
'Bweset!' kulo ng dugo ko.
Matapos ay bago pa tuloyang mabaliw si Alex sa babaeng ito, ay pumasok na ako sa eksina. Agad kong hinila ang kapatid ko mula pagkakaupo sa tabi ng malanding makati.
Sa sobrang pag-alala ko. Hindi ko na nga nagawang mapansin na napalakas ko pala ang pagkahablot ko sa bunso ko.
"Aray ko, kuya!" impit niya.
"Acxies!" bigkas ni Zaphie sa bigla
Nang hindi ko namalayang pakaladkad ko na palang hinila ang kapatid ko. Mailayo lang sa babaeng lason na ito.
At kung makatawag naman sa first name ko ang babaeng reyna ng gulo. Akala mo close kami. Assuming naman ng babaeng ito.
Kung tratohin lahat ng mga lalaki dito sa Campus. Parang lahat talagang may gusto sa kanya. Kaya ganoon ganoon na lang niya kung bigkasin ang first name. Wala ba sa vocabulary niya ang salitang respect those people who are in the authority position?
Kahit na maganda pa may karisma ang boses niya, na kasing ganda ng boses na luminlang sa sangkataohan. Hindi pa rin excuses iyon para tawagin niya ako na akala mo nakakabatang kaibigan niya.
Minsan nga iniisip ko na reincarnation at siya noong ahas, noong unang panahon. Dahil sa dating ng aura niya na kasing lakas ng mga gayuma na gawa ng mga mangkukulam.
Kay bago pa niya ako talaban ng meron siyang sumpa. Kinontra ko na't tinapuna ko siya ng masamang tingin.
"Kuya ano ba! Nasasaktan ako!" daing ni Alex.
"Pwede ba, bitiwan mo kapatid mo! Wala kaming ginagawang masama ni Alex. Nag-uusap lang kami, okey?" saway na paliwanag ng sinungalin, na mas lalo kung kinainis.
Dahil bawat dahilan niya feeling ko she's a BIG LIAR! And I really don't want to hear her side. Because all I want to believe and what my mind say. Every words that she say is LIE. I feel nothing is true to her.
Feeling ko isa siyang kasinungalingan na iniluwal dito sa mundo at naging tao. Kaya lalo kong naramdaman ang pagkabudhi ko sa kanya.
"Oo, mag kausap pa kayo sa ngayon! Pero Bukas, sa makalawa! Lalasonin muna utak niya! Kaya pwede ba, stay away from my brother!" gigil kong taboy ko sa kanya.
"Ano ba kuya. Walang masamang ginagawa si Zaphie sa akin. Huwag ka ngang praning, pwede ba? Kung iniisip mo na bad influence siya. Nagkakamali ka, kuya." pagtatanggol pa ni Alex sa ahas na babae.
See? Ganoon ka lakas ang lason ang babaeng ito. Agad agad niyang napapa-amo ang kapatid ko. Lalo tuloy umakyat sa kasulok-sulokan ng utak ko ang galit na pilit kong pinagkakagulohan sa pasenya ko na nasasagad na.
Kaya't lalong tumalim ang tingin ko sa babaeng linta. Binalingan ko ito at tiim bagang hinarap.
"This I tell you. Stay away from my brother or else—"
"Or else what? Ipapa-suspend mo ako? Ipapa kick out? Oh, go on! I don't care!" singit niyang dugtong.
Ganoon, ganoon siya ka walang modo, walang hiya, walang respeto. Sumasabat agad kahit hindi pa nga tapos ang sinasabi ko. Nakaka-high blood tong babaeng ito. Letse!
Napatiimbaga ako at nanggigil sa kanya.
"—or else ako ang makakalaban mo!" banta ko sa kanya habang namumula na ang mukha ko sa pagpipigil.
Akala ko matatakot ko siya. Pero timang! Mukhang nagustohan pa ata ng malditang ito ang sinabi ko. Bigla ba namang ngimiti. Akala mo iyong binitiwan kong banta ay isang kiliti sa kanya. Bweset!
Mukhang masya pa talaga siya. Habang kinikilig at napapakagat ng labi na nakatingin sa akin. Anak ng tinapa!
"Eh 'di mas okey. Mas interesting and exciting to know if kung anong mangyayari sa ating dalawa. Hindi ba?" malanding niyang saad at hahawakan sana niya ang kwelyo ko.
Ngunit agad ko na siyang iniwasan.
"Stop it! Don't touch me!" sita ko.
" Okey babe. See yah around Mr President, my lover boy." turan pa niya habang kumindat at ngumuso pa. Saka tumalikod at umalis na ito.
Sa pinangagawa niya parang nanindig ang balahibo ko sa kilabot. Pakiramdam ko mas malala pa siya sa mga multo at halimaw na nakikita ko sa movie.
At habang papalayo pa ito. May pakimbot kimbot pa itong nalalaman. Wari ba pinagmamayabang niya ang waist line niya at ang matambok niyang pwet.
Siguro ito ang pinaka talent niya. Iyong e-seduce ang lahat ng mga kalalakihan sa buong mundo. Nag-masteral atah ito eh. Masteral sa pagkamaniac. Tsss.
Nilingon ko ang kapatid ko at nahuli ko pa itong kumakaway sa papalayong linta. Nang lingonin ko pa si Zaphie ulit, ay talagang nag flying kiss pa ang letse! Sarap batokan.
"Hoy! Ikaw, bumalik ka na nga sa classroom mo! " Sita ko sa kapatid ko sabay tulak ko sa kanya para umusad na sa pag-alis.
~***~
At Cafeteria
Okey na sana ang araw ko. Pero nagbago ng dumating ang isang bagyo. Bagyong nagngangalang Zaphie Ayala. Para rin siyang matamis na asukal. Lageng sinusundan ng mga langgam.
Iyong mga tipong langgam na laging hayok na hayok sa katas ng tamis at mga langgam na magaling sa bola. The Varsiety player. Nagsilapitan ito at nag unahan pa sa pagtabi sa nag iisang girlfriend ng sambayanan.
Nang dumating si Miguel, ang captain ball ng team. Tumayo si Marco na nasa kaliwa ni Zaphie at binigyan ng pwesto ang leader ng grupo. Habang iyong iba nag-agawan sa kabilang banda. Makatabi lang ang kinababaliwan nilang war freak.
Akala mo talaga sinong santos na pinagkakagulohan ng mga nanampalataya. Tsss. At habang binabayo ng mahanging karisma ni Zaphie ang loob ng cafeteria. Bigla kong namataan si Rica na paparating.
At bago paman sila magpang abot. Ramdam ko na ang pagkirot ng nerve cell utak ko. Dahil alam ko na ang kasalukoyang bagyo ay mukhang mauuwi na atah sa malakas na dilobyo.
Nako rayot nanaman ito at ayon nga. Nang magkakitaan ang dalawa. Hindi nga ako nagkamala. Nag tidal wave nga ang buong cafeteria. Wash out lahat ng upo-an lamisa at tsunaming nagsilabasan lahat ng mga studyante. Dahil sa pagwawala ni Rica.
'Bweset! Hindi na ito pwede!'
sigaw ng utak ko.
Kaya tumayo na ako at mabilis ko silang nilapitan. Habang nagsasabunotan sila at sampalan. Wala silang paki kung saan sila magsakalan o gumulong. Hanggang madaganan ni Rica si Zaphie sa ibabaw ng mesa at sinabunotan ng tuloyan.
Doon sa harap ng lamesang kinalalagyan nila. Doon ko hinataw ng malakas na hampas ang kinahihigaan nila. Nang siyang nagpatigil nila sa gulat at tahimik sa dalawang nagrarambolan.
"Hindi ba talaga kayo titigil, huh!" singhal ko habang nanginginig ako sa galit sa kanila.
Nakakapikon na talaga. Talagang inubos na nila ang pasensya ko.
"Rica halika ka nga dito! Nakakahiya ka!" awat at hila ni Miguel sa kasintahan.
Pahablot na hinila ni Migs ang Girlfriend niya. Saka pakaladkad niya itong inilayo kay Zaphie.
Kaya si Zaphie hinarap ko.
"Pwede ba, kahit isang araw man lang. Mag day off ka naman sa pagiging sanhi ng gulo dito sa Campus! Nakakapuno ka na. Pwede ba, please lang! Just one day, h'wag kang gumawa ng kahit anong gulo." gigil kong pakiusap sa kanya at Kahit tuyo na ang pasensya ko. Pinilit ko pa rin siyang pinagtitimpi-an.
"As long as insecurity is present. I can't assure you with your request, Acxies." kaswal niyang tugon with her damn smile.
Shit! I can't ignore her temptation smile. It's like she's hepnotizing me and mesmerizing me shit!
Grabe sinumpa ba ang babaeng toh?Grave sa karisma kapag ngumingiti siya. Natutunaw ang galit ko. Bweset!
At bago niya mapansin ang pagkaasiwa ko. I made myself look like I'm so angry with her.
"And one more thing. Can you stop calling me in my first name? Nakaka-konsome kasi pakinggan pag ikaw ang bumibigkas." dagdag ko.
"Okey Babe, so can I have my snack na ba?" malumanay na my matang tanong niya na kinapikon ko lalo.
Those eyes, it really tickle my heart.
Shit! Talaga ang babaeng toh!
Kaya bumalik na ako at kinuha ko lahat ng gamit. Aalis na lang ako sa lugar na ito. Dahil mukhang sasabog na ako sa hindi ko maipaliwanag na galit at damdamin.
Sa kakadali ko sa pag-alis Hindi napansin ang babaeng kasalubong ko. Dahilan pa matabig ko ang hawak niyang food tray na may pagkain at inumin. Tuloy, tuloyan na ngang natapon sa damit ng babae ang chocolate cake at juice drink niya.
'Oh shit! Nakakahiya ka Acxies!' daldal ng utak ko.
"Sorry 'di ko sinasadya, Miss. Palitan ko na lang and here." Dukot ko sa panyo ko sa bulsa ko. Matapos abot sa kanya.
Dali dali ko na rin kinuha sa kanya ang nadumihang food tray.
"No, it's fine I'm alright." mahinahon nitong tugon sa akin.
Nang pagsinohin ko ang babae, ay 'di ko ito familiar.
" Bago ka ba dito?" Tanong ko habang tinulongan ko siya sa pagpulot ng natapong baso ng juice.
Yumango ang babae at simpleng ngumiti.
"And your are?" Tanong ko ulit sabay kuha ko sa panyong marumi na. Matapos ay giniya ko siya sa counter. Para makakuha ng table napkin pampunas sa nagkalat na cake sa damit niya.
"Grace, I'm Grace Real." Sabay lahad ng kamay niya. Kaya inabot ko naman at nakipag shake hand ko.
"Oo, tama ka. Transferee ako student ako. Isang—" napatigil siya't mukhang nahihiya.
"probinsyana girl." dugtong niya at napayuko.
"Oh, na't ka nahihiya? Alam mo I like probinsyana girl." ngiti ko at napansin kong na preskohan si Grace said sinabi ko, kaya nag isip ako ng pambawi.
"I am probinsyana girl is sweet, pure and good to have I mean." paglilinaw ko kaya napatango siya.
"By the way, I'm Acxies Ocampo by ." pakilala ko sa kanya.
And I decide to be with her for while. Bawi na rin sa embarrassing moment niya sa first day of school niya dito Campus. Total kasalanan ko naman. Kaya ili-libre ko na lang muna siya. And at the same time. To have some chit chat and snack together with her. Totalbaho ko ang e tour sila at e welcome sila sa school na ito, as a school President.
Maganda siya, innocente, mahinhin. Parang babae na dapat eha-handle with care. Maria clara girl kung baga. She's so very cool to be with. Kay hindi ako nahirapan na gustohin siya.
Simula noon madali akong na hulog kay Grace. She's like an ANGEL. Anghel na nahulog sa langit.
Working student siya sa isang coffee shop, sa umaga at waitress naman sa gabi, sa isang resto bar. May mga sideline rin daw siyang binibinta. Ganoon siya ka hardworking na estudyante.
Very responsable at independent person. Naiiba siya at walang katulad. Kaya mas Lalo akong humanga sa galing niya.
Lage kaming magkasama at napapawala niya ang sakit ng ulo ko na siyang laging nakukuha ko kay Zaphie akin. Siya ang eyes breaker ko sa mga hectic at toxic task na mga gawain ko sa school.
____________________~*~____________________
Dedication Area
____________________________________________
Writer's Note: Pa VOTE and COMMENTS po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top